Masama Para Sa Kanya
Nakilala ko si Erik sa lobby at inexplain ko kung ano ang nangyayari, nagulat siya pero nung naexplain ko na yung trial, okay na siya. Naglakad na kami pababa sa mga pasilyo papunta sa basement, kung saan matatagpuan ang pasukan ng kulungan.
Habang naglalakad kami pababa ng pasilyo, nakita ko ang maraming tao na nagtitipon sa labas ng mga gate, lahat sila naka-itim at karamihan sa kanila ay may hawak na bulaklak.
"Dumating na ang mga tao simula nung lumabas ang balita, naglalagay sila ng bulaklak para sa dating Reyna" paliwanag ni Erik na napansin na nakatingin ako, ngumiti lang ako sa isipin ng lahat ng pagmamahal na natatanggap ni Lizzy.
Pagkadating ko sa basement, ang dati kong gwardya ay nakatayo sa may pinto, pero isang bagong gwardya ang kumuha ng aking atensyon at halos mapaiyak ako. Nakatayo doon ang lalaki na nakita ako sa pantalan, yung lalaki na nasa tabi ko na nagsasabi na okay lang ako.
"Hindi pa ako nagkakaroon ng pagkakataon na magpasalamat sayo, ikaw at yung isa pang lalaki ang dahilan kung bakit ako nakatayo dito sa harap mo" ngumiti ako at nakipagkamay sa kanya, yumuko siya at ngumiti.
"Hindi, ako ang dapat magpasalamat sa inyo ma'am, ang supervisor ko ay humanga kaya pinromote ako bilang isa sa mga personal gwardya mo, yun lang ang pasasalamat na kailangan ko" ngumiti siya pero umiling ako, iniligtas niya ang buhay ko dapat siyang bigyan ng parangal.
"Iniisp ko rin yan mahal ko, ipre-present natin yung dalawang lalaki ng parangal bago magsimula ang trial, para sa kanilang katapangan at dahil iniligtas ka nila mahal ko, pwede mo silang sabihan kung gusto mo" mind-link sa akin ni Grey, sasagot sana ako pero naalala kong hindi ako pwede.
"Ipe-present namin ng Hari yung parangal sa inyo, para sa tapang niyo at para sa pagligtas sa buhay ko" ngumiti ako na masaya na nasabi ko sa kanila, ang mukha niya ay nagulat at naging masaya pagkasabi ko sa kanya "siguraduhin mong sabihin sa isa pa" ngumiti ako habang bumukas ang pinto papunta sa kulungan, lumabas ang isang lalaki at yumuko habang gumagalaw sa gilid.
Nginitian ko ng huli yung lalaki na nagligtas sa akin bago sumunod sa ibang gwardya papunta sa kulungan, ang maliit at madilim na hagdanan ay madilim at masikip gaya ng naalala ko. Pagkarating namin sa ibaba ay dinala ako sa isa sa mga unang kulungan, lagi akong dumadaan dito pero hindi ko pa ito tinitingnan. Binuksan ng mga gwardya ang pinto, dalawa sa kanila ang unang pumasok, tumayo sila sa magkabilang gilid ng pinto habang pumapasok ako.
Pagpasok ko nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa sahig na may kadena ang mga kamay, mukha siyang nagulat habang papasok ako at huminto sa gitna. Pareho pa rin ang mga mata niya pero lumubog na ang mukha niya at mukha siyang matagal nang hindi naliligo. Magsasalita na sana siya pero pinigilan siya ng isang boses sa likod ko.
"Ang Reyna ang unang magsasalita, dapat alam mo yan" sabi ni Erik mula sa likod ko, gusto niya pa rin ang mga patakaran at regulasyon niya.
"Pupunta ka sa libing ni Elizabeth Bennett ngayon, bibigyan ka namin ng kalahating oras para makaligo at makapagbihis ng suit, karapat-dapat siya doon hindi ba?" tanong ko habang nakatingin sa lalaking yun, tatayo na sana siya pero ang mga binti niya ay natumba.
"Pinapayagan ako ni Gr-Grayson na dumalo" tanong niya habang sinusubukan pang tumayo, sa ikatlong pagsubok ay nagawa niyang tumayo pero nanginginig pa rin siya.
"Kinailangan kong mangumbinsi ng husto, pero pinapayagan ka ni Grey na dumalo sa libing ng iyong kabiyak, sa tingin ko gugustuhin niyang nandun ka" sabi ko na nagsisimula nang maawa sa kanya, oo alam ko gumawa siya ng masamang bagay pero tingnan mo siya.
"Dapat siyang mabuhay sa ganoong paraan mahal ko, masyado kang mabait na tao para maintindihan yun, pero isa yan sa mga gusto ko sayo" mind-link sa akin ni Grey, aww ang cute naman.
"Bakit mo ako tinutulungan?" tanong ni Preston na nagpagising sa akin sa isang paraan ng pag-uusap kay Grey, hindi ko pa rin siya masagot.
"Hindi ko ginagawa to para sayo pero para kay Lizzy, kahit na napakasama mong tao, alam kong mahal mo siya, may karapatan kang panoorin siyang inililibing at magpaalam" ngumiti ako sa kanya, nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang pinapasabi niya sa akin "ngayon sasama ka sa mga gwardya para maglinis, maghihintay ako dito" ngumiti ako bago bumalik para lumabas ng pinto, nakarinig ako ng konting pasasalamat pagkalabas ko sa kwarto, iba talaga ang nangyari sa inisip ko.
Pagkaraan ng dalawampung minuto ay naghihintay pa rin ako, pero isa sa mga head guard ay nagbabasa ng mga plano para panatilihing malapit si Preston pero hindi naman mapapansin ng publiko. Gusto ni Grey na nakaposas siya pero sinabi ko na masyadong halata, hindi na kasing lakas si Preston gaya ng dati ibig kong sabihin nasa loob siya ng selda na ito ng mahigit sampung taon! Sinabi ng isa sa mga gwardya na malakas pa rin ang dugo na dumadaloy sa kanyang mga ugat, hindi na siya magiging kasing lakas ng dati pero kung gusto niya kaya pa rin niyang magkaroon ng lakas. Sinasabi sa akin ng head guard ang lahat ng posibilidad, sa ilang kadahilanan ako ang may huling tawag.
"Pwede tayong magkaroon ng gwardya na nakabihis na parang normal na bisita, sa ganoong paraan pwede silang tumayo sa layo ng braso mula sa preso nang hindi nag-aalarma" mungkahi niya na siyang pinakamagandang estratehiya na naisip namin, sinuman na makakita sa mga gwardya ay iisipin lang na nagluluksa na tao.
"Mukhang ito ang pinakamagandang opsyon, maaasahan ko na aayusin mo ang lahat" sabi ko na nagpapasuko sa gwardya, umalis siya para ayusin ang lahat habang sinasakop na naman ni Grey ang isip ko.
"Mag uumpisa na ang libing sa wala pang 20 minuto, wala pa akong naririnig sayo mahal ko, gusto ko sanang tanungin ka at sumagot ka" mind-link niya sa akin, alam kong pwede kong gamitin ang kanyang opinyon sa sitwasyon ng gwardya.
"Alam kong ginawa mo ang tamang desisyon mahal ko, wag kang mag-alala alam kong makakahanap ang mga doktor ng paraan para maibalik ang lobo mo" sabi niya pagkarinig sa aking mga iniisip, kung gusto niyang malaman kung ano ang nangyayari pwede niyang i-mind-link si Erik, palagi siyang kasama ko.
Nagustuhan niya yata ang ideyang iyon dahil pagkatapos ng ilang segundo ay blanko ang mukha ni Erik, umiling lang ako at ngumiti habang nakita ko si Preston na lumilibot sa sulok na sinusundan ng mga gwardya. Nalinis na siya ngayon at may malinis na suit, mukha na siyang ibang tao. Pinaalala sa akin ni Erik na kailangan na naming umalis kung ayaw naming mahuli, kaya nagsimula na akong lumabas kasama si Preston sa likuran ko.
Pagkarating namin sa tuktok ng hagdan nakarinig ako ng paghinga, lumingon ako para makita si Preston na tumitingin lang sa paligid sa basement, bakit nagugulat ang isang basement? Sa tingin ko kung kinailangan niyang manatili sa kulungan ng mahigit sampung taon, lahat ng makikita mo ay bago at kakaiba. Pagkaalis namin sa basement, nakatayo ang head guard na naghihintay sa akin, mga 20 kalalakihan na naka-suit ang nakatayo sa tabi niya na sa tingin ko ay mga gwardya na nagpapanggap, kailangan kong sabihin na hindi ko mahuhulaan na ang mga lalaking ito ay walang iba kundi mga miyembro ng pamilya.
Sa walang oras ay lumabas na kami ng kastilyo at patungo sa kung saan maghihintay si Grey, naglalakad sa tabi ko si Preston kasama si Erik sa kabilang panig. Naglakad kami ng tahimik sa loob ng ilang minuto hanggang sa nagsalita si Preston.
"Makikipagkita ba tayo kay Grayson bago maganap ang libing?" tanong niya mula sa tabi ko, narinig ko na ang lahat ng kwento tungkol sa lalaking ito pero hindi ko lang mailagay kung paano siya kumilos ngayon.
"Tama mahal ko, kumikilos" mind-link sa akin ni Grey, mas interesado siya sa iniisip ko kamakailan.
"Oo, doon tayo pupunta ngayon at lalakad tayo kasama niya sa libing" paliwanag ko habang naglalakad pababa sa malaking hagdanan na patungo sa likod ng garden.
"Nakikita kong binago ni Grayson ang ilang bahagi ng hardin, siguro mga bagay na gusto mo....pasensya ano ang pangalan mo?" tanong sa akin ni Preston habang nagpapatuloy kami sa aming paglalakbay, mula sa tabi ko naririnig ko si Erik na nagsasabi ng ma'am pero umiling ako sa kanya.
"Pamilya ka kaya pwede mo akong tawaging Clara" sabi ko kay Preston na tumingin sa akin ng isang segundo, para bang sinusubukan niyang ilagay ang pangalan ko sa aking mukha.
Bago pa siya makapagsalita ay dumating na kami sa labas kung saan gaganapin ang libing, naglinya ang mga tao sa labas ng kalye ang iba ay umiiyak pa. Mukhang libu-libong mga tao ang dumadalo. Sa gilid ng aking mata nakita ko si Kyle na ngumingiti sa akin, sa kanyang mga mata alam kong gumaan ang pakiramdam niya na makita ako. Kailangan kong maghintay hanggang sa makaupo na kami para makausap siya, nginitian ko siya bago nagpatuloy sa aking paglalakbay para hanapin si Grey. Sa gate ng lugar kung saan siya nakatayo kasama si Josh, agad siyang lumingon, ang kanyang mga mata ay hindi tumama sa akin kundi sa taong naglalakad sa tabi ko.
"Tingnan mo ang aking anak" narinig kong sabi ni Preston habang papalapit kami, si Grey ay natanggal sa kanyang pagkakagulat at lumakad palapit sa akin.
"Hindi ako ang anak mo, dahil lang kay Clara kaya ka nakatayo diyan" sumagot si Grey sa kanyang ama, hinawakan ko ang kanyang mga kamay na nagiging dahilan para tumingin siya sa akin.
"Hindi ngayon Grey, nakatingin ang mga tao" bumulong ako habang tumitingin sa paligid sa publiko, na sa tingin ko ay hindi pa napapansin si Preston.
Huminga ng malalim si Grey bago hawakan ang aking kamay, tumayo kami sa harap ng gate sa isang segundo. Nagpadala siya ng tango sa mga gwardya kung saan binuksan ang mga gate at nagsimula na kaming lumakad, upang magpaalam sa huli kay Lizzy.