KABANATA 6
Dumaan sila sa Willow City at doon naghihintay ang mayor kasama ang kanyang karwahe. Narinig niyang sasama ang lalaki sa kanila. Sumali ang karwahe ng Mayor at nagsimula ang kanilang paglalakbay. Kung sasakay ng kabayo, isang buong araw ang aabutin bago makarating sa kabisera pero sa paraan ng paglalakbay ng Santita, aabutin ng ilang araw bago makarating doon. Ayaw na ayaw niyang minamadali.
Ginamit nila ang buong araw sa daan at huminto sa isa pang siyudad kung saan binook nila ang buong inn para sa gabi. Nagpadala na ng mga gwardya nang maaga para silipin ang lugar at siguraduhing walang sorpresa. May iba pang sekta na gustong gumuho ang bundok.
Tinignan niya si Nora at tumango siya. Buti na lang para sa kanya, alam na alam nito kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Pupunta ako at ihahanda ang kanyang kama," sabi nito habang iniiwan siya sa karwahe.
Binuksan niya ang pinto at tinignan siya nito nang walang ngiti.
"Please, huwag ka nang magalit sa akin. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka," pakiusap niya.
"Ilabas mo muna ako dito," sabi nito sabay inunat ang kanyang kamay at kinuha niya iyon.
Hinawakan niya ang kamay nito para bumaba sa karwahe.
"Gusto mo bang pumasok?" tanong niya dito.
"Kung hindi ako papasok, saan pa ako pupunta?" tanong nito habang nakatingin sa kanya.
"May idea ako. Tara," sabi niya.
"Saan tayo pupunta?"
"Malapit lang at isasama ko ang mga gwardya," sabi niya at inakay siya sa lugar na gusto niya.
Ang sarap sa pakiramdam na hawakan lang ang kamay niya ng ganitong katagal. Ayaw niya ng minamadali kaya maging ang paraan ng kanilang paglalakad ay maingat. Nakatingin ang mga karaniwang tao pero wala siyang pakialam. Nakita niya ang lugar na hinahanap niya at kumawala.
"Maghahanap ako ng upuan, huwag kang aalis," sabi niya at nagmadaling umalis.
Nakita niya ang Tagapamahala at binigyan niya ito ng dalawang gintong dahon.
"Kahit ano para sa inyo, master," sabi ng lalaki.
"Bigyan mo ako ng isa sa pinakamagandang upuan mo," sabi ni Xavier.
"Tapos na," sabi ng lalaki at bumalik si Xavier para kunin ang kanyang mistress.
Inakay niya siya sa mga tao at umaasa na walang iisip na gumawa ng kahit anong katangahan. Ayaw niyang makakita ng kahit anong duguan.
Ang lalaki na binayaran niya ay inakay sila sa harap at tinulungan niya itong umupo.
"Hindi ito komportable pero sapat na," sabi nito.
"Dahil matagal ka nang hindi lumalabas, gusto kong manood ka ng shadow play. Sana magustuhan mo," paliwanag ni Xavier.
"Sana magustuhan ko o kung hindi lalo kitang parurusahan dahil pinapunta mo ako rito," nagbanta siya.
"Masasayahan ka," paniniguro niya.
Nagsimula ang shadow play; ang kwento ay talagang interesante. Ito ay isang kwento ng pag-ibig ng nakaraang emperador; isa siyang mahusay na lalaki at napakaraming kalaguyo. Isang araw pumunta siya sa siyudad na nagpapanggap at umibig siya sa isang mang-aawit.
Siya ay may pinakamagandang boses na narinig niya. Dinala niya ito pabalik sa palasyo at ginawa niya itong kanyang kalaguyo. Pareho silang nagmamahalan at nagkagayunpaman ang ibang kalaguyo ay nagseselos at gumawa ng iba't ibang bagay para saktan siya.
Pina-inom pa nga siya ng Emperatris ng lason na naging dahilan para hindi na siya magkaanak. Galit na galit ang Emperador kaya pinagalitan niya ang Emperatris pero walang magawa.
Gusto nilang lahat na tumigil ang Emperador sa pagmamahal sa mang-aawit pero mas lalo pang lumaki ang kanyang pagmamahal sa kanya. Itinaas pa nga siya ng Emperador na nang mamatay siya ay naging Dakilang Konsorte Dowager.
Ang babaeng iyon ay ang humahawak ng pinakamataas na posisyon sa palasyo ngayon. Ang kwentong iyon ay nagpaiisip sa kanya na lahat ay posible basta't tapat ka lang.
Sasabihin niya sa Santita ang tungkol sa kanyang nararamdaman. Tatanggapin niya ang kahit anong kahihinatnan basta't ipaalam niya ito sa kanya. Tinignan niya ito at nakita ang ekspresyon sa mukha nito. Bihira siyang makakita ng ganun na puno ng emosyon ang kanyang mukha. Kailangan niya siyang ilayo bago pa may mangyari.
"Umalis na tayo. Sa tingin ko ay handa na ang hapunan at gutom ka na siguro," sabi niya at tinignan siya nito.
"Dapat na tayong umalis, sapat na ang nakita ko," sabi nito at nagsimulang tumayo.
Tumayo siya kasama niya at hinawakan ang kanyang kamay at inakay niya ito palayo sa mga tao.
Hindi sila nagsalita pabalik sa inn, hindi niya alam kung ano ang sasabihin o gagawin lalo na pagkatapos ng lahat ng iyon. Nang dumating sila sa inn kung saan naghihintay ng balisa si Nora para sa kanila, huminto ang Santita at tinignan siya.
Akala niya ay papagalitan siya at parurusahan pa lalo na magpapalungkot sa kanya pero ngumiti ito sa kanya. Hindi niya nakita ang kanyang ngiti sa loob ng ilang araw at ginagawa niya ito ngayon.
"Sumabay ka sa akin sa hapunan," sabi niya habang papasok.
Hindi pa rin naniniwala sa nangyari, tinapik siya ni Nora sa kanyang balikat at sinabing, "Congratulations, pinatawad ka na niya."