Kabanata 23
Naglalakad kami ni Kate papuntang klase nang may isang babae na huminto kay Kate at sinabing kailangan nilang pag-usapan ang tungkol sa isang proyekto.
"Magkita tayo ulit Lyra." Binigyan niya ako ng mabilisang yakap at nagmadaling umalis kasama ang ibang babae.
Nagsimula akong maglakad papuntang klase nang may naramdaman akong presensya sa tabi ko. Tumingin ako at nakita ko si Owen na naglalakad sa tabi ko. Sinubukan ko siyang hindi pansinin pero wala rin.
"Anong ginagawa mo?" sa wakas ay tanong ko.
"Naglalakad. Kung hindi mo halata." Sagot niya nang mayabang.
Bumuntong hininga ako nang malakas, "Ibig kong sabihin anong ginagawa mong naglalakad sa tabi ko?"
"Edi bakit hindi mo na lang tinanong agad? Makakatipid tayo ng oras."
Nagdesisyon akong maglakad nang mabilis pero si Owen, sa kanyang mahahabang binti, ay walang hirap na nakahabol sa akin.
"Bakit mo ako sinusundan?"
"Pupunta ako sa klase. Parehas tayo ng klase, malalaking mata."
"Ano?"
"Sabi ko parehas ta-"
"Hindi 'yun. Anong tawag mo sa akin?" Dito ako huminto sa paglalakad at hinarap siya.
"Oh malalaking mata? Na-isip ko na hindi naman kasing-ganda kung tatawagin kitang mata ng kuwago kumpara sa pagtawag sa'yong malalaking mata." Nagkibit-balikat siya. Tapos, ngumisi siya. "Tsaka. Mayroon kang malalaki at sexy na mata. Maliban na lang kung gusto mong tawagin kitang sexy eyes?"
Sinubukan kong maging seryoso pero mas mahirap pa sa inaasahan kaya sa halip ay tumingin na lang ako sa sahig habang naglalakad.
Tumunog ang bell pagkapasok namin sa klase at maya-maya ay may mga bulungan.
Lumakad ako papunta sa mesa na kadalasan kong inuupuan nang umupo sa tabi ko si Owen. Nagpasya akong huwag siyang pansinin sa buong klase. Pero hindi naman siya gaanong nakakainis gaya ng inakala ko.
**********
Kumukuha ako ng ilang libro mula sa locker ko nang may naramdaman akong presensya sa likod ko. Tumingin ako sa likod ko at hindi na nagulat nang nakita ko si Owen na nakatayo doon na nakapamulsa.
Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin kung saan nagkibit-balikat lang siya. Kaya sa halip na sayangin ang oras ko sa pagtitig sa kanya ay bumalik ako sa ginagawa ko.
Nang isinara ko ang locker ko, nagpasya akong pumunta sa susunod kong klase nang mas maaga kung ibig sabihin noon ay makalayo ako kay Owen pero hinawakan niya ang braso ko. Tumingin ako sa kanya nang nagtatanong.
"Anong ginagawa mo? Pinagtitinginan tayo."
Nagkibit-balikat siya. "Wala akong pakialam."
"Ako meron. Kailangan ko nang pumasok sa klase."
"Bakit ka kumikilos nang kakaiba?"
"Ako kumikilos nang kakaiba?"
"Oo. Iniiwasan mo ba ako?"
"Sinusubukan kong pumasok sa klase at sa pagkakaalam ko, hindi naman tayo magkaibigan."
Ngumisi siya bago inilapit ang mukha niya sa akin at bumulong. "Well, ang mga halik na pinagsaluhan natin ay nagsasabi ng iba."
Tapos hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko pero bumalik ako sa aking katinuan at inalis ang kamay niya sa mukha ko. Lumayo ako sa kanya bago pa siya makagawa ng kahit ano.
Sa aking paglalakad, nakita ko na kasama sa mga taong nakatingin si Dustin. Huminto ako sa paglalakad nang napansin ko ang isang tingin, ang kaparehong tingin na mayroon siya kahapon, na tumawid sa kanyang mga mata. Sinubukan ko siyang lapitan pero lumayo siya. Hindi ako nagpatinag kaya sinundan ko siya sa pasilyo.
"Dustin!" tawag ko sa kanya.
Huminto siya pero hindi nag-abalang humarap sa akin. Lumakad ako sa harap niya at ngumiti sa kanya.
"Uy. Okay ka na ba ngayon?" Isang nakakabobo na tanong dahil alam ko na hindi siya okay.
"Oo. Okay lang ako." Sabi niya na nakaharap sa ibang direksyon.
"So a-"
"Teka mayroon akong mga kailangang asikasuhin kaya baka magkita na lang tayo mamaya."
Pinanood ko siyang lumakad palayo sa akin, sinisikap na iproseso kung ano ang nangyari.
Tapos na ang mga klase para sa araw na ito at lumalabas na ako nang nakita kong lumapit sa akin si Owen. Muli, hindi niya ginagawang madali ang pag-iwas-kay-Owen-buong-araw para sa akin.
"Anong kailangan mo?"
"Woah," tumawa siya at itinaas ang mga kamay niya sa unibersal na deklarasyon ng pagsuko. "Gusto ko lang itanong kung gusto mo ng sakay pauwi."
"Anong kapalit?"
"Walang kapalit." Sabi niya na nakalagay ang kanang palad sa kanyang puso.
Nagsimula siyang maglakad patungo sa kanyang kotse at napansin kong sumusunod ako sa kanya.
Itinabi ko ang aking seatbelt pagkapasok ko sa kotse.