KABANATA 49: Napansin ni Kenzo na may nararamdaman pa rin si Amelia kay Blaike
PANANAW NI KENZO SMITH
"Renzo," tawag sa 'kin ng isang boses. "Kamusta na kayo ni Amelia?" Tanong niya agad sa 'kin.
Lumingon ako para makita kung sino 'yung nag-salita, si Blaike pala.
Hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit siya...
Tatlong taon na 'yung nakalipas mula no'ng huli ko siyang nakita. Para ko na siyang kapatid no'ng pareho pa kaming nagtatrabaho sa underground society. Pagkatapos ng balita na may kumuha sa kanya, wala na kaming balita tungkol sa kanya.
"Gaano ka na katagal dito? Bakit hindi ka nag-contact sa 'min? Anong nangyari sa 'yo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Hindi ko na pinansin 'yung mga tanong niya sa 'kin. Mas nag-aalala ako kung anong nangyari sa kanya.
Nag-aalala lang ako sa kanya kasi para ko na siyang kapatid noon.
"Kailan 'yung kasal niyo?" Tanong niya sa 'kin.
Paano niya nalaman na ikakasal ako?
Bakit parang mas concern siya do'n?
May gusto pa rin ba siya kay Amelia?
Sa tingin ko, isasawalang-bahala ko na lang 'yung mga tanong niya at itatanong ko na lang kung anong nangyari sa kanya. Hindi ako komportable na pag-usapan si Amelia lalo na 'yung kasal namin.
"Sabi ng tatay mo, dapat daw kita bantayan. Hinahanap kita sa mga nagdaang taon, pero hindi ko nagawa. Saan ka nagtago sa mga nagdaang taon?" Sabi ko.
Pabaling-baling ako ng topic kasi ang dami niyang tanong tungkol sa kasal ko. Ayoko lang sagutin 'yung mga tanong niya. Kaya nga hindi ko na lang pinapansin 'yung mga tanong niya at patuloy na nagbabago ng topic at patuloy na nagtatanong sa kanya ng kung anu-ano.
Hindi ako komportable pag-usapan 'yung kasal namin o si Amelia. Dahil alam ko na minahal niya si Amelia noon, hindi ko alam kung may gusto pa rin siya kay Amelia.
Hindi ko naman masisisi si Blaike dahil nag-file ng kaso si Amelia tungkol sa kanya. Dahil si Blaike ang biktima ng tatay niya. Si Blaike ang inakusahan na pumatay sa tatay ni Amelia, kahit ayaw gawin ni Blaike, kailangan niyang gawin. Biktima lang si Blaike ng malupit na mundo kung saan kami lumaki.
Noon, mahal na mahal niya si Amelia. Pero wala siyang magawa tungkol do'n. Kasi iba siya sa mundo ni Amelia. Pareho silang may pagkakaiba na naglalayo sa isa't isa.
Kung mahal pa rin ni Blaike si Amelia, okay lang sa 'kin. Kasi alam ko naman na sa simula pa lang, hindi naging sa 'kin si Amelia, at hindi kailanman magiging sa 'kin. Nagpapakasal lang kami dahil sa arranged marriage.
Hindi ko alam kung natuto akong mahalin ni Amelia pagkatapos ng tatlong taon naming engaged. Pero ang alam ko lang, totoo at tunay 'yung nararamdaman ko kay Amelia. Sobrang lalim ng nararamdaman ko sa kanya, na mas mahal ko pa siya kaysa sa sarili ko.
"Mahal mo ba siya?" Tanong sa 'kin ni Blaike.
Natigilan ako sa tinanong niya...
Hindi ko inaasahan na itatanong niya sa 'kin 'yung ganu'ng tanong...
Nanahimik lang ako at tumahimik. Hindi ako sumagot ng ilang minuto at umiwas ng tingin. Iniiwasan ko 'yung eye contact sa kanya.
Umiwas ako ng tingin kasi ayoko sagutin 'yon.
Kasi ayokong masaktan ni Blaike. Sa pagsabi sa 'kin na mahal niya pa rin si Amelia.
"Mahal mo ba si Amelia?" Tanong niya ulit sa 'kin.
"Oo!" Sagot ko at umiwas ng tingin.
Hindi ko inaasahan na sasabihin ko 'yon...
Tumingin ako kay Blaike kasi tumahimik siya...
Nakita ko 'yung sakit sa mga mata niya. Sakit na naramdaman ko rin no'ng kasama ko si Amelia. Sakit na nararamdaman ko sa loob ng mga taon na alam kong mahal ng fiancee ko ang ibang lalaki.
Ayoko sisihin si Amelia dahil mahal niya si Blaike habang engaged kami. Dahil sa simula pa lang, pareho kaming nagkasundo na mag-engage dahil sa mga kaayusan ng magulang namin. Hindi ako mahal ni Amelia, pumayag lang siya kasi pinangako ng mga namatay niyang magulang sa nanay ko, kaya ganon.
Huminga lang ako ng malalim at bumuntong-hininga...
No'ng magkarelasyon pa si Blaike at Amelia. May mga lihim akong nararamdaman kay Amelia, kahit alam ko na kay Blaike siya. Hindi ko lang talaga maiwasang ma-in love sa isang katulad niya.
Si Amelia ay isang piraso ng diyamante na dapat alagaan. Siya ay isang diyamante na hindi dapat sayangin.
Alam ko noon, minahal ko 'yung taong hindi sa 'kin. Hinahangaan ko 'yung taong may mahal nang iba. Kasalanan ko na minahal ko 'yung taong may mahal nang iba.
Si Amelia ay isang napakabait at napakatamis na babae. Bawat lalaki ay mai-in love sa kanyang karisma. Kaya nga ako rin, nahulog ang loob sa kanya.
Mahal na mahal ko si Amelia, higit pa sa buhay ko...
Sa lahat ng mga taon, lihim ko siyang minahal...
"Gusto kong alagaan mo siya. Mahalin mo siya, higit pa sa pagmamahal mo sa sarili mo. Laging suyuin kahit kasal na kayo. Ingatan mo siya na parang isang hiyas, na hindi mo dapat mawala. Gawin mo siyang pinakamahalagang kayamanan na maaari mong makuha sa iyong buhay. Gawin mo siyang mundo mo kapag ikinasal ka na sa kanya," masaya niyang sinabi sa 'kin.
Tinitigan ko lang siya habang sinasabi niya 'yung mga salitang 'yon. Kasi sa hitsura ng kanyang mga mata, halata naman na, mahal pa rin niya si Amelia.
Nararamdaman ko 'yung malalim na sakit sa loob niya. Hindi kayang magsinungaling ng kanyang mga mata dahil sa isang tingin pa lang sa kanyang mga mata alam ko na 'yon. 'Yung sakit na nakikita ko sa kanyang mga mata, ay 'yung sakit din na nararamdaman ko tatlong taon na ang nakalipas.
Nakikita ko na mahal pa rin niya si Amelia...
"Mahal mo pa rin ba siya?" Tanong ko sa sarili ko.
Huminto siya saglit at sumagot sa 'kin. "Oo!"
Yung sagot niya, sinira 'yung buong mundo ko sa milyun-milyong piraso. Pakiramdam ko, may matatalim na kutsilyo na nakaturo sa puso ko. Nakaramdam ako ng sakit sa puso sa loob ng dibdib ko.
'Yung mga salita niya, nagdagdag ng sakit kaysa sa nararamdaman ko.
Alam ko na dapat hindi mahal ni Amelia si Blaike. Dahil tatlong taon na silang hindi nagkita. At ayaw na rin ni Amelia kay Blaike, dahil naniniwala si Amelia na pinatay ni Blaike ang mga magulang niya. Kahit alam ko na dapat mahalin si Amelia ng iba. Masakit pa rin sa 'kin, na narito ako sa tabi ni Amelia sa loob ng tatlong taon, pero hindi man lang niya ako kayang mahalin pabalik.
Naramdaman ko lang na nagdurusa ako sa loob na tinatanong 'yung mga hangal na tanong kay Blaike.
Bakit ko pa nga ba tinanong?
Kung halata naman na mahal pa rin ni Blaike si Amelia.
"Pasensya na!" Paghingi ko ng tawad.
Kasi sa sandaling ito, alam naming pareho, na pareho naming mahal si Amelia.
Pasesnsya lang ako kasi inagaw ko si Amelia sa kanya. Pero gagawin ko ang lahat para maging sa 'kin si Amelia kahit ano pa man.
"Huwag kang mag-sorry! Gusto kong ipagkatiwala sa 'yo si Amelia. Aalis na naman ako, at hindi mo na ako makikita. Gusto ko lang siguraduhin na okay si Amelia at nasa mabuting kamay. Alam ko na kung nasa 'yo siya, aalagaan mo siya nang mabuti. Masaya ako para sa inyong dalawa para sa inyong paparating na kasal," masaya niyang sinabi at ngumiti sa 'kin.
Nakaramdam ako ng ginhawa sa pakikinig sa mga salitang 'yon mula sa kanya.
Alam ko na dapat naka-move on na si Amelia kay Blaike.
Pero natatakot pa rin ako na baka iwan ako ni Amelia para kay Blaike. Natatakot ako na iwanan ako ni Amelia at pabayaan ako.
Kilala ko ang sarili ko na hindi ko kayang kalabanin si Blaike. Kasi minsan sinabi sa 'kin ni Amelia na si Blaike ang una niyang pag-ibig, na hindi niya makakalimutan, kahit ano pa man.
"Nangako ako na aalagaan ko nang mabuti si Amelia. Hinding-hindi ko hahayaan na may manakit sa kanya. Siya ang magiging mundo ko, at ituturing ko siyang reyna ko. Ibibigay ko sa kanya ang mundo ko. Tratratuhin ko siya sa paraang nararapat niyang tratuhin," sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya sa sinabi ko sa kanya...
Mukhang masaya siya na makikita niya na aalagaan si Amelia...
Sisiguraduhin ko na magiging masaya si Amelia sa tabi ko hanggang sa huling hininga ko...
"Pwede mo ba akong pagbigyan ng isang pabor?" Tanong niya sa 'kin.
"Ano 'yon?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede ba akong sumaksi sa kasal niyo mula sa malayo?" Tanong niya sa 'kin.
"Oo naman! Ite-text ko sa 'yo 'yung address at e-email ko sa 'yo 'yung imbitasyon sa kasal," sabi ko.
Masaya ako na masaya siya para sa 'kin at sa paparating na kasal nila Amelia...
"Pwede ba akong humingi ng isa pang pabor?" Tanong ko.
"Oo naman!" Sabi ko.
"Pwede ko bang makita si Amelia sa huling pagkakataon at makausap siya?" Tanong niya sa 'kin.
Nagulat ako sa pabor niya...
Pero gagawin ko 'yon dahil pagkatapos nito, aalis na naman siya. At hindi na namin siya makikita.
"Oo naman!" Sagot ko at pilit na ngumiti.
"Sige! Sa parehong oras, dito rin. Maraming salamat, Renzo!" Nagpasalamat siya sa 'kin.
**************************************
Pag-uwi ko sa bahay, umupo ako sa aming itim na komportableng sofa.
Habang nagmamaneho ako pauwi. Iniisip ko kung dapat ko pang hayaan na makita ni Amelia si Blaike.
Natatakot pa rin akong mawala si Amelia...
Pero dahil huling pagkakataon na nilang magkikita. Dapat hayaan ko silang magkita ulit.
Kahit alam ko na masisira 'yung puso ko sa milyun-milyong piraso. Hindi ko lang mapipigilan ang lahat ng nangyayari.
"Amelia," mahina kong tinawag 'yung pangalan niya.
Huminga ako ng malalim at bumuntong-hininga.
Inabot ko sa kanya 'yung isang piraso ng papel na may nakasulat na oras at lugar kung saan niya dapat makita si Blaike.
"Ano 'to?" Tanong niya sa 'kin habang itinaas niya 'yung kaliwang kilay niya.
Parang naguguluhan siya...
"Gusto kang makita ni Blaike," sabi ko.
"Talaga? Nasaan siya?" Masaya niyang tanong sa 'kin.
Nakikita ko 'yung pananabik at kaligayahan sa mga mata ni Amelia.
Nakikita ko sa mga mata ni Amelia na mahal pa rin niya si Blaike...
Hindi nagsisinungaling ang mga mata...
"Makipagkita kay Blaike sa address na 'yon..."