Kabanata 3
POV ni Zanaya
"At ang nanalo ay..." Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Tokyo habang hinihintay namin ang announcement ng nanalo. First nomination namin 'yon tapos katatapos lang ng performance namin. Parehas na nominated ang kanta naming dalawa para sa top 1.
Sa totoo lang, hindi talaga kami nag-expect na manalo. Sapat na yung nakapag-perform kami sa stage. Alam naming kailangan talaga naming magtrabaho ng mabuti para ma-achieve ang success sa larangang 'to. Pero siyempre, sa loob-loob ko, parang isang malaking karangalan kung sakali.
'Di ba?
"WHISTLE's Hope!" Medyo tumalon ang puso ko nung narinig ko ang pangalan ng grupo namin na sinabi ng MC.
Nablanko ang isip ko kahit na nabigay na sa 'min ng MC ang trophy at isang bouquet ng mga bulaklak.
Baliw na 'to. I mean, nag-debut pa lang kami thirteen days ago tapos ngayon, may una na kaming korona.
Pinilit kong 'wag umiyak habang nagbibigay ng speech si Max, nagpapasalamat sa mga fans namin, sa BP family namin, sa composer namin at sa lahat ng dapat naming pasalamatan.
Kailangan kong takpan ang mukha ko nung nagsalita si Cali sa mic. Grabe, muntik na siyang umiyak.
Pinilit kong kontrolin ang emosyon ko. Kahit na may boses sa loob ko na nagsasabing baka maiyak ako kung hindi kami magmamadali. Lumingon ako at yumuko habang maraming tao ang bumabati sa 'min kasama ang mga seniors namin sa industriya.
Pagkatapos ng encore stage namin, doon na ako sumuko. Umiyak na ako. Hindi ko na kaya. Ako talaga 'yung iyakin sa grupo.
"Hoy, Zanaya, tigilan mo 'yang pag-iyak." lambing sa 'kin ni Tokyo pero 'di pa rin tumitigil 'yung luha ko. Maya-maya, kaming apat, umiiyak na sa dressing room, pati manager namin, lumuluha na rin.
"Hoy, tama na." sabi ng manager namin. "Nasasayang 'yung make-up niyo."
"Manager," sabi ni California habang pinupunasan 'yung luha niya.
Binigay sa 'min ng manager namin 'yung phone namin at kinunan kami ni Cali ng picture na may trophy tapos agad na pinadala sa boss namin.
Pagkatapos noon, kinuha ko 'yung phone ko at tiningnan 'yung mga mensahe ko. Ang dami kong natanggap galing sa tatay ko, nanay ko, at kapatid ko.
Ngumiti ako. Nagpapasalamat ako na may mapagmahal akong pamilya.
Kunot noo ko nung may nakita akong isa pang mensahe galing sa hindi kilalang numero.
Hindi Kilala: Kailangan kitang makita. Pupunta sila Mom at Dad tapos gusto nilang makipag-dinner sa 'tin.
Nag-umpisa nang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Isa lang naman 'yung taong magte-text sa 'kin ng gan'yan.
Seth Devon.
Napairap ako nung naalala ko kung paano ko binura 'yung numero niya nung minsan na nag-drunk message siya sa 'kin, tinatawag ako ng kung anu-ano.
Galit na galit ako sa kanya.
Isang buwan pa lang kaming kasal noon. Galit na galit ako kaya binura ko 'yung numero niya. Simula noon, hindi na talaga siya nagpadala ng mensahe sa 'kin o kaya pinansin ako.
Nung nagre-record kami para sa debut stage namin, doon ko lang siya nakita ulit pagkatapos naming ikasal.
Kakaiba, 'di ba?
Napabuntong hininga ako. Nagdesisyon akong i-text siya pabalik.
Ako: Kailan at saan?
Kailangan kong magtanong kasi alam ko na parehas kaming may schedules. Tapos, tiyak na pagkakaguluhan kami ng media kapag nakita kaming magkasama.
Hindi pa nga isang minuto, nag-beep na 'yung phone ko, nagpapahiwatig na mayroon akong natanggap na bagong mensahe.
Hindi Kilala: Darating sila sa susunod na Biyernes tapos mag-stay sila ng isang linggo kaya nag-rent ako ng bahay para sa kanila.
Ako: Ow
Hindi Kilala: Siguraduhin mong i-clear ang schedule mo ng isang araw.
Itinaas ko ang kaliwang kilay ko. Nagmamadali masyado, 'no? Pero sumagot pa rin ako.
Ako: okay. I-text mo na lang sa 'kin 'yung address kung kailan.
Tapos, nilagay ko 'yung phone ko sa bulsa ko habang naglalakad kami ng mga girls palabas, papunta sa van namin.
Nung nakalabas na kami, sinalubong kami ng mga fans namin.
Oo, may fans na kami tapos hindi pa rin ako makapaniwala.
Hinawakan ako sa kamay ni Max habang naglalakad kami ng mas mabilis para makapasok kami sa van namin.
Nauna na kami nina Tokyo at Cali.
Hindi ko na halos maintindihan kung ano 'yung isinisigaw ng mga fans namin pero isang partikular na fan 'yung nakaagaw ng atensyon ko. Sa totoo lang, 'yung sinabi niya talaga ang nagpagulat sa 'kin.
"Zanaya, I-ship ka namin ni Seth!!!"
Touché.
"Grabe 'yon!" sigaw ni Tokyo habang pinagdikit niya 'yung kamay niya. Ang cute niya.
"Oo nga, eh! Hindi ako masasanay dito," dagdag ni Max.
"Paano kaya kung mag-record tayo ng video mamaya para makapagpasalamat sa mga fans natin?" suhestiyon ni California.
"Magandang ideya 'yan," tumango ako.
Tapos, ibinalik namin ang atensyon namin sa mga phone namin. Sina Max at Tokyo, parehas na tumitingin sa mga komento sa isang social media site.
Dahil halos lahat kami, marunong ng ibang lenggwahe, nag-eenjoy kaming basahin 'yung opinyon ng mga fans namin, kahit masama pa man o maganda.
Naniniwala ako na 'yung pagtanggap ng constructive criticism ay makakatulong sa 'min para mag-develop.
Ni-unlock ko 'yung phone ko nung napansin kong mayroon akong isang 'di pa nababasang mensahe.
Hindi Kilala: Btw, congrats sa first win niyo. Pinapanood ka ng mga boys.
Muli, kumunot ang kilay ko. Si Seth Devon ba talaga 'to? Kasi hindi ako sanay na ganito siya.
Naaalala ko pa nung nag-away kami pagkatapos ng kasal namin.
Tumira kami sa kwarto ko para sa "honeymoon" namin pero pinatulog ko siya sa couch habang ako, natulog sa kama.
Sigurado akong may tina-text siya pero wala akong pakialam.
Halos mabitawan ko 'yung phone ko sa kandungan ko sa gulat nung may natanggap akong bagong mensahe.
Pinagtinginan ako ng mga girls ng kakaiba.
"May kakaibang sinabi 'yung pinsan ko kaya, oo," ngumiti ako sa kanila ng awkward.
Bumalik sila sa ginagawa nila.
Hindi Kilala: Also, Happy Anniversary.
Tapos naalala ko, first wedding anniversary namin ngayon. Nakalimutan ko talaga tapos nakakagulat na naaalala niya.
Seth Devon, anong meron sa bati at sa biglang mensahe? Bakit ka kumikilos nang iba?
'Wag mong hayaang manghina ang puso ko. Hindi ko 'yan kailangan ngayon. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.
Pero sino ba ako para magbiro?
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX