KABANATA 3
Umalis si Valery sa palasyo kasama 'yung mayor at 'yung mga gwardiya niya. Iba 'yung itsura ng lugar, napansin niya; namumukadkad 'yung mga bulaklak. Nag-isip siya kung anong itsura ng siyudad ngayon. Makikita niya pa kaya siya ngayon na personal na siyang papasok sa siyudad?
Humihigpit talaga 'yung puso niya pero wala siyang magawa. Pumikit siya para itaboy lahat ng iniisip niya at hinayaan ang sarili na makarating sa mansyon nang mapayapa.
Hindi hininto 'yung karwahe niya sa may gate ng siyudad; alam nila kung gaano siya ka-delikado. Kaya, dumaan sila nang maayos at binuksan niya 'yung bintana ng karwahe; hindi siya makita ng mga tao dahil may kurtina sa loob.
Masaya 'yung mga tao, busy sila sa pang-araw-araw nilang buhay, 'yung iba lumalayo pag nakikita kung kaninong karwahe 'yung dumadaan na nagpatawa sa kanya. Dalawang buwan na 'yung nakalipas pero naalala pa rin nila.
Huli nang huminto 'yung karwahe at binuksan 'yung pinto. Tumayo siya at tinulungan siya ni Nora na bumaba sa karwahe. Tuwing nasa publiko siya, hindi niya pinapakita 'yung tunay niyang mukha. Ayaw niya na pinagmamasdan.
Mga tresenta na siya pero ganun pa rin 'yung itsura niya nu'ng namatay 'yung nanay niya. Natatakot na sa kanya 'yung mga tao at idadagdag pa 'yun sa listahan na ayaw niyang mangyari.
Bumaba siya sa hagdan ng karwahe at tumapak 'yung mga paa niya sa lupa. Pinagsama niya 'yung mga kamay niya at sinundan 'yung mayor papunta sa mansyon niya. Binigay niya sa kanya 'yung upuan niya na masaya niyang tinanggap at nag-ayos siya nang komportable.
Nagdala 'yung mga katulong ng mga meryenda at alak. Si Nora 'yung nagtikim; wala siyang pinagkakatiwalaan maliban kay Nora. Bata pa si Nora na kinuha niya nu'ng naging mistress siya ng palasyo. Nakita niya siya sa kalye. Isa siyang survivor, matalino at masiyahin rin.
Kung mabibigyan ng tamang edukasyon at direksyon, alam ni Valery na siya 'yung magiging pinakamahusay. Personal niyang tinuruan siya at binigay sa kanya lahat ng kaya niya at ngayon si Nora 'yung pinakamahusay sa pagprotekta sa kanya mula sa hindi nakikitang panganib na palaging nagtatago kahit saan.
"Wala akong masyadong oras para mag-wine at mag-dinner sa mansyon mo, Mayor. Kaya, mas mabuti pang bilisan mo bago ako magbago ng isip," sabi ni Valery na humihigop sa cherry wine.
Nagpalakpak 'yung mayor at pumasok 'yung mga gwardiya na may dalang malaking kahon na mukhang mabigat base sa itsura nito. Ano kaya 'yung nakatago sa loob niyan?
Nilapag nila 'yung kahon at binuksan. Naghintay siya nang sabik na makita kung ano 'yung importante kaya kailangan niyang umalis sa bundok at pumasok sa siyudad?
Nakita niya sa wakas at ngumiti siya. Ang galing talaga ng matandang lalaki sa panliligaw. Tumayo siya at naglakad papunta sa bagay na nakatago sa kahon. Inikutan niya ito, hinahangaan ito at tumingin sa mayor na naghihintay na sa reaksyon niya.
"Patawad kita minsan dahil pinapunta mo ako rito," sabi niya na nakatingin sa kanya at nakita 'yung mukha niya na walang enerhiya at nagpatuloy siya, "dahil nag-effort ka, dadalhin kita sa kabisera at kung anong mangyari sa'yo doon, bahala ka na sa buhay mo."
"Maraming salamat, Saintess," sabi niya na masaya 'yung mukha niya ulit.
Ang sarap lokohin 'yung matandang lalaki. Gusto niya 'yung regalo. May nag-effort talaga na mag-ukit ng bulaklak ng lotus gamit 'yung pinakamaganda at pinakamalinis na jade. Sino kaya 'yung tatanggi sa ganung regalo?
"Nora, ipabalik mo 'tong regalo sa palasyo at sumama ka sa akin kung saan," utos ni Valery.
"Gagawin ko 'yun," sabi ni Nora at nagsimulang magtrabaho.
Bumalik siya sa upuan niya at kumagat sa mga meryenda na nasa plato niya.
"Ang sarap, dapat mong gantimpalaan kung sino 'yung gumawa nito," sinabi niya nang may kahulugan.
"Gagawin ko 'yun. Kung gusto mo talaga sila, pwede kitang bigyan 'yung kusinero," sabi ng mayor.
"May sapat na akong kusinero sa palasyo ko, hindi ako makakatulog kung kukunin ko sa'yo 'yung ganung tao," sabi niya na tumatayo.
"Kung 'yan 'yung sabi mo, dapat magpasalamat ako," sabi niya.
"Magpapadala ako ng lalaki sa'yo; tandaan natin na aalis tayo sa loob ng dalawang araw at sa umaga."
"Handa na ako, Saintess."
"Tapos na ang trabaho ko dito, aalis na ako," sabi ni Valery na lumalabas.
Inihatid siya ng mayor hanggang sa gate at pinabalik niya ito sa loob.
"Sasakay na po ba kayo sa karwahe, Mistress?" tanong ni Nora.
"Hindi, maglalakad ako. Nandoon pa ba siya?"
"Opo, nandoon pa siya."
"Good, siguraduhin mo na hindi siya aalis. Ako mismo ang hihilahin siya palabas ng lugar na 'yun," sabi ni Valery at nagsimulang maglakad.
Ang paglalakad ay delikado para sa isang tao na tulad niya pero swerte naman dahil alam ng mga tao kung sino 'yung hindi dapat kalabanin.
Tumingin sila sa kanya, nagkomento tungkol sa kanya, 'yung iba bumubulong pero binasura niya lang lahat. Dumaan siya sa palengke at naalala niya nu'ng bata pa siya. Lumalabas siya nang palihim sa bundok at pupunta sa siyudad at bibili lahat ng gusto niya. Huminto siya sa isang stall at tinitigan 'yung mga alahas na binebenta.
"Saintess, pumili ka kung ano 'yung gusto mo. Sagot ko," sabi ng matandang lalaki at tumingin siya sa kanya.
Paano niya nalaman na siya 'yun? Ngumiti si Valery at tumingin sa mga hairpins na binebenta at nakahanap ng isa. Isa itong rosas na hairpin at alam niya kung kanino niya ibibigay. Kinuha niya 'yung hairpin at nilapit si Nora at nilagay 'yung hairpin sa ulo niya.
"Mistress, ito.."
"Kunin mo bilang regalo mula sa akin at bayaran mo 'tong lalaki," sabi niya at umalis.
Ayaw niyang kumuha ng kahit ano nang hindi nagbabayad. Nagpatuloy siya sa paglalakbay niya hanggang sa huminto siya sa tapat mismo ng flower house kung saan nagtatago 'yung tao niya.
Huminga siya nang malalim at pumasok. Sinalubong siya ng babae ng bahay.
"Saintess, hindi ko alam na darating kayo," sabi niya.
"Alam ko. Nasaan siya?"
"Nasa kwarto siya ngayon," sagot niya.
"Good. Nora, kunin mo siya," sabi ni Valery at umupo sa isa sa mga mesa. Iniwan ng mga taong 'to 'yung mga mesa nila nu'ng pumasok siya sa bahay.
"Dalhan mo ako ng alak," sinabi niya sa babae na agad na nag-utos sa mga tao niya.
Nasa mesa niya 'yung alak sa loob ng ilang segundo; ibinuhos niya 'yung alak sa tasa at nilaklak lahat nang sabay. Nakarinig siya ng ingay at alam niya na tumatanggi 'yung batang lalaki na bumaba.
Tumingin siya at nagtagpo 'yung mga mata nila. Iba 'yung itsura niya mula sa huling beses na nakita niya siya. Sobrang sakit 'yung naramdaman niya sa dibdib niya pero hindi niya kayang pigilan 'yun. Sa dami ng taong nanonood, hindi niya kayang ipakita 'yung kahinaan niya. Hindi na niya kaya pang magpatuloy, tumayo siya at tumingin kay Nora.
"Ibabalik mo siya sa palasyo," sabi niya at umalis sa flower house.
Gusto niyang mapag-isa; sa dami ng matang nakatingin sa kanya, tumalon siya at ginamit niya 'yung martial arts niya para lumipad palayo. Gusto niyang mapag-isa at hayaan na mawala 'tong sakit na 'to.