Kabanata 44
Kinabahan si Feng Lei ng sobra dahil wala si Wan Ke. Hindi natanggal ang tingin niya sa pintuan ng classroom nung exam, umaasa na makikita niya si Wan Ke. Kaninang umaga bago mag-exam, pinuntahan ni Feng Lei ang mansyon ng mga Wen pero hindi siya pinapasok ng mga gwardya. Sabi nila may sakit daw si Wan Ke at nagpapahinga. Hindi siya naniwala sa sinabi nila dahil hindi naman dahilan ang pagkakasakit para hindi siya mag-exam. Buhay niya ang araw na 'to, eh.
Pagkatapos ng exam, lumabas si Feng Lei ng classroom at si Wan Ke lang ang nasa isip niya. Hindi siya nag-practice para sa physical tests kinabukasan dahil wala siya sa sarili.
"Bakit wala pa si Wan Ke?" sabay sa kanya si Hen Yu habang naglalakad sila sa school yard. "Dalawang araw na siyang wala, nag-aalala na ako," mahinang sabi niya.
"Hinanap ko siya sa mansyon."
"Tapos, nandun ba siya?"
"Hindi nga ako pinapasok, eh. Sabi ng mga gwardya sa main gate, may sakit daw."
"May sakit?"
"Hindi ako naniniwala."
"Okay naman siya kahapon ng umaga."
"Oo nga, nag-aalala na rin yung mga master dahil hindi siya nag-exam."
"Tinanong din ako ni Master Huang kaninang umaga, sayang daw at hindi nakapag-exam si Keke."
"May mali."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Pakiramdam ko nandun siya sa mansyon."
"Bakit naman magsisinungaling yung mga gwardya tungkol sa Prinsipe?"
"Ehh..."
"Hinahanap ko kayo!" Tumakbo palapit sa kanila si ChengLi na hingal na hingal. "Bumalik na ba si Wan Ke?" Tumingala siya sa kanila na nakatayo, sabay lunok at nagpatuloy dahil sa nakita niyang ekspresyon sa mukha nila. "Sinabi sa akin ni Xiang na may sinusundan si XuXu na lalaki ilang araw bago yung insidente." Inilabas niya yung panyo mula sa bulsa niya at ibinigay kay Feng Lei. "Sinabi ni Xian na tinahi 'to ni XuXu para kay Wan Ke bilang regalo bago ang exam at...."
Hinaplos ni FengLei yung disenyo ng burda sa nakatiklop na tela, sumikip ang dibdib niya nang makita niya ang burda na may mukha ng cute na lalaki at babae na magkatabi. May nakaburdang nakasulat sa itaas ng larawan na "Ikaw ang pinakamagaling na kapatid." Inilatag niya yung nakatiklop na tela at umatras nang may nahulog.
"Nagtanong si Ate Cheng tungkol kay Wan Ke, sinabi niya na gaganapin yung libing ng nanay niya ngayon."
"Nanay niya?" gulat na ulit ni Hen Yu.
Kinuha ni FengLei yung maliit na papel na nahulog, kunot-noo niyang binuklat yung papel. "May mali," bulalas niya at agad tumakbo palabas ng gate kung saan sumunod sa kanya sina Hen Yu at ChengLi.
Idinilat ni Wan Ke yung mabibigat niyang talukap ng mata at nag-ungol, gumalaw siya ng komportable at napasigaw sa sakit sa dibdib niya na nagpakuryente sa mga ugat niya. Bumuntonghininga siya sa kalooban na alam niyang nakatali yung kanang kamay niya sa poste sa tabi ng kama at manhid yung kaliwa niya. Hindi siya nag-panic o natakot sa lugar, dahil ang nasa isip niya ay ang nanay niya. Lumunok siya para basa-basa ang lalamunan at idinilat ng buo ang mga mata niya, tinignan niya yung paligid at napagtanto niyang kwarto niya 'to.
Kinagat niya yung labi niya at umupo, sumandal sa pader sa gilid ng kama. Napaatras siya nang bumukas ng malakas yung pintuan.
"Nasaan si nanay?" sigaw niya nang pumasok si Lord Wen sa kwarto. Umupo siya sa gilid ng kama at hinarap si Wan Ke, ngumiti siya nang nakakaloko.
"Paano ka sisigaw kung mahina ka?" Pumalakpak siya at tumayo. "Nagkamali kayong lahat," sabi niya habang tinitignan si Wan Ke na galit at curious ang mga mata.
Tumalikod siya at naglakad papunta sa lamesa sa sulok ng kwarto. "Una ang tatay mo," yumuko siya at inilagay yung tubig sa tasa. "Tapos ang nanay mo," tumayo siya na may hawak na tasa ng mainit na tubig. "Ngayon ikaw naman," uminom siya ng tubig at naglakad papunta sa kama at gumapang dito.
"Siguradong nauuhaw ka," lumapit siya kay Wan Ke at itinaas yung tasa sa bibig niya, dinikit sa labi niyang tuyo. Inilapit niya yung mukha niya, tinitigan yung mahinang mata nito. "Nalulungkot ako para sa'yo dahil," tinitigan ni Lord Wen yung pagod na mata ni Wan Ke, at ngumiti. "Hindi ka nakapunta sa libing ng nanay mo."
Kinuha ni Wan Ke yung tasa mula sa kamay ni Lord Wen gamit yung kaliwang kamay niya na hindi kayang hawakan ng matagal, binato niya 'to sa noo ni Lord Wen ng mabilis, nagulat siya. Gumalaw siya ng kaunti at hinawakan yung likod ng ulo niya at tinulak siya sa pader, nag-ungol siya nang tumulo yung mainit at pulang likido sa mukha niya.
"Hayop ka," sigaw ni Lord Wen at hinawakan ang kwelyo ni Wan Ke, hinila niya 'to, ang kadenang nakabaon sa pulso niya. Nilapit niya yung mukha niya at nagbanta. "Sayang at walang makakakita," ngumisi siya, tinitigan niya si Wan Ke na hindi nagpapakita ng takot sa mata niya. "Sa isang magandang babae na tulad mo," itinulak niya si Wan Ke sa kama, umangal siya sa sakit. Lumapit siya at ginamitan ng pressure yung sugat. "Pagbabayaran mo yung ginawa mo," ngumisi siya, hinawakan niya yung tela ng damit ni Wan Ke para tanggalin yung kanang bahagi.
Tinabonan ni Wan Ke yung mukha niya gamit ang kaliwang kamay, itinago niya yung mukha niya at tiniis yung napakatinding sakit na dulot ng sugat. Wala na siyang lakas. Isang sigaw ang lumabas sa labi niya nang maramdaman niyang lumawak ang balat niya, nagsimulang tumulo yung dugo sa damit niya na basa na.
"Huwag mong gawin 'to," mahinang sabi niya nang napagtanto niyang lumuwag yung damit niya, naramdaman niya yung kamay ni Lord Wen na hinahawakan ang balat niya. Pumikit siya, huminga siya nang malalim at nagdasal sa Diyos na sana kunin na ang buhay niya bago pa may mangyari, dahil hindi na siya makalaban at pakiramdam niya mabigat na ang ulo niya at hindi na niya kontrolado ang katawan niya, at nawalan na siya ng malay.