Kabanata 06
POV ni Wan Ke
"Sino siya?" tanong ko habang nakatingin sa taong nakatayo sa gitna ng daan na hawak-hawak ang pana.
"Cheng Li," sagot ni Hen Yu.
Nakatayo kami sa gitna ng mga estudyante na nanonood sa lahat na naglalaro, halos lahat tapos na sa pagti-tira nila habang yung iba naghihintay pa. Sa ngayon, yung pinakamalayong tirang pana ay kay Cheng Li. Pagkaabot ng pana sa susunod na player, naglakad siya papunta sa mga tao na mayabang, yung mukha niya pinapakita na yung ginawa niya kanina ay wala lang sa kanya.
"Hen Yu," tawag ni Master Ling na nagpatigil sa kanya, yung kamay niya tumigil sa pagpalakpak.
"Good luck," cheer ko sa kanya habang siya naglakad paharap para makita ng lahat na siya yung tinawag. Naglakad papunta sa gitna, kinuha niya yung pana kay Master at tumayo sa pwesto. Narealize ko na kinakabahan siya kaya sinigaw ko yung pangalan niya para lahat pumalakpak sa kanya at nagiging masaya ang paligid pero natahimik din agad nung yung pana ay hindi nakarating ng malayo.
Hindi sana ako nag-cheer kung alam ko na ganito yung magiging resulta niya kasi awkward siya dahil hindi siya nakapag-shoot ng maayos at awkward din ako.
Pinalayo ko yung mga iniisip ko sa isip ko, kiniskis ko yung palad ko at yung labi ko ngumiti nung tinawag yung pangalan ko.
"Good luck, buddy," cheer ni Hen Yu sa akin nung dumaan ako sa kanya.
Tumingin ako sa lupa sa harapan ko kung saan yung mga pana ay nakatusok sa iba't ibang lugar, tumaas yung kumpiyansa ko. Lahat ng pana na itinira ng iba ay hindi masyadong malayo, yung pana lang na pinakamalayo ngayon ay kay Cheng Li at yung malapit doon ay tinamaan ni SongYing ata, naaalala ko na narinig ko yung usapan tungkol sa pamilya niya nung naglalaro siya.
Sa akin yung pinakamalayo at makukuha ko yung sariling kwarto.
Kinuha ko yung pana kay Master, kinuha ko yung pana sa barrel, may isa na lang na natitira na pana pagkatapos ko ibig sabihin may isang tao na lang na susunod at sigurado ako na hindi niya ako maaabot.
"Ang gwapo niya," narinig ko yung isang tao na nagsasalita sa iba sa mahinang boses pero narinig ng tenga ko kaya ngumiti ako ng hindi ko namamalayan.
Nakatayo ako sa pwesto, tumingin ako sa kanan ko para makita si Hen Yu na sumigaw ng pangalan ko. Hinawakan ko yung dulo ng pana, hinila ko yung tali at tinutok sa lupa. Binitawan ko ito at nagkaroon ng tunog ng mga tao na pumapalakpak at wow nung yung pana ay mabilis na gumalaw at tumusok sa lupa na malayo sa huling pana.
Lumingon ako at tumingin sa mga tao na namamangha sa akin, ngumisi ako sa kanila at ibinigay ko yung pana kay Master Ling.
Naglakad ako papunta sa pwesto ko, itinaas ko yung kilay ko, hinahamon yung susunod na tao na dumaan sa akin na hindi pinapansin ang lahat.
"Anong problema?" tanong ko, curious na napansin na yung mga kaklase ko na nagchi-cheer at sumisigaw kanina ay biglang natahimik.
"Si Feng Lei, ang ikalimang prinsipe," sagot ni Hen Yu ng mahina habang nakatitig ako sa kanya na curious, hindi alam kung ano yung alam ng lahat "Siya ay isang overall."
"Ako rin," tiniklop ko yung mga braso ko sa dibdib ko at nakaturo pataas yung ilong ko pero nung sumunod na segundo, bumagsak yung braso ko at bumagsak yung panga ko sa lupa.
Ginawa niya lang... Ginawa niya...?
Shit... Tinira niya yung pana niya malapit sa akin, mas malayo ng isang pulgada sa akin.
Pumalakpak yung mga tao na para bang na-announce na yung resulta pero yung utak ko ay nababaliw sa iniisip ko na may roommate ako.
"Okay, kunin niyo yung gamit niyo papunta sa kwarto," utos ni Master Ling at umalis sa lugar na may kuntento ng ngiti.
Magsisimula yung bilang mula sa pinakamalayo at bababa yung bilang. Dala-dala yung mga bag ko, naglakad ako sa daan, hinahanap yung dorm na may kahoy na board na may numerong isa na nakasabit sa pinto.
"Dapat mas nagpalakas pa ako," nagreklamo ako, frustrated na siya yung makakasama ko sa kwarto.
Itinulak ko yung pinto gamit yung kanang paa ko, naglibot ako, tinitingnan yung kwarto na kilala na bongga, seryoso, nararamdaman mo ba yung sarcasm sa salitang bongga?
Naglakad ako, binagsak ko yung bag ko sa kahoy na sahig ng kwarto, yung ilong ko namumula sa galit iniisip si Feng Lei. Inilipat ko yung tingin ko sa sahig, tumingin ako para makita yung taong nilalait ko, inaayos niya yung mga damit niya sa kabinet.
Huminga ako ng malalim, binago ko agad yung ekspresyon ko "Brother Lei" lumakad ako papalapit sa kanya na may puppy eyes.
Humarap siya sa akin at bumalik sa trabaho, lumakad papunta sa kama kung saan yung bag niya, hindi sumasagot.
"Brother Lei," tawag ko ulit, sumusunod sa kanya.
Nagulat ako nung tumama yung ulo ko sa likod niya dahil tumigil siya bigla na walang babala. Umatras ako agad at tumingin sa kanya para makita siya na nakatingin sa akin.
"A..a..."
"Magtipon sa main hall," sigaw ng katulong na nagtuturo sa mga estudyante na magtipon sa hall para sa maliit na welcome party.