Kabanata 10
Sinuntok ko yung braso niya, dismaya ako sa sagot niya. Pero hinawakan ng kamay niya yung pulso ko, pinigilan yung paghampas ko.
"Kailangan ng doktor na tignan yung init ng ulo mo. Mainitin ang ulo mo."
Napangisi ako bago ko idikit yung labi ko sa kanya. Naramdaman ko na nagtaas yung labi niya. Yung halik nagiging torrid kissing.
Si Nail maingat na hindi niya mahawakan yung sugat ko. Inilagay niya yung dalawa niyang kamay sa leeg ko, hinahaplos ng mga hinlalaki niya yung magkabilang pisngi ko, habang nakahawak ako sa lapel ng suit niya. Yung isang kamay ko hinahaplos yung dibdib niya paharap sa batok niya, dahan-dahang dumudulas papunta sa buhok niya, hinahaplos ito na may kakaibang pagkaadik.
"Oh my god. Anong nangyari?!" Nagulat kami sa tunog, naghiwalay kami ng mabilis.
"Shit." Yung braso ko automatic na binalot yung tiyan ko.
"Tawagan na natin yung doktor ngayon." Sabi ni Nail na nag-aalala. Sila Kwin at Bel tumakbo papunta sa tabi ko ng mabilis. Nag-alok si Tayler na tatawagan yung doktor nung nagdadalawang isip si Nail na iwan ako kahit andun sila.
Umungol ako dahil hindi pa rin nawawala yung sakit. "Oh my god, Kur. Talagang pinag-alala mo kami. Ikaw pa yung magiging dahilan ng atake sa puso ko." Sinimulan ni Kwin yung sermon niya habang tinulungan ako ni Nail na humiga.
"Hindi ko alam kung anong oras na pero hindi ako nag-sign up para sa maagang lektura. "
"Ha, ha. Nakakatawa, Miss Kunoe. Sigurado ako yung langit o impyerno hindi tinanggap yung cheesy joke mo." Sagot ni Kwin. Yung mga kamay niya nakalagay sa baywang niya. Si Bel tumawa lang sa mga kalokohan namin.
"2AM na. Hindi siya makatulog na iniisip ka. Kinaladkad niya kami ni Tayler para makita ka."
"Aww~, na-touch ako." Pinindot ko yung kamay ko sa dibdib ko. Yung kamay niya nakataas na handang manampal pero napagtanto na hindi ako sa kondisyon para tumanggap ng karahasan.
Bumuntong hininga siya habang nakaupo sa kabilang side ng kama ko. "Talagang nag-alala kami, Kur. Hindi ko ata kaya na mawala yung best friend ko bago yung kasal ko." Lungkot ang nakabakas sa boses niya. Yung braso ko lumawag na tinatanggap siya para sa yakap. Inilagay niya yung ulo niya sa balikat ko habang binabalot ko yung braso ko sa kanya. Si Bel ngumiti ng totoo sa amin.
"Sorry. Hindi plan ko na mangyari yun, alam mo naman. Hindi ko alam na ganun na talaga ka-desperado yung lalaki na patayin ako."
"Inayos na namin lahat habang natutulog ka- inayos na lahat ni Nail habang binabantayan ka namin." Inayos niya yung sarili niya. Tapos bigla siyang nagulat at umupo.
"Kwin." Umungol ako.
"Bakit kayo naghahalikan?!" Sigaw niya.
Buti na lang, si Tayler at yung doktor ang nagligtas sa amin nung sandaling yun.
---
Pagkalipas ng isang linggo, sinabi ng doktor na okay na ako para ma-discharge. Hindi ko sinabi sa kanila na umalis ako mag-isa. Umuwi ako, naligo at nagbihis at umalis ulit pagkatapos. Hinahanap ko yung lalaki na nagligtas sa akin nung gabing yun. Isa siyang opisyal na nagpapatrolya nung gabing yun at nasaksihan niya yung krimen. Pumunta ako diretso sa istasyon ng pulis para makita siya. Buti na lang duty siya.
Si Nail niligtas ako sa sakit ng ulo ng harapin si Wilson at yung mga tauhan niya. Basta nakaharap sila sa hustisya, yun na lang yung mahalaga. Walang kwenta para sa akin na maghiganti o magtanim ng sama ng loob. Muntik na nga ako mamatay. Siguro dapat magtanim ako ng konting sama ng loob. Nagbago ako ng isip.
Yung pangalan ng opisyal ay si Nolan Hill, isang lalaking nasa kalagitnaan ng edad na may dalawang magagandang anak na babae at buntis na asawa. Pinakita niya pa sa akin yung litrato ng pamilya niya. Nakita ko kung gaano niya sila kamahal. Hinangaan ko pa siya lalo. Bilang kapalit sa ginawa niya para sa akin, binigyan ko siya ng tseke na nagkakahalaga ng limang libong dolyar. Tinanggihan niya muna. Sabi niya sobra na pero hindi ako nagpa-awat. Sinabi ko sa kanya na hindi yun bayad. Yun yung nararapat sa kanya.
Nung pinakita niya sa akin yung litrato ng pamilya niya, naisip ko na kailangan niya yung pera. Yung asawa niya buntis. Mayroon siyang dalawang lumalaking anak na babae, sa tingin ko mas lalo siyang nararapat dito.
Pagkatapos yakapin siya at nagpaalam, umalis na ako para sa susunod kong pupuntahan.
Ang paghiga sa kama sa ospital ay nagpapakaisip sa akin tungkol sa nakaraan. Yung nakaraan na gusto ko talagang bisitahin ay yung matagal ko nang kaibigan, si Kolton. Hindi ko siya binisita sa loob ng tatlong mahabang taon. Hindi ko alam kung ano yung magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako ulit. Pinapamahalaan niya yung café niya na isang oras ang layo mula rito. Nag-hire ako ng taksi dahil hindi pwedeng maglakad.
Yung pangalan ng café ay Hana. Ito yung pangalan ng patay niyang asawa. Isa siyang biyudo sa edad na dalawampu't isa. Maaga silang nagpakasal nung nalaman na konti na lang ang oras na natitira kay Hana. Mahina yung puso niya at yun ang nagdala sa kanyang kamatayan. Saksi ako sa kwento ng pag-ibig nila dahil si Kolton ang best friend ko simula high school.
Tumunog yung pinto, nagpapaalala sa kanila na mayroong ibang kostumer na dumating. Yung café hindi gaano ka-busy at kakaunti lang ang kostumer na inaasahan dahil nasa kalagitnaan ng araw. Yung mga tao nagtatrabaho o nasa eskwelahan.
Hindi nagtagal pagkatapos kong umupo sa isa sa mga bakanteng mesa na may dumating na waiter para pagsilbihan ako. Isa siyang cute na teenager, nagpapatanong sa akin kung bakit wala siya sa eskwelahan sa oras na ito. Mukhang mabait siyang binata. "Nandito ba yung may-ari?" Tanong ko na lang, hindi pinapansin yung tanong niya para sa mga order ko. Sumagot siya ng oo na may paggalang. "Well, gusto ko siya."
Namula yung bata sa sagot ko na nagpatawa sa akin. Umatras siya para tawagin yung boss niya.
Ilang sandali, yung familiar na malalim na boses niya ang gumising sa akin mula sa pagpapantasya ko. "Isasara ko na ba yung shop dahil sa wakas bumisita ka na?"
Napangiti ako at sumugod ako sa kanya para yakapin siya. Yung mga braso niya pumalibot sa akin at hinigpitan yung hawak niya. "God, Rose. Akala ko nakalimutan mo na ako."
Yung palayaw nagdala sa akin sa memory lane. Sinimulan niya akong tawaging Rose nung nalaman niya na yung panggitna kong pangalan na Rozi ay naisalin bilang rose. Nakakagulat, nakilala niya yung babaeng mahal niya na may pangalan na bulaklak din.
Tapos naghiwalay kami pagkatapos ng mahaba naming yakapan. "Never." Biro ko.
Sinenyasan ni Kolton na umupo kami. "So… bakit ngayon?" Tanong niya habang nakaupo na siya.
"Bakit ngayon saan?" Tanong ko pabalik na may pagpapanggap na hindi alam.
"Tatlong taon ka nang nawala. Hindi ka man lang pumunta dito kahit minsan."
Nagkibit balikat ako. "Magbukas ka ng bote diyan, pwede?" Tumango ako.
Kumunot yung kilay niya. "Akala ko naka-move on ka na." Sabi niya na nag-aalala.
"Wag kang mag-alala. May self-control na ako ngayon."
Umiling siya. "Kung kailangan mo yun, magiging mahabang gabi para sa atin." Ngumiti siya ng mapaglaro.
Sinara niya nga yung café niya ng maaga kahit sinabi ko sa kanya na wag dahil siguradong hihintayin ko siya. Sa halip pinauwi niya ng maaga yung mga tauhan niya. Hindi naman kailangan pero pinahalagahan ko yun dahil gusto niyang nandito ako.
Sinimulan namin yung pag-uusap namin ng kumusta, inu-update yung buhay ng isa't isa sa tatlong taong agwat na hindi kami nagkita o nagka-kontak, hanggang sa kasalukuyan. Sinabi ko sa kanya yung tungkol sa bagong proyekto namin na pinakamalaki naming nahawakan at naglalagay sa akin sa ilalim ng pressure. Si Kolton, sa kabilang banda, nakatutok pa rin sa café niya at walang karelasyon.
"Paano yung mga lalaki, Kolton, may dine-date ka ba?" Biro ko. Yung kilay ko gumagalaw, tinutukso siya. Tumawa lang siya sa tanong.
"Wag kang tanga, Rose."
"Paano yung batang yun, pedo ka ba?" Mas lalo siyang tumawa. Tapos ininom niya yung laman mula sa bote. "Alam mo naman na available ako." Ginagalaw ko yung kilay ko.
Umikot yung mata niya. "Please. Hindi ako interesado sa mga albino."
"Anong shit, Kolton. Bumababa ka sa baywang."
Tumatawa si Kolton sa sarili niyang biro. "Ikaw lang yung hindi direktang tinatawag akong bakla."
Nagkibit balikat ako bilang sagot. Hindi ko na matandaan kung kailan niya ako tinukso ng salitang yun dahil lang yung buhok ko ay platinum blonde at yung balat ko ay maputla.
Pout ako. "Kung single ka sa natitirang buhay mo, wala akong pakialam sa iyo."
Yung ngiti niya biglang nawala na nagpatingin sa kanya na seryoso. "Alam mo si Hana ipinagkatiwala ako sa iyo." Umayos ako ng upo bilang sagot. "Best friend kita, Rose. Alam niya na ikaw lang ang makakaalaga sa akin. Pero ayokong ipagkait sa iyo ang paghahanap ng pag-ibig mula sa iba."
Sinabi rin ni Hana yun sa akin bago siya mamatay. Hiniling niya na mahalin namin yung isa't isa dahil kilala niya ako. Alam niya na nagmamalasakit ako kay Kolton.
"Alam ko."