Kabanata 34
Nagsimula na rin sa wakas ang laro ng basketball ng mga sophomores at juniors.
Si Keith ang team leader ng seksyon nila. Nung inanunsyo 'yan ng coach dati, walang sumalungat sa desisyon niya. Kasi naman, alam ng lahat na magaling maglaro ng basketball si Keith. Ang pinakaimportante, magaling tumira si Keith sa three-point area.
Bilang kaibigan niya, taga-suporta, at sikretong kapatid, si Rhianne ay tapat na nagche-cheer para sa kanyang Mr. Protagonist. Tuwing ititira ni Keith ang bola sa ring, sisigaw si Rhianne ng pangalan niya at che-cheer para sa kanya nang bongga. Parati namang nagkukunwari si Keith na walang epekto sa kanya ang pagche-cheer niya. Pero di niya maitatago na namumula ang leeg at tenga niya.
Last quarter na. Binigyan ng limang minuto na pahinga ang mga player. Masigasig na binibigyan ni Rhianne ng tuwalya at bote ng tubig ang mga player. Nakaupo siya sa tabi ni Keith habang pinupunasan nito ang buhok niya gamit ang tuwalya. Pero grabe talaga magpawis si Keith dahil siya yung abalang gumagawa ng puntos para sa team nila.
"Hindi ganyan ang tamang pagpunas ng pawis mo, Mr. Protagonist," sabi ni Rhianne.
"Ha?"
'May tamang paraan ba kung paano pupunasan ang pawis sa katawan mo?'
"Ehh... Ikaw na nga," sabi ni Keith sabay abot ng tuwalya niya kay Rhianne.
"Hindi ganyan. Basa na sa pawis mo. Teka lang."
Kumuha si Rhianne ng isa pang bagong tuwalya mula sa kanyang backpack. Inaasahan na niya 'to ngayong araw. Napansin ni Rhianne na tuwing gumagawa ng physical activities ang kanyang Mr. Protagonist gaya ng paglalaro ng basketball, grabe palagi siyang magpawis. Kaya naman naghanda siya ng limang tuwalya para sa Mr. Protagonist niya lang.
Ginesture ni Rhianne na humarap sa kanya si Keith habang nilalagay niya ang tuwalya sa leeg nito. Tapos dahan-dahan niyang pinunasan ang pawis sa kanyang noo, kilay, leeg, at braso. Tapos pinakiusapan ni Rhianne si Keith na tumalikod para mapunasan din niya ang likod nito. Kahit nagdadalawang-isip, sumunod pa rin si Keith at itinaas ang jersey na suot niya.
Pagkatapos masigurado na napunasan na niya lahat ng pawis nito, kinuha ni Rhianne ang body powder na inihanda niya kanina sa kanyang bag at naglagay ng sapat na dami nito sa kanyang likod. Kinikilabutan si Keith tuwing dumadaan ang kanyang mga daliri sa likod niya, pero wala siyang sinabi para pigilan si Rhianne sa kanyang ginagawa. Si Rhianne naman, akala niya na sobrang kiliti-in lang si Keith.
"...Ito ba yung pulbo na ginagamit mo araw-araw?" tanong ni Keith.
"Oo! Ang bango, 'di ba? Gustung-gusto ko talaga ang matamis na amoy ng sampaguita dito!" sabik na sabi ni Rhianne.
Bumili si Rhianne ng body powder na 'to noong nakaraang buwan kasama ang kanyang ina at agad na nagustuhan ang amoy nito. Pagkatapos nun, bumili rin si Rhianne ng pabango, shampoo, at sabon na may parehong amoy sampaguita. Ito ang amoy na palaging naaamoy ni Keith tuwing kasama niya si Rhianne. Para kay Keith, ang matamis at nakakakalmang amoy nito ay bagay na bagay sa kanya.
"Maganda."
"Tama!"
Masaya si Rhianne na kahit ang kanyang Mr. Protagonist ay aprubado ang kanyang piniling amoy. Sigurado nga, may magandang panlasa rin ang male lead na 'to. Dahan-dahang nilalagyan ni Rhianne ng pulbo ang kanyang likod. Sa ganitong paraan, mae-refresh si Keith bago magsimula ulit ang laro.
Pagkatapos lagyan ng body powder ang likod at leeg ni Keith, kumuha si Rhianne ng isang bote ng energy drink mula sa kanyang bag at binuksan ito. Tapos inabot niya ito kay Keith. Tiningnan muna nito ang bote ng energy drink bago tumitig kay Rhianne na para bang tinatanong siya kung ano ang nangyayari.
"Dahil hindi ako makagawa ng anumang pisikal na aktibidad, ibinibigay ko na sa 'yo ang aking bahagi ng energy drink. Hindi lang 'yan, nagbabahagi rin ako ng aking enerhiya sa 'yo para hindi ka masyadong mapagod pagkatapos ng laro. Ngayon na binigyan kita ng aking energy drink at enerhiya, siguradong mananalo ka sa larong ito at gagawaran bilang pinaka-gwapong player para sa sports competition ngayong taon!"
"Anong klaseng lohika 'yan?"
"Lohika mula sa isang magandang babae na nakakaalam kung ano ang sigurado na mangyayari sa hinaharap!"
Dahil sa kanyang mga sagot, hindi mapigilan ni Keith ang tumawa sa kanya. Alam ni Keith na matalinong babae si Rhianne. Pero may mga oras talaga na ganito na magsasalita siya ng kalokohan at nagkukunwari na parang nakakakita siya ng hinaharap. Pero kahit na ganoon, ka-adorable pa rin si Rhianne kahit ano pa ang ginagawa niya sa harap niya.
Habang nasa sarili nilang mundo ang dalawa, hindi nila alam na karamihan sa mga estudyante ay nakatingin sa direksyon nila. Ang mga babaeng may gusto kay Keith ay pakiramdam nila talo na nang nakita nila ang malambot na ngiti na ibinibigay ni Keith kay Rhianne. Ganun din ang pakiramdam ng mga lalaki na naaakit kay Rhianne. At bukod pa, hindi man lang nila malapitan si Rhianne dahil si Keith ang palaging nagbabantay sa kanya sa karamihan ng oras.
Mayroon ding dalawang pamilyar na tao na nanonood sa dalawa mula sa malayo. Inakbayan ni Calvin si Francis para pigilan siya sa pag-ambush sa kanyang nakababatang kapatid. Pagpasok nila sa auditorium kanina, nakita nila ang eksena kung saan pinupunasan ni Rhianne ang pawis sa noo ni Keith. Tapos pagkatapos nun, kumuha si Rhianne ng isang bote ng body powder mula sa kanyang bag at nilagyan ito sa kanyang likod. Kung estranghero sila sa mga batang 'yon, siguradong iisipin nina Calvin at Francis na nasa relasyon sila.
Pero sa kasamaang palad o hindi, sobrang manhid talaga si Rhianne habang si Keith naman ay masyadong mahiyain at duwag para aminin ang kanyang tunay na nararamdaman. Kaya naman, hindi talaga mangyayari ang iniisip nila ngayon.
Pero.
"Ah! Young love. Sana mayroon din akong babae na napaka-atento sa akin noong estudyante pa ako," sabi ni Calvin habang nakatingin sa dalawang pigura na nakaupo sa bleachers. "Naiinggit talaga ako kay Tristan ngayon."
"Tigil-tigilan mo nga ang pagsasalita na parang matandang nagbabalik-tanaw sa nakaraan mo? Kadiri," nagtatakang sagot ni Francis. "At alisin mo nga ang braso mo sa akin!"
"Wala ka talaga gaanong saya," sagot ni Calvin habang inaalis ang kanyang mga braso mula sa balikat ni Francis. Tila ligtas si Tristan kay Francis sa ngayon.
"Anong problema sa batang 'yon? Akala ko nag-aaway 'yung dalawa?"
"Oh. Huli ka sa balita. Nagkaayos na sina Rhianne at Tristan. Salamat sa akin, nalutas na sa wakas ang hindi pagkakaunawaan nila."
"Tsk. Mas mabuti kung lalayo 'yung batang 'yon sa kapatid ko," sumimangot si Francis habang nakacross arms sa kanyang dibdib.
"Huwag ka ngang masyadong harsh sa kapatid ko. Bata pa si Tristan. Kaya pa niyang baguhin ang kanyang mga negatibong katangian pagkalipas ng ilang taon."
"Oo nga? Edi mabuti para sa kanya. Pero ayoko pa rin sa kanya para sa kapatid ko."
"Bakit ka ba galit na galit kay Tristan? Hindi naman siya ganun kasama, 'di ba?"
"Ayoko lang talaga sa kanya," sabi ni Francis.
Pero ang totoo, ayaw ni Francis kay Keith dahil palagi itong nakadikit sa kanyang nakababatang kapatid na parang pandikit. At speaking of his little sister, palaging pinakikitunguhan siya ni Rhianne nang maayos. Palagi niyang pinaalalahanan si Keith na kumain ng masusustansyang pagkain, matulog nang husto, at pinapagalitan ang batang 'yon tuwing minamaliit niya ang sarili niya. Ang pinakamasama sa lahat, hindi pa naranasan ni Francis ang ganung uri ng pagtrato mula sa kanyang nakababatang kapatid!
Anong klaseng diskriminasyon ito?! Ang tanging magandang pagtrato na natanggap niya mula kay Rhianne ay noong pinupuri niya ang kalangitan dahil binigyan siya nito ng kanyang nakatatandang kapatid at hindi si Calvin. 'Yun lang.
Si Francis ay nakatatandang kapatid ni Rhianne. Magkadugo sila. May kasabihan na 'mas matimbang ang dugo kaysa sa tubig.' kaya dapat mas tratuhin siya ni Rhianne nang mas mabuti kaysa kay Keith!
"Hoy. Tigil-tigilan mo ang pag-pout. At hindi tama na nagseselos ka sa isang maliit na bata," biro ni Calvin habang tumatawa sa kanyang kaibigan.
"Ako? Nagseselos sa batang 'yon? Ha! Mangangarap ka!" sabi ni Francis bago tumayo at iniwan ang kanyang kaibigan.
"Hoy! Saan ka pupunta? Pare, huwag mo akong iwanan!"
"Pupunta ako sa isang lugar kung saan walang baliw at abnormal na doktor na katulad mo!" sigaw ni Francis sa kanya na sinagot ni Calvin ng tawa.
Nang hindi na makita ni Calvin si Francis, tiningnan niya ang dalawang teenager na abala pa rin sa kanilang sariling maliit na mundo. Pero sa pagkakakilala niya sa kanila, sigurado siya na hindi nila napapansin ang klase ng atmosphere na ginagawa nila sa loob ng audition, lalo na si Rhianne. Sumimangot si Calvin sa isiping iyon.
Hindi makita ni Francis ang tunay na sitwasyon sa pagitan nina Rhianne at Tristan. Hindi nagbibigay ng espesyal na pagtrato si Rhianne kay Tristan. Sigurado si Calvin na kumikilos si Rhianne bilang mapag-alaga at mapagmahal na ate kay Tristan, na katawa-tawa kay Calvin dahil ang edad ni Rhianne ay tiyak na mas bata kaysa sa kanyang nakababatang kapatid. Ang pinakamasama pa nito, nag-eenjoy si Tristan sa sitwasyon nang hindi alam na magdudulot ito ng malaking problema para sa kanya sa hinaharap.
Pero ituturo ba niya ito kay Tristan? Siyempre hindi. Mas mabuti para sa kanya na ayusin ang problemang ito sa sarili niyang paraan sa hinaharap. Pagkatapos ng lahat, nag-enjoy din siya sa pagtrato na 'to.
Nang marinig nilang lahat ang buzzer, nakita ni Calvin si Tristan na tumayo mula sa bleachers. Nakatayo siya sa harap ni Rhianne na parang may sinasabi sa kanya. Tapos biglang, nakita ni Calvin ang kanyang nakababatang kapatid na tumawa bago niya kinurot ang noo ni Rhianne. Pagkatapos, tumakbo siya sa gitnang korte at sumali sa kanyang mga katimpalak.
'Tristan, mahaba pa ang iyong lalakbayin bago mo makuha ang puso ng iyong prinsesa.'