Kabanata 26
Sino siya? Isa na namang Karl?
"Saan ka nagpunta?" Halos sumigaw siya sa harap ng mukha ko na nagpakilabot sa buong katawan ko. Ang bait-bait niya sa akin dati pero ngayon-- umaasta siyang parang Karl.
Bakit?
"Wala ka bang idea kung gaano ako nag-alala sa'yo?" Sinipa niya ang upuan na malapit sa paa niya.
Ano? Natigilan ako.
"Harry?" Halos bumulong ako. "Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko at inabot ko ang kamay ko para hawakan siya, pero tinabig niya ang kamay ko.
"Sinubukan kitang tawagan ng maraming beses pero hindi ka sumasagot," Bulong niya ng mahina.
Okay. Nag-i-iskandalo siya nang wala namang dahilan.
"Harry, binigay ko ang phone ko sa kapatid ko para sa proyekto niya at wala na akong ibang phone," Paliwanag ko.
"Tapos bakit hindi ka nagpakita ng isang linggo?" Ikuyom niya ang kamay niya at humakbang papalapit habang ako naman ay humakbang paatras.
"Kailangan ako ng kapatid ko kaya---" Pero pinutol niya ako sa kalagitnaan ng pagsasalita ko. "Leche flan!! Akala ko naaksidente ka o ano pero nag-eenjoy ka pala kasama ang pamilya mo, hindi ba?" Sigaw niya ulit.
Yun na nga. Tinamaan niya ang mahinang parte ko. "Anong problema mo, Harry? Wala naman akong ginawang masama. Kung gusto kong gumugol ng oras kasama ang pamilya ko, siyempre gagawin ko," Tinaas ko ang kamay ko sa ere.
"Sa tingin ko wala akong utang na loob sa'yo at wala kang pakialam," Nandidiring sabi ko at naglakad palampas sa kanya para buksan ang pinto. Pero ang sumunod niyang sinabi ay nagpatigil sa akin.
"Ano?" Kinurot ko ang kilay ko, litong-lito sa mga sinabi niya.
"Akala ko patay ka na," Bulong niya ulit.
Patay? Natigilan ako. Walang lumabas na salita sa isip ko. Bakit niya naisip iyon? Ang gaga naman nito, hindi ba?
"Pero okay lang ako," Sabi ko at lumapit sa kanya para abutin ang kamay niya pero ang sumunod niyang ginawa ay nagpatigil ulit sa akin.
Umiiyak siya.
"Sinubukan ko pang kontakin ka sa social media mo pero walang response. Kahit man lang sana nag-iwan ka ng mensahe tungkol sa sitwasyon mo pero wala. Bakit?" Tanong niya, nababasag ang boses.
"Harry, hindi ko inisip na malaking bagay sa'yo. Nag-leave ako ng isang linggo. Yun lang. Hindi naman big deal," Sinubukan ko siyang icomfort pero hindi siya kumbinsido, hindi gaya ng akala ko.
Umiling siya. "So wala ako sa'yo. Hindi ba?" Tanong niya na nakatingin sa mga mata ko.
Harrry! Hindi ko sinabi 'yan.
"Hindi naman ganun, Harry. Nagkata---"
"Okay lang, Sheila. Naiintindihan ko ang punto mo," Iniiwas niya ang tingin niya sa akin bago umalis ng kwarto.
Nanlamig ako, pinamukha niya sa akin na nagkasala ako. Inisip ko na walang magmamalasakit sa pagkawala ko pero nag-alala siya sa akin habang ako naman ay nag-eenjoy sa buhay ko kasama ang pamilya ko.
Sinundan ko siya kung saan siya nagpunta, pero wala siya. Malamang pumunta na siya sa klase niya. Huminga ako ng malalim. Pag-uusapan namin 'to mamaya. Ngayon gusto kong harapin ang dalawa pang tao.
Oops!! Nakalimutan ko si Tammy. Kumusta naman siya?? Galit din ba siya sa akin?? Ahhh!! Bobo! Bobo!! Bobo!!! Kinamumuhian ko ang sarili ko sa pagiging tanga.
*
POV ni Sheila:
"Sorry na okay, huwag kang mag-inarte," Sinermonan ko siya at bilang sagot, nanliit ang mga mata niya sa akin bago niya itinupi ang mga kamay niya sa harap ng dibdib niya.
"Talaga?!" Itinaas niya ang kilay niya, ang tono niya ay naglalaman ng akusasyon.
"Sino ba ang nag-i-iskandalo dito? Ikaw o-- ako?" Itinuro niya ang sarili niya nang sinabi niya ang salitang ako.
"Isang buwan ka nang wala at hindi ka man lang sumasagot sa tawag ko," Singhal niya na parang Rinoseros.
"Oh, Diyos ko! Tammy. Huwag kang maging drama queen. Isang linggo lang naman akong nawala at ika-isandaang beses ko nang sinasabi sa'yo na binigay ko ang phone ko sa kapatid ko para sa proyekto niya. Hindi mo ba naiintindihan?" Tanong ko sa kanya habang nilalagay ko ang dalawa kong kamay sa aking bewang.
"Okay! Gaya ng sabi mo binigay mo sa kanya ang phone mo--" Bago pa man niya matapos ang mga sinabi niya tumango ako na parang bata na sinundan ng isang mausisang 'oo' habang iniisip ko na sa wakas ay naintindihan niya ako pero ang pagkadismaya sa itsura niya ay nagwakas sa pag-asa ko sa isang iglap.
"Okay kalimutan na natin 'yon. Hindi naman 'yon ang problema pero hindi ibig sabihin na hindi mo ako kayang tawagan. Di ba?" Tanong niya.
Ahh... Paano ko ba ipapaliwanag lahat sa kanya na mayroon akong isang phone pero hindi 'yon tumatanggap ng tawag, sa halip, ginagamit lang 'yon sa paglabas.
'Yun ang unang phone ko na binigay sa akin ni Papa noong ika-18 kaarawan ko at kinabukasan aksidenteng nahulog 'yon sa tubig habang naghuhugas ako ng pinggan.
Ano bang masasabi ko? Imbes na ilagay ang mga plato sa lababo, nilagay ko ang phone ko. Mula noon hindi na 'yon gumagana nang maayos. Umiyak ako ng isang buwan dahil 'yon ang unang regalo na natanggap ko mula kay Papa; isang bagay na nakuha niya mula sa kanyang pinaghirapang pera pero lahat 'yon ay naging walang saysay.
"Tammy, mayroon akong isa pero hindi na gumagana nang maayos. Sa palagay mo hindi ko sinubukan na tawagan ka? Maraming beses na sinubukan kong tawagan ka pero busy ang linya. Tapos paano ako makikipag-ugnayan sa'yo?" Pagsisinungaling ko.
Sana mahulog ka sa bitag ko. Wala nang tanong Tammy!!! Ang paggawa ng kasinungalingan ay hindi madaling gawain para sa akin. Please! Huwag mo na akong bigyan ng karagdagang tanong. Nanalangin ako sa loob.
At gumana 'yon sa kanya.
Ang ekspresyon ng mukha niya ay hindi matatagalan. Kinagat ko ang dila ko para maiwasan ang baliw na tawa na sisira sa aming pagkakaibigan anumang oras. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla na parang Panda bago siya nagsalita.
"Sheila, maniwala ka sa akin," Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang dibdib. "Hindi ako busy sa phone ko. Bihira akong kausapin ang jowa ko. Siguro dalawang beses sa isang araw!" Sigaw niya.