Kabanata 58
POV ni Jacob...
Umungot ako sa inis dahil sa ingay na nakagambala sa tulog ko, at hinila ko ang unan ko para takpan ang tenga ko para hindi ko marinig 'yung ingay. Natagalan ako bago ako nagising at narealize na pasado na pala sa hatinggabi at tumatawag 'yung telepono ko.
Tumatawag 'yung telepono ko?!
Bigla akong nagising, nanlaki 'yung mata ko, ang unang pumasok sa isip ko, si Onika.
Tumingin ako sa screen, si Onika nga, anong oras na ba? Nag-init ang dibdib ko, at iba't ibang klase ng masamang iniisip ang pumasok sa isip ko.
Agad kong sinagot ang tawag.
"He--hello Ja--Jacob Ag--Agustin--" nagsimula siyang humagulhol at garalgal ang boses niya na parang umiyak siya nang sobra, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Agustin ano Onika? Magsalita ka nga, hindi kita maintindihan, sinaktan ka ba ni Agustin?"
Nakakuyom ang kamao ko, naghihintay sa sagot niya, nagpipigil-hininga. Papunta na ako sa kotse ko para puntahan siya. Nagmaneho ako ng mabilis papunta sa mansyon ni Agustin.
"Hindi s-siya okay! Paki--pakibalik siya. Ni--nilock niya 'yung pinto at hi--hindi ko siya mapigilan, hindi ko siya mapigilan, pasensya na." Humagulhol siya na humihikbi.
Kumunot ang noo ko sa pagkalito, hindi ko maintindihan, anong nangyayari?
"Pabalikin saan? Saan siya pumunta? Please, Onika huminga ka muna ng malalim at ipaliwanag mo ng maayos, hindi ko maintindihan. Papunta na ako diyan, kumalma ka lang. Andito na ako sa loob ng limang minuto."
"Siya--alam niya, hindi ko alam kung paano! Pero alam niya."
"Alam niya ano Onika?" Nauubusan na ako ng pasensya, kinakabahan ako sa pag-iyak niya.
"Nalaglagan ako." Sabi niya sa mahinang boses, mahina 'yung boses niya na halos hindi ko narinig.
"ANO?!" Bigla kong pinahinto 'yung kotse at sumigaw dahil malapit na akong lumabas sa lane.
Nanigas ang buong katawan ko, narinig ko ba siya ng tama?
"Ja--Jacob nakikinig ka ba sa akin" tanong niya sa mahina at bigong boses.
Nararamdaman ko na nanginginig 'yung kamay ko sa galit at sakit, nanlalabo na 'yung paningin ko.
May magsasabi sa akin na hindi ito nangyayari kay Onika, nilagay ko ang kamao ko sa bibig ko para pigilan ang emosyon ko.
"Jacob please pumunta ka na, nakikinig ka ba sa akin?" Humagulhol siya ulit, nagising ako sa pag-iisip ko.
"Pupunta na ako Onika, malapit na ako, okay? Maghintay ka lang, malapit na ako" sabi ko nang mahinahon.
"Okay." Bulong niya na parang wasak na.
Pinatakbo ko nang mabilis ang kotse ko, pagdating ko sa pupuntahan, ipinarada ko 'yung kotse at tumakbo papunta sa kwarto niya, tinangka akong pigilan ni Kane, pero binigyan ko siya ng tingin na, 'wag mo akong pakialaman.' Sa itsura niya, alam kong naiintindihan niya ang sitwasyon, alam niya na.
Naka-lock 'yung pinto niya mula sa labas, binuksan ko 'yun nang nagmamadali, pagkabukas ko ng pinto tumakbo si Onika sa akin, hinawakan niya ang shirt ko at nagsimulang magsabi ng hindi maintindihan.
"Ja--Jacob siya--siya."
"Shhhh, relax Onika andito ako walang mangyayari, huminga ka nang malalim at ipaliwanag mo sa akin lahat, kaya mo ba 'yun para sa akin sweetie?" Ginawa ko 'yung ganun para pakalmahin siya.
Pinikit niya ang mata niya at huminga ng malalim at pagkalipas ng ilang sandali binuksan niya ang mata niya at tumingin sa mata ko, sa pagtingin pa lang sa mata niya alam ko na hindi maganda, hindi maganda "nung araw na tumakas ako kay Agustin nalaglagan ako, tatlong buwan na akong buntis." Parang patay 'yung boses niya habang sinasabi 'yun, parang tinatry niyang itago ang emosyon niya. Nanghina ako sa tuhod ko, pero nagpatuloy siya,
"Nalaman ni Agustin, hindi ko alam kung paano. Sinisisi niya ang sarili niya, ni-lock niya ako at hindi ko alam kung saan siya pumunta."
Leche.
"Natatakot ako na may gagawin siya." Sabi niya, humagulhol siya.
Natatakot din ako, pero hindi ko sinabi ang nasa isip ko para sa kanya.
"Walang mangyayari sa kanya Onika, ipinapangako ko, ibabalik ko siya." Nangako ako sa sarili ko.
"Gaano na katagal siya umalis?" Tanong ko nang nagmamadali.
"Kalahating oras, Kwarenta'y singko minuto, hindi ko alam" sabi niya habang hinahawakan ang ulo niya.
"Okay lang, okay lang...may alam ka bang lugar na pwede niyang puntahan? Nagpunta ba kayong dalawa sa kahit saan?"
"Hindi ako sumama kahit saan sa kanya" sagot niya, habang pumiyok ang boses niya.
"May--may alam ka bang lugar na pwede niyang puntahan?" Tinanong niya ako, imbis na siya ang sumagot.
Sinubukan kong mag-isip. May nag-click.
PUTA!
Naisuntok ko ang kamao ko sa malapit na pader.
Narinig ko ang paghikbi at tumingin ako sa natatakot na mukha ni Onika. 'Kontrol Jacob hindi ngayon, kailangan mong magmadali'
"Onika sa tingin ko alam ko kung saan siya pupunta--" Sabi ko at tumakbo papunta sa kotse ko.
"Sasama ako sa'yo!" Narinig ko ang boses ni Onika na sumisigaw. Sa tingin ko hindi niya kayang makita si Agustin nang ganun. Sa kondisyon niya ngayon, hindi maganda, hindi talaga. Hindi ko siya pwedeng isama, nasobrahan na siya. Sa pagiging malambot ng puso niya alam kong mababaliw siya.
"Onika ibabalik ko siya, please maintindihan mo--"
"Hindi, sasama ako--" Hinawakan ko 'yung buhok ko sa pagkadismaya, nauubusan na kami ng oras.
"Sabi ko HINDI Onika! Kung patuloy kang makikipagtalo mas mapapahamak si Agustin." Sabi ko nang mariin.
Alam ko na hindi ko dapat sinabi 'yun, pero dahil sa pagiging matigas ng ulo niya alam ko na 'yun lang ang paraan para umatras siya, at umatras nga siya.
Pilit kong tinakpan ang sakit sa tiyan ko, at agad akong sumakay sa kotse.
~~~~~
POV ni Onika.....
Humakbang ako ng dalawang beses parang natamaan ako at tumingin sa kanyang paalis na likod. Tama siya, nagdadala lang ako ng gulo. Sabi niya ibabalik niya si Agustin, at alam kong gagawin niya 'yun.
Pero hindi ako pwedeng umupo dito, sinubukan kong tawagan si Agustin ng ilang beses, sine-message ko siya. Tumatawag ako nang paulit-ulit.
Sagutin mo please, Agustin, sagutin mo please. Patuloy kong sinasabi. Kinagat ko ang labi ko sa pag-aalala, at nagsimulang dumugo.
Nung malapit na akong mawalan ng pag-asa at sumuko, sinagot niya.
"Agustin! Agustin naririnig mo ba ako! Ako si Onika" Sumigaw ako sa pag-asa.
Pero wala siyang sinabi.
"Agustin please may sabihin ka naman, please, natatakot ako" Pumiyok ang boses ko.
Wala, kahit tunog ng paghinga, pero alam kong nakikinig siya sa akin, nararamdaman ko.
"Agustin, magiging okay ang lahat, malalampasan natin 'to, ipinapangako ko. May sabihin ka lang, kahit ano pa 'yan."
Wala.
"Please, huwag kang gagawa ng kalokohan, nangako ka sa akin gagawin mo ang lahat ng gusto ko, hinihiling ko ito, huwag na huwag mong sasaktan ang sarili mo" Sabi ko nang mahigpit sinusubukang magmukhang may kapangyarihan pero hindi ko napigilan ang pag-asa sa boses ko.
Narinig ko ang hindi magkadugtong na mga boses at pinatay niya ang tawag. Ang puso ko ay tumitibok nang sobrang bilis parang lalabas sa rib cage. Sinubukan kong tumawag ulit nang paulit-ulit, pero hindi niya sinasagot. Pinikit ko ang mata ko sa pagkadismaya, tumulo ang luha sa mata ko.
Naramdaman ko na nagsasara ang lalamunan ko, sobrang hirap na hindi ako makahinga, nagmamadali akong naghanap ng gamot ko at ininom ko 'yun agad, sinusubukan kong huminga nang malalim para normal ang paghinga ko.
Kapag tapos na ito, sasampalin kita nang mahigpit, Agustin De Luca, nangako ako.
Sinubukan kong kumalma. Ibabalik siya ni Jacob ng ligtas, nagdahilan ako. Alam kong gagawin niya, sinubukan kong siguruhin ang sarili ko. Sinagot ni Agustin ang tawag ko ibig sabihin okay siya.
Oo okay siya, inulit ko ulit. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko, bago pa ako magkaroon ng panic attack.
Pero ang kapayapaan ay malayo sa akin.
Biglang ang imahe ng patay kong anak ay nag blur sa aking pakiramdam.
Pumunta ako sa kwarto ni Alex, hinila ko si Alex papalapit sa dibdib ko nang desperado, at inalog ko ang aking sarili, sinusubukang ilayo ang aking isip mula sa nakakagambalang mga alaala.
Naramdaman kong kumakanta si Alex at sumandal sa akin, ang maliit niyang kamay ay hindi sinasadyang nakapatong sa aking pisngi. Kinulong ko siya papalapit sa aking dibdib.
Dumating sa akin ang lahat, sinubukan kong harangan, tiningnan ko ang walang-malay na mukha ni Alex. Hinga, labas, hinga, labas. Pinaalalahanan ko ang sarili ko kung paano huminga sa buong gabi, hawak si Alex malapit sa puso ko.
****************