Kabanata 19
Isa lang ang sentence na paulit-ulit sa utak ni Rhianne.
Dumating na talaga ang demonyo para kunin siya!
Hindi niya maintindihan. Bakit nandito si Andrew? At kaklase pa niya! Nangyari ba talaga 'to sa nobela? May nabanggit ba sa libro na magkaklase sila dati?
Sa pag-iisip niya, posibleng mangyari 'yon. Baka dahil doon, mas lalong nagkaroon ng feelings si Rhianne Cartel kay Andrew dahil kaklase sila. Pwedeng maraming oras si Andrew para ipakita at manipulahin ang nararamdaman ng kawawang babae. Ang sama at tuso talaga!
Tinitigan ni Andrew ang batang babae na dahilan kung bakit siya nandito. Dahil nandito na rin naman siya, plano ni Andrew na maging magkaibigan sila. Susubukan niyang palalimin ang kanilang pagkakaibigan.
At pagkatapos no'n...
Tinignan ni Andrew si Rhianne sa huling pagkakataon. Maaga pa para gawin ang lahat ng bagay na 'to. Mas maganda kung babagalan niya para hindi masyadong maging alisto si Rhianne sa kanya.
"Uy. Anong nangyari sa 'yo?"
Napapikit si Rhianne nang kalugin siya ni Keith sa balikat niya para makuha ang atensyon niya. Napansin niya na may manipis na pawis sa noo niya. Walang salita, kinuha ni Keith ang panyo niya sa bulsa at pinunasan ang pawis ni Rhianne. Maingat na pinunasan ni Keith ang mukha ni Rhianne hanggang sa mawala ang pawis niya.
"May sakit ka ba? Hindi ba maganda ang trabaho ng kapatid ko bilang doktor mo?" seryosong tanong ni Keith. Sa isip niya, iniisip na ni Keith kung paano niya pagsasabihan ang kapatid niya mamaya. Ipinagkatiwala si Rhianne kay Auntie Carmie at Uncle Tim pero nagawa niyang pabayaan ang tungkulin niya bilang personal na doktor nito? Hindi talaga katanggap-tanggap!
"Ah?"
"Mukha kang namumutla."
"Wala lang 'to," sabi ni Rhianne habang winawagayway ang kamay niya para itigil ang usapan.
Sinubukan ni Rhianne na maging kalmado kahit medyo natatakot siya. Sinabi ng kanilang tagapayo kay Andrew na umupo sa pangalawang row bago niya sinimulang talakayin ang laman ng kanilang manual sa paaralan. Sinubukan niyang kumilos na parang normal at nakinig sa kanilang tagapayo. Yumuko pa siya para maiwasan ang pagtingin kay Andrew habang iniisip kung ano ang susunod na gagawin.
'So ano na ang gagawin ko ngayon?'
Maingat na sinuri ni Rhianne ang sitwasyon. Natural lang na hindi siya sumusunod sa orihinal na kwento. Kung susunod siya, baka magkaibigan na sila ni Andrew. Mag best friends pa nga. Pero hindi sila nagkaroon ng kahit anong contact maliban sa unang pagbisita niya sa bahay nila kasama ang kanyang ina. Simula noong nag-transmigrate siya sa mundong ito, sinubukan ni Rhianne na palakasin ang kanyang relasyon sa kanyang pamilya. Naging kaibigan pa niya ang male lead.
Lahat ay iba na ngayon. Ang Rhianne Cartel ngayon ay hindi na naglalakad sa landas ng pagkawasak. Hindi na siya inosente at spoiled na dalagita. Ngayon ay isang batang babae na tumitingin sa mas malaking larawan. Ngayon ay isang batang babae na may layunin at pangarap na makamit sa hinaharap.
'Yon na 'yon! Iiwasan pa rin niya siya. Baka hindi niya totally i-ignore si Andrew dahil magkaklase sila. Pero susubukan ni Rhianne na maging sibil sa kanya at laging tatandaan na huwag masyadong lumapit sa kanya.
Sa totoo lang, walang mas malalim na dahilan si Rhianne para totally kamuhian si Andrew. Ang nagdusa sa orihinal na malungkot na kapalaran ay ang tunay na Rhianne Cartel. Para sa kanya na kumuha sa katawan ni Rhianne Cartel, tanging ang mga pangyayaring iyon ay makikita niya bilang isang taong dumadaan lang. Pero, naninirahan pa rin siya sa isang nobela kung saan tapos na ang resulta. Ang pwede lang niyang gawin ngayon ay huwag ulitin ang mga pagkakamali ni Rhianne Cartel.
Habang sinusubukan ni Rhianne na gawin ang lahat ng bagay na ito, tahimik na inoobserbahan din siya ni Keith. Ang ekspresyon ni Rhianne habang nakatingin sa kanilang bagong kaklase ay hindi nakatakas sa kanyang mga mata. Gayundin, ang tingin ni Andrew ay nakatuon lamang kay Rhianne. Sa pag-iwas na magdagdag ng anumang bagay para mas lalong ma-distressed si Rhianne, nanatili siyang tahimik.
Nang sinubukan ni Keith na tumingin ulit kay Andrew, nakita niya na nakatingin din ito sa kanya. Tinitignan lang siya ni Andrew, pero pakiramdam ni Keith ay pinopro-provoke siya ni Andrew. Baka pakiramdam lang niya, pero ayaw pa rin niya nito. Kahit konti. Sumimangot si Keith at hindi niya sinubukang iwasan ang kanyang tingin. Nagpatuloy ito hanggang sa kalabitin ni Rhianne ang braso ni Keith.
"Nakikinig ka ba sa 'kin?"
"Ano?"
"Mr. Protagonist, ngayon pa lang ang unang araw ng pasukan pero wala ka na agad focus dito."
Tinitigan ni Keith si Rhianne na may kakaibang tingin.
"Sabi ko sa 'yo, huwag mo akong tawaging ganyan."
"Huh? Ah! Sorry, nakalimutan ko," sabi ni Rhianne. "So Mr. Male Lead, gusto mo bang kumain mamaya?"
"..."
"Mr. Male Lead?"
Gusto sanang magreklamo ni Keith, pero nang narealize niya na hindi talaga sineseryoso ni Rhianne ang mga sinabi niya, bumuntong hininga na lang siya. Kalimutan na lang. Isang trivial matter lang naman iyon. At hindi naman lahat ay tatawagin siyang ganoon. Si Rhianne lang ang may karapatang tawagin siya ng ganoon.
"...Sige na nga. Natatakot ako na magreklamo ka mamaya kung hindi ako sasama sa 'yo."
Napangiti lang si Rhianne nang marinig niya ang sagot niya. Hindi na talaga nagiging tapat ang mga bata ngayon. Pero okay lang 'yon. Bata pa naman si Mr. Protagonist. Hayaan na lang muna siya sa gusto niya.
"Kung ganon, dapat marami tayong kainin ngayon! Sana may braised chicken at potato salad sa cafeteria natin na may kasamang bowl ng cream soup. Oh! Huwag nating kalimutan ang ating dessert. Pwede rin tayong magkaroon ng slice ng chocolate cake."
"..."
"Mr. Male Lead?"
"Oo nga. Palaging nasosolusyunan ng pagkain ang mga problema mo."
Hindi para sa kanya, kundi para sa magandang batang babaeng nakaupo sa tabi niya. Habang nagte-text sila ni Rhianne nitong mga nakaraang araw, natuklasan ni Keith na mahilig pala itong kumain. Gusto niyang kainin lahat, lalo na ang mga dessert. Nagtataka talaga siya kung paanong payat at maliit pa rin ang itsura nito kahit marami siyang kinakain.
"Oo naman! Hinding hindi ako magsasayang ng anumang pagkain na ibibigay sa 'kin."
"Oo na. Tara na," sabi ni Keith.
"Sige!"
At nagkasabay ang male lead at ang supporting character sa kanilang lunch sa cafeteria.