Limampu
Damien
Gabi, pupunta ako sa meeting ng konseho para pag-usapan 'yung mga nabiktima na ginawa ni Lazarus sa bahay. Hindi pa namin sila nililipat, magse-set up muna kami ng mga istratehiya.
Pagkatapos kumain, pumunta ako sa headquarters ng Ventrue. Andun na sina Mithras, Celeste at Cassius. Sinimulan agad namin 'yung meeting, walang sayang oras.
Pagkatapos ng mahabang diskusyon, fininalize namin 'yung desisyon namin at nagkasundo kami na ipamigay sila sa mga pamilya ng Ventrue clan. Dahil meron na akong anim na turned humans na under my supervision, bibigyan ako ng sampu pang bago. Sina Mithras, Celeste at Cassius naman, tig-kikinse sila.
"Kailangan nating magtayo ng panibagong building sa teritoryo ni Damien kasi kailangan niya ng mas maraming space," suhestiyon ni Celeste. Ano? Space? Alam ko na maliit 'yung bahay ng pamilya ko sa Clan pero hindi naman 'yung sampu pang miyembro, wala silang matitirhan.
"Oh, oo nga pala! Thanks nga pala sa pagpapaalala," sabi ni Mithras. Napatingin ako sa kanilang tatlo, nagtataka kung ano 'yung pinag-uusapan nila. Nginitian ako ni Celeste na parang may alam siya kaya napakunot ako ng noo.
"Damien, alam naming maraming pinagdadaanan ka ngayon. Alam namin 'yung ginawa ni Fabian dalawang araw na ang nakalipas. Noong una, sinabi naming itakwil mo 'yung babaeng lobo na 'yun pero halata namang mahal na mahal mo siya. Sa totoo lang, kung hindi dahil sa kanya, baka hindi pa namin nakita si Lazarus ng maaga para mapigilan siya. Alam naming nadelikado 'yung kaligtasan niya pero may dahilan 'yun," sabi ni Celeste.
"Malakas siyang babae at kailangan mo ng ganung babae sa tabi mo. Mas palalakasin ka niya. Sorry sa nangyari. Hindi sana namin sinabi na itakwil mo siya noon. Handa kaming suportahan ka sa bawat desisyon na gagawin mo," sabi ni Mithras.
"Naiintindihan ko kung saan kayo nanggaling sa paggawa ng ganung desisyon. Si Fabian, nagdulot siya ng maraming gulo noon at ayoko siyang idamay sa ngayon. Nakakapamuhay na kami ng mapayapa simula noon at ayokong sirain 'yung kapayapaan na nakamit namin," sabi ko sa kanila tapos umiwas ako ng tingin. Nagluluksa ako simula nang umalis si Clara at nagsisimula na akong bumalik sa sarili ko pero ngayon pakiramdam ko, magkakawatak-watak ako.
"Kinuha ni Fabian si Clara at gagawin niya ang lahat para lang itakwil ako. Mahirap man gawin niya 'yun ngayon pero paglipas ng ilang panahon, mapapagod din siya. Baka sa huli, gawin na niya 'yun," sabi ko.
Marami na akong iniisip tungkol sa pagtakwil at ngayon, parang posible na. Baka gipitin ni Fabian si Clara at sumuko siya sa akin, sa amin. Alam kong mahal na mahal niya ako pero baka mahirapan siya sa sitwasyon.
Hindi ko siya sisisihin kung itakwil niya ako. Hindi man lang ako magagalit sa kanya. Ayoko siyang malungkot dahil lang nakatali siya sa akin o dahil nakakapit siya sa akin habangbuhay kahit hindi naman kami pwedeng magkasama.
Mas pipiliin pa niyang wala ako pero masaya. Baka makahanap siya ng mas magaling pa sa akin na magpapasaya sa kanya, na hindi siya ilalagay sa kahit anong panganib at si Fabian naman, malugod siyang tatanggapin bilang manugang niya.
"Damien, marami ka nang problema. Ayaw ka naming i-stress. Kami na ang bahala sa pagpapagawa ng bagong building. Ang kailangan mo lang gawin ay kausapin 'yung pamilya mo tungkol doon tapos sabihin mo sa amin 'yung detalye kung saan namin pwedeng ilagay 'yun," sabi ni Cassius.
"Hindi niyo na kailangang gawin 'yun. Sapat na 'yung space namin sa bahay. Hindi naman mauubusan ng matitirhan 'yung sampung miyembro," sabi ko sa kanila.
"Alam namin 'yun pero hindi naman dapat masyadong maraming miyembro sa isang bahay. Kailangan mo ng mas maraming kuwarto sa hinaharap," sabi ni Mithras.
"Okay, kung may pondo naman at willing kayo, bakit pa ako tatanggi?" sabi ko habang nagkibit-balikat.
"At tungkol kay Clara, kailangan mo kaming ipaalam agad kung kailangan mo ng tulong. Handa kaming suportahan ka sa anumang desisyon na gagawin mo," sabi ni Celeste tapos nginitian niya ako.
"Hindi niyo naman siya gaanong kilala," nagtataka ako kung gaano nila kagusto si Clara.
"Sapat na ang alam namin para pagkatiwalaan siya na hindi siya katulad ng ugali ng tatay niya," sabi ni Mithras. Umiling ako, hindi makapaniwala. Hindi pa nga nila siya nakikita!
Nang matapos na 'yung meeting, umuwi na ako. Magpapadala ako ng tao para sunduin 'yung mga bagong miyembro mula sa lumang bahay kung saan sila tumutuloy. Siguro bukas ng umaga. Tapos pwede na naming ayusin kung saan sila titira pansamantala.
Naglakad ako sa daan, tinatamad ako. Patuloy akong sinasabihan ng isip ko na dumaan sa ibang ruta papunta sa teritoryo ni Fabian. Tulog na siguro si Clara ngayon. Karamihan sa mga miyembro ng pack, tulog na siguro sa oras na 'to.
Pwede akong pumasok sa bahay papunta sa kuwarto ni Clara. Pwede ko siyang gisingin at yakapin nang mahigpit. Gusto ko talagang maramdaman ulit siya sa mga bisig ko. Para malanghap 'yung bango niya at mahalikan 'yung labi niya.
Shit!
Nami-miss ko siya. Nami-miss ko 'yung hawak niya, 'yung mga salita niya, 'yung labi niya... Nami-miss ko lahat sa kanya. Sobrang nami-miss ko siya, masakit. Masakit 'yung pagkawala niya. Hindi ako makapagpahinga dahil alam kong wala si Clara, malayo sa akin at hindi siya masaya. Nararamdaman ko 'yung lungkot niya kahit malayo ako sa kanya. 'Yun 'yung koneksyon na nag-uugnay sa amin.
Siguro paglipas ng ilang panahon, soon, hindi ko na mararamdaman 'yun. Hindi ko na mararamdaman 'yung saya niya at lungkot niya. Hindi ko na mararamdaman 'yung matinding puwersa para tumakbo papunta sa bahay ni Fabian at nakawin siya mula roon.
Sana hindi pa dumating 'yung oras na 'yun. Gusto ko pa ring kumapit sa pakiramdam kasi nagbibigay 'yun ng pag-asa sa akin. Nagbibigay 'yun ng pag-asa na magkasama pa rin kami kahit magkaiba kami ng lugar. Nakakasiguro ako na akin pa rin siya at nakakapit pa rin siya doon.
Nagawa kong makauwi nang hindi dumadaan sa daan papunta sa bahay ni Fabian. Kailangan kong makapag-ipon ng sarili ko at hindi magpadala sa emosyon kasi lalo lang lalala 'yung sitwasyon namin.
Ala-una na ng madaling-araw nang makauwi ako. Nakita kong andun na sa bahay sina Luther at Athan. Sa tingin ko, walang plano 'yung iba na umuwi agad.
"Kumusta?" tanong sa akin ni Luther.
"Okay naman. Naipamigay na namin 'yung mga turned sa mga pamilya. Kailangan nating kunin 'yung mga bagong miyembro bago sumikat 'yung araw," sagot ko.
"Ilan sila?" tanong ni Athan.
"Sampu," sagot ko.
"Pwede bang kami na lang ni Athan ang kumuha sa kanila mamaya?" tanong sa akin ni Luther.
"Oo naman," sagot ko tapos tumango si Luther.
"Aakyat na ako," sabi ko, nagpaalam ako.
"Sige. Magpahinga ka na," sabi sa akin ni Athan. Alam din nilang hindi ako ako ngayon. Hindi na ako nakikisali sa mga usapan ng pamilya. Kung andyan ako, palagi akong tahimik at lutang sa iniisip.
Nang pumasok ako sa kuwarto ko, binuksan ko 'yung ilaw at tinanggal ko 'yung coat ko. Inihagis ko 'yun sa kama tapos tinitigan ko 'yun. 'Yun 'yung coat na binalot ko kay Clara nang unang beses ko siyang dinala dito. Sobrang saya ko nang makita ko siya at hindi na ako nag-aalala sa anumang bagay noon.
Ang mahalaga lang sa akin noon ay nakuha ko na siya at hindi ko na siya bibitawan pa.
Pinunasan ko 'yung mukha ko sa inis. Hindi ko man lang alam kung anong gagawin ko sa sarili ko ngayon. Hindi man lang ako nakatulog kahit konti simula nang umalis siya at nagdududa ako na makakatulog pa ako ngayong gabi.
Nasanay na akong matulog sa gabi dahil sa kanya. Ngayon, hindi na ako makatulog, hindi man lang sa araw o sa gabi. Basag na ako. Isa akong basag na indibidwal na hindi na gumagana ng normal.
Pumasok ako sa banyo na umaasang mare-refresh pagkatapos maligo. Hinubad ko 'yung lahat ng damit ko tapos tumayo ako sa ilalim ng shower. Hinayaan ko 'yung malamig na tubig na dumaloy sa katawan ko tapos pumikit ako.
'Yung banyo na 'to, may amoy pa rin ni Clara kahit matagal na siyang wala dito. Naaalala ko 'yung lahat ng oras na nakahubad siya dito at kung paano nagkikinang 'yung napakagandang katawan niya sa mga patak ng tubig sa balat niya. Kung ilang beses ko siyang inangkin at ginawa ko siyang minahal sa mga dingding na 'to.
Kahit 'yung mga iniisip ko tungkol sa kanya, ginugulo ako sa banyo. Wala akong matatakbuhan. Hindi ako makakatago sa mga iniisip ko. Lahat dito, nagpapaalala sa kanya. Lahat, nagpapaalala lang sa akin ng pagkawala niya at pinadarama sa akin na walang kwenta ako paulit-ulit. Lahat, nagpapaalala lang sa akin kung paano hindi ko nagawa ang kahit ano para pigilan si Fabian na kunin siya mula sa akin.
Kailangan ko lang ng isa pang beses. Isang beses pa kay Clara at gagaling na 'yung sakit na 'to. Isang hawak pa at aalis na 'yung mga iniisip na nangungulit sa akin. Kailangan ko lang halikan 'yung labi niya at bigyan siya ng maayos na pagpapaalam, pero ang pagpapaalam, mangangahulugan na kailangan niya akong iwan at hindi na babalik.
Ayoko magsabi ng paalam. Gusto naming magkasama ulit. Hindi sapat 'yung isang beses kasi hindi ako makakakuha ng sapat kay Clara. Palagi akong gusto ng mas marami. Palagi akong gustong mas marami.
Oh, Clara. Please, huwag kang bibitaw. Please, kumapit ka!
Huwag kang susuko sa amin!