Kabanata 38
'Nail, teka lang. Tigil.' 'Yung kamay ko, automatic na napindot sa dibdib niya para pigilan siyang halikan ako.
Kumunot 'yung kilay niya. Tinitigan niya ako na parang nagtataka.
'Pagod ako. Pwede ba… pwede ba wag muna ngayon?' sabi ko habang hingal na hingal.
Tango lang si Nail bilang pag-intindi. 'Yung Nail na kilala ko, gagawin pa rin 'yun pero alam niya na kagagaling ko lang at ginawa ko lang na dahilan 'yun.
Hinalikan niya 'yung pisngi ko, matagal na lumapat 'yun ng ilang segundo bago ako niyakap ng mahigpit sa braso niya. Pumikit siya at isinubsob 'yung ulo niya sa pagitan ng balikat at leeg ko, nilalanghap agad 'yung pabango ko.
Natigilan ako. 'Dito ka matutulog.' Kahit tanong 'yung sinabi ko, parang ganun na nga.
'Kuarto ko 'to. Saan pa ba ako matutulog?' Bulong niya bilang sagot. Nag-uumpisa na siyang antukin kaya iniiwasan ko na ang isa pang argumento.
Di na ako inaantok. Napuno 'yung isip ko ng maraming iniisip at 'yung puso ko, nakakaramdam ng kung ano na hindi dapat.
Pinilit ko 'yung mata ko na matulog at binasag 'yung distraksyon. Siguro bukas, okay na ako. Nakatulog ako kahit hindi nawala 'yung kabigatan.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Pero wala na si Nail sa tabi ko at malamig na 'yung side ng kama niya. Maaga siyang gumising palagi, isa sa maraming kabaliktaran namin.
Tinitigan ko 'yung bakanteng lugar habang nakaupo. Matutulog ba kami palagi magkasama tuwing nandito ako? Hindi ko ata kaya 'yung sleeping arrangement ngayon.
Nagising ako na hindi pa rin maalis-alis 'yung nararamdaman. Kinuyom ko 'yung kamao ko sa inis. Inalis ko 'yung kumot nang walang pakundangan, tumayo at dumiretso sa banyo. Siguro pag naligo ako, gaganda na pakiramdam ko.
Habang tinitingnan ko 'yung closet niya para makahanap ng isusuot, napansin ko na may mga panloob na damit ng babae na maayos na nakalagay sa kaliwang bahagi ng malaking closet niya. Ang dami nila, katabi lang ng boxers at brief niya. Biglang sumulpot 'yung ugat sa ulo ko nang marealize na hindi pa rin niya ako binilhan ng damit.
Ugh! 'Yung gago na 'yun! I-c-castrate ko siya.
Bumaba ako para hanapin siya. 'Yung unang instinct ko, nasa dining room siya. O kaya gutom lang ako at gusto ko lang kumain ng almusal.
May narinig akong boses nang malapit na ako sa entrance ng dining room. Boses ni Nail at 'yung isa-- nanlaki 'yung mata ko nang marinig ko 'yung boses ng mama niya. Tumigil ako malapit sa pinto, sinandal 'yung likod ko sa malamig na pader na kinakabahan, biglang nanlamig 'yung mga paa ko.
Shit. Alam ko na. Sa bahay ng mga magulang niya 'to, 'di ba? Sobrang laki lang ng property niya para tumira mag-isa.
'Nakita kong dinala mo 'yung babae diyan, anak. Nakakagulat.'
Narinig ko 'yung tunog ng kubyertos. Obviously nag-aalmusal sila. Hindi ko narinig 'yung boses ng tatay niya. Siguro tahimik lang siya o wala.
'Uupo ka lang diyan… tahimik lang?'
'Ano bang gusto mong sabihin ko? Kumakain ako, mama.'
'Tsk tsk tsk. Bastos na bata. Pagdating sa babaeng 'yan, parang may pumindot ng mute button sa remote mo.'
'Mom-'
'May mga babaeng lumalapit sa 'yo. Hindi mo dinadala ang mga babae dito, Nail. Anong pinagkaiba nung babaeng 'yan para maging karapat-dapat na tumira dito?'
'Hindi ngayon, please.' Kahit magalang siya, narinig ko pa rin 'yung galit sa likod ng kalmadong tono niya. 'Wala kang alam sa pinagdaanan niya.'
'Kung ganun, ipaliwanag mo sa akin, anak. Kaibigan lang ba siya na tinutulungan mo?'
'Yung paraan ng pananalita ng nanay niya, mas nag-aalala ako. Kalmado at mahinahon siya. Sobrang kalmado niya kahit obvious na kinukwestiyon niya si Nail tungkol sa akin.
'Hindi kita sasabihan ng kahit ano kung ganyan ka ka-nakakairita.' Ganti ni Nail na may tono.
Narinig ko 'yung pagbuntong-hininga ni Sara. 'Busog na ako. Kumain ka ng maayos, anak. Pumayat ka.'
'Yung tunog ng upuan na kumukurut nagpahiwatig ng pag-alis niya. Nagbukas 'yung pinto sa side ko at pumasok si Sara. Tumigil siya nang nakita niya akong nakatayo sa may pinto.
'Ay, naku.' Sabi niya, hindi nagulat sa presensya ko. 'Sana gutom ka, anak. Nandoon pa si Nail nag-aalmusal. Samahan mo siya.' Kalmado siya na may boses at ekspresyon na walang bakas ng masamang intensyon. Tumango lang ako bilang sagot at naglakad palayo sa kanya papunta sa dining room.
Nakakamangha kung paano 'yung nanay niya ay pwede pa ring maging mapagkumbaba kahit obvious na ayaw niya sa akin.
Noong almusal, medyo tahimik ako. Dahil lang nahihirapan ako kung paano ko sasabihin sa kanya. Tapos na siyang kumain pero hinintay niya akong matapos at 'yun pa 'yung dahilan para mas makaramdam ako ng guilty.
Nang matapos na ako, bumalik kami sa kuwarto niya. Nakakagulat, hindi siya nakaramdam ng kahit anong hinala sa katahimikan ko. Hell, naghihinala ako sa sarili ko. Nag-aaway kami palagi pero ito 'yung unang beses na tahimik kami. Siguro, tinamaan siya ng sinabi ng nanay niya.
'Nail.' Sa wakas nagsalita ako nang nakarating kami sa kuwarto niya. 'Kailangan nating mag-usap.'
'Tungkol saan?' Tanong niya nang walang emosyon.
'Hindi ako pwedeng tumira dito.' Nanigas siya.
'Narinig mo siya.' Tapos sumugod siya sa akin at hinawakan 'yung balikat ko gamit 'yung dalawang kamay niya. 'Huwag kang makinig sa kanya. Ganyan talaga siya-'
'Sa kanino? Sa lahat ng mga babae mo.' Singit ko habang nakapamewang.
Pinanliitan ko siya ng mata nang hindi siya sumasagot at sa hitsura niya, oo 'yun.
Kinumpirma lang nito 'yung sinabi sa akin ni Sara. Isa lang ako sa maraming babae niya.
Hindi ko alam kung bakit galit ako tungkol dito kung trinato ko 'yung lalaking 'to na parang ka-fuck buddy ko. Fuck! Anong pinagkaiba ko sa kanya?
'Alam mo, sa tingin ko, mas okay kung tumira na lang ako kay Bel. Sigurado ako na mas ma-a-appreciate ang presensya ko doon.' Nag-umpisa na akong lumingon para umalis pero pinigilan niya ako sa paghawak sa braso ko.
'Huwag kang maging katawa-tawa. Gusto mo bang hanapin ka ng baliw na 'yun?' Pangangaral niya.
'Siguro dapat tanungin mo 'yung nanay mo kung pwede tumira dito 'yung little bitch mo.' Hinahamon ko siya na may lason sa tono ko.
'Tigilan mo na nga 'yang pagiging isip-bata mo? Buhay mo 'yung pinag-uusapan natin. For god's sake, Kur. Dalawang beses ka nang napahamak. 'Yung isa, muntik ka nang mamatay. Tanda mo?' Naituwid ko 'yung sarili ko sa katotohanan na tama siya.
Shit, muntik ko nang makalimutan na may sumubok pumatay sa akin ilang buwan na ang nakalipas. Hindi ko na masyadong maalala 'yun nang naglalaho na 'yung marka sa tiyan ko. Gumamit ako ng napakamahal na pamahid para hindi mag-iwan ng marka. Pipigilan din ako nito sa pag-alala.
Hindi na ako nakasagot nang 'yung tunog ng katok sa pinto ang nanalo. Si Wilard, 'yung matandang butler na nalaman ko na rin 'yung pangalan, nagsalita sa likod ng pinto.
'Young master, may bisita ka.'
Tinignan ako ng masama ni Nail. 'Dito ka lang. Gets mo 'yun?' Umikot 'yung mata ko bilang sagot. 'Kur-'
'Lumayas ka na nga.' Nagbuntong-hininga siya bago umalis.
Nang isinara na 'yung pinto, agad kong hinanap 'yung phone ko na binigay ni Nail sa akin dahil wala na ako nung akin. Nagpalit 'yung number, dahil si Hekob ay pwede akong mahanap gamit 'yung kaparehas na number.
Diniyal ko 'yung number ni Kolton. 'Kolton Steele.' Sumagot siya nang walang pakialam.
'Ako 'to. Pwede mo ba akong tulungan?'
'Rose?' Tanong niya na parang hindi makapaniwala. 'Okay, ano 'yun?'
'Bumili ako ng kotse. Pwede mo bang kunin 'yun para sa akin? Ite-text ko sa 'yo 'yung address.' Habang naglalakad pabalik-balik sa kuwarto.
'Sige…' Humaba 'yung boses niya. 'Saan ko nga ba ihahatid 'yun?'
'Pumunta ka dito at sunduin mo ako.' Sagot ko na walang pakialam.
'Ano?! Bakit?'