'Ano?! Bakit mo nakalimutan yung ganitong ka-importante?'
Naglalakad ako sa mga kalye ng Manhattan nang biglang tumunog yung phone ko at ginambala ako sa routine ko. Nagsimula akong gawin 'to mga ilang taon na ang nakalipas nung punong-puno ng 'di pa nasosolusyunan na problema yung utak ko.
Sunod, ginagawa ko na 'to araw-araw. Lakad. Meditasyon.
'Pwede ka na lang pumunta sa meeting kapalit ko, Kur. Sorry talaga kung nakalimutan ko.' Naririnig ko yung pag-aalala at pagsisisi sa boses ni Kwin. Tinaasan ko siya ng kilay, halos 'di makapaniwala sa nakakabaliw niyang suhestiyon.
Alam kong unti-unti ko nang nababawi yung tiwala nila. Pero okay lang ba talaga na ako yung pumalit sa kanya sa napaka-importante na meeting na 'to kasama yung malaking kliyente? Nagdadalawang-isip pa nga ako.
'Wag kang mag-alala. Kilala ko si Nail Veselov. Kaibigan siya ng pamilya, kaya sigurado akong maiintindihan niya.' Dagdag niya na may tiwala sa sarili at saya. Hindi nakagaan sa sitwasyon ko yung saya sa tono niya.
Bakit 'di niya man lang nabanggit na magbabakasyon siya kasama ang pamilya niya at ng fiancé niya? Dalawang linggo pa 'yon… sa Paris!
'Sa tingin ko hindi-'
'Sige na, Kur. Please.' Singit niya. Isang mahabang katahimikan ang sumunod sa usapan namin. 'Baka ito na yung chance mo…' Huminto siya pero alam ko kung saan hahantong 'tong sinabi niya.
Hindi ako nagsalita ng matagal at napansin ni Kwin ng ilang beses. May kahinaan talaga ako sa babaeng 'to.
'Sige na nga. Sige na.' Huminga ng maluwag si Kwin na may saya.
Natapos yung tawag na walang tigil sa pagpapasalamat niya. Naririnig ko yung excitement sa boses niya para sa bakasyon nila bago niya binaba yung tawag. Ang saya-saya niya at nakakahawa. Pero naputol yung pakiramdam na 'yon nung napaharap ulit ako sa realidad.
Naglaan ako ng oras na hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko. Tumingala ako habang nag-iisip. Binabanlawan ako ng sikat ng araw, nararamdaman ko yung init na dala ng simula ng tag-init. Maraming tao na ang dumaan, natatamaan yung balikat ko sa pagdaan nila. Yung kwentuhan at tawanan nila ay dumaan lang sa akin. Parang ako yung gitna ng orasan na 'to habang yung mahabang kamay at maikling kamay ay patuloy na umiikot at ako ay nakatayo lang.
Bumuntonghininga ako habang sinusubukang pakawalan yung 'di ko kailangang alalahanin. Naglakad ako nang naglakad hanggang sa marating ko yung Veselov Industries. Nagpapasalamat ako dahil walang espesipikong oras para sa meeting. Available yung CEO buong araw. Kailangan ko lang pumasok doon at ipakita yung sarili ko. At saka kami mag-uusap.
Nakalimutan kong sabihin sa kanya na baka nag-zoning out ako nung may meeting kami kaya 'di ko masyadong narinig yung parte na yung Runner Studios, yung kompanya namin, ay magkakaroon ng malaking kliyente. Veselov Industries pa 'yon. Isang malaking kompanya na sikat sa futuristic at advanced technologies nila. Sa tingin ko narinig ko lang yung parte na magkakaroon sila ng promo event… o launching event ba 'yon. Kahit ano pa man, yung Runner Studios ang binigyan ng pagkakataon na mag-organisa ng event at gawin yung production.
Nakikita mo na kung bakit hindi naman pala mali yung pag-aalala ko?
Ito na siguro yung pinakamataas na skyscraper sa New York. Naisip ko habang nahihilo ako sa pagtingala sa napakalaking gusali, yung mga sinag ng liwanag na nagpapadilim sa akin na nagkalat sa salamin. Sinasabi na yung buong gusali ay pagmamay-ari ng mga Veselov. Nahirapan yung receptionist na maniwala sa akin nung sinabi ko sa kanya na ako yung representante ni Kwin Anderson. Lumaki yung mata niya nung nakita niya yung mga tattoo na nagpapaganda sa maputla kong mga braso habang pinakita ko yung ID ko.
Nung nakita kong bumukas yung elevator, hindi na ako naghintay ng senyales niya na pumasok. Nagmadali ako papunta doon, hindi pinapansin yung tawag niya. Nung nagsara yung pinto, nakita ko yung pagkainis na nakaguhit sa mukha niya. Nginitian ko siya nang nakakaloko.
Pagkarating ko sa palapag, napansin ko yung walang laman na mesa na siguro ay sa assistant niya. Hindi ko na hinintay siya at dumiretso ako sa pinto ng opisina ng CEO. Kumatok ako ng tatlong beses bago nagsalita yung may-ari ng boses mula sa kabilang panig na pumasok na ako.
Gaya ng inaasahan, nakita ko yung isang lalaki na naka-black suit at kurbata. Nakaupo siya sa likod ng mesa niya, nakabaon yung mukha niya sa mga dokumento na pinipirmahan niya nang nagmamadali. Yung tunog ng pagsasara ng pinto ang nagpalayo sa kanya sa malalim niyang konsentrasyon. May kunot sa mukha niya na hindi nawala kahit na lumipat yung atensyon niya sa ibang bagay o baka sa akin.
Hindi ako na-offend. Talaga. Hindi talaga ako na-offend nung biglang naging pagkunot ng noo yung kunot. Kasi gusto ko talaga siya. Ang pangit ng pagkunot ng noo niya pero hindi naman yung mukha niya. Ang lalaki ay walang duda na kaakit-akit. Nakakagulat, yung ganda niya ay parang androgynous. May buhok na kulay itim na itim, magandang hugis ang ilong, labi na may kulay na parang bulaklak na ginuhitan ng isang artista na may napakaraming detalye at isang malakas na mahusay na tinukoy na panga na nagbigay ng pagkakaiba na yung kanyang mga katangian ay mas lalaki kaysa babae.
Nung nagkita yung mata namin, akala ko sigurado na nakatingin ako sa sarili kong pares ng maliwanag na kulay hasel na mata. Lahat ng nakakasalubong ko ay madaling naaakit sa mga mata ko. Sabi nila, 'yon na yung pinakamaliwanag na nakita nila. Hindi sinabi sa akin ni Kwin na may taong may kaparehas na kulay. Ang kaibahan lang ay protektado 'yon ng frame ng kanyang salamin sa mata.
Inalis ko yung gulat na itsura ko nung natanto ko na nakatayo lang ako at nakatulala sa kanya. Huminga ako ng malalim para magsalita at baka mabasag yung tensyon na nangyayari. Pero naunahan niya ako.
'Hindi ko maalala na pinayagan ko yung sekretarya ko na papasukin yung kahit sino.' Mahinahon niyang sinabi. Gumala yung mata niya mula sa ulo ko hanggang sa paa ko. Nanghuhusga, baka nga idagdag ko.
Halatang may problema sa ugali yung lalaki.
'Yo.' Hindi siguro magandang paraan para simulan yung pagpapakilala ko. Okay, baka sobrang pangit.
Huminga ako ng malalim na may pag-asa na isalba yung sarili ko. 'Yeah… Kura ako. Representante ni Kwin.' Sa magandang parte, hindi ako nauutal. May hindi kailangang paghinto pero… nagkibit balikat ako sa isiping 'yon.
Tinaasan niya ako ng kilay. Nakakatawa kasi mukha siyang hindi naniniwala sa akin. Lumalim yung pagkunot ng noo niya na siyempre, yung cherry on top.
Hindi ako magaling sa pormal na mga pagpupulong, hindi magaling sa pormal na talakayan. Ang galing ko doon. Kaya lagi akong nasa hulihan ng trabaho namin. Talagang hands on ako. Sila Kwin at Bel yung may angking galing sa pagsasalita.
Na nagpa-kwestiyon sa desisyon ni Kwin ulit. Oh, tama, dahil ako lang yung available sa mga direktor.
Nagbiro siya, binagsak niya yung pen niya nang may sobrang lakas na kailangan. Ipinatong niya yung braso niya na para bang siya yung boss ng buong gusaling 'to. Well, halata naman. 'Aasahan mo bang maniniwala ako sa 'yo? Kakatapos lang tumawag sa akin ng receptionist ko na may kakaibang babae na dumaan sa kanya na hindi naghihintay ng kumpirmasyon. Swerte mo, nag-lunch yung sekretarya ko. Hindi ka sana makakapasok sa loob ng opisina na 'to.'
Napahigpit ako ng ngipin. 'Excuse me?' Ang bastos ng asong 'to. Sino ba siya sa akala niya? Yung malaking kliyente namin. 'Yun siya. At kung sisirain ko 'to, siguro wala na akong pag-asa. Kaya kailangan kong pigilan yung sarili ko na pagandahin yung mukha niya gamit ang kamao ko.
'Wala kang respeto, magulo kang manamit at magsalita, may tattoo na mukhang nagtatrabaho ka sa mafia. Itutuloy ko pa ba?'
Fucking hell, Kwin. Mas mabuti pang may magandang paliwanag ka dito.