Kabanata 63
Lahat ng babae pare-parehas lang, nasa likod lang tayo dahil sa pera. Kapag naramdaman nilang wala ka nang silbi, papalitan ka na parang damit. Hindi ako makapaniwala nito!!. Paano nagagawa ng isang tao na maging ganito kacheap at walang kwenta?
Akala ko mahal na mahal ko siya, pero hindi ako nakaramdam ng sakit nung nakipag-break ako sa kanya. Somehow, nakaramdam pa ako ng ginhawa.
Ininom ko agad lahat ng inumin ko sa isang bagsak at humiga sa kama na iniisip ang lahat ng kalokohan at pagtataksil niya bago nakatulog ng mahimbing.
Isang linggo na ang nakalipas simula nung naghiwalay kami at wala na akong iniisip tungkol sa kanya na pumapasok sa isip ko, akala ko kasi babangungutin ako.
Sinubukan niya ang lahat para bumalik sa akin pero bigo siya at hindi na ako nagulat na nakikipag-date siya ngayon kay Lauren Cooper, isang sikat na negosyante na doble ang edad sa akin. Tinatawag ko siyang Tito dati, partner siya sa negosyo ng tatay ko.
Nung nalaman ng tatay ko yung tungkol sa break up namin, binantaan niya si Lauren na lumayo sa kanya dahil magkaibigan sila at nagmamalasakit siya kay Lauren. Walang alam si Lauren tungkol sa pagiging bitch niya at nagalit siya nung nalaman niya yung totoo.
At ngayon nagpasya na ang tadhana kung ano ang gagawin sa kanya, kasi nagmamakaawa siyang balikan ko siya. Hindi ba't nilinaw ko na nung araw na nakipag-break ako sa kanya na huwag na siyang magpapakita sa buhay ko? Bakit hindi niya maintindihan na hindi ko na siya kailangan sa buhay ko?
Umiiling ako para mawala ang maduming pag-iisip tungkol sa kanya, nanatili ang pokus ko sa navy blue kong Jaquar. Nung may napansin akong kakaiba, binilisan ko ang kotse ko at nag-“U” turn ako ng mabilis at sa aking hinala, sinusundan ako ng kotse.
Sinubukan kong huwag mag-panic nung nag-red light at tumawid yung buntis, hindi alam na paparating yung kotse ko.
Dahan-dahan akong kumanan pero huli na ang lahat, nawalan ako ng kontrol sa kotse at papunta ako sa lawa.
Nung akala ko makokontrol ko na, may tumama sa kotse ko mula sa likod at tumaas yung kotse mula sa kalsada at bumangga sa mga bato, tumama ang ulo ko sa bintana na wasak na.
Sinubukan kong buksan ang mga mata ko pero pakiramdam ko nauubos ang lakas ko at may nakikita akong itim na tuldok sa lahat ng lugar.
*
Nagulat ako at nagmulat ng mata. Anong klaseng aksidente ito!! Hindi ako makapaniwala, buhay pa ako. “Oh, Diyos! Masakit pa rin ang ulo ko.” Umungol ako sa sakit habang hinihimas ang noo ko tapos nakita ko yung doktor na papalapit sa direksyon ko sa panlalabo ng paningin ko.
“Mr. Brooks! Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo ngayon?” Tanong niya.
“Hindi mo ba nakikita?” Sabi ko sa kanya. Doktor siya, dapat alam niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon, sa halip nagtatanong siya ng mga walang kwentang tanong para kutyain ako.
Ininspeksyon niya ang isang bagay sa sugatan kong ulo at mabuti pa wag niyang hawakan yung sumasakit pero ginawa niya at sumigaw ako ng malakas dahil sa matinding sakit sa ulo ko, parang may sumasaksak sa utak ko. Tinurukan ako ng nars at bumalik ako sa kadiliman.
Nung bumalik ang ulirat ko, kaya nang tiisin ang sakit. Binisita ako ng mga magulang ko pero ayaw kong makakita ng kahit sino. Kailangan ko ng katahimikan.
Inalala ko ulit yung insidente paulit-ulit. Nasa kotse ako mag-isa pero may pakiramdam ako na may kasama ako na malapit sa puso ko, mahalaga sa buhay ko.
Pero sino?
Sinabihan ako na bumalik na ang memorya ko pero una sa lahat, kailan pa ako nawalan ng memorya?
Pumasok sa kwarto ko sina Quinn at Kevin at sinubukang makipag-usap. Oh, Diyos! Trinato nila ako na parang bata.
“Harry? May inaasahan ka bang… sinuman dito?” Nagtanong siya ng walang kwentang tanong.
“Quinn! Please, iwanan niyo muna ako. Kailangan ko ng space.” Nagmakaawa ako sa kanila. Lumabas silang dalawa pero naglilibot pa rin ang mga mata ko sa doorknob, parang may inaasahan ang puso ko.
‘Magbabayad yung bitch sa ginawa niya.’ Kinuyom ko ang kamao ko pero bakit pakiramdam ko may kasama ako nung naaksidente ako?
Iniikot pa rin ng isip ko yung mga insidente, sariwa pa rin parang kahapon lang nangyari. Andyan pa rin ang sakit pero hindi ko na maramdaman. Pakiramdam ko walang laman yung loob ko, parang may kumuha ng puso ko.
Tatlong araw na simula nung bumalik ang memorya ko pero hindi ko matandaan kung ano ang nangyari noon.
Naglalaro ang isip ko ng daya, minsan bumangga ang kotse sa puno at sunod, bumangga sa bato.
Hallucinations ko ba? O dalawang beses akong naaksidente?
Inalala ko ulit yung mga insidente at narinig ko yung pamilyar na boses sa ulo ko. “Saan tayo pupunta?” Parang natataranta yung boses.
Gusto ko siyang protektahan, yung babae ko. Lumutang ako sa kanya nung bumangga yung kotse sa puno.
Sheila?
Oh, Diyos! Anong nangyari sa kanya? Nasaan siya ngayon? Bakit hindi siya bumisita sa akin? Anong mangyayari sa kanya?
Inalala ko ang nakaraan at naaalala ko lahat, ibig sabihin lahat kung paano ko siya aksidenteng nabangga nung tumatawid siya sa kalsada nung unang araw ko sa kolehiyo, kung paano siya binully ng demonyong si Karl, kung paano ako nagsimulang magkaroon ng nararamdaman sa kanya at kung paano ko siya niligawan bago ko inihayag ang tunay kong pagkatao. At kung paano siya tumugon nung paparating yung trak sa direksyon ko at kung paano niya ako niyakap na parang walang bukas at tinanggap ang panliligaw ko.