KABANATA 42
“Pinabayaan ko sana kayong mabuhay pero natatakot ako na hindi ko kaya. Dahil sa pananakit mo sa sarili mong anak, sa bansa mo, at sa akin, pagbabayaran mo ‘to. Yung karayom na nasa ‘yo, magdudulot ng internal damage sa baga mo. Maghihirap ka ng matinding sakit na hihilingin mong mamatay ka na pero wag kang mag-alala, mamamatay ka naman. At pagkatapos, ikakasal ako sa anak mo. Mawawala sa ‘yo yung mga mahal mo, sisiguraduhin ko ‘yan,” sabi niya sa emperador at nagsimulang lumabas ng hall.
Nung may nakatarak pa rin na dagger sa kanya, naglakad siya mula sa Palasyo ng Dragon papunta sa palasyo ng Royal Noble Consort. Nakasalubong niya yung maraming guwardya sa daan at pinatumba niya sila. Pumasok siya sa palasyo at tinry siyang pigilan ng mga guwardya, pinatay niya yung mga ‘to.
Lumabas yung Imperial Noble Consort at tinignan siya. Alam niya yung ginawa niya pero tinitignan siya nung babae na may inosenteng mga mata. Ipapakita niya sa consort kung paano siya gumaganti sa mga nagtatraydor sa kanya.
****
Nag-aalala siya habang palakad-lakad sa hall ni Valery. Bumalik si Nora na may kasamang bata na nagngangalang Qara. Mukhang pumunta siya para mag-ampon ng bata na magiging mistress ng palasyo sa hinaharap. Pero saan ba siya pumunta?
Hindi pa siya bumabalik at nakaka-alala ‘yon sa kanya. Sarado yung bundok at maraming tao ang inaresto at wala pa rin siyang ideya kung anong nangyayari. Nung naglalakad siya, biglang sumulpot si Valery sa kwarto at mukhang nasaktan siya.
Dumudugo siya at may dagger na nakatarak sa likod niya. Dali-dali siyang lumapit sa kanya at inalalayan siya nung malapit na siyang matumba. Ngumiti siya sa kanya bago siya mawalan ng malay.
Hiniga niya siya pabalik sa kama at tinawag yung doktor. Dumating siya para suriin siya at tinanggal yung dagger sa likod niya at naglagay ng gamot at nilagyan ng bandage.
“Okay lang siya, kailangan lang niya ng pahinga,” sabi ng doktor.
“Please, wag mong sasabihin ‘to,” sabi niya.
“Mananahimik ako,” sabi ng doktor.
Nanatili siya sa tabi niya palagi hanggang sa pumasok si Nora. Mukha siyang nagulat na nagagalit sa parehong oras.
“Anong nangyari sa kanya?”
“Hindi ko alam. Bigla na lang siyang sumulpot na ganito ang itsura,” sabi niya sa kanya.
“Alam kong may mali pero hindi ko siya pinigilan. Pasensya na,” sabi niya habang umiiyak.
“Okay lang ‘yon; siguro ayaw ka niyang mapahamak. Ngayon, magpakatatag ka para sa kanya at alagaan mo si Qara. Ako na ang bahala sa kanya, wag kang mag-alala,” paniniguro niya kay Nora.
“Sana nga, kung hindi, hindi ko mapapatawad sarili ko.”
“Pwede mo bang sabihin sa akin kung anong nangyayari muna? Baka pwede tayong magtulungan,” tanong ni Xavier.
“May espiya o mga espiya sa palasyo. Kaya, pinakiusapan ako ng mistress na may gawin at arestuhin yung sinumang sumuway sa utos na ‘yon,” sabi ni Nora sa kanya.
“Ngayon, gets ko na. Ibig sabihin nito may nangyari habang wala ka pa. Baka inatake siya ng mga assassin. Anong nangyari sa mga sikretong guwardya na sumusunod sa kanya?”
“Lahat sila bumalik kasama ko. Hindi namin kayang suwayin yung utos niya,” sabi niya.
“Okay, ako na ang bahala dito ngayon. Magpahinga ka na lang,” sabi niya kay Nora.
Umalis si Nora ng kwarto at nanatili siya sa tabi niya buong gabi.
Nagising si Valery sa umaga at natuwa siyang makita siya. Nung tinry niyang palitan yung bandage, wala na yung sugat. Nagulat siya sa nakita niya pero ngumiti lang siya sa kanya.
“Sabi ko sa ‘yo na walang papatay sa akin,” sabi niya habang nakaupo.
“Anong nangyari sa ‘yo?” tanong niya habang hinahawakan yung kamay niya.
“Halos mamatay ako. Nagpadala ng mga assassin yung magulang mo para patayin ako nung naglalakbay kami,” sabi ni Valery sa kanya nang hindi tinatago.
“Pasensya na, hindi ko alam. Ganon ka ba nasugatan? Bakit nila gagawin ‘yon? Ikakasal na tayo,” tanong niya.
“Hindi, pinatay ko lahat ng mga assassin at yung sugat na ‘to ay gawa ng tatay mo. Tinry niya akong patayin mismo nung tinanong ko siya tungkol dito.”
Hindi siya makapaniwala na may nangyari na ganon habang abala siya sa pagtingin ng mga damit na pangkasal. Nahihiya siya sa sarili niya at dahil nilagay niya sa panganib yung buhay niya.
“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Anong nangyari sa kanya?”
“Tinry kong tuparin yung pangako ko pero natatakot ako na hindi ko na kaya ‘to. Tinry niya akong saktan ng maraming beses at pinabayaan ko siya pero ngayon, sinaktan niya talaga ako kaya sinaktan ko rin siya,” sabi niya at alam niyang may ginawa siya.
“Patay na ba siya?” tanong niya.
“Hindi, hindi ko siya palalayain ng ganun kadali. Sinaktan ko siya; maghihirap siya ng matinding sakit na hihilingin niyang mawala na lang siya. Ganti siya pero sana maging matalino siya at huwag niyang gawin ‘yon. Kasama rin yung nanay mo kaya tinuruan ko siya ng leksyon. Hindi na siya gagawa ng kahit ano sa ngayon,” sabi niya at malaking dagok ‘yon para sa kanya.
Gumawa ng masamang bagay yung magulang niya kay Valery pero magulang pa rin niya sila. Talagang masakit marinig na may nangyari sa kanila.
“Anong ginawa mo?”
“Hindi ko sasabihin sa ‘yo ‘yon pero ang masasabi ko lang sa ‘yo, hindi na ako magpapakasal sa ‘yo. Hindi ko na kayang ituloy pa ‘tong kasal. Mahal na mahal talaga kita pero pagkatapos ng lahat ng nangyari, natatakot ako na hindi na ako makakapagpakasal sa ‘yo,” sabi niya.
“Hindi mo pwedeng gawin ‘yon, ako…”