Kabanata 27
Simula nung Sabado, yung araw na nakita ko si Owen kasama yung babae, punong-puno ako ng kuryosidad na hindi ko mapigilang isipin.
Hinintay ko si Owen sa bawat pagkakataon na pwede kong gawin, na parang sasagutin nito yung mga tanong na nagliliparan sa isip ko. Galing sa mga obserbasyon na walang hiya kong ginawa, natuklasan ko na si Owen ay kumikilos ng iba sa bahay at sa eskwelahan.
Sa eskwelahan, kumilos siya na parang normal siya pero sa bahay iba ang kilos niya. Bihira siyang umuwi at kapag umuwi siya, nasa likod-bahay siya nagswi-swimming o nakakulong sa kwarto niya.
Yung mas weird pa para sa akin ay yung tumigil siya sa pagbibigay ng masasakit na salita tungkol sa akin, hindi naman sa hindi ako masaya, parang hindi lang normal kasi yun yung kadalasang naririnig ko galing sa kanya kapag magkasama kami.
Kasulukuyan kaming nakaupo sa kotse niya. Parehong tahimik. Sinilip ko siya. Mahigpit yung panga niya at ramdam ko yung galit niya na umaagos mula sa kanya.
"Pwede ko bang buksan yung radyo?" Sinubukan ko bilang paraan para magsimula ng usapan.
Naghintay ako ng naghintay pero walang sagot na dumating. Nang nagsawa ako sa paghihintay, inabot ko yung kamay ko papunta sa console, para buksan yung radyo nang biglang natampal yung kamay ko.
"Aray!" Hinawakan ko yung kamay ko na sumasakit ngayon sa dibdib ko. "Bakit mo ginawa yun?"
"Huwag mong hawakan yung gamit ko."
"Pwede mo namang sabihin yun bago mo inabuso yung kamay ko."
Sinilip niya ako - hindi. Hindi lang silip kundi ngumiti - bago humarap paharap.
Hindi ko gusto na sumuko nang walang laban at ayaw ko rin na maaksidente dahil sa paghawak sa gamit niya.
Kaya sa halip, nilabas ko yung telepono ko sa bag ko bago sinilip ulit si Owen. Mukha siyang medyo abala pero alam kong nararamdaman niya na nakatingin ako sa kanya.
Pagkatapos i-unlock yung telepono ko, pumunta ako sa playlist ko at nag-umpisa magpatugtog ng kanta. Alam kong naiirita siya nang lumaki yung ilong niya at yung pagkakahawak niya sa manibela ay tumindi na nagpapaputi sa mga buto ng kanyang kamay.
Kinuha ko yun bilang indikasyon para lakasan yung volume sa telepono ko.
"Sumusumpa ako kapag hindi mo pinatay yan, maglalakad ka papuntang eskwelahan."
"Hindi mo gagawin." Hinamon ko siya.
"Subukan mo ako."
At sinubukan ko talaga. Pinatugtog ko yung kanta ng paulit-ulit at naiirita si Owen kahit na ako mismo ay nagsasawa na dito. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako kumikilos ng ganun. Hindi ako ganun.
Nagulat ako sa upuan nang biglang huminto yung kotse, yung seatbelt na humaharang sa hangin sa akin.
Wala akong sapat na oras para mag-react bago ko narinig na lumabas si Owen sa kotse, isinara niya ng malakas yung pinto bago lumapit sa pinto ng pasahero. Binuksan niya ng sapilitan yung pinto at lumapit sa mukha ko.
"Binalaan na kita." Yung hininga niya na parang mint ay humahangin sa mukha ko at hindi ko nararamdaman na naiinis ako dito.
Naliligaw sa mga iniisip ko hindi ko napansin na kinakalas niya yung seatbelt ko pero buti na lang bumalik ako sa aking sarili bago niya ako bunutin palabas ng kotse niya.
Kumapit ako nang mahigpit sa upuan na pinipigilan siyang hilahin ako palabas ng kotse.
"Tigilan mo yung pagiging bata at lumabas ka sa kotse ko."
"Ikaw yung tumigil sa pagiging bata."
Ngumiti sa akin si Owen ng ilang sandali bago bumuntong hininga ng malakas, ipinatakbo niya yung kamay niya sa kanyang buhok.
Pagkatapos niyang kinompose yung sarili niya, lumapit siya sa akin ng may - kakaiba - bahagyang ngiti sa kanyang mukha. Nagulat ako na napakawalan ko yung pagkakahawak ko sa upuan. Lumapit siya sa akin, inilagay niya yung isa sa mga palad niya sa aking pisngi at yung isa sa aking kamay na inilagay ko sa aking hita.
Nagsimulang tumibok nang mas mabilis yung puso ko at hindi ko alam kung paano ito hihinto.
Lumapit pa siya lalo kaysa sa dati, inilagay niya yung kamay na nasa pisngi ko sa likod ng leeg ko at ipinapangako kong tumriple yung tibok ng puso ko. Nakita ko yung sarili ko na pumipikit pero nagulat ako - at aaminin kong nahihiya - nang naramdaman ko si Owen na binuhat ako, estilo bridal, palabas ng kotse.
"Anong ginagawa mo! Ibaba mo ako!"
"Malugod." Sabi niya inilagay ako ng hindi masyadong malumanay sa damuhan sa tabi ng daan bago tumakbo papunta sa kanyang kotse.
Sinubukan kong sabayan siya pero masyado siyang mabilis para masabayan. Pagkarating niya sa kanyang kotse sumakay siya. Nang nakarating ako sa kanyang kotse, sinubukan kong buksan yung pinto ng pasahero pero nakalock ito.
"Buksan mo yung pinto Owen!" Kinatok ko yung bintana na nakasara na.
Sa halip, tumawa lang siya na nakatawa na ang ulo niya ay nakatungo na para bang ang buong bagay ay nakakatawa.
"Owen, lumaking baboy buksan mo yung pinto!"
Tumawa pa siya lalo.
Tumingin ako at natanto na gumagabi na, ang araw ay hindi na nakikita.
"Buksan mo na yung pinto Owen. Sumusumpa ako magpapakabait ako." Sinubukan kong makipagtawaran sa kanya pero sa halip nagdesisyon siyang paandarin yung kotse, hindi pinapansin na maiiwan ako sa gitna ng wala. Nag-iisa.