Kabanata 28
“Quinn, anong flavor gusto mo?” tanong ko habang namimili ng ice cream sa freezer.
“Gusto ko ng ice cream ko na may tatlong scoop. Una, vanilla, pangalawa, tsokolate, at yung pangatlo, strawberry, tapos lalagyan ko ng ubas,” sigaw niya at ibinaling ang atensyon sa phone niya.
Inorder ko yung ice cream niya at bumalik ulit para hanapin yung paborito ko. “Ahhh! Nakita na kita.” sigaw ko sabay kuha ng butterscotch ice cream na paborito ko. Hinalikan ko yung dulo ng ice cream ko at umupo sa harap niya.
Kasalukuyan, nakaupo kami sa ice cream shop na malayo sa kolehiyo namin. Pagkaalis ni Kevin, inayos namin yung problema namin at napadpad dito sa ice cream shop.
“So wala kang ibang telepono maliban dito?” Tanong niya habang tinuturo yung telepono ko.
“Oo!” tumango ako. “At hindi nakakatanggap ng tawag?” Tinaasan niya ako ng kilay. Tumango ako bilang sagot habang kumakagat sa ice cream ko at isang malakas na ungol ang lumabas sa labi ko. Ang sarap, sobra.
“Quinn, alam mo ba kung saan siya pumunta?” tanong ko. Baka alam niya kung nasaan siya.
“Wala akong ideya kung saan siya pumunta pero may gusto akong sabihin sayo na mas nag-aalala siya sayo kesa sa akala mo. Alam kong hindi malaking bagay pero sensitibo yung usapin, kailangan mong harapin siya ng mas maingat, at please, huwag mo siyang sasaktan.” Seryosong sabi niya.
“Gulo-gulo yung buhay niya at siya pa nga…” Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sakin, isang kakaibang ekspresyon ang sumilay sa mata niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at nagpatuloy, “Sundin mo lang yung puso mo. Sayo ang solusyon. Huwag mong bale-walain yung nararamdaman mo, mahahanap mo rin yung sagot.” Ngumiti siya ng mahina sakin. Tumango ako sa sinabi niya at nagsimulang isipin yung mga sinabi niya.
May malalim na kahulugan yung mga sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung ano talaga yung ibig niyang sabihin sa pagsasabi niya ng mga salitang yun. Umiling ako at sinimulang ikwento yung tungkol sa bakasyon namin.
Marami siyang kinwento tungkol sa mga ginawa nila sa bakasyon at ipinaliwanag kung paano sila nag-organize ng charity event para sa edukasyon ng mga bata at pinakita niya sakin ang litrato nila ni Kevin at ni Harry.
Napatingin ako sa litrato ni Harry kung saan mukha siyang matured sa puting Armani Suite niya.
Hawak niya yung pulang alak at nakikipag-usap sa isang tao, na mukhang nasa mid-Fifties na. Pareho sila ng itsura at para siyang mini version niya.
“Quinn, sino ‘to?” Tinuro ko yung lalaki na kasama ni Harry.
“Siya yung daddy niya at tito ko, G. James Brooks,” sagot niya.
Bakit parang pamilyar yung pangalan sakin? “Sheila, anong nangyari sayo?” tanong niya habang napapansin yung naguguluhang estado ko.
“Wala naman, parang familiar lang yung pangalan. Kaya iniisip ko lang kung saan ko narinig yung pangalan na ‘to dati,” sagot ko ng tapat.
Isang gulat ang sumilay sa mukha niya pero tinago niya ito ng ngiti. “Karamihan sa kanila ganito yung pangalan eh, isa ‘to sa mga karaniwang pangalan sa buong mundo,” paliwanag niya at tumango ako bilang pag-intindi.
Pagkatapos magpaalam at nagpalitan ng mainit na yakap sa isa’t isa, nakarating ako sa kwarto ko eksaktong 10 PM.
~~~~~
Mas grabe pa sa akala ko yung mga linggong ‘to. Hindi niya ako kinakausap. Kapag tinatawagan ko siya, pinapatayan niya ako ng tawag. Humingi na ako ng sorry ng libong beses pero hindi niya tinanggap kahit isa.
Pasaway masyado.
Tuwing susubukan ko siyang kausapin, hindi niya ako pinapansin na para bang hindi ako nag-e-exist at lumalakad palayo na parang may sakit ako na pwedeng makaapekto sa kanya. Minsan gusto kong suntukin yung maganda niyang mukha. Tignan natin kung hanggang kailan siya magkakaganito.
^^^^^^^
Kasalukuyan, nasa simbahan ako at gusto kong mapag-isa, takot sa nangyari ngayon. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sakin. Sobra na para sa kanya. Pagkatapos ng insidente na yun, dumiretso ako dito para magkaroon ng kapayapaan.
Siguro namamaga yung mata ko at mapula yung ilong ko dahil sa matagal na pag-iyak. Dahil lahat ng ‘to sa kanya.
Inamin ko na nagkasala ako at sinaktan ko yung puso nila pero wala na talaga akong magawa. Hindi ko sinasadyang saktan siya. Dati, nung nag-aaral ako sa school, kapag kukuha ako ng matagal na leave, hindi ko man lang sinasabi sa kahit kanino, pati na sa malalapit kong kaibigan dahil magkakapitbahay kami at madali nilang malalaman sa unang araw palang ng pagliban ko kung bakit hindi ako pumasok sa school.
Kaya hindi ko nakita yung dahilan para ipaliwanag yung problema kay kahit sino at sawa na ako sa mga kakaibang gawi ko.
Pero dito—nakalimutan ko na hindi ko na sila kapitbahay at hindi sila yung mga batang walang pakialam sa mga kaibigan nila at nagdulot ito ng malaking epekto sa pagkakaibigan namin.
10:00 PM na ng gabi. Halos apat na oras na ako dito pero wala naman akong pakialam. Ang gusto ko lang ay kapayapaan sa puso ko.
Bumuntong hininga ako ng talunan, lumabas ako ng simbahan at agad na sinalubong ng malamig na hangin na humahaplos sa katawan ko ng napaka-lambing.
Kinuskos ko yung kamay ko na sinubukang painitin yung katawan ko at ibinalot ito sa maliit kong katawan. Biglang, isang kamay ang nag-udyok sakin para sa isang mahigpit na yakap na walang espasyo sa pagitan namin. Nagulat ako sa biglaang pagtama at nakasigaw ako.
“Salamat sa DIYOS!! Ligtas ka.” Isang boses ang mahinang nagsabi at nakilala ko kung kanino galing yung boses na ‘to. Nakayakap yung mga kamay niya sa bewang ko, nakasandal yung mukha niya sa leeg ko.
“Harry, anong nangyari sayo?” bumulong ako at isang hingal ang lumabas sa bibig ko nang makita ko yung kalagayan niya.
*