Kabanata Tatlumpu't Siyam
“Tristan, pakinggan mo ako, hindi mo kailangan gawin 'to!” pagmamakaawa ko sa kanya habang nilalabanan ko siya. Alam kong 'pag nagawa niyang isama ako sa tubig, ewan ko na lang kung ano pang gagawin niya.
“Pwede sana tayong maging maayos, Erika!” sigaw niya, patuloy pa rin na lumalaban sa akin, pinipilit akong hilahin sa tubig kasama siya. Sa gilid ng mata ko, may napansin akong naglalakad papalapit.
Lumitaw si Martha mula sa mga halaman, nakacross arms. Sa una, malaking ginhawa ang bumalot sa akin. Akala ko lalapit siya at tutulong pero hindi, nakatayo lang siya doon na nakangiti.
“Ayos 'yan, Tristan, alisin mo na siya tapos tayong dalawa na ang mabubuhay sa mga pangarap natin,” tumawa siya na nagpalaki sa mga mata ko. Plano niya 'to kasama siya!
“Huwag, Tristan, please, huwag mo siyang pansinin,” nagmamakaawa ako habang naririnig ko ang pangalan ko na tinatawag sa malayo. Please, bilisan niyo naman, hindi ko na kaya pang magpigil nang matagal.
“Bilisan mo, Tristan!” sigaw sa kanya ni Martha na dahilan para itulak niya ako palapit sa gilid. Baka hindi sila umabot sa oras, ibig sabihin, ako na mismo ang mag-aayos nito.
“Hindi, Tristan, makinig ka sa akin, halos dalawang taon na tayo. Bukod pa sa mga nakaraang linggo, naging maganda naman, 'di ba? Parang tayo talaga ang nakatadhana,” sabi ko, hirap pa rin na lumalaban pero nararamdaman kong nakikinig siya. Kailangan ko lang magpatuloy. “Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya sa'yo pero mali lahat 'yon. Tandaan mo nung una tayong nagkita, naglakad kami ni Reece papasok sa cafe tapos natapilok ako. Bago pa ako dumapo sa sahig, nasalo mo ako. Mula noon, alam na natin na tayo talaga,” sabi ko, pinipilit siyang harapin at ako na ang nagtutulak sa amin, hinahayaan niya lang ako.
“Hindi, Tristan, tandaan mo ang plano,” sabi ni Martha, sinubukang makipag gitna sa ginagawa ko. Naku, hindi pwede!
“Naaalala mo ba ang sinabi mo nung nasalo mo ako?” tanong ko, binalikan ko ulit ang araw na nagkita kami, kailangan kong itatak sa isip niya na kami talaga para hindi niya ako subukang patayin.
“Natutuwa ako na nasalo kita,” sabi niya, hindi na ako tinutulak, mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa akin.
Inikot ko ang ulo ko para makita ang mukha niya. Nanlalabo ang mga mata niya na parang nag-iisip. Sa huli, tumingin siya sa akin, nagkatinginan kami. Inikot ko ang buong katawan ko sa mga bisig niya at inilagay ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi niya.
“Tayo, Tristan, tayo palagi,” sabi ko, nilagay ko ang noo ko sa kanya, pumikit siya at sumandal sa akin.
“Mahal kita, Erika,” sabi niya, gumalaw ang mga braso niya para yakapin ako at hindi hawakan, habang ginagawa namin 'to, tumakbo papalapit ang mga kaibigan at si Sam. Buti naman at dumating kayo.
“Anong nangyayari? Hindi ka namin mahanap tapos narinig namin ang sigaw mo, Erika,” tanong ni Sam na hingal na hingal na lumalapit. Tumingin ako kay Tristan at sa mga kaibigan.
“Si Martha at Tristan, nagplano silang patayin ako,” sabi ko na nagulat sa lahat. Tumakbo si Reece, inilayo ako kay Tristan at inilagay ako sa likod niya.
Bago pa makakurap si Tristan, sinuntok siya ni Reece sa mukha. Agad na natumba si Tristan sa sahig. Nakatayo si Reece sa ibabaw niya habang nakatingin siya sa itaas.
“Swerte mo at hindi kita ginawang permanenteng nakahiga diyan, hindi ka na muli lalapit kay Erika,” sabi ni Reece habang nagsisimula akong humagulgol. Agad akong niyakap ni Sam at sinabi sa akin na okay lang.
Sinubukang lumaban ni Tristan pero sinipa siya ni Reece sa dibdib, na nagpatumba sa akin pabalik sa sahig. Umuubo siya at nagsusuka sa lahat ng dako, habang nakatayo si Martha, parang shock. Wala akong masabi sa kanya ngayon.
“E-Erika, pakinggan mo ako, a-ayaw kong gawin 'to, si Martha ang patuloy na nagsasabi na hindi mo na ako mahal,” sinabi ni Tristan habang sinusubukang bumangon, pero mabilis si Reece na sinipa ulit siya. “Sinabi niya sa akin na mahal niya ako, paulit-ulit kong sinasabi na ikaw lang ang gusto ko pero hindi siya nakikinig! Kaya kailangan nating magsama, okay?” sigaw niya pero umiling ako, sa wakas ay tumingin sa mga mata niya.
“Sinubukan mo akong patayin, Tristan, tapos na!” sigaw ko, umiiyak pa rin sa takot. Lumingon si Reece, niyakap ako habang umiiyak ako.
“Hindi, hindi pwede matapos, Erika, kailangan kita, ikaw mismo ang nagsabi na tayo palagi,” sabi niya, bumangon sa wakas pero itinago ko lang ang mukha ko sa dibdib ni Reece. Sinabi sa kanya ni Reece kung saan niya dapat isuksok 'yon.
“Wala nang saysay, Tristan, pwede na tayong umalis ngayon at hindi na lilingon, tara na,” sabi ni Martha na nagpalaki sa mga mata ko. Talagang papapatayin niya ako dahil lang sa lalaking 'to?!
“Hindi! Ikaw ang may gawa nito, magbabayad ka!” sagot ni Tristan bago tumakbo at sinugod si Martha sa tubig. Lumubog sila at hindi agad lumitaw.
Lahat ng tao sa bangko ay nagtinginan sa isa't isa na takot na takot. Humakbang si Jacob pero hinawakan ni Reece ang braso niya, pinigil siya. Sa oras, lumitaw silang dalawa na nag-aaway. Sinubukang lumangoy pabalik sa bangko si Martha pero hinila siya ni Tristan pabalik, tinulak siya sa ilalim ng tubig.
“Walang tutulong sa kanya?” tanong ni Sam, nagtinginan kaming lahat. Gusto ko siyang tulungan pero nagplano siyang gawin din sa akin, parte ng sarili ko ay nagsasabi na tulungan siya pero ang kabaligtaran ang sinasabi.
“Sinubukan niyang patayin si Erika, kailangan niyang maramdaman kung paano,” sabi ni Reece, lumapit sa harapan naming lahat. Gumalaw ako papalapit pero ginawa ni Reece ang ginawa niya kay Jacob. “Nagbabayad siya, Erika, muntik ka niyang kunin sa amin,” sabi ni Reece, hinawakan ang mga braso ko, pinigilan akong tumakbo papunta sa ilog. Lumingon ako, tiningnan si Martha at Tristan na nahihirapan.
Bigla, mula sa mga puno ay tumakbo ang mga pulis, hinila ako ni Reece pabalik habang dalawa sa kanila ay sumisid sa ilog para tulungan si Martha. Ang Tatay ko ang sumunod na tumakbo mula sa mga puno at lumapit sa amin. Niyakap niya ako.
“Natutuwa ako at nakarating kami sa oras, hindi kita pwedeng mawala gaya ng pagkawala ng Nanay mo,” sabi niya, mahigpit akong niyakap, teka, paano niya nalaman ang nangyari at nandito kami?
“Tinawagan ko siya nung nakita ka namin,” sabi ni Jacob, lumapit at sinagot ang tanong ko bago ko pa man tanungin. Nginitian ko lang siya at nagpasalamat habang hinila palabas ng tubig sina Tristan at Martha.
Uuubo ng walang humpay si Martha, muntik nang matumba pero hinawakan siya ng pulis. Lumalaban si Tristan sa pulis, sinusubukan niyang tumakas para kay Martha. Lumapit ang Tatay ko, hinayaan niya akong yakapin ni Reece, hindi ako lumaban pero takot na takot pa rin ako.
“Pinagkatiwalaan kitang alagaan ang anak ko, pero nakipagsabwatan ka pa na patayin siya kasama ng kabit mo!” sigaw ng Tatay ko, nakatayo sa harapan ni Tristan na patuloy na lumalaban sa pulis.
“Hindi niyo naiintindihan, sir, niloko ako ng masamang babae na isipin na galit ako kay Erika! Hindi, sir, mahal ko siya, kaya kailangan mo akong palayain para makasama ko siya gaya ng nakatakda,” dumaldal siya, nagsasalita na naman sa nakakalokang paraan niya. Binigyan lang siya ng tingin ng Tatay ko at sinabihan ang mga pulis na dalhin na siya.
“Hindi! Erika, sabihin mo sa kanila na tumigil, sabihin mo na tayo ang nakatadhana, Erika!” sigaw ni Tristan habang apat na pulis ang nagkakalaban para ilayo siya, lumingon ako at tumingin kay Martha na tumigil na sa pag-uubo.
“At para sa'yo, isa kang walang kwentang tao. Alam mong nahihirapan si Tristan sa kanyang kalusugan ng isip, kaya pumasok ka sa kanyang isip at nagplano kang patayin ang anak ko. Sisiguraduhin kong makukulong ka nang maraming taon,” sabi ng Tatay ko, hinarap si Martha, nagulat siya na nangyayari 'yon.
“Sinubukan niya akong patayin at ikaw pa ang lumalaban sa akin!” sigaw niya, nakikipaglaban sa pulis, hindi na talaga sila titigil sa pakikipaglaban.
“Wala kaming nakita, ang nakita lang namin ay sinubukan mong patayin ang anak ko. Nakakainis kapag bumaliktad ang plano, 'di ba?” tanong ng Tatay ko, nakangiti sa kanya. “Dalhin na siya,” sabi niya sa pulis na nagsimulang kaladkarin siya, sumisigaw at nanununtay.
Gusto ko kapag ganitong plano ang bumaliktad.