Kabanata 45
Pananaw ni Zanaya
"Grabe, magkasama talaga sila dati, ah."
"Pero, hindi ba siya nagdi-date kay Sally dati pa?"
"Kakaiba yung timeline, eh. Sa tingin mo, nag-date si Seth dun sa kanya habang nagdi-date kay Sally?"
"Sa tingin mo?"
"Naaawa ako sa kanya. Siguro kaya siya na-ospital, eh. Hindi niya matanggap na iniwan siya ni Seth."
Kumulo yung tiyan ko pagkatapos kong marinig yung mga bulungan nung mga staff sa gilid ng stage nung dumaan kami.
Dalawang linggo na simula nung lumabas ako sa ospital at nakatakda kaming mag-perform sa isang Univerity Festival.
Napahinto ako nung narinig ko yung sinabi nung isang babae.
"Napansin mo ba na wala na yung kwintas niya?"
"Pero sigurado ako na suot ni Sally yung kwintas nung nag-perform sila kanina."
Hindi pwede.
Hindi maaari. Binalik ko yun kay Storm para ibigay kay Seth.
"Wag mo na silang pansinin," hinawakan ni Cali yung kamay ko habang papunta kami sa formation namin para sa isa sa mga kanta namin.
Ngumiti ako habang naririnig ko yung maraming hiyawan mula sa crowd.
Nung nagsimula yung kanta, hinara ko yung lahat ng negativity sa paligid ko at sumayaw yung paraan na nakasanayan ng katawan ko.
Nagenjoy ako sa paggawa ng maraming ad-libs dito at doon.
Miss ko yung mag-perform sa harap ng mga tao. Parang ang tagal na simula nung huli kong ginawa at yung hiyawan ng crowd ang nagpapadagdag ng adrenaline ko.
Sa tuwing sumasabay yung crowd sa pagkanta namin, kusang kumakalat yung ngiti sa labi ko.
Hindi ko ipagpapalit yung pakiramdam na 'to. Yung pakiramdam na minamahal ka ng mga tao ng buong-buo.
Sinubukan kong huminga ng malalim nung natapos yung unang kanta namin.
"Nagsasaya ba kayo?!" sigaw ko, sinubukang i-hype yung crowd.
Syempre, saglit silang sumagot.
"Masaya kaming nandito at nagpe-perform sa harapan niyo. Sana patuloy niyong mahalin ang WHISTLE. Mahal namin kayo!" sigaw ko habang pinakita namin ng mga girls yung signature heart sign namin.
Kinilig si Tokyo habang lalong lumalakas yung hiyawan.
Nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko pagkatapos kong marinig silang humiyaw.
Mahal ko yung mga fans namin.
Tinignan ko yung mga girls sa tabi ko at isang makabuluhang ngiti ang lumabas sa mukha ko.
"This is Stay," sabi ko sa crowd at isa na namang hiyawan ang umugong sa stadium.
Maya-maya, natapos yung lahat ng apat na kanta at nagpaalam kami sa crowd.
Sayang at hindi kami makakatagal ng mas matagal.
Pumunta na yung mga girls sa dressing room pero nagdesisyon ako na lumiko sa isang sulok para pumunta sa banyo.
Maling galaw.
Hindi sana ako pumunta mag-isa. Kasi nakatayo sa harapan ko yung bitch na ninakaw yung 'pansamantalang' prinsipe ko.
Ngumisi siya nung tumama yung mga mata niya sa akin.
Wow. Anong bitch.
Lumingon ako sa paligid at narealize ko na mag-isa lang kami.
Well, hindi niya gagawin yung pagtingin niya sa akin kung may kasama kami.
"Hi Zanaya.." bati niya at pinigilan ko yung sarili ko na sumugod at sampalin yung mukha nung demonyo.
Hindi ako bayolenteng tao pero may karapatan din naman akong magalit.
"Hello." magalang akong tumango. Wala akong oras sa drama niya.
Lumakad ako at nagdesisyon na umakto na hindi ko siya nakita. Pero sa tingin ko, may ibang plano siya.
Yung susunod kong alam, yung mga kamay niya nasa braso ko, sinusubukang pigilan ako sa pagdaan sa kanya.
Huminto ako sa paglakad at hinarap siya. Tumaas yung kilay ko sa kanya at parang nagulat siya ng kaunti.
Pero yung desisyon niya ay dapat matapang, tumingin siya ulit sa akin.
"Tigilan mo na yung pakikipagkita kay Seth. Tayo na ngayon," Kung kaya pang tumaas yung kilay ko, baka abutin na yung bubong ng stadium.
"Hindi na ako nakikipagkita sa kanya. Sayo na siya," sabi ko sa kanya, malamig yung boses ko, kayang patigilin ni Max yung paborito niyang Milk ice cream.
"Hindi ako naniniwala sayo. Alam ko na pumunta siya sayo sa ospital," sabi niya at nadagdagan pa yung hinala ko na talagang pumunta si Seth para bisitahin ako tulad ng sinabi ni Storm.
Nagkunwari akong walang alam tungkol dun. Hindi rin ako sigurado eh.
"Hindi ko siya nakita at wala talaga akong pakialam." Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya at hinarap siya. "At bakit hindi ka na lang makipag-usap sa boyfriend mo imbes na ako yung pinoproblema mo? Bakit? Hindi mo ba kayang kontrolin yung lalaki mo?"
Hindi ko na nga alam kung saan ko nakuha yung lakas ng loob ko.
"Kaya tigilan mo na siya!" sigaw niya at kinusina ko yung mga mata ko sa galit.
Ang kapal ng mukha niya.
"Hindi ko siya nakikita! Pero ikaw yung nakita ko nung alam mo na magkasama kami!" singhal ko sa kanya at mukhang nagulat siya.
Nagsimula na ring tumulo yung luha ko.
Nagulat siya sa pagkakita sa mga luha ko.
"Akala ko magkaibigan tayo. Alam mo na magkasama kami," mahirap kong sinabi.
"Nagtiwala ako sayo," sabi ko sa paniniwala.
"Kahit na iniisip ng mga tao na magkasama kayong dalawa nung nagdi-date siya sa akin, hindi ako nagsalita kahit isang salita. Kasi iniisip ko pa rin na kaibigan kita."
Isang kakaibang tawa yung lumabas sa labi ko.
"Naisip mo ba ako? Kung ano yung mararamdaman ko?" inakusahan ko siya.
Lahat ng sakit na nararamdaman ko sa loob, unti-unting lumalabas sa akin.
Masakit kapag tinraydor ka ng isang kaibigan mo lalo na kung kinuha pa niya yung taong mas mahalaga sayo.
Masakit pa rin yung puso ko sa pag-iisip kung paano natapos yung kasal ko kay Jjmin at walang nakakaalam tungkol dun.
"A-ako... A-ako ay mahal ko siya," sabi niya habang nakatingin siya sa lupa at kinailangan kong tumingin sa kisame.
"Oh God," sabi ko.
"Well congrats," sabi ko sa kanya. "Kasi mahal ka rin niya. Kaya kayo nagkasama, diba?" sabi ko sa kanya at sumumpa ako na may kakaibang naganap sa mga mata niya.
Kunsensya?
Lalabas na sana ako at nakalimutan kong may gagawin pa ako pero isang makinang na metal yung nag-flash sa paningin ko at lumingon ulit ako sa kanya.
Kusang hinawakan ng mga kamay ko yung bagay na nakasabit sa leeg niya at nanlaki yung mata ko sa nakita ko.
Singsing ko sa kasal.
"Bakit mo hawak 'to?" tanong ko sa kanya. Sa pagkakataong 'to, lahat ng pasensya na natitira sa akin ay nagsimula nang mawala sa manipis na hangin.
Hinawakan niya yung kwintas papalayo sa pagkakahawak ko bago ko pa man mahila yun.
"Binigay 'to sa akin ni Seth!" sabi niya ng medyo takot.
"Ginawa niya ang ano?" tanong ko na naguguluhan.
"Binigay niya 'to sa akin. Palagi at magpakailanman, Seth Devon," sabi niya.
Naramdaman ko na parang gumuho yung buong mundo ko sa harapan ko.
Nababaliw yung puso ko sa pagtibok ng sampung beses na mas mabilis kaysa sa karaniwan niyang ginagawa.
"Hindi niya 'to ibibigay sayo. Imposible," sabi ko, sinasabi ko sa sarili ko yung mga salita na mas sigurado kaysa sa sinasabi kong halata sa kanya.
"Well ginawa niya. Kaya lumayo ka na, okay? Sayo na siya kaya alamin mo yung lugar mo," sabi niya bago niya ako iniwang mag-isa.
Hindi.
Hinugot ko yung phone ko sa bulsa ko at tinawagan yung numero ni Storm.
Binigay niya sa akin yun nung huling beses na bumisita siya kung sakaling may kailangan ako.
"Zaya?" garalgal yung boses niya, siguro natutulog siya.
"Storm, yung kwintas, binigay mo ba kay Seth?" tanong ko ng may panic.
"Nilagay ko sa jacket niya nung huli. Bakit, gusto mo bang bawiin?" tanong niya.
So binigay niya talaga yung singsing ko sa kanya, ha?
Mga bagong luha yung tumulo sa pisngi ko.
"Umiiyak ka ba?" parang natakot siya.
"Storm, binigay niya kay Sally," sabi ko sa kanya.
Hindi ko na alintana kung para akong batang babae na nagsasabi ng masama sa kapatid ko. Pero dahil alam na niya kung ano yung totoo sa pagitan namin ni Seth, siya lang yung taong lubos kong mapagkakatiwalaan ngayon.
"Ano?" narinig kong gumagalaw sa kabilang linya.
"Storm... Gusto kong tapusin 'to. Hindi ko na kaya 'to," sabi ko sa kanya bago ko tinapos yung tawag.
Si Seth at ako, hindi na kami pwedeng magkasama.
Lahat ng dramang 'to, pwedeng pumatay sa akin anumang oras.
Nag-type ako ng mensahe sa phone ko.
"Tapusin na natin 'to."
At pinadala ko yun sa numero niya.
Pinunasan ko yung mga luha sa pisngi ko. Kailangan ko nang bumalik sa mga miyembro ko. Baka nag-aalala na sila sa akin.
Kaya sa pagkakataong 'to, isusuko ko na siya.
Magpakailanman.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXX