Muling Pagkabuhay
Dalawang daan at pitumpu't anim na taon na ang lumipas simula nang ipagbili ng ikalabinlimang hari ng Winsoul ang kanyang anak na si Karma sa isang demonyo para maging hari.
Ang babaeng nagngangalang Karma ay nakatakdang mamatay sa ikalimang buong buwan pero dahil sa pagmamahal ni Pavel kay Karma, nakipagkasundo si Pavel sa isang demonyong nagngangalang Alada para mawala ang kasunduan ng ama ni Karma at ng demonyong nakausap niya. Pero imbes na mangyari 'yon, lalong lumala ang lahat, dahil ang demonyong nakausap ni Pavel ay nakaramdam ng selos kay Karma, na naging dahilan para isumpa ng demonyong si Alada ang buong bayan ng Winsoul na tuwing darating ang bagong taon, mawawala sa mga taong naninirahan sa loob ng bayan ang kanilang mga alaala. Lahat ng nakatira sa loob ng bayan at ang tanging maaalala lang ay ang kanilang mga pamilya.
Hindi ako makapaniwala sa nadiskubre ko kagabi. Karma, 'yon ang pangalan ng babaeng palagi kong nakikita tuwing nagkakatagpo kami ni Pavel o nagdidikit ang aming balat. Nakita ko na minsan ang larawan niya sa basement ng palasyo. Ang babaeng 'yon ay kamukhang-kamukha ko, ang kaibahan lang ay wala siyang sungay at ako...
Hinawakan ko ang aking maliit na sungay at nagbuntong-hininga.
Narinig ko ang pangalan na Bael at Cynrad minsan nang hawakan ko ang larawang 'yon, posible kayang konektado rin si Bael at Cynrad kay Karma?
"Ini-isip mo pa rin ba 'yung kwento ni Lolo Gabriel?" Tumingala ako at nakita ko ang Ginang Banal na nakatingin sa akin habang may hawak na baso.
"Magandang umaga, hindi ka ata nakatulog ng maayos." Sabi niya tapos umupo sa harap ko.
Pinanood ko muna siya bago magsalita.
"'Yung babaeng nagngangalang Karma..." Sabi ko tapos umiwas ng tingin. "...Tuwing hinahawakan ako ni Pavel, nakikita ko at naririnig ko 'yung ilan sa mga pinag-uusapan nila ni Pavel na kasama niya," sabi ko na nagpalaki sa mata niya, at inilagay ang basong hawak niya sa isang sulok.
"Talaga?" Sabi niya na parang tanga at nag-isip.
"Akala ko parte lang ng mga alaala ni Pavel 'yung babaeng 'yon, kaya nga, minsan tinanong ko siya kung kilala niya si Karma, pero sabi niya hindi," sabi ko kaya tumingin ulit siya.
"Baka nagkatawang-tao ka." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Nagka-- ano?" Nagtatakang tanong ko, umupo siya sa kanyang upuan at buong tapang na tumingin sa akin.
"Reincarnate, 'yon 'yung bumabalik ka sa buhay. Halimbawa, namatay ako sa giyera tapos pagkaraan ng ilang daang taon bumalik ako sa buhay pero sa bagong katauhan." Sabi niya na nagpatawa sa akin.
"Nakuha ko 'yung gusto mong sabihin," sabi ko habang umuiling. "Daang taon na akong nabubuhay at hindi pa ako namamatay kaya hindi 'yon pwedeng mangyari sa akin," sabi ko kaya nag-pout siya.
"Baka si Pavel, baka siya 'yung nagkatawang-tao." Sabi niya tapos kinuha ang kanyang baso mula sa lamesa na nasa tabi ng kanyang inuupuan. "Pero nasaan si Karma? Imposible rin na nakikita mo lang 'yung nakaraang buhay ni Pavel tuwing hinahawakan ka niya," sabi niya kaya natahimik ako.
"Hindi pwedeng mangyari 'yon," mahinang sabi ko kaya tumahimik siya. "Kaming mga nilikha ng kadiliman ay hindi nakakakita sa mga nangyari sa nakaraan, ang nakikita namin ay 'yung mangyayari sa hinaharap, pero ang kaya lang naming bilangin ay 'yung bilang na 'yon sa aming mga daliri," sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Bakit mo nakikita 'yung nakaraan ni Pavel?" Sabi niya tapos kumunot ang noo.
"Sumasakit lang ang ulo ko sa mga problema niyo," sabi ko habang pumipikit. "Gisingin mo na 'yung tatlo at sabihin mo sa kanilang aalis na tayo, babalik na tayo sa bayan kasama 'yung matandang lalaki," sabi ko, narinig ko siyang umubo kaya binuksan ko ang aking mga mata.
"Ano? Bakit sasama si Lolo Gabriel?" Tanong niya.
"Siguro dahil siya 'yung hinahanap ni Pavel para gawin siyang hari." Ang simple kong sagot ay naging dahilan para tumayo siya habang gulat na nakatingin sa akin.
"ANONG SABI MO?! KAILANGAN NI PAVEL SI LOLO GABRIEL PARA MAGING HARI?!" Nagulat na tanong niya kaya pumikit ako sa galit.
"Hininaan mo nga ang boses mo, maliit na babae," sabi ko. Lumapit sa akin si Abiah at biglang hinawakan ang kamay ko na para bang nagmamakaawa.
"Please, magsalita ka, bawiin mo 'yung sinabi mo." Sabi niya kaya inis ko siyang tiningnan.
"Anong nangyari sa'yo?" Inis kong sabi, nakita kong tumulo ang kanyang luha.
"Simula pa lang, kasama ko na ang prinsipe at mga tao mula sa palasyo." Parang bata niyang sabi kaya napairap ako. "Akala ko mga ordinaryong nilalang lang kayo kaya minsan hinahampas ko si Pavel sa ulo niya, Turns out siya pala ang ikalabimpitong hari ng winsoul." Sabi niya habang umiiyak kaya natawa ako.
"Sino ba kasi ang nagsabi sa'yong hampasin mo siya?" Natatawang tanong ko.
"Hindi ko mapigilan, Ksara, sabihin mo biro lang 'yon." Napaikot ang mata ko.
"Pwede ba, huwag mo akong tawaging sa aking pangalan, hindi tayo close," sabi ko pero parang batang nagpagulong-gulong sa sahig.
"Magandang umaga ano--"
"KAMAHALAN!" Umiiyak na sabi niya kay Pavel habang binabati siya pagkaalis niya sa kwarto.
"Patawarin mo ako sa aking kamangmangan na hampasin ka at magbigay ng mga utos." Sabi niya tapos lumuhod sa harapan ni Pavel, natawa ako nang makita kong nakabuka ang labi ni Pavel habang nag-iisip pa rin sa kanyang utak kung bakit ganito umakto si Abiah?
"Ha?" Nagtatakang tanong ni Pavel.
"Sabihin mo na lang, pinapatawad mo ako!" Sabi ng Ginang Banal kaya biglang tumayo si Pavel at inakap si Pavel.
"Great, huwag mo akong hatulan ng kamatayan kapag bumalik na tayo sa bayan." Sabi ng Ginang Banal kay Pavel na nagtataka.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Pavel, ipinagkrus ko ang aking mga braso at sumandal sa aking upuan.
"Ayusin mo na ang gamit mo, babalik na tayo sa bayan," sabi ko kaya lalong sumimangot si Pavel.
"Ha? Well, hindi pa nga natin nakita--"
"Nakita na namin siya kagabi habang wala kang malay, pumunta pa nga kami sa bahay nila at--" Agad kong pinatahimik si Abiah gamit ang aking kapangyarihan.
"Nakita mo na ba?" Tanong ni Pavel at tumingin sa akin, tumango ako bilang sagot kaya nanlaki ang kanyang mga mata at agad siyang lumapit sa akin.
"Talaga? Paano?" Tanong niya, nagpupumilit ako.
"Tinatamad akong magsalita, gawin mo na lang 'yung sinasabi ko sa'yo," sabi ko sa kanya kaya agad siyang tumayo ng tuwid na may ngiti sa kanyang mukha.
"Roger this." Sabi niya at agad na tumakbo papunta sa kwarto para gisingin 'yung dalawang tanga na kasama niya.