Kabanata 53
Kuryoso kung sino 'yung tumatawag, ni-swipe ko 'yung screen para sagutin.
Hindi ako nakagalaw nang sumagot na 'yung nasa kabilang linya. Habang pinagmamasdan ako, tumagilid si Nail ng ulo at nanliit ang mga mata niya.
"Selina." Matatag kong binanggit 'yung pangalan niya. "Ano'ng gusto mo?" sabi ko habang nakakuyom 'yung ngipin ko.
"Kur." Narinig ko na pinipigilan niya 'yung pag-iyak niya sa kabilang linya. Pigil na pigil at nanginginig 'yung boses niya. "'Yung tatay mo." Natigilan ulit ako. Narinig ko 'yung pag-hikbi niya sa background. "May sakit 'yung tatay mo, Kur. Para sa kanya… pakiusap, pumunta ka dito at bisitahin mo siya." Malungkot siyang magsalita.
"Wow, talaga? Sampung taon na 'kong hindi mo kinamusta tapos ngayon tatawagan mo 'ko. Magkabulukan kayo sa impyerno, pareho kayo." Pinatay ko 'yung tawag at binagsak 'yung phone sa mesa.
"Sino 'yun?" Agad na tanong ni Nail.
"Wala ka nang pakialam, Nail." Tumayo ako na may plano na umalis. "Uuwi na 'ko. Kung gusto mong tumambay dito, wala akong pakialam sa'yo." Naglakad ako ng pa-irap, nakasunod si Nail sa 'kin.
"Kur! Kur, teka!" Hinarangan niya 'yung daan ko at hinawakan 'yung braso ko para pigilan ako. "Ano'ng problema! Sino 'yun? Sino 'yung tumawag sa'yo, Kur, at ganyan ka umasta?!"
"Sabi ko wala ka nang pakialam!" sigaw ko nang hindi sinasadya.
Nagulat siya sa tono na ginamit ko. Agad na napalitan ng pag-aalala 'yung ekspresyon niya. Nakonsensya ako kaya humingi ako ng tawad.
Bumuntong-hininga ako bago magsalita. "Sorry. Gusto kong mapag-isa, Nail. Ngayon lang." Halos nagmamakaawa 'yung boses ko.
Tinitigan niya 'ko ng ilang segundo bago siya pumayag sa pakiusap ko. Tumingin siya pababa habang nakakuyom 'yung mga kamao niya pero nagpatuloy ako sa paglakad at iniwan ko siyang nakatayo sa koridor.
Naramdaman ko na nasaktan siya pero pinilit kong maging manhid. Hindi ko talaga kaya 'to ngayon. Ayoko magpaliwanag sa kanya kung bakit ako ganito. Mas lalo lang dadoble 'yung sakit. Ayoko nang maalala 'yung nakaraan, lalo na tungkol sa pamilya ko.
Umuwi ako at hindi sa mga Veselov. Sa unang pagkakataon simula nang makuha ako, umuwi ako sa apartment ko. Nakatulog agad ako pagkatapos kong bumagsak sa kama ko.
Ngayon gabi, mula sa pinakamasaya, naging pinakadisappointing na gabi sa loob ng sampung taon.
---
Gising ako sa tunog ng doorbell. Sinabi ko sa kung sino man 'yung nasa labas na maghintay habang tumayo ako mula sa kama ko na antok na antok. Suot ko pa 'yung damit ko kahapon. Dahan-dahan akong nagpalit at naghilamos bago buksan 'yung pinto. Kabayaran 'yun sa pagpapagising sa 'kin ng maaga.
Nagulat ako nang buksan ko 'yung pinto. Si Kolton pala. Kahit hindi ko talaga inasahan kung sino 'yung nasa likod ng pinto dahil lutang pa 'ko.
"Kolton?" Hindi siya masaya nang nakita niya 'ko. "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko habang pinapasok niya 'yung sarili niya.
"Paano ko nalaman? Tinawagan ako ni Mister loverboy kaninang umaga na sabihing tignan ka sa apartment mo. Kailangan ko pa siyang tanungin kung bakit ka nandito. Sabi niya sumagot ka daw sa kakaibang tawag kagabi tapos lumabas ka. Kur, anong problema? Sino 'yung tumawag sa'yo?" Nagsalita siya na may kaunting galit sa simula at unti-unting naging pag-aalala habang tinatanong niya kung sino 'yung tumawag sa 'kin kagabi.
Bumuntong-hininga ako bago ko siya dinala sa sofa sa sala. Umupo kami at nag-usap. Kilala ni Kolton halos buong buhay ko dahil lumaki kami na magkasama kaya hindi na sikreto na alam niya 'yung away ko sa pamilya ko.
"Damn. Hindi ka ba medyo nag-aalala sa tatay mo? Paano kung may sakit talaga siya?"
"Hindi ako hahayaan ng galit ko na mag-alala sa kanya, Kolton. Pinabayaan niya ako at pinili niya 'yung bitch na 'yun kesa sa 'kin - sarili niyang laman at dugo. Sa tingin mo ba may puso akong makaramdam kahit konting pag-aalala para sa gago na 'yun? Hindi niya ako minahal kaya bakit ko siya mamahalin, 'di ba?!"
Tahimik siya at alam kong naiintindihan niya 'yung sitwasyon ko.
"Alam ko kung ano 'yung nararamdaman mo at baka parang insulto sa'yo 'to… pero sa tingin ko oras na para bumisita ka. Mahigit isang dekada na at sa panahong 'yun, pinutol mo lahat ng koneksyon sa kanila. Kung ako nasa lugar mo, magiging kuryoso ako sa estado nila."
"Talaga, Kolton? Tama ka. Insulto nga." Bumuntong-hininga ako bago ko sinabi 'yung iniisip ko. "At tama ka. May mga oras na nagtataka ako kung anong ginagawa niya. Kung tutuusin, kahit na niloko niya ako, tatay ko pa rin siya."
Ngumiti si Kolton ng malungkot. "Hindi mo kailangang magpakita sa kanila. Pwede kang tumingin mula sa malayo, 'yun lang."
Tinitigan ko siya bago bumuntong-hininga. "Paano nalaman ni Nail na nandito ako?"
"Sinundan ka niya kagabi." Napalingon ako sa kanya na nagulat. "Medyo nagalit ako na hindi niya sinabi agad sa 'kin. Nag-aalala ako kung anong pwedeng mangyari sa'yo ulit. Kamalas-malasan ka talaga nitong mga nakaraan lang."
Nag-roll ako ng mata sa komento niya. Tumutukoy siya sa muntik na 'kong mapatay tapos 'yung isyu kay Hekob.
"Kung paano siya magsalita noong tumawag siya, hindi siya nakatulog. Nakita ko siya sa labas papunta dito. Binabantayan ka niya hanggang sa dumating ako. Dapat nakita mo 'yung mga eyebags niya."
"Ano?!" Nanlaki 'yung mata ko.
"Alam mo kung ano 'yung nangyayari kapag hindi mo sinasabi sa kahit sino 'yung mga problema mo. Dapat nakatanggap ng katotohanan 'yung lalaking 'yun mula sa'yo. Baka possessive talaga siya at puno ng napakalaking selos pero hindi pa 'ko nakakita ng taong mas nagmamahal sa'yo kesa sa amin."
Bumuntong-hininga ako. Tama siya. Ugh, ayoko kung paano siya laging tama.
"Babalik ako ngayon. Kung gusto mong sumama, sabihin mo lang."
"Sasama ako."
"Well, ang bilis naman." Biro niya na nakapagpatawa sa amin. Sinuntok ko siya sa braso nang palaro.
"Huwag kang mag-alala. Ipaalam ko kay Nail." Ngumiti ako nang mapanukso sa kanya.
"Good. Aalis tayo pagkatapos ng tanghalian. Dito ako magtatagal sa'yo hanggang sa oras na 'yun para hindi mabaliw 'yung loverboy sa pag-aalala sa'yo."
---
Nakikinig ako sa pagri-ring ng telepono ng ilang segundo bago ako nakarinig ng sagot. Nakonsensya ako na alam kong ginising ko siya sa pagkakatulog niya.
"Nail." Sumagot ako agad nang sinabi niyang hello. Paos at malambot 'yung boses niya.
Narinig ko 'yung kaluskos bago siya nagsimulang magsalita nang malinaw. "Kur. Okay ka lang ba?"
Ugh. Ang sama ko para iwanan siya kagabi. "Oo, oo. Okay lang ako, Nail. Makinig ka, sorry sa kagabi. Umasta ako na parang wala kang halaga. Sorry talaga, Nail." Lumukso 'yung puso ko nang tumahimik siya.
"I…" Nagpatuloy ako. "Pupunta ako… sa… pamilya ko. Sasama sa 'kin si Kolton. Sa totoo lang, sasama na 'ko kay Kolton dahil parehas na tayo ng pupuntahan." Tahimik pa rin siya. "Nail… nangako ako na kapag bumalik ako, sasabihin ko sa'yo lahat. Walang itatago."
"Kung ano ang gusto mo." Tapos namatay 'yung telepono.
Fuck.
"Okay ka lang?" tanong ni Kolton pagkapasok niya sa kotse pagkatapos ilagay 'yung mga bagahe ko mula sa likod.
"Hindi." Umungol ako. "Nasira ko talaga." Kumunot 'yung kilay niya habang nakatingin siya sa 'kin nang malungkot.
Kumirot 'yung puso ko sa isiping nasira ko 'yung relasyon ko kay Nail. Tanga at makasarili ako. Tanga at makasarili!
"Alam mo…" nagsalita si Kolton pagkatapos ng mahabang katahimikan. "Ito 'yung unang pagkakataon na nakita kitang nagmukmok tungkol sa isang lalaki. Ang pinakaseryosong relasyon na meron ka ay kay Nikson pero kahit ikaw, hindi ka ganyan tumingin nang umalis siya."