Kabanata 9
Nagising ako sa sobrang lakas ng tunog ng *phone* ko, halos sumakit ulo ko. Umungol ako at kinamot ang pisngi ko tapos inabot ko na 'yon at hindi na chineck kung sino tumatawag, sinagot ko na agad.
"Magandang umaga, Lyra." Narinig ko ang pamilyar na boses sa kabilang linya.
"Kate?" Tanong ko pero parang lasing pa boses ko kaya inayos ko.
"Karaniwan, ang mga tao sumasagot ng magandang umaga pero, hey, who cares right," sabi niya na may sarkasmo sa boses niya.
Bumuntong-hininga ako at kinusot ang mga mata ko at humiga ako ng nakatalikod, nakatingin sa kisame.
"Magandang umaga, Kate. Bakit gising ka ng maaga? Hindi ka ba dapat nagpapagaling ng hangover?" Tanong ko na medyo nagtataka.
"Alas diyes na ng umaga, Lyra."
"Exactly. Umaga."
"Karaniwan gising na ang mga tao sa ganitong oras, alam mo naman, at saka, ayoko matulog ng matagal kaya ayun."
"Hindi ka ba dapat may hangover?" Inulit ko ang tanong ko.
"Hindi. Sinigurado ni Abel na bigyan ako ng mga pain killer bago ako natulog kagabi." Paliwanag niya tapos tumahimik siya bago muling nagsalita. "So..."
"Yes, Kate."
"Nagkita kayo ng kapatid ko, ha." Parang sinabi niya.
"Well, oo at hindi."
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya, kita sa boses niya ang pagkalito.
Sinubukan kong ipadaan ang kamay ko sa buhok ko pero pinagsisihan ko rin agad dahil sumabit ang mga daliri ko sa buhol ng buhok ko. Huminga ako ng malalim at inilagay ko ang kamay ko sa tiyan ko.
"Nagkita kami ni Abel nung lumipat kami ni Nanay dito at nagkabanggaan din kami ilang araw pagkatapos nun nang nagkaproblema ako sa kotse." Sinubukan kong ipaliwanag habang naghihikab.
Medyo natahimik ang linya ng ilang sandali at nagtaka ako kung natapos na ba ang tawag pero nung chineck ko ang screen ng *phone* ko, nakita ko pa rin ang mga segundo na tumatakbo, na nagpapakita na ongoing pa rin ang tawag. "Kate? Kate, ok-?"
"Oo, nandito pa ako," pinutol niya ako. "G--gusto mo ba ang kapatid ko?" Bigla niyang sinabi.
"Ano?" Nagtataka kong tanong.
"Sabi ko, gusto mo ba--"
"Narinig kita sa una pa lang." Ngayon ako naman ang pumutol sa kanya. "Bakit mo naman ako tatanungin niyan?"
"Tanong lang naman, Lyra. Ang kailangan mo lang naman sabihin ay oo o hindi."
Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Kate, "Teka lang, may pinapagawa si Nanay sa akin kaya kakausapin na lang kita mamaya. At huwag mong isipin na nakalimutan ko na may sagot ka pang dapat ibigay."
Nakahinga ako ng maluwag at sinabing, ok lang, bago pa man natapos ang tawag.
Pagkatapos ng ilang segundo, may kumatok sa pinto ko, "Pasok."
Sumungaw ang ulo ni Nanay sa may pintuan bago tuluyang pumasok. "Uy, Honey."
"Uy, Nanay," sabi ko habang bumabangon ako mula sa pagkakahiga ko.
Lumakad siya papalapit sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. "Tumawag ang trabaho," simula niya, maingat na binabantayan ang reaksyon ko at nang wala akong sinabi ay nagpatuloy siya. "Magbabalik-trabaho ako sa Lunes."
"Ibig sabihin, aalis ka na?"
"Oo, honey. Pero huwag kang mag-alala, si Mrs. James na ang mag-aalaga sa 'yo."
"Mrs. James?" Tanong ko.
"Oo. Si Pauline." Paglilinaw niya at binigkas ko na lang ng 'oh'. "Kinausap ko siya at sinabi niya na matutuwa siyang gawin 'yon. Sabi pa niya, pwede ka raw tumuloy kung gusto mo."
"Kaya ko naman dito mag-isa. Hindi na kailangan na ipa-babysit mo pa ako sa kanya."
"Nung huli, halos sunugin mo ang bahay at saka ayoko na iwan ka mag-isa," sabi niya.
"Disisiyete na ako, Nanay. Magdi-disiotso na ako anytime."
"Wala nang lugar para sa iba pang diskusyon, Lyra," sabi ni Nanay habang bumabangon, "Nagdesisyon na ako." Sa sinabi niyang 'yon, lumabas na siya ng kwarto ko.
Naramdaman ko ang galit sa paraan ng pag-arte ni Nanay. Inihagis ko ang kumot ko at naglakad papunta sa banyo para maligo at magsipilyo. Lumabas ako at naglagay ng lotion at nagbihis para sa araw na 'yon ng maluwag na *sweats* at *tank top*. Pagkatapos nun, inayos ko ang kama ko at kinuha ko ang *phone* ko sa may *nightstand* at lumabas ako ng kwarto ko.
Nung naglakad ako sa sala, nakita ko si Nanay na may kausap sa *phone*. Umupo ako sa sofa at kinuha ko ang *remote* sa *coffee table*, nagpalipat-lipat ng *channel* hanggang sa nakahanap ako ng isang episode ng 'The amazing world of gumble' at nagdesisyon ako na panoorin na lang ang palabas. Maya-maya pa, ang lahat ng atensyon ko ay nasa palabas na at natawa ako sa ilang mga katawa-tawa na mga bagay.
"Lyra," narinig ko ang tawag ni Nanay mula sa kung saan sa kusina, "Paki-tingnan nga kung sino ang nasa pinto."
Nahumaling ako sa palabas kaya hindi ko man lang narinig ang doorbell. Tumayo ako mula sa sofa at nagtungo sa pintuan. Nung binuksan ko 'yon, nabati ako ng huling mukha na inaasahan kong makita.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na nakapamewang na, hindi na nagtatago ng pagkasuklam sa boses ko.
"Nandiyan ba si Nanay mo?" Sabi niya na hindi pinansin ang una kong tanong.
"Oo. Bakit?" Hindi rin siya sumagot sa tanong na 'yon kaya isinara ko na ang pinto at pagkalapit ko pa lang sa pagtalikod, handa na akong umalis, dumating si Nanay sa may pinto.
"Sino 'yon?" Tanong niya.
"Wala," sagot ko pero pinanood niya ako ng may pagdududa bago buksan ang pinto at nakita niya si Owen na nakatayo pa rin kung saan ko siya iniwan.
"Owen," sabi ni Nanay at iniwan ko na sila at nagpatuloy na sa ginagawa ko kanina.
Sinubukan kong huwag pansinin ang pag-uusap nila pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong kung ano ba talaga ang gusto niya.
"Sinabi ni Lola na ibigay ko 'to. Sabi niya, ito ang paraan niya ng pagbati sa 'yo ng good luck sa pagpunta mo."
"Ay. Hindi na niya kailangan pang gawin 'yon." Narinig ko na sabi ni Nanay, "Pasok ka."
Nakita ko na si Owen na nagtungo sa sala mula sa gilid ng mata ko.
"Kukunin ko 'yan," sabi ni Nanay na kumuha ng parang gawang bahay na cookies sa isang *tapperware*. "Mag-relax ka lang." Nakakagulat, umupo si Owen at pumili siyang umupo sa tabi ko sa *love sitter* na dahilan para medyo kabahan ako.
Sinubukan kong ituon ang sarili ko sa palabas pero si Owen, halos binubutasan ako ng mga mata niya, mahirap sabihin na nagawa ko 'yon. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ko siya, "Ano?" Tanong ko dahil hindi man lang nagbago ang tingin niya kahit nakita ko siyang nakatingin, parang nakatitig pa nga.
Pumili siyang magsalita pagkarinig niya kay Nanay na palapit. "Naayos mo na ba ang kotse ni Nanay mo?" Tanong niya ng basta-basta.
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya at ngumisi siya na parang natuwa sa reaksyon na nakuha niya sa akin. Tumingala ako at nakita ko si Nanay na papasok na na may naguguluhang mukha.
"Anong ibig mong sabihin?" Pumasok si Nanay at inabot kay Owen ang ngayon ay walang laman na *tapperware*.
Tumayo siya at tiningnan niya ang Nanay ko, tapos ako. "Ayoko na mapahamak si Lyra," sabi niya kahit na sigurado ako na 'yon mismo ang hindi dapat sabihin ng isang tao kung ayaw niya akong mapahamak.
"Huwag kang mag-alala. Hindi siya mapapahamak." Sinubukan ni Nanay na tiyakin kay Owen kahit na alam naman naming pareho na hindi niya tinotoo ang sinabi niya.
"Tinatanong ko lang siya kung naayos na niya ang kotse mo dahil huli ko siyang nakita na kasama 'yon, patay ang baterya." Kung bakit kailangan pa niyang magkunwari na may pakialam, hindi ko maintindihan o paraan ba 'yon para makaganti.
"Aalis na ako. Masaya na nakita ko kayo. Lyra." Sinabi niya ang huling parte na may malokong tingin sa mga mata niya.
"Sabihin mo kay Pauline, salamat sa cookies," sabi ni Nanay at ngumiti kay Owen.
Pagkasara na pagkasara ng pinto, tiningnan ako ni Nanay at ang ngiti niya na meron siya kanina, napalitan ng galit na itsura.
"Magpaliwanag ka." Iyon lang ang kailangan niyang sabihin para maibuga ko ang lahat ng laman ng tiyan ko. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari nung araw na 'yon.
"Nadismaya ako sa 'yo, Lyra," sinaway niya ako. "Bakit hindi mo sinabi sa akin kung ano ang nangyari? Kinailangan ko pang malaman sa iba." Hindi ko nahanap ang lakas ng loob na itaas ang ulo ko dahil alam kong mali ako.
"Hindi na po mauulit," bumulong ako.
"Mas mabuti. Pinatutunayan lang nito na tama ako. Hindi ka mananatili dito ng mag-isa. Diyan ka muna kay Miss James hanggang sa makabalik ako."
"Pero, Nanay--" simula ko pero pinutol agad niya ako ng tingin niya sa akin.
"Pasensya na."
"Alam ko," bumuntong-hininga siya tapos lumapit siya para yakapin ako. Lumayo siya at hinawakan ako sa layo ng braso, "Aalis na ako at gusto kong maging maayos ang relasyon natin pero dapat mong malaman na hindi kita iiwan dito na mag-isa."
Galit ako kay Owen.