Pulang Mata
Tumigil muna kami sa paglalakad para magpahinga, sa ilalim ng malaking puno dito sa gitna ng daan, naisip naming magpahinga kahit isang oras lang.
Nakakagulat kasi nakaramdam din ako ng pagod, isang bagay na hindi dapat nangyari sa akin. Pakiramdam ko naninigas ang mga binti ko at nangangalay buong katawan ko, halos tatlong oras na kaming naglalakad at pinilit ko pa na dito sila dalhin sa mahabang daan.
"Sana sumakay na lang tayo ng karwahe kesa maglakad ng ganito katagal," reklamo ni Bael, nagkwekwento siya habang naglalakad kami. Unti-unti na akong sasabog sa inis kasi parang babae kung makareklamo.
"Hindi makakadaan sa ilang daan ang karwahe Bael, nakita mo naman kanina, 'di ba? Hindi makaalis ang karwahe sa ilog noong dumaan tayo," sabi ni Pavel habang nakatayo sa harapan ko.
"Kahit na, nakakapagod. Dapat at--"
"Hindi ka na sana sumama kung ganyan ka," malamig kong sabi na ikinagulat niya.
"Kanina ka pa sa daan, alam mo kung gaano ka kairita? Naiirita rin ako sa 'yo. Gusto kong bunutin ang dila mo sa bibig mo para lang tumahimik ka!" sigaw ko na mas lalo siyang natakot. Nakita ko kung paano siya lumunok habang nakatitig sa akin.
"K-Ksara..."
"Hindi ko na kaya ang ingay na ginagawa mo, isang ingay pa at kukunin ko na ang dila mo at itatapon ko sa mga piranha!" galit kong sigaw na dahilan para tumahimik ang paligid. Huminga ako ng malalim. Unti-unti akong kumalma, kaya naman nakita ko si Cynrad at Pavel na natatakot na nakatingin sa akin habang si Bael naman ay umiyak na.
"Bakit?" tanong ko dahil hindi pa rin nila inaalis ang tingin sa akin.
Itinuro ako ni Bael at saka nagmadaling pumunta sa likod ni Pavel.
"Halimaw!" sigaw ni Bael kaya natigilan ako. Tiningnan ko si Pavel na may takot sa mga mata habang nakatingin sa akin.
"Ang mga tao, kahit hindi na magbago ang tingin nila sa atin, halimaw pa rin tayo sa paningin nila."
Humakbang ako paatras nang maalala ko ang sinabi sa akin ng Ama.
"Mga mata mo," mahinang sabi ni Pavel habang nakatingin sa akin. Huminto ako at umiwas ng tingin.
Kainis! Pula na naman ba ang mata ko? Kailangan kong mag-ingat sa susunod, hindi ako dapat nagpapadala sa galit ko. Mabuti na lang mata ko lang ang nakita nila, kapag nakita nila ang sungay ko, sigurado magdadasal na silang paalisin ako.
Tiningnan ko ulit sila.
"Ano bang meron sa mga mata ko?" tanong ko sa tono na takot din.
"N-naging pula ang mata mo, naging pula ang mata mo!" takot na sigaw ni Cynrad kaya napasigaw din ako at kumapit kay Pavel.
"Ano?! Imposible!" umarte ako, ipinikit ko ang aking mata at niyakap si Pavel.
"Imposible! Sabihin mong nagbibiro ka lang!" kunwaring natatakot at umiiyak kong sabi.
"Paano magiging pula ang mata ko? Mamamatay na ba ako?!" tanong ko at mas hinigpitan ko ang yakap kay Pavel. Narinig ko ang maliit na tawa ni Pavel kaya tiningnan ko siya, tiningnan din siya ni Cynrad at Bael.
"Anong nakakatawa?" tanong ko na may luha sa mata habang tinitingnan si Pavel na nakayakap sa akin.
"Siguro pagod lang tayo kaya nagiging ganyan ang nakikita natin na hallusination," sabi niya tapos tumingin sa akin.
"Pwede mo na akong bitawan ngayon." Nanlaki ang mata ko at agad ko siyang tinulak mula sa akin at tumayo ng tuwid tapos tumalikod sa kanila. Hindi na nga nalutas.
"Siguro," sabi ni Cynrad na agad namang inaway ni Bael.
"Ikaw sa susunod, huwag ka nang reklamo nang reklamo. Akala mo si Yuniko lang ang naiirita sa 'yo? Naiirita rin ako sa 'yo kanina dahil sa ingay mo na para kang bakla," naiinis na sabi ni Cynrad kaya napangiti ako.
Madaling maloko ang mga tao.
"Sorry," sabi ni Bael na parang bata.
"Magpahinga na lang muna tayo, mamaya aalis ulit tayo para pumunta sa una nating destinasyon," sabi ni Pavel at humarap sa akin.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Pavel, tumango ako. Inabutan niya ako ng tubig kaya kinuha ko at ininom tapos nginitian ko siya.
"Hindi ako magpapasalamat, hindi naman 'yun ang trabaho ko," sabi ko na ikinatawa niya.
"Ang cute mo kanina." Natigilan ako sa sinabi niya, tiningnan ko lang siya na mas ikinatawa niya.
Mga ilang minuto pa ang lumipas bago kami nagpasya na ulit na maglakad, hindi na masyadong mainit, may mga ilan din kaming kasabay na naglalakad kaya hindi na maingay si Bael.
Habang naglalakad kami, napansin ko ang isang lalaki na nakatitig sa akin, tumigil ako sa paglalakad habang tinitingnan ang lalaki, at umiwas siya ng tingin tapos nagpalit siya ng direksyon ng kanyang paglalakad.
"Okay ka lang ba?" tiningnan ko si Pavel na huminto rin sa paglalakad habang nakatingin sa akin. Tumango lang ako at naglakad ulit, kakaiba ang pakiramdam ko tungkol sa lalaking iyon. Parang alam niya kung ano ako. Kahit sino pa man siya, hindi siya nakikita ni Pavel.
"Kailangan na nating magmadali," sabi ko kaya napatingin sila sa akin.
"Ilang oras pa bago natin maabot ang una nating destinasyon?" tanong ni Cynrad.
"Hindi na tayo maglalakad," sabi ko kaya napatingin sila sa akin.
"Lulutang na tayo?" tanong ni Bael kaya tiningnan ko siya nang masama.
Tumingin ako sa paligid at nakakita ng sasakyan na gawa sa makina. Nilapitan ko ito at kinausap ang driver, sa una ay hindi siya pumayag na isakay kami sa pupuntahan namin, pero dahil nakontrol ko ang isipan niya, wala siyang nagawa.
Hindi tamang oras na maglakad kami, sigurado ako na sinusundan ako ng lalaking nakita ko kanina. Kaya naman sasakay na lang kami sa kotse para makarating na sa pupuntahan namin.
Tumingin ulit ako sa lugar kung saan ko nakita ang lalaki, sakto na nagsimula ang kotse namin at nakita ko ang paglabas ng lalaki na sumusunod sa akin kanina. Nakita ko kung paano siya nag-krus ng dibdib habang nakatingin sa akin.
Tama ako, alam niya kung ano ako.