Pakikitungo sa Tao
Tumulo pa rin yung luha ko habang yakap-yakap siya, umiyak ako habang nakakulong siya sa mga bisig ko.
"Sorry, bagsak ako." Bulong ko sa kanya.
"Ksara, ano’ng pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong niya, akmang kakalas na sana sa yakap nang mas hinigpitan ko pa 'yon.
"Please, huwag kang bibitaw, hindi kita kayang tingnan kasi wala akong magandang sasabihin sa 'yo." Sabi ko, natahimik siya. "Hindi man lang kita matulungan." Dagdag ko habang yakap-yakap siya.
"Ksara." Malumanay niya akong tinawag. "Dahil ba sa sumpa?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. "Ksara, huwag ka nang mag-alala tungkol diyan." Sabi niya. Nanatili akong tahimik.
"Wala na tayong magagawa diyan." Dagdag niya pa. Sa loob-loob ko, umiling-iling ako. Alam ko, may magagawa ako para mawala 'yang bagay na 'yan pero hindi ko alam kung paano 'yon mawawala. Sayang 'yung chance na tulungan si Arae at ako, sayang na sayang.
"Kung ganun Ksara, ayoko na maging hari. Sapat na sa akin ang maging normal na nilalang basta kasama kita." Sabi niya at saka kumalas sa yakap. Humarap siya sa akin at ngumiti, hinaplos niya ang pisngi ko at saka dahan-dahang hinalikan ang noo ko. Napapikit ako dahil sa ginawa niya.
"Wala namang saysay kung magiging hari ako tapos makakalimutan ng mga tao ko ang mga alaala nila tuwing magpapalit ang taon." Sabi niya saka ngumiti sa akin.
"Pero gusto kong maging hari ka." Tama ako, kita ko yung kislap sa mga mata niya. "Gusto kong maging hari ka at mamuno sa Winsoul." Sabi ko. "Gusto kong makita kang nakoronahan at gusto kong makita kang nakaupo sa trono." Sabi ko, nakagat ko pa 'yung labi ko sa pagngiti niya sa akin.
"Salamat, salamat sa paniniwalang kaya kong mamuno ng maayos sa winsoul, pero Ksara 'yung sumpa--"
"Maghahanap ako ng paraan para mawala yung sumpa." Sabi ko, dahan-dahang nawala yung ngiti sa labi niya, umiling siya at huminga ng malalim.
"Ksara wala kang magagawa tungkol sa sumpa dahil tao ka lang." Sabi niya kaya natigilan ako. "Isang makapangyarihang nilalang ang may kontrol sa sumpa kaya imposibleng mawala 'yon." Sabi niya, tiningnan ko siya sa mata, hindi ko mabasa ang emosyon niya.
"Paano kung mawala 'yung sumpa?" Tanong ko, tiningnan niya ako, hindi siya ngumiti. Niyakap niya ako, mahigpit na yakap.
"Ipangako mo, na hindi ka na makikipagkasundo sa mga demonyo." Nagulat ako sa sinabi niya. "Na hindi mo na gagawin 'yung ginawa ng labinlimang hari, na hindi ka na tatawag ng kahit isang pangalan ng demonyo para lang maging hari ako." Sabi niya kaya napatanga ako.
"Ang mga demonyo Ksara, hindi tayo pwedeng magtiwala sa kanila dahil buhay ang pwedeng ipalit sa--" Hindi ko na natapos 'yung sasabihin niya, kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya na ikinagulat niya, ngumiti ako sa kanya tapos tumalikod.
"Pagod na ako, uwi na tayo." Mahinang sabi ko, akmang hahakbang na ako nang makita ko si Cynrad na nakatayo hindi kalayuan sa harap ko at nakatingin sa amin ni Pavel, tinitigan ko lang siya, hindi ko matakasan ang mga luha niya pero hindi ko pinansin, nagsimula na akong maglakad at nang dumaan ako kay Cynrad, narinig ko siyang bumubulong.
"Sana ako na lang siya." Narinig kong bulong niya, tumigil ako sa kinalalagyan niya tapos huminga ng malalim.
"Ayaw niya sa mga taong katulad ko." Bulong ko na sapat para magawa niya akong tingnan, tumingin lang ako sa harap ko tapos huminga ng malalim at naglakad patungong bahay ni Lolo Gabriel ulit.
Hindi talaga magbabago 'yung pananaw ng mga tao sa nilalang na katulad ko. Kailan kaya ako masasanay? Ilang daang taon ko na ring naririnig 'yang mga salitang 'yan sa ibang tao, pero bakit ang sakit kapag kay Pavel galing?
Pagkapasok ko sa bahay ni Gabriel, agad na napatingin sa akin 'yung tatlo, umiwas ako ng tingin.
"Matutulog na ako." Sabi ko tapos umakyat na ako sa itaas kung saan matatagpuan ang kwarto ni Gabriel, pagkapasok ko sa kwarto ni Lolo Gabriel ay agad akong umupo sa kama.
Mabigat ang pakiramdam ko, hindi makakapagtiwala si Pavel sa mga katulad ko, tutal bakit naman magtitiwala ang mga tao sa nilalang na katulad ko? Pumikit ako.
"Hindi ko naman ginustong ganito ako." Bulong ko at napakuyom ang kamao ko, kung may sisisihin sa kung bakit ako naging ganito, walang iba kundi ang mga magulang ko na ipinagbili ako sa demonyo at ang mga demonyo na kumupkop sa akin at ginawa akong ganito.
"Bakit ba hindi makuntento 'yung mga tao sa mga bagay na meron sila? Kailan kaya sila makikipagkasundo sa--" Natigil ako at napaupo nang may pumasok sa isip ko na makakatulong kay Pavel. Tama, 'yon nga.
Pero sinabi niya lang naman na hindi siya naniniwala sa amin, na hinding-hindi ako makikipagkasundo sa mga demonyo. Napatawa ako sa naisip ko, paano ako makikipagkasundo sa mga demonyo eh ako mismo ay demonyo. Kinagat ko ang labi ko.
"Kung hindi niya alam na makikipagkasundo siya sa akin, hindi siya magagalit, pansamantala kong maiaalis 'yung sumpa sa kanya sa pamamagitan ng pakikipagkasundo niya sa akin, sa ganung paraan makakapasok si Gabriel sa harang at makakasama namin siya sa winsoul at magiging hari si Pavel." Sabi ko sa sarili ko tapos ngumiti.
Hindi talaga ako matatalo ng katalinuhan ko.
Ang problema ko na lang ay kung paano ko siya mapapapayag sa gusto ko.
"Ksara." Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon, nakita ko ang mukha ni Abiah, ngumiti siya sa akin bago siya pumasok.
"K-kamusta ka na? Sabi ni Lolo, may ginawa ka raw para mawala 'yung sumpa." Sabi niya, tiningnan ko siya. Huminga ako ng malalim at tumingin sa ibang direksyon.
"Bagsak ako." Sabi ko, natahimik ang buong kwarto. Naramdaman ko 'yung pagkadismaya niya kaya napaubo ako at tumingala sa kanya. "Huwag kang madismaya, ramdam ko 'yung awa mo sa akin." Sabi ko, ngumiti siya sa akin, ngiting may halong lungkot.
"Akala ko makakauwi na ako." Sabi niya tapos tumingin sa ibang direksyon.
"Matigas 'yung kapatid kong si Alada, kahit anong gawin ko para kausapin siya, hindi siya nakikinig." Sabi ko, yumuko siya.
"Naalala mo pa ba 'yung sinabi mo sa akin noon? Tungkol sa pakikipagkasundo sa 'yo?" Tanong niya kaya tiningnan ko siya. "Sabi mo, ang pakikipagkasundo sa 'yo ay ang pinakamalaking kasalanan na maaari kong gawin dahil tatanggihan ko ang Diyos." Sabi niya kaya natigilan ako. By the way, kung makikipagkasundo si Pavel sa akin ng palihim, kasalanan pa rin 'yon, mas seryosong kasalanan 'yon kung totoo na ginawa ko nang misyon ang pagpapasama kay Pavel.
"Naaalala mo rin ba 'yung sinabi mo kapalit? Sabi mo kapag nakipagkasundo ako sa 'yo, kukunin mo ang buhay at kaluluwa ng mga magulang ko." Nakita ko ang pagluha ng mga mata niya kaya tumingin ako sa ibang direksyon.
"Kausap kita Ksara, gusto kong makipagkasundo sa 'yo pero sana naman huwag mong kunin ang buhay at kaluluwa ng mga magulang ko kapalit." Sabi niya kaya lumingon ako sa kanya, seryoso siya sa sinabi niya, mukhang desidido siyang umuwi kasama sila.
"Please Ksara." Tiningnan niya ako at hinawakan ang parehas kong kamay, tiningnan ko siya tapos tumingin ulit sa mukha niya.
"Kapag sinabi kong kapalit, hindi 'yon magbabago." Sabi ko kaya dahan-dahang binitawan ng kamay niya ang kamay ko, napalunok ako at pumikit. Isasapalaran ko ang kalahati ng buhay ko kung makikipagkasundo ulit ako sa kanya.
"Ganun ba?" Mahinang sabi niya, agad kong hinawakan ang kamay niya. Tiningnan niya ako, ngayon tiningnan ko siya sa mga mata, nagmamakaawang tingin. Kahit ano pa man, ang mga demonyo ay tatagal pa ng ilang daang taon bago sila tuluyang mawala. Dalawang daang taon na akong nabubuhay, nabawasan ng isang daang taon ang buhay ko nang makipagkasundo ako sa isang banal na babae para tulungan akong pasamain si Pavel, ngayon, makikipagkasundo ako ulit sa kanya. At sa pagkakataong ito mawawala ang kalahati ng natitirang buhay ko.
"K-ksara, bakit ka umiihi--"
"Ako na… ako na ang makikipagkasundo sa 'yo." Sabi ko kaya natigilan siya at nanigas. "Naaalala mo pa 'yung ginawa kong kasunduan sa ating dalawa?" Tanong ko, nanatili siyang nakatingin sa akin. "Wala na akong kinuha pa sa 'yo, wala na akong hiningi pang kapalit." Yumuko ako. "Sasang-ayon ako sa 'yo, dahil gusto kong maging hari si Pavel." Ngumiti ako sa sinabi ko.
"K-ksara..." Tawag niya sa akin, tiningnan ko siya. "W-Wala bang mangyayari sa akin o sa 'yo sa oras na tanggapin ko 'yung kasunduan mo?" Tanong niya, tinitigan ko lang siya sa mata tapos tumango bilang sagot.
"Wala, walang mangyayari sa 'yo o sa akin." Pagsisinungaling ko, nakita ko ang kurba ng ngiti sa mga labi niya.
"Kung ganun... tatanggapin ko ang ino-offer mo sa akin, para makauwi na tayo at maging hari si Pavel." Sabi niya, ngumiti ako. Gagawin ko ang tama, hindi maaapektuhan si Pavel, mas mapapadali ang pagbabalik namin sa winsoul.
"Kung ganun… ito ang kondisyon ko." Sabi ko at ngumiti sa kanya. "Pansamantalang mawawala 'yung sumpa sa winsoul at makakabalik tayo doon nang hindi nawawala 'yung mga alaala mo." Sabi ko, natigilan siya.
"Panandalian?" Tanong niya.
"Masyadong malakas si Alada, maikling ginhawa lang ang maibibigay ko." Sabi ko.
"Kung ganun, kailan babalik 'yung sumpa?" Tanong niya. Ngumiti ako.
"Ang sumpa sa winsoul ay pansamantalang mawawala at babalik lang 'yon kapag naputol 'yung sungay, naputol 'yung buntot, ngumiti 'yung hayop at naging abo." Sabi ko habang hawak ang kamay niya.