KABANATA 20: Magkasamang tanghalian
Sumakay na sina Jordan at Tina sa kotse. Nagpasya silang sa kotse ni Jordan sumakay baka kasi may marka na ang kotse niya.
Gulat na gulat si Tina nang marealize niyang bullet proof pala ang kotse ni Jordan. Ang mahal naman ng kotse?
Kakaunti lang sa lipunan ang kayang bumili ng ganung klase ng kotse. Safe sila in case of attack.
"Tara, lunch tayo," sabi ni Jordan. Hindi na niya hinintay ang opinyon niya, sinabi na agad niya ang tingin niyang tama.
Tumango si Tina. Kasama niya sa kotse at silang dalawa lang, ramdam niya ang kakaibang aura nito.
Nakaupo siya sa copilot seat at siya naman ang nasa likod ng manibela. Walang ekspresyon ang mukha nito habang nagko-concentrate sa pagmamaneho.
Nakatali ang mahaba niyang buhok at ang nakausling mga mata nito na bagay sa matulis niyang ilong, napaisip si Tina kung alam ba nito kung gaano siya ka-charming na nakaganyan ang walang ekspresyon na mukha.
**POV NI JORDAN**
Hindi ako tumitigil sa pag-iisip kung bakit naaakit sa akin ang bagong detective. Simula nang pumasok siya sa opisina ko at nagkakilala kami, lagi siyang nasa isip ko.
Komportable ako kapag kasama ko siya. Pagkatapos ko siyang makita nung araw na iyon sa Amusement Park, nalaman kong interesado akong mas makilala siya.
Mukhang tumataas ang curiosity ko matapos ko siyang makita ulit bilang katrabaho at katim-mate. Ngayon, naging partner ko na siya.
Tinry kong kalimutan na katabi ko lang siya, pero hindi ko magawa. Hindi ko mapigilang sulyapan siya paminsan-minsan.
Kalmado lang siya at may ginagawa sa kanyang phone, hindi naman siya mukhang bothered na panay ang sulyap ko sa kanya.
"Gaano kalawak ang alam mo tungkol sa siyudad na 'to?" tanong ko. Ayokong mag-concentrate siya at busy sa kanyang phone habang katabi ko siya.
Alam kong dapat hinayaan ko na lang siya o mas maganda kung tinanong ko siya kung okay lang sa kanya na nagtanong ako. Pero hindi ko ginawa 'yon.
Kaya nga kakaiba ang mahal kong si Rachel. Lahat tungkol sa kanya, nakaka-excite. Sasakay ka sa kotse kasama siya at gugustuhin mong humaba pa ang biyahe.
Nangungulit, nagbibiro, nang-aasar na halos hindi ka na makahinga sa kakatawa. Kaya hindi ko lang siya basta malilimutan. Paano ko naman hindi iingatan sa puso ko ang mga alaala na kasama ko si Rachel?
"Bukod sa daan papuntang force headquarters, wala na akong alam," sagot ni Tina at nginitian ako.
Ang ganda ng ngiti niya. Nakakahawa at nginitian ko rin siya. Magtatanong pa sana siya nang biglang nag-ring ang phone ko.
Naka-Bluetooth ako at sinagot ko ang tawag. Alam ko na bago ko sagutin ang tawag na si Jora, ang anak ko.
Hindi ko pa siya tinatawagan simula nang umalis ako sa Abuja. Magagalit na 'yon. Sumulyap ako kay Tina sa mga dahilan na hindi ko alam. Feeling ko kasi, baka ma-offend siya.
Kung saan ko nakuha ang ideya na 'yon, hindi ko alam. Kaya sinagot ko siya, "Hello baby," wika ko.
Masaya si Jora. Tinanong niya ako kung kumusta ang biyahe ko, kung bakit hindi ko siya tinawagan at ang iba pa. Alam kong tatanungin niya ako kung bakit hindi ako tumawag.
"Busy ako, baby, pagkarating ko pa lang... Sorry na..." sagot ko. Masaya akong narinig ko ang boses ng anak ko.
Tumawa pa nga ako nang malakas. Para akong nag-iisa sa kotse, na para bang wala na si Tina.
Nang tanungin ako ni Jora kung kailan ako babalik sa Abuja, sinabi ko na nami-miss ko siya at hindi na ako makapaghintay na umuwi na sa kanya.
Maya-maya, sinabi ko sa kanya na maging kalmado lang at magpakabait. Babalik ako kapag tapos na ako sa trabaho.
Pagkatapos kong tapusin ang tawag, nagmaneho ako papunta sa prestihiyosong restaurant ng confluence hotel. Isa sa limang star hotels sa siyudad.
Inihinto ko ang kotse ko at inalis ang seat belt. Sumulyap ulit ako kay Tina at tumahimik na siya. Para siyang introverted sa paningin ko.
Inalis niya rin ang seat belt niya at lumabas na. Lumabas din ako at lumapit sa kanya, habang pinipindot ang button para sa automatic lock.
Sabay kaming naglakad papasok sa restaurant. Umupo kami sa isang sulok. Lumapit ang waitress at kinuha ang order namin.
"Kakaiba ang lugar na 'to, detective Tina. At alam mo kung bakit, wala pa akong dinadalang ibang babae dito maliban kay Rachel," sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya at tumango. Tapos sinabi ko sa kanya na si Rachel ay asawa ko. Hindi ko ginamit ang salita na para bang patay na siya, sinabi ko na para bang nasa bahay lang siya at naghihintay na umuwi ako.
Ayoko pag-usapan si Rachel sa past tense. Nakaka-frustrate. Kaya naman nagiging present tense ang pag-uusap ko tungkol sa kanya na para bang kasama ko pa rin siya.
Pero kahit papaano, medyo nagsisisi akong binanggit ko si Rachel habang kasama si Tina. Parang mali ang nasabi ko at nag-aalala ako kung ano ang mararamdaman ni Tina.
Wala na akong sinabi pa. Hindi nagtagal, dinala na ng waitress ang order namin at nagsimula na kaming kumain. Hindi ako masyadong nakakain. Ibinalik ko ang kubyertos ko at humigop ng juice na nasa harap ko.
Itinaas ko ang ulo ko para sulyapan si Tina, tumigil na rin siya sa pagkain. Sabi ko nga nawalan ako ng gana pero siya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko tungkol doon.
Isang kutsara lang ang nakain niya at tumigil na siya sa pagkain. Siya pa ang nag-order ng pagkain, kung ako 'yon, iisipin kong ayaw niya sa inorder ko.
Tinanong ko siya kung ayaw niya sa inorder niya, pwede siyang mag-order ng iba, walang problema.
Sinabi ni Tina na hindi. Okay lang siya. Hindi lang talaga siya makakain pa. Sabi ko, okay at binayaran ko na ang bill bago umalis.
Kakalabas lang namin ng restaurant nang mag-ring ang phone ko...