Kabanata 24
EYS
Nagising siya nang marinig niya yung tunog ng cellphone niya. Hindi, hindi panaginip na nakatulog siya kasama si Hina. Imbes na kunin niya yung cellphone niya at sagutin, tulala pa rin siya at halos hindi makagalaw sa kinahihigaan niya. Kaya si Hina na mismo yung sumagot sa tumatawag.
"Sandali lang po," sabi niya dun sa kausap sa kabilang linya tapos inabot sa kanya yung phone.
"Hello?"
"Hello bro, I assume okay yung asawa mo. Siya yung sumagot ng tawag, diba?"
Lumingon siya kay Hina. "Oo. Bakit? May nangyari ba?"
"Sinundan ko siya pagkatapos ng klase niya, tapos pumasok sila ng mga ka-klase niya sa coffee shop. Nagtataka nga ako kung bakit ang aga natapos ng klase niya. Pumunta rin ako sa coffee shop pero wala na siya."
"Nasaan ka na ngayon?"
"Nasa daan, nagda-drive."
"Well, halata naman. Free ka ba? Gusto sana kitang makausap."
"Hindi ako pwede ngayon bro, papunta ako sa shop ni Maryam."
Biglang kumapit sa kanya si Hina, hindi pa rin siya nakabihis kaya tuloy na-distract siya.
"Ahm..." hindi na siya makapag-isip ng maayos. "Ah...ganun ba, ngayon na?"
"Hindi mo ba ako naririnig, bro? Pupunta ako sa shop ni Maryam ngayon kasi inatake sila ng mga bad guys."
"Ano?" Napaupo siya ng tuwid. "Kailan pa?"
"Kanina lang."
"Okay. Pupunta ako diyan."
Lumingon siya kay Hina at nakatingin ito ng nagtatanong sa kanya, mabilis siyang tumayo. Pero sa pagmamadali niya, hindi niya napansin na isang kumot lang yung nakatakip sa katawan nila. Hinatak niya pataas yung kumot, at nakalantad yung katawan ni Hina. Napalunok na lang siya sa nakita niya. Tapos lumingon ulit siya dun sa kausap sa phone. "Pagdating mo diyan, hintayin mo na lang ako."
HINA
Nakatingin lang siya kay Eys habang nagbibihis ito. Kakausapin niya sana si Eys pero biglang may pumailanlang sa isip niya. Tama, may magbabago. Kasi pagkatapos ng nangyari sa kanila, lalo pa siyang napa-ibig sa lalaki. Totoo, nagbago na yung kasal nila dahil nagkasama na sila sa pinaka-malalim na pagtatalik na parang totoong mag-asawa. May nagbago dahil hindi na siya birhen. Naibigay na niya yung bandila ng tagumpay niya sa asawa niya, pero siyempre gusto niya rin yun. Sana lang maramdaman din nito yung nararamdaman niya. Bumalik lang yung presensya niya nang biglang nagsalita si Eys.
"Inatake ng mga bugaw yung shop ni Maryam," sabi ni Eys pagkatapos magbihis. "Kailangan kong pumunta dun."
"Ako rin."
Lumapit sa kanya si Eys at tinapik yung balikat niya. "Sa tingin ko, hindi magandang ideya yun."
Tumayo siya, at ngayon nagbihis siya mismo sa harap ni Eys. Pero iniwas nito yung mga mata niya sa kanya.
"Bakit hindi?"
"Madaming curious sa inyo, Hina. Pero ngayon, hindi safe diyan kasi baka may ligaw na bala."
"Kung ganun, ano sa tingin mo sa sarili mo? Iron Man o The Man of Steel na hindi tinatablan ng bala? Kung kaya mong pumunta, kaya ko rin. Kaibigan ko rin si Maryam. Kaya gusto ko rin tumulong."
Nang matapos na siyang magbihis. Tumingin ulit sa kanya si Eys. "Hindi, dito ka lang," sabi niya ng mariin.
"Hindi ko maintindihan Eys, bakit parang close na close kayo ni Maryam?" sabi niya ng nag-aalinlangan.
"Madali siyang pakisamahan. Madaling magustuhan."
"Tama ka, siya yung pinaka-down-to-earth na taong nakilala ko. Pero ano ba talaga yung koneksyon mo sa kanya?"
EYS
Hindi na lang niya pinansin yung tanong sa kanya ni Hina, imbes binasa niya yung text galing kay Noel.
Mula kay: Noel
Bro, sama ka na sa shop ni Maryam para ikaw na mag-drive sa akin. Inaantok pa ako kasi hindi ako nakatulog kagabi.
Sa kay: Noel
Gago ka, gagawin mo akong driver mo? Pero okay lang, basta after ten minutes nandito ka na.
Message sent...
"Ano ulit yung sinabi mo, Hina?"
"Ano ba yung koneksyon mo kay Maryam? Bakit kayo close?"
"Hindi naman madami yung tinatawag kong kaibigan, Hina, pero si Maryam isa sa kanila."
"Paano naman ako?"
Hindi agad sumagot sa tanong sa kanya ni Hina. Puno ng pag-aabang yung mga mata nito, at naghihintay lang siya ng sagot niya. Ano bang sasabihin niya sa kanya? Yung pagkakaibigan yung pinaka-konti sa nararamdaman niya. Pero pagkatapos ng pagtatalik--
"Paano naman ako?" tanong ulit niya sa kanya.
Walang sinabi at imbes hinaplos niya yung pisngi ni Hina at tinunton yung mga labi nito gamit yung mga daliri niya. Pagkatapos ng ilang minuto ng pagtitigan, biglang bumusina yung kung sino, at ginamit niya yun na dahilan para hindi sumagot. Tumingin siya sa bintana at sakto namang dumating si Noel.
-----
Sampu sa mga produkto ni Maryam ay nasira bago dumating yung mga pulis. At alam niya na paghihiganti yun kay Maryam nung tinulungan nito si Hina na makatakas kay Brando.
"Sasagutin ng insurance ko yung mga pagkawala," sabi sa kanya ni Maryam. "Pero yung mga pagkaantala sa pagkuha ng mga gamit sa mga tindahan ay mapaminsala. Kung hindi ko mapupunan yung mga order, yung mga resulta ay lalabas sa susunod na season sa mga nabawasang order. Naiintindihan yun ng isang matalinong negosyante na katulad ni Brando."
"Kukunin natin siya, Maryam. Ipinapangako ko yun sa'yo."
"Yun din yung sinabi sa akin ni Hudyis. Pero masakit pa rin. Matagal na akong nagtatrabaho ng husto para makarating sa puntong ito. Kumportable na sana ako para magpahinga."
Bumuntong hininga siya. "Salamat sa pag-check sa akin."
"Mabuti na lang at hindi ka iniwan ni Hudyis."
"Kahit nakakalungkot, pero sa tuwing iisipin mo na madami kang simpatya, mababawasan yung lungkot mo," sabi ni Maryam na may pilit na ngiti. "Nasabi mo na ba kay Hina yung tungkol kay Brando?"
"Kaunting detalye lang."
"Ano pang hinihintay mo Eys?"
"Tamang oras."
Tinapik siya sa balikat ni Maryam. "May natutunan ako Eys. Ang tamang oras ay hindi kailanman dumarating mag-isa. Yung tamang oras ay laging isang desisyon na ginagawa mo."
Talagang pinag-isipan niya yung sinabi sa kanya ni Maryam, hanggang sa dinala siya ni Noel sa bahay ng tatay niya. Ayaw pa rin niyang makita si Hina kasi mas lalo siyang nakokonsensya. Alam din niyang may hindi pa tapos na usapan sila. Pero pagod na siyang labanan yung nararamdaman niya, lalo na pagkatapos ng nangyari sa kanila kaninang umaga.
-----
"Ang tanga-tanga ko," sabi niya habang tinitingnan yung malaking hardin sa bahay ng tatay niya. "Hindi ko alam kung paano nangyari yun. Akala ko, kaya kong kontrolin ang lahat."
"Tao ka lang, Eys."
Lumingon siya at nagkrus yung mga braso niya. "Yun lang? Yun lang ang maipapayo mo sa akin bilang isang tatay? Hindi ako gumamit ng proteksyon, Tatay. Paano kung...Diyos ko. Hindi ako makapaniwalang hindi man lang pumasok sa isip ko yun."
"Baka uminom siya ng pills."
"Kung uminom man siya ng pills, bakit hindi ko siya nakitang uminom? Pero nagtataka ako kung bakit naglagay siya ng mga condom sa kwarto ko."
"Ganun ba, baka iniwan niya yun sakaling mag-uwi ka ng ibang babae."
Sabi ng tatay niya na nakangiti.
\
Napakakamot na lang siya ng ulo. "Kung mabubuntis ko siya, hindi ko siya iiwan. Magiging tatay ako sa batang yun."
"Yung posibilidad lang ba ng pagbubuntis niya yung kinatatakutan mo, anak?"
"Oo naman. Ano pa ba?"
Tinitigan siya ng tatay niya. "Sana matuto ka sa karanasan ko anak, at tanggapin mo kung ano yung hindi mo kayang baguhin. Siguro yun yung senyales na kailangan mong sabihin sa kanya yung totoo."
"Kung sasabihin ko sa kanya yung totoo, ayaw kong mabuhay siya sa takot. Alam kong nag-aalala rin siya kay Brando Nicolas kahit na pinipilit niyang hindi ipakita sa akin. Kung sasabihin ko sa kanya yung totoo, mas lalo siyang matatakot sa kanya ng isandaang beses kumpara sa ngayon. At yung natatanging pagkakataon ko para panatilihin siyang ligtas ay ang panatilihin siyang walang alam."
"Sa tingin ko hindi mo siya binibigyan ng sapat na kredito, anak. Kilala mo siya, kaya mo siyang kumbinsihin na umalis at pumunta sa ibang lugar."
Alam niya na sa tono ng mga salita ni Brando nung huli silang nag-usap, baka sinisikap nitong kunin yung buhay ni Hina. "Dahil sa akin, nasa panganib yung buhay niya. Kaya kung aalisin ko si Hina, baka sabihin pa ni Brando na kahinaan yun sa parte ko. Patay na ako."
"Damned if you do. Damned if you don't." Sabi ng tatay niya.
"At kahit anong mangyari Tatay, kailangan ko siyang protektahan. Dahil alam ko sa puso ko, na ligtas siya sa akin."
*****