Kabanata 6
HINA
Hindi pa man nakakarating sa tuktok ng hotel, tanaw na niya halos ang buong Metro Manila. Nasa bonggang restaurant sila ngayon kung saan dinala siya ni Brando. Gusto niya ang lugar dahil sa romantic ambiance nito, pero mas gusto pa rin niyang tumakas.
"Hina?"
"Hina?"
Napilitan siyang harapin si Brando na parang nawawalan na ng gana. Kapag nakikita niya si Brando, parang malapit na siyang mawalan ng pasensya sa kanya dahil sa kawalan niya ng interes sa lalaking kaharap niya.
"Hina, ibibigay ko sa 'yo lahat ng gusto mo, patitirahin kita sa mansyon na parang prinsesa ang trato sa 'yo, at bibigyan din kita ng unlimited access sa mga credit card ko, kung papayag ka lang na maging asawa ko."
Nainis siya sa inalok ni Brando sa kanya, lalo na ang maging asawa niya. Oo, gusto niyang magpakasal pero hindi sa lalaking hindi niya mahal. Tumingin siya sa mga waitress na nagsisilbi dahil nakikita niya ang sarili niya sa kanila, nag-iisip kung paano din sila nakakakuha ng tips mula sa kanilang mga customer. Hindi naman kalakihan ang sahod niya sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya, pero kahit papaano nagpapasalamat pa rin siya sa mga tips na ibinibigay sa kanya. Nakakatulong din kasi ito sa kanyang pang-araw-araw na gastusin. Pero kahit maghirap siya, hindi siya magpapakasal dahil lang sa pera.
"Hindi naman ako basta-basta nag-aalok ng ganito," dagdag ni Brando. "You're exceptional in fact."
Dapat ba siyang ma-flatter dahil ang daming babae diyan, pero siya pa ang inaalok ng kasal ng sikat na negosyante?
Nakaserve na ang pagkain nila kanina pa, pero hindi niya man lang nagawang hawakan. Kailangan na talaga niyang sabihin kay Brando na ayaw niyang magpakasal sa kanya. Magsasalita na sana siya nang bigla niyang napansin ang bagong dating na babaeng pamilyar sa kanya, suot nito ang isang eleganteng pulang damit, na nakakakuha at humahawak sa mga mata ng lahat. Umupo ang babae sa mesa at nasa likod niya lang siya, at sa nakikita niya, busy ang babae sa pakikipag-usap sa kanyang kasama, kaya hindi sigurado si Hina kung kilala talaga niya ang babae.
Nang lumingon ang babae, bigla siyang nagkaroon ng pag-asa.
"Oh, hello dear! What a surprise to see you here."
Ngumiti siya nang hawakan ni Maryam ang kanyang balikat at nakaramdam ng ginhawa sa unang pagkakataon sa araw na iyon.
"Hi Maryam," bati niya nang may sigla.
"Happy Valentines, Brando."
Tumayo si Brando para makipagkamay kay Maryam. Nagpalitan sila ng mga bati sa loob ng isang minuto. Bakit kaya hindi nag-aya ng date si Brando kay Maryam? Sa tingin niya mas bagay silang dalawa.
"Hina, my dear, pupunta akong powder room, samahan mo ako."
Mabilis siyang tumayo sa kanyang upuan, hindi na nagbigay ng pagkakataon kay Brando na pigilan siya. Inakbayan niya si Maryam at mabilis silang naglakad patungo sa banyo. Nang makarating sila sa harap ng banyo, agad niyang hinila si Maryam papasok.
"Maryam, may malaking pabor akong hihilingin sa 'yo."
"Tungkol saan?"
"Matutulungan mo ba akong makaalis dito? Mahaba ang istorya para ikwento ko sa 'yo ngayon, at alam ko rin na magagalit sa akin si Brando, pero handa akong isugal ang pagtakas, kahit alam ko kung ano ang kaya niyang gawin sa akin."
"Tama 'yang desisyon mo, my dear. Sa ilog ng buhay, siya ay buwaya at ikaw ay tadpole," sabi ni Maryam, sa isang makahulugang pahayag.
Kinuha ni Maryam ang kanyang iPhone mula sa kanyang pitaka at tumawag sa isang tao.
"Hello there, Jalen. This is Maryam Velez..."
Nakikinig lang siya kay Maryam kung paano siya nag-ayos para lang makaalis siya sa sky-rise restaurant, pagkatapos ay tinapos ni Maryam ang tawag at ibinalik ang kanyang telepono sa pitaka.
"It's all set, my dear. Jalen will be right outside the door."
"Salamat Maryam, utang ko sa 'yo 'to."
"A lesson learned for you, my dear. Just don't bite a man that you can't chew," sabi ni Maryam sa kanya.
"Hindi ko naman kinagat 'to, Maryam," sagot niya. "Hindi ko pa naranasan 'to sa buong buhay ko. And honestly, isa lang sa magagandang at nirerespeto naming customer si Mr. Nicolas. Pero, ang hindi ko lang inaasahan ay gagawa siya ng bagay laban sa aking kalooban. Kaya natatakot ako sa kung ano ang maaari niyang gawin, Maryam. Alam ko na paglabas ko dito magagalit siya."
"Natatakot din ako para sa 'yo, Hina. Trust me, this is not the man you're going to be involved with."
Sumimangot siya sa sinabi ni Maryam. "Maryam, hindi kita pwedeng iwan dito habang nandito si Brando, baka isipin niyang ikaw ang tumulong sa akin na tumakas sa kanya. Ayaw ko rin na masaktan ka."
"Don't worry about me, my dear, alam ko na kung paano harapin ang mga lalaking katulad niya," sabi ni Maryam.
"Pero, Mar--" Pinutol siya ni Maryam.
"Sshh..just follow me out."
Huminga siya nang malalim bago sinundan si Maryam palabas ng banyo. Sa kanilang pag-uusap sa banyo, inaasahan niya na paglabas nila, naghihintay na si Brando at ang kanyang mga bodyguards. Pero paglabas nila, isang matangkad na lalaki ang sumalubong sa kanila na kilala niya sa pangalang Jalen, niyakap niya si Maryam at nagpaalam siya. Ginabayan siya ni Jalen sa kusina at ipinakita sa kanya ang isang elevator.
"Ma'am, 'yan po ang service elevator natin," sabi ni Jalen sa kanya.
"Salamat, Jalen"
Tumango si Jalen bilang sagot.
Magsasara na sana siya ng button sa elevator nang bigla itong bumukas.
"Hi Alice! How was your adventure in wonderland?"
"Eys! Kumusta ka--, anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa lalaki.
"'Yun din ang itatanong ko sa 'yo," sagot ni Eys.
"Don't start Eys, kasi wala ako sa mood ngayon," sabi niya nang naiirita.
Pumasok siya sa elevator at pinindot ang button para sa ground floor, pero hindi ito gumana kaya pinindot niya ng ilang beses. "Oh come on! Come on!" sabi niya nang naiirita.
"Huminahon ka lang, Hina, lalo mo lang sinisira. By the way, wala ka bang dalang coat o kahit blazer man lang? Mukhang malamig ang suot mo."
"Naiwan ko sa bahay, bakit? May problema ka sa suot ko?" tiningnan niya ng masama si Eys. "Magsabi ka ng totoo sa akin Eys, sinusundan mo ba ako? Imposible namang nagkataon lang na nandito ka rin."
"Please be patient. Sasabihin ko sa 'yo mamaya."
Nanginginig na ang buong katawan niya ngayon, hindi dahil sa lamig kundi sa takot. Pagkatapos ng ilang sandali, naramdaman na lang niyang ibinalot ni Eys ang kanyang leather jacket sa kanya. Nagbigay ito sa kanya ng init at ginhawa kasama ang kanyang nakaka-adik na amoy.
"Salamat," sabi niya nang nahihiya dahil sa totoo lang nilalamig talaga siya na nakasuot ng backless dress.
Nagpapasalamat siya nang gumana ulit ang elevator, at sa parehong oras sumakay sila ni Eys ng elevator pababa sa ground floor.
Naglalakad na sila ngayon papunta sa kotse ni Eys nang hindi nag-uusap.
*****