Kabanata 18
“Uhh…ano daw—tama ba ang narinig ko?” Naghanap ako ng tamang tanong. Inutusan ba niya talaga ako na gawin ang akala ko? O baka bingi lang ako?
“Yung *tray* Lyra. Hindi yung damit.” Walang emosyong sabi niya.
“A…alam ko ‘yun.” Depensa ko, naka-cross ang mga braso ko. Pero sa totoo lang, alam naman ng lahat na yung *tray* ang pinag-uusapan niya, hindi yung damit.
Nasaan ba ang utak ko?
“Oo naman.”
Bilang sagot, kinuha ko yung *tray*, tinakpan ko yung mukha ko ng buhok ko para hindi niya makita yung pagkapahiya ko.
Binitbit ko yung *tray* papuntang kusina at sinulyapan ko yung cellphone ko na nakalimutan ko sa *counter*. Kinuha ko ‘yun at nakita kong may *missed calls* galing kay Kate. Sobrang busy ako sa pag-aasikaso kay Owen kaya nakalimutan ko yung kasal.
Kinuha ko yung telepono para tawagan siya, pero bigla itong nag-ring sa kamay ko. Ni-*swipe* ko yung *screen* at nilagay sa may tenga ko.
“Nasaan ka na ba?!” Sigaw niya, kaya inilayo ko yung telepono sa tenga ko bago pa man may masira. Pagkatapos kong masigurado na hindi na siya sisigaw, ibinalik ko yung telepono sa tenga ko.
“Alam mo ba kung gaano ako nag-alala?” Sabi niya, kahit kalmado na siya ngayon.
“Sorry na.”
“Dapat lang. Anyway, gusto ko lang sabihin sa’yo na hindi ako pupunta sa kasal.” Narinig ko na tumaas ang boses niya.
“Bakit?”
“Pumunta yung boyfriend ko!” Tili niya na may halong saya. “Nasa bayan siya at nagulat ako, kaya nagdesisyon akong magpalipas ng araw kasama siya.”
“Paano yung kasal ng Tita mo?”
“Ikakasal siya kaya maiintindihan niya ako. Tsaka sinabi ko kay Nanay na humingi ng tawad sa behalf ko.” Dagdag niya, tapos narinig ko yung boses ng isang lalaki na tumatawag mula sa telepono sa malayo. “Okay Lyra. Kailangan ko nang umalis. Ingat ka.”
“Ikaw rin.” Sagot ko bago natapos ang tawag.
Naglakad ako pabalik sa kwarto ni Owen para tignan siya, pero hindi ako handa sa nakita ko. Nandoon si Owen sa kama, naka-boxer briefs lang. Nagsisigaw ako, tinatakpan ko yung mga mata ko gamit ang mga kamay ko at lumabas ng kwarto. Siguro mas okay na siya kaysa kanina. Nagdesisyon ako na iisipin na sinunod niya talaga ako nang sinabi ko sa kanya na subukan niyang magtanggal ng damit para mas mabilis ang paggaling.
Nagdesisyon akong manood ng t.v. para mawala ang oras, at swerte naman, may rom-com na pinapanood ko. Makalipas ang ilang oras, narinig kong nag-ring ang cellphone ko mula sa kusina. Nagbuntong-hininga ako at bumangon mula sa sofa at nagpunta sa kusina. Pagkakuha ko sa cellphone ko, napansin kong si Pauline yung tumatawag.
“Hello?”
“Lyra?” Narinig ko yung boses niya sa telepono. “Kasama mo ba si Owen? Tinatawagan ko yung cellphone niya pero diretso sa *voicemail* palagi.”
“Nasa kwarto niya.” Hindi ako sigurado kung dapat ko bang ipaalam sa kanya na hindi talaga okay si Owen.
“Oh, mabuti.” Nagbuntong-hininga siya. “Pwede mo bang sabihin sa kanya na hindi ako makakauwi?”
Anong nangyari? Gusto kong itanong pero nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag.
“Naaksidente yung isa sa mga babae kaya doon ako matutulog kasama siya. Sana walang problema kayo ni Owen.” Sabi niya na malinaw na nag-aalala yung boses niya.
“Wala naman. Sasabihin ko kay Owen paggising niya.”
“Okay honey. Huwag kang mag-atubiling tumawag kung may gusto ka.”
“Hindi ako mag-aatubili.” Maya-maya, natapos ang tawag at bumalik ako sa sala para ipagpatuloy ang panonood ng pelikula.
Narinig kong bumukas at nagsara ang ref bago ako tumingin sa direksyon ng kusina at nakita ko si Owen. At least sinubukan niyang magtakip nang konti. Ang susi, sinubukan, dahil naka-shorts lang siya na nakalagay sa lugar na delikado sa baywang niya.
“Gusto mo bang magpa-picture?” Sabi niya na nagpa-flex pa ng biceps niya, at inikutan ko lang siya ng mata.
Mayabang talaga yung lalaki.
Binalik ko yung atensyon ko sa pelikula kahit wala nang kwenta, siguro nawalan na ako ng gana. Pinanood ko lang yung babae na lumuluhod sa harap ng lalaki na may singsing sa kasal sa isang maliit na kahon na velvet.
“Wala pa rin ba si Lola?” Tawag ni Owen, nakatayo sa tabi ko bago siya tumabi sa akin.
“Oo. Sabi niya hindi siya makakauwi kasi aalagaan niya yung isa sa mga kaibigan niya na naaksidente.”
“Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nun?” Ngumisi siya sa akin.
“Ano?”
“Tayo lang ang nasa bahay.”