Kabanata 65
Isang linggo akong nakituloy sa pamilya ko pagkalabas ko sa ospital. Hiningi ni Tatay na tumigil muna ako sandali at makasama sila.
Lumabas na rin si Silena mahigit isang linggo na ang nakalipas. Nakaupo siya sa wheelchair pansamantala dahil sa kanyang paa.
Nung inihatid ako ni Nail sa bahay ni Tatay, bago kami pumasok, sinabi niya sa akin ang balita na patay na si Hekob. Hindi ko na tinanong kung paano o ano pa ang mga detalye dahil tuwang-tuwa ako. Parang bumalik ang kalayaan ko at sobrang gaan ng pakiramdam ko. Hindi lang 'yon, okay na rin kaming magkakapamilya.
Tumahimik ako nung binanggit niya ang balita dahil nilalasap ko ang lahat ng emosyon. Matapos ang ginawa niya sa akin, sa mga kaibigan ko at ngayon sa pamilya ko, gusto ko na talaga siyang mawala. At ang balitang 'to ay lahat-lahat na sa akin.
Walang pakialam si Nail sa reaksyon ko. Madalas niya akong naiintindihan kaya alam kong ramdam niya ang ginhawa ko.
Nagkaroon kami ng salu-salo pagkauwi ko. Naghanda sila ng maraming masasarap na pagkain para batiin ako at ipagdiwang din ang paggaling namin ni Silena. Siyempre, sina Kolton at Nail ang espesyal naming bisita.
Hindi ko naisip na magiging awkward ang lahat dahil nagpalitan sila ng bisita sa akin araw-araw sa ward ko. Isa lang ang nasa isip ko, at 'yon ay sabihin kay Silena ang totoo. Kahit na kinamumuhian ko siya dati, hindi pa rin niya deserve ang nangyari sa kanya.
Nakalimutan ko na ang sama ng loob ko sa kanya nung nakita ko kung paano nagkaroon ng tunay na damdamin si Tatay para sa kanya at kung paano niya ako pinuntahan nung araw na 'yon para kay Tatay.
Okay lang sa akin kung mag-asawa siyang muli at para sa kaligayahan niya pero ang relasyon nila noon ay para sa maling dahilan.
Ang nakita ko nung araw na 'yon ay nagpabago ng lahat. Nung hinawakan ni Tatay ang kamay niya, alam kong napatawad ko na sila agad.
Ang kailangan ko na lang ngayon ay humingi ng tawad kay Silena. Nung umuwi na sina Kolton at Nail, habang nagpapahinga na rin sina Tatay at Kuya sa mga kwarto nila, naisip kong 'yon na ang oras para kausapin siya.
Hindi ko na siya nakwentuhan nung nagising siya. Bukod pa sa na-ospital ako mismo, tuwing bumibisita sila, laging kasama niya sina Tatay at Dilan. Kailangan ko siyang makausap na kami lang.
Umupo kami sa may likod habang umiinom ng tsaa. Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong pag-usapan. Mapagpasensya siya at kalmado. Laging may ngiti sa mukha niya.
Mukha siyang ina na mas nagpapakita na talagang nagbago siya para sa ikabubuti. Masaya ako para sa kanya, honestly. Heck, proud ako sa kanya.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko sa kanya ang eksaktong nangyari. Pero sinabi ko sa kanya ang bersyon ng kwento nina Nail at Kolton. Hindi ko kayang ipaalam sa kanya ang tungkol dito. Ayaw ko pa ring isugal ang kalusugan niya ngayon na gumagaling na siya. Ang pagkakasundo namin ay bahagi ng dahilan kung bakit siya gumagaling.
Sabi ng doktor gumaganda na ang kalagayan niya. Hinayaan ko siyang magpa-checkup lagi tuwing bumibisita siya sa akin sa ospital.
Seryoso siya habang nakikinig sa akin. Siyempre, anuman ang maging reaksyon niya, tatanggapin ko. Tutal, ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
Nagulat ako nung ang sagot niya sa pagtatapat ko ay paghingi ng tawad. Sorry para sa ano?
“Sorry na kinailangan mong harapin ang isang bagay na sobrang nakakatakot. Gumaan ang pakiramdam ko na sa kabila ng pananakit sa 'yo, nandito ka pa rin sa amin, okay at malusog. Mabibigla si Tatay kung mawawala ka sa kanya.”
Bigla akong tumayo dahil sa gulat. Nagulat siya sa biglaan kong kilos.
“Sorry? Silena, ako ang may kasalanan kung bakit nakaupo ka ngayon sa wheelchair sa halip na naglalakad dito ng malaya. Dapat nagagalit ka sa akin.” Sigaw ko.
Ngumiti siya ng bahagya. “Sa tingin ko wala akong karapatang magalit sa 'yo, Kur. Tutal, ako ang dahilan kung bakit ka iniwan ng tatay mo.”
Hindi ako nakasagot. Nalito ako sa sagot niya. Nakatitig lang ako sa kanya na nakanganga.
“Deserve ko 'to, alam mo. Talagang pinilit kitang umalis sa bahay na 'to at kinuha ko ang lahat ng sa 'yo habang nasa labas ka na hinaharap ang mundo na walang suporta mula sa pamilya mo. Sa totoo lang, nakokonsensya ako sa loob ng dekada, lalo na nung dumating sa buhay namin si Dilan. Sa tingin ko hindi ko kayang gawin sa kanya ang ginawa namin ng tatay mo sa 'yo.”
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko inaasahan ang ganitong uri ng reaksyon mula sa kanya. Bumagsak ang mga balikat ko, tila nawala ang pasan.
“Siguro magsimula tayo ng bago.”
Honestly, pagod na ako sa drama na palaging lumalabas at pumapasok sa buhay ko. Gusto ko lang ng kapayapaan. Gusto ko ng buhay na hindi palaging nag-aalala tungkol sa isang bagay.
Nagulat si Silena sa mungkahi ko.
“Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay ko, alam kong deserve ko ang kaligayahan, Silena, at ikaw rin.”
Ngumiti siya. “Well… Sa palagay ko ito ang unang pagkakataon na nagkasundo tayo sa isang bagay… anak.” Biro niya. Ngumiti ako sa kanya bilang ganti.
Pagkatapos noon, nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan tungkol sa ginawa namin sa loob ng sampung taon na magkahiwalay kami. Karamihan sa kanila ay nagtanong tungkol sa kalagayan ko. Buhay ko sa kolehiyo, mga tagumpay ko at siyempre, lalo na ang buhay pag-ibig. Malinaw na interesado siya sa bagay na 'yon.
Nakikita niyang napakagwapo ni Nail. Nung una niya itong nakilala, hindi siya nakapagsalita kung gaano siya kaakit-akit. Litiral na natulala siya. Ang stepmother ko ay walang pinagkaiba sa kapangyarihan ni Nail. Kaya naman natapos ang pag-uusap namin kung paano kami nagkakilala ni Nail hanggang sa bumuo kami ng kakaibang relasyon.
Magkaedad lang kami ni Silena kaya nung kinausap ko siya, parang kapatid ko ang kausap ko sa halip na stepmother.
---
Pagkalipas ng isang linggo, pumunta si Nail para sunduin ako. Nagulat ako dahil hindi niya ako binisita sa loob ng linggong 'yon. Sigurado ako na pupunta siya araw-araw para lang makita ako dahil hindi maikakaila na clingy si Nail Veselov. Sa halip, hinayaan niya akong magpahinga at makipag bonding dito sa pamilya ko.
Nakakalungkot, isang linggo lang ako pwedeng tumigil dito. Kailangan ko nang bumalik sa Runner Studios. Matagal na akong wala at malaya na akong pumunta saan man ako gusto o kailangan. Unang bagay na kailangan kong gawin ay bumalik sa trabaho.
Isang malaking pasanin ang natanggal sa balikat ko at hindi pa ako nakaramdam ng gaan at saya. Lalo na ngayon na okay na kami ng pamilya ko. Sa totoo lang, mas marami akong oras na ginugol sa aking mahiyain na kapatid kaysa kina Tatay at Silena.
May isang bagay sa bata na nakakaakit sa akin. Nakakatuwa ang pagkamahiyain niya. Kahit paano, 'yon ang kanyang karisma. Tuwang-tuwa si Tatay na alam naming nagkakasundo kami.
Isang beses, pumunta kami sa mall at agad ko siyang binilhan ng kahit anong gusto niya. Pagkatapos noon, kumain kami ng maraming matatamis. Kahit ayaw ko 'yon, gusto kong ipakita na mahal ko 'yon katulad ng pagmamahal niya dito. Pagkatapos, pumunta kami sa arcade at naglaro ng maraming laro. Medyo gabi na kami umuwi nung araw na 'yon.
Umiiyak si Dilan habang hawak ang kanyang teddy bear. Ayaw niyang umalis ako. Niyakap ko siya at sinigurado sa kanya na bibisitahin ko siya tuwing kaya ko.
Nakatitig si Tatay kay Nail na walang anumang emosyon. Nanatili lang si Nail, hindi komportable sa kanyang tumatagos na titig.