Dahan-dahan akong naglakad pauwi galing sa eskwelahan, nakabaon ang mga kamay ko sa bulsa. Ang eskwelahan ay parang ibang araw lang: walang masyadong nangyari.
Simula nung namatay si Tatay, parang pababa lang ang takbo ng mga bagay-bagay. Ang mga kaibigan ko, umalis lahat agad-agad, ayaw maging parte ng palabas na ako.
Tatlong bahay na lang ang layo ko sa amin nang makakita ako ng trak na panglipat na nakaparada malapit sa bahay namin.
Sino kaya lilipat?
Pagkalapit ko sa bahay, nakita ko ang mga lalaking naka-uniporme na may kaparehong logo ng kompanya na nasa trak, nagdadala ng mga kahon palabas ng bahay.
Binilisan ko ang lakad ko papunta sa bahay at muntik pa akong mabangga sa isa sa mga lalaki papasok. Tumingin ako sa sala at nakita kong punong-puno ng kahon ang karamihan ng kuwarto.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa wala.
Nagdesisyon akong maghanap ng sagot, pumunta ako sa hallway at kumatok sa kwarto ni Nanay.
"Pasok," narinig ko ang boses ni Nanay, medyo malabo dahil sa saradong pinto.
"Lilipat ba tayo?" Ito ang unang tanong ko nang pumasok ako sa kuwarto niya.
"Uy, anak," sabi niya habang nag-iimpake ng gamit niya sa mga bakanteng kahon. Hindi man lang sinagot ang tanong ko. "Kamusta sa eskwelahan?"
"Lilipat ba tayo?" ulit kong tanong sa kanya.
"Oo anak," sagot niya at huminto sa pag-iimpake, "Naalala mo yung sinabi ko sa'yo?"
"Oo pero hindi mo naman sinabi na ganito kaaga," sagot ko.
"Anong kaibahan ng ngayon?" tanong niya.
"Marami Nanay-"
"Pwede ba wag na muna ngayon," pinutol niya ako bago ko pa matapos ang sasabihin ko. "Promise mag-uusap tayo mamaya pero pwede bang maging mabait ka at iligpit yung natitira sa kwarto mo?" pakiusap niya.
Pasuko akong bumuntong-hininga at umalis sa kwarto niya na walang imik na oo.
"Salamat!" sigaw niya pagkatapos kong isara ang pinto sa likod ko.
Kahit hindi niya sabihin, alam ko kung saan kami pupunta-- o kung saan siya tumatakas. Hindi naman mahirap malaman sa mga palaging bilog sa ilalim ng mga mata niya. Mukha siyang binabagabag ng mga alaala ni Tatay na nakatago sa bawat sulok ng bahay. Kahit hindi na kami masyadong nag-uusap tungkol sa kanya pagkatapos ng insidente, malinaw kong nakikita ang sakit na pilit niyang itinatago. Hindi niya ito maitago nang maayos.
Pumasok ako sa kwarto ko, kinuha ko yung natitira kong mga damit sa aparador at nilagay sa maleta na parang medyo maliit para magkasya lahat. Pagkatapos noon, dinala ko ang maleta ko palabas at nilagay sa likod ng kotse ni Nanay.
"Tapos na ba?" narinig ko ang boses ni Nanay mula sa likod ko.
"Uh...hindi," bumuntong-hininga ako. "Kailangan ko lang kumuha ng isa pang bagay tapos alis na tayo."
Pagkatapos noon, bumalik ako sa loob, nagtagal ako sa pagtingin sa ngayon ay walang laman na bahay na tinawag kong tahanan sa matagal na panahon.
Hindi ako makapaniwalang aalis na kami.
Sumalakay ang guilt at ang mga alaala na palagi kong sinusubukang pigilan ay naglaro sa harap ng aking mga mata. Pumikit ako sa pagtatangkang itaboy ang mga alaala pero lalo lang tumulo ang mga luha sa aking pisngi.
Huminga ako nang malalim at sinubukang ayusin ang sarili ko at kinuha ang kahon na naglalaman ng ilang damit na hindi kasya sa maleta at umalis sa bahay na naglalaman ng napakaraming alaala, mabuti man o masama.
"Pwede na tayong umalis," anunsyo ko pagkatapos kong ilagay ang kahon sa likod at isara ito.
Lumapit si Nanay at niyakap ako nang mahigpit. "Huwag kang mag-alala anak, pupunta tayo sa mas magandang lugar," bumulong siya. "Makikita mo," binitawan niya ako at pumasok sa kotse.
Tinitigan ko ang bahay ng ilang segundo at sinubukang itatak sa isipan ko ang bawat pulgada ng bahay, mula sa kakaibang pagkakabit ng duyan hanggang sa bagong gupit na damo.
"Paalam," bumuntong-hininga ako at naglakad papunta sa kotse.
Sumakay ako sa passenger seat at isinuot ang seat belt. Nag-reverse si Nanay palabas ng driveway at bago ko pa man namalayan, nagmamaneho na kami papunta sa bago naming tahanan.
Matawag ko na bang tahanan ito?