Kabanata 28
“Buksan mo na yung pinto, Owen. Promise, magiging mabait ako.” Sinubukan kong makipag-ayos sa kanya pero sa halip, pinili niyang paandarin yung kotse, walang pakialam na maiiwan ako sa gitna ng wala. Mag-isa.
Inikot ni Owen yung susi at sinalubong ng tunog na “click” na galing siguro sa makina niya.
Tumayo ako at nagpigil ng hininga, naghihintay na makita-- marinig kung tama yung narinig ko o hindi.
Inikot ulit ni Owen yung susi pero paulit-ulit pa rin yung tunog.
Narinig kong nagmura si Owen ng malakas habang inuulit yung pag-ikot sa susi. Nung narinig ko ulit yung tunog na “click” hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahagalpak sa tawa.
Sa tuwing susubukan kong magpakatino, yung itsura ni Owen ay lilitaw sa isip ko at magsisimula na naman akong tumawa.
Nung sa wakas ay natauhan ako, lumabas na si Owen sa kotse at nakatingin sa akin ng masama, na parang ako ang may kasalanan.
“Kasalanan mo lahat ‘to!” Sigaw niya at nakita ko pa ngang sumulpot yung ugat sa sentido niya.
“Ako?!”
“May nakikita ka bang ibang tao diyan?” Sagot niya.
“Baliw ka lang kasi flop yung plano mo.” Tumawa ako. “At least nakasunog ka ng kaloriya.”
“Mag-ingat ka, Lyra.” Babala niya at napatigil ako.
Lumakad siya papunta sa harap ng kotse niya at binuksan yung hood na may itsurang inis.
“Alam mo ba kung saan ako naaalala nito?”
Walang sagot.
“Yung time sa shopping centre nung nalowbat yung kotse ko at may isang taong tumangging tumulong sa akin.” Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Wala pa rin akong nakuhang sagot pero hindi ako natinag na magsalita ulit.
“Pero hindi tulad ng iba, handa akong tumulong.” Tinanggal ko yung pagkakatiklop ng mga kamay ko sa dibdib ko at lumakad papunta sa kinaroroonan ni Owen.
“Ano bang maitutulong ko?” Inunat ko yung leeg ko para tumingala sa kanya.
Narinig ko siyang umungol. Hindi ko alam kung dahil sa pagsasalita ko o sa lowbat na baterya.
“Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pang dumaan sa mahabang daan pauwi. Kasama ba sa plano mo yung pag-iiwan sa akin?” Sinubukan kong huwag sumigaw. “Mukhang hindi naman gumana sa pabor mo, ano?” Tumawa ako ng konti.
“Hindi ka ba talaga titigil kakasalita!” Sigaw niya sa mukha ko.
Humakbang ako palayo sa kanya at nakita kong gumuhit ang isang ngiti sa mukha niya.
“Natatakot ka na ba ngayon?”
“Oo, natatakot ako.” Bulong ko at nag-dramang huminto bago nagpatuloy. “Na mapupunit yung kalamnan sa leeg ko kakatingala sa ‘yo.” Muntik na akong matawa nang mawala yung ngiti sa mukha niya. “Maniwala ka man o hindi, nakakapagod yung kailangan pang i-unat yung leeg ko. Pwede bang magpakababa ka naman kahit konti kapag malapit ka?”
Bilang tugon, sinara ni Owen yung hood bago bumalik sa kotse. Hindi na ako nag-aksaya ng oras, naghintay sa kung ano man ang nagtatago sa malamig na gabi, bago sumunod.
Sinubukan kong buksan yung pinto pero nakakandado pa rin. Tumingala ako kay Owen, na parang malalim ang iniisip, bago kumatok sa bintana.
Hindi man lang niya tinangkang tumingin sa akin bago binuksan yung pinto. Pumasok ako sa kotse at umupo, nag-ayos ng upo.
“Ano na?” Tanong ko kay Owen na nagkibit-balikat lang.
Nanahimik kami na parang naghihintay na may tutulong na parang galing sa langit. Tapos bigla akong nagka-ideya.
“May kilala akong pwedeng tumulong.” Ngumiti ako kay Owen.
Bago pa siya magtanong, kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko.
“Sana naman hindi ka na naman magpapatugtog ng mga kanta na nakakainis.”
Kinawayan ko siya nang basta na lang bago tinawagan yung numero.
Nag-antay ako na may pag-aalala, umaasang matutuloy yung tawag. Malapit nang maputol yung tawag bago niya sinagot.
“Anong magandang balita?”
“Uy, Abel.” Sabi ko pagkatapos makahinga nang maluwag. “Kailangan ko yung tulong mo.”
“Sure, ano ba ‘yun?”
“Um… Ang totoo kasi, nasiraan ng kotse yung kaibigan ko at wala akong makitang kotse na dumadaan. Pwede mo ba kaming tulungan?”
“Nasaan kayo?” Parang nagmamadali yung boses niya.
Sinabi ko sa kanya kung nasaan kami, sa tulong ni Owen, at sinabi niyang pupunta siya agad sa lalong madaling panahon.