Kabanata 32
Tiningnan ko 'yung malaking pader at 'yung manipis na lubid sa kamay ko. Lumaki 'yung pakiramdam na nawawalan ng pag-asa. Hindi ko nga ata gagana 'yung lubid. Walang kahit anong pwede niyang kapitan. Masyadong mataas 'yung pader para tumalon ako.
Nanginginig na 'ko ngayon. Masakit 'yung paa ko na parang naglalakad ako sa baga. Tumingala ako sa langit. Humahampas 'yung ulan sa mukha ko, nakahalo sa mga luha na tumutulo sa pisngi ko.
Bigla, may ilaw na kumislap. Hinanap ko 'yung pinanggalingan at nasa harapan, sa silangan. Na-realize ko na lampara pala sa bakod. May lampara 'yung bakod?
May pumasok sa isip ko.
Inalis ko 'yung pagkakatupi ng lubid sa kamay ko at na-realize na mahaba 'yun para maikot ko sa leeg ng lampara. Kaya sinubukan ko 'yung ideya ko ulit at ulit. Bumagsak ako ng maraming beses pero hindi ako tumigil hanggang sa nakuha ko. At sa wakas, nagawa ko!
Dahan-dahan kong inayos 'yung kabilang dulo ng lubid para bumaba para magmukhang kwintas. 'Yung dalawang dulo umaabot lang sa ulo ko pero sapat na para mahawakan ng kamay ko. Huminga ako ng malalim at itinaas 'yung paa ko sa pader habang nakahawak sa lubid tapos hinatak ko 'yung sarili ko.
Natagalan bago ako nakarating sa taas. Sumakit 'yung palad at paa ko sa pagod, may pasa at sugat na nabubuo. Humingal ako nang makarating na 'ko sa taas. Tumingin ako sa kabilang side at nagpasalamat na may mga halaman. Huminga ako bago tumalon, dala-dala 'yung lubid. 'Yung ebidensya ng pagtakas ko.
Yung mga halaman sinalubong 'yung pagbagsak ko na may dagdag na pasa at sugat. Nang sinubukan kong tumayo sumakit 'yung bukung-bukong ko pero hindi ko pinansin 'yung sakit at nagsimulang tumakbo. Tumawid ako sa kalsada at nagtago sa mga puno. Hindi magpapahinga 'yung paa ko ngayong gabi pero mas gusto ko 'to kesa maglakad sa kalsada na 'yun at manganganib na mahuli.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa pakiramdam ko malayo na 'ko sa mansyon niya. Nagtago ako sa likod ng puno at umupo ako doon. Tapos kinuha ko 'yung telepono at sinimulang i-reset. Nanginginig 'yung kamay ko habang gumagalaw ako. Mula 'yun sa lamig o sa ginawa ko.
Halos sumuka ako nang naalala kong pumatay ako ng tao. Walang lumabas kaya napahagulgol lang ako. Hindi ko ata siya napatay, 'di ba? Dapat chineck ko 'yung pulso niya bago ako umalis.
Habang naghihintay ako na mag-boot 'yung sistema, may pumasok sa isip ko. Pinaalala ako ng ulan kay Nail. 'Yung unang gabi na magkasama kami. 'Yung halik, 'yung sex, 'yung malalapit na sandali namin.
Nang gabing 'yun may bagyo rin na nakakulong kami sa penthouse niya. Hindi ko alam kung ano nangyari nang bigla kaming nagmula sa magkaaway hanggang sa… Hindi man lang kami nag-usap tungkol sa kung ano 'yung relasyon namin. Wala kaming ginawa kundi mag-away nang mag-away. Na-realize ko na umatras kami sa proseso ng pagbuo ng relasyon.
Sabi niya gusto niya ako. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, gusto pa rin ba niya ako?
Tapos na mag-boot 'yung telepono. Nagliwanag 'yung screen na nagpapakita ng mga apps at iba pang function. Tinipa ko 'yung numero ni Kwin dahil alam kong 'yun lang 'yung numero na memorized ko para sa mga emergency.
'Yung una, hindi sinagot. Naiintindihan ko dahil halatang hindi niya alam 'yung numerong 'to.
---
Kwin
Nakaupo kami dito sa opisina ni Nail simula nang tumawag siya nang may balita tungkol kay Kur. Isa sa mga tauhan niya na inatasang mag-imbestiga sa neighborhood ni Kur, may nakita, isang saksi. Natagalan dahil karamihan ng mga taong tinanong niya doon hindi siya nakita. Dagdag pa, hindi namin alam kung kailan eksaktong nawawala siya.
Sa huli, nahanap ng investigator niya 'yung saksi na nakita 'yung best friend ko noong gabi na kasama niya 'yung lalaki na nagkataon na kapareho ng deskripsyon ni Hekob. Isang teenager na nagkataong dumaan at nakita si Kur na lumalabas sa apartment niya dala-dala 'yung bagahe niya sa likod ni Hekob na naglalakad sa harapan niya.
Pagkarinig ni Nail sa balita, agad niyang pinuntahan 'yung mga tao niya para subaybayan kung nasaan si Hekob ngayon. Sa kasamaang palad, wala siya sa New York. At higit pa, nalaman namin na wala kay Kur.
Bukod pa roon, naantala ng bagyo 'yung imbestigasyon namin na nakakabwisit. Pakiramdam namin isang hakbang na lang para malaman kung nasaan si Kur kasabay ng pakiramdam na wala kaming ideya kung ano ang gagawin… at maghintay na lang dito para sa mga sagot. Walang gustong umuwi ngayong gabi o kahit subukang matulog. Lahat kami kinakabahan.
Buti na lang wala si Bel dito. Ayoko na hatiin niya 'yung isip niya mula kay Kur hanggang sa anak niya. Kakausapin ko siya kapag nagkita kami para sa trabaho.
'Babe, tumatawag 'yung telepono mo. Hindi mo ba sasagutin?" Sabi ng fiancé ko sa tabi ko. Tinitingnan niya 'yung nagvi-vibrate kong telepono na nakalagay sa tabi ko sa sofa. Hindi ko siya sinasagot simula pa nang hindi kilalang numero.
Pailing-iling ako nang walang ekspresyon. Wala ako sa mood sumagot.
'Dapat sagutin mo. 'Yung tumatawag sa ganitong oras dapat emergency." Pangungumbinsi ni Kolton. Nakaupo siya sa kabilang sofa sa harap namin. Nakasandal 'yung ulo niya sa sandalan, nakapikit 'yung mata, nakatupi 'yung braso. Pagod na siguro siya. Sumali siya sa paghahanap sa labas simula nang pumunta siya dito. Hindi rin siya umuwi at nanatili sa isang hotel malapit dito.
Tama siya. Nakakapanibago na may tumatawag sa ganitong oras. Alas dose na at hindi humihinto 'yung bagyo. Lumipat 'yung mata ko kay Nail na nakaupo sa likod ng desk niya. Nakatupi 'yung kamay niya, nakapatong 'yung siko sa mesa. Nakasandal 'yung ulo niya sa nakatupi niyang kamay. Parang nagdarasal siya para may himalang mangyari ngayon.
Pagod na rin siya. Lahat kami at malapit na kong mawalan ng pag-asa. Naiinis at nadidismaya lang ako ngayon. Madilim na 'yung mga mata namin, malungkot at madilim 'yung mukha namin. Hindi na ata ako makakatulog kung hindi namin siya mahahanap.
Huminga ako bago i-swipe 'yung tawag sa green icon. 'Hello?" Siguradong maririnig ng kabilang linya 'yung pagod kong boses.
'Kwin."
Nanlaki 'yung mata ko at tumayo ako sa gulat. Naging alerto 'yung tainga ko sa pamilyar na boses na hindi ko narinig ng linggo-linggo.
Nagulat si Tayler sa unang reaksyon ko. 'Anong nangyari? Sino 'yan?" Tanong niya na nakakunot 'yung noo.
'Kura?" Ulit niya. Raspy at pagod din 'yung boses niya. Naririnig ko 'yung malakas na ulan sa kabilang linya.
'Kura?"
Biglang napalingon 'yung lahat sa akin, nanlaki ang mata. Agad tumayo si Nail sa upuan niya at naglakad papalapit sa akin. Kinuha niya 'yung telepono ko na nakadikit pa sa tainga ko.
'lyuBImaya.