Ang isang tao ay hindi maaaring mabuhay ng dalawang daang taon
Pananaw ni Avila
Huminto ako saglit sa paglalakad at umatras ng konti para silipin ang kwarto ni Ama, kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang lalaki, matanda na siya at kausap niya si Zagreus. Anong pinagsasabi ng taong 'to sa kapatid natin?
Napailing na lang ako nang mapagtanto kong may napagkasunduan pala ang taong 'to at ang kapatid ko, mga tao nga naman.
Ilang araw ang lumipas, kaarawan ko ngayon, ikasandaang kaarawan ko na at masaya ako dahil pwede na akong pumunta sa mundo ng mga tao. Tuwing kaarawan ko ay pumupunta ako sa mundo ng mga tao para makihalubilo sa kanila.
Pumunta ako sa kwarto ni Ama para magpaalam nang mapagtanto kong wala siya doon.
"Nasaan si Ama?" tanong ko kay Alada na nakaupo sa tabi ni Ina na natutulog.
"Kay Zagreus." Sagot niya saka ako tinignan. "By the way, dalhin mo 'yong babae sa bakanteng kwarto," sabi niya saka tinuro ang gilid ng kwarto ni Ama. Sumimangot ako nang makita ko ang isang walang malay na babae na nakahiga doon.
Nilapitan ko ito at inamoy.
"Bakit siya nandito?" tanong ko, tinignan ko ulit si Alada na abala sa pag-aayos ng mga kuko niya.
"Bayad sa kasunduan." Sagot niya habang hindi ako tinatawan, binalikan ko ang babae at saka tiningnan ang mukha niya.
Kawawa naman.
Ginamit ko ang kapangyarihan ko, agad ko siyang pinalutang at lumabas sa kwarto ni Ama dala ang katawan ng babae. Base sa naamoy ko, walang malay rin ang kaluluwa ng babaeng 'to, at nasa loob pa ang kaluluwa niya ng kanyang katawan.
Dahan-dahan ko siyang pinahiga sa malamig na kama na walang gumagamit, inayos ko ang ilang hibla ng buhok niya na tumatakip sa mukha niya.
Kung hindi ako nagkakamali, mga labing pitong taong gulang ang batang 'to.
"Ano kaya ang plano nilang gawin sa 'yo?" tanong ko sa sarili ko.
Ilang araw ang lumipas pero hindi pa rin nagigising ang babaeng tao. Nagpasya akong pumunta sa kwarto kung saan ko siya nilagay, at gaya ng lagi kong nakikita, nakahiga lang ang katawan niya.
Pero dahil sa pagkakataong ito, hindi ko maamoy ang kaluluwa niya kaya nilapitan ko ang babae at hinawakan ko siya. Malamig ang katawan niya at tumigil na rin ang puso niya.
"Patay ka na ba?" tanong ko saka pinakinggan ang dibdib niya. "Pero nasaan ang kaluluwa mo?" tanong ko saka siya tinignan.
Kawawa naman, marami pa sana siyang masasaksihan sa buhay niya kung hindi lang sana siya ibinenta ng kanyang ama.
Ilang linggo ang lumipas, patuloy pa rin akong bumibisita sa babae. Papunta ako sa kwarto ng taong 'yon nang dumaan ako sa hall.
"Avila, hanapin mo si Alada. May ipapabili ako sa kanya." Sabi ni Ama kaya imbes na pumunta ako sa kwarto ng batang 'yon, hinanap ko si Alada sa buong lugar namin, pero hindi ko siya mahanap. Kinamot ko ang ulo ko at pumunta sa mundo ng mga tao, nagpalabas pa ako ng kakaibang insekto para lang makita si Alada at gaya ng hinala ko, nandito siya sa mundo ng mga tao at kausap niya ang isang lalaki na sa tingin ko ay labing walong taong gulang pa lang.
"Please.. break their... Agreement." Sabi ng lalaki kaya tinignan ko si Alada na nakangiti lang.
"Hinanap ka ni Ama." Bulong ko sa tenga ni Alada saka tinignan ulit ang lalaki na nakayuko sa harap niya, base sa nakikita ko ngayon, mukhang nasa ritwal ang lalaki. Mukhang siya talaga ang tinawag ni Alada.
Hindi na rin ako nagtagal sa mundo ng mga tao, bumalik na ako sa mundo namin para sabihin kay Ama ang nakita ko, tumawa lang siya at umiling.
"Madaling paglaruan ang mga tao." Sabi niya, pumunta ako sa kwarto ng babaeng tao dala ang isang itim na damit, papalitan ko ulit ang damit niya. Sa tuwing pupunta ako dito, palagi kong pinapalitan ang damit niya.
"Ayan, isa ka na sa 'min." Sabi ko habang nakangiti.
"Avila. Tinatawag tayo ni Ina." Tinignan ko ang nagsalita sa likuran ko, si Makaria.
"Bakit?" tanong ko, tinitigan lang niya ako saka nagkibit-balikat, sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa kwarto nila.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang babae na may maikling buhok, matulis na buntot at nakakatakot na aura.
Sino siya?
"Mga anak, siya si Ksara." Pagpapakilala ni Ina sa babaeng katabi niya na may ngiti sa labi, walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa amin. Mukha siyang sanggol dahil sa kinis ng balat niya.
"Ksara, sila ang mga kapatid mo." Sabi ni Ina na napakaamo kaya napangiti ako at agad na nilapitan si Ksara.
"Hello, ako si Avila." Sabi ko pero tinitigan lang niya ako, tumawa ako at napansin kong wala siyang sungay gaya ng iba sa amin.
Agad kong winagayway ang kamay ko na naging dahilan para tumubo ang dalawang sungay sa ulo niya.
"Ayan, mukha ka na talagang isa sa amin." Sabi ko saka tinignan si Ina na nakatingin sa amin.
"Saan mo siya nakuha?" tanong ko, nagkibit-balikat lang si Ina saka ngumiti
"Kinuha siya ng kapatid mong si Zagreus." Sabi ni Ina kaya tinignan ko si Zagreus na may naghihirap na kaluluwa. Nagkibit-balikat na lang ako saka ibinaling ulit ang tingin ko kay Ksara.
"Ina, pwede ko bang ipakilala si Ksara sa babaeng tao kapag nagising na siya?" tanong ko, tinignan ako ni Ina at tumawa.
"Sino ang nagsabi na magigising ang katawan na 'yon?" tanong ni Ina saka umiling. "Walang kaluluwa ang katawan na 'yon, by the way. Itatago 'yon ni Makaria, buti na lang naalala mo." Sabi ni Ina kaya yumuko ako. Matagal akong naghintay para magising ang batang 'yon, pero hindi na pala 'yon mangyayari.
Pananaw ni Ksara
Biglang tumigil ang lahat, dahan-dahang gumalaw si Avila, habang nanghihina ako sa nasaksihan ko sa alaala niya. Naramdaman kong hinawakan ni Avila ang kamay ko kaya tinignan ko siya, seryoso ang mukha niya kahit na pareho lang kami ng direksyon ng tinitingnan.
"Ksara." Tawag niya sa 'kin, agad kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang isang kamay ko. "Hindi ko alam kung tama ang sasabihin ko pero.." Huminto siya at lumunok. "...Pero pakiramdam ko ikaw 'yong babaeng tao na palagi kong binibisita sa kwarto na 'yon." Sabi niya, biglang nagsimulang tumulo ang luha ko. "Bigla na lang nawala ang kaluluwa ng babaeng 'yon pero sigurado akong ikaw 'yong kaluluwa na 'yon at kung hindi ako nagkakamali, gagamitin mo ang katawan ng babaeng 'yon ngayon." Sabi niya.
"Posibleng ikaw si Karma... posibleng may ginawa ang Ama at Ina sa kaluluwa mo para makalimutan mo ang lahat ng nangyari sa buhay mo noong tao ka pa, posibleng ginawa ka lang nilang katulad namin." Sabi niya kaya hinawakan ko siya ng mahigpit.
"Avila..." Mahina kong tawag, ngumiti siya sa 'kin.
"'Yan lagi ang nararamdaman ko kapag kasama kita Ksara, pakiramdam ko ikaw 'yong taong nagbabago sa mundong ginagalawan mo." Sabi niya saka hinalikan ang kamay kong hawak niya.
"Malaking... malaking tulong ang impormasyon na binigay mo sa 'kin." Sabi ko. Ngumiti siya sa 'kin. Bigla siyang tumayo at kinapa ang ulo ko, pumikit ako nang hawakan niya ang maliit kong sungay sa ulo ko.
"Mukhang oras na para tanggalin 'tong sungay na 'to." Sabi niya kaya tinitigan ko siya habang hawak niya ang sungay ko, unti-unti kong naramdaman na nagbabago ang hugis ng ulo ko kaya dahan-dahan kong hinawakan ang ulo ko at halos tumalon sa saya ang puso ko nang maramdaman kong wala na ang sungay ko.
"Gusto kitang... makita na walang sungay." Sabi niya pero kinagat niya ang labi niya, nakuha ko ang gusto niyang sabihin, gusto niya akong makita pero wala siyang paningin ngayon.
"Bakit ka biglang nagtanong kung sino ka Ksara?" Tanong niya, tinulungan ko siyang umupo sa upuan niya saka bumalik sa upuan ko.
Pumasok bigla sa isip ko si Pavel, ngumiti ako at tinignan si Avila.
"Dahil sa isang tao." Sagot ko na ikinagulat niya.
"Isang tao lang?" Tanong niya, tumango ako.
"Oo, mukhang nakita ko ang mga lumang parte ng dati kong buhay." Sabi ko. "Sabi ng Ginang Banal, nagkatawang-tao 'yong tatlong 'yon." Sabi ko saka kinagat ang labi ko.
"Masaya ako doon." Sabi niya na may ngiti sa labi. Ngumiti ako at biglang tumingin sa kanya.
"By the way, nalaman ko na may sumpa pala sa bayan na tinitirahan ni Karma noon, I mean, ako." Sabi ko na ikinatigil niya.
"Nalaman ko na si Alada pala ang gumawa ng sumpang 'yon, Avila, gusto ko 'yong taong nagbibigay buhay sa mundo ko ang maging hari. Pero kung hindi natin mapapatay ang taong susi para maging hari siya, hindi rin natin papansinin ang mga hirap na dinanas niya para mahanap 'yong taong magiging susi para maging hari siya." Sabi ko.
"Tungkol sa bagay na 'yon, ang nakagawa lang ng sumpa ang pwede magtanggal sa sumpang ginawa niya." Sabi ni Avila kaya natigilan ako.
"Paano ko magagawa 'yon kung ayaw mismo ni Alada na tanggalin 'yon?" Tatanungin ko.
"Pasensya na kapatid, pero wala akong alam tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa sumpa." Sabi niya.
"Ganun ba?" Mahina kong tanong.
"Pero, may kilala akong pwedeng tumulong sa 'yo." Sabi niya na ikinaganda ng pakiramdam ko ulit.
"Arae. Sigurado akong matutulungan ka niya, nasa ilalim ng mundo ang lugar ni Arae, malalaman mong nasa lugar niya ka kapag nakakita ka ng dragon na may limang ulo." Sabi ni Avila na ikinangiti ko.
"Salamat." Sabi ko, hinawakan niya ulit ang kamay ko.
"Pero, mag-ingat ka, dahil mahirap paamuhin ang isang Cursed God." Sabi niya kaya tumango ako at hinawakan ang kamay niya.
"Malaking tulong ang sinabi mo Avila, maraming salamat." Sabi ko saka siya niyakap, niyakap niya rin ako.
"Promise, babalik ako dito para ipakilala sa 'yo 'yong taong sinasabi ko." Bulong ko saka kumalas sa kanya na nakangiti, ngumiti siya saka tumango.
"Hihintayin kita." Sabi niya kaya tumayo ako at nagpaalam na aalis na, lalabas na sana ako ng pinto nang huminto ako at bumalik kay Avila.
"Avila." Tawag ko, hinintay niya kung ano ang susunod kong sasabihin.
"Tao pa rin naman ako, diba?" Tanong ko, dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi niya at dahan-dahang umiling siya.
"Hindi mabubuhay ang isang tao ng dalawang daang taon Ksara."