Ang sinumpang Diyos
Mahahaba at kulot na sungay, mahahaba at matalas na itim na kuko, malalaking pulang pakpak, isang mahabang buntot na itim na nahahati sa tatlo at may tulis sa bawat dulo, itim na mata, matulis na tainga, paa na parang leon, at mahaba at puting buhok na gumagalaw nang kusa. 'Yun ang nakikita ni Cynrad ngayon.
Lumingon ako at huminga nang malalim, kahit nakatalikod ako ay naaamoy ko ang takot na dumadaloy sa kanyang kaluluwa. Pumikit ako para pigilan ang sarili sa pananabik sa kanyang kaluluwa. Hindi ko kayang saktan si Cynrad, kaibigan siya ni Pavel at bahagi ng nakaraan ko.
Kailangan kong maging pasensyoso.
“Ito ang dahilan, Cynrad.” Ang boses ko ay parang melodiya ng kamatayan, malayo sa boses ko sa tuwing nakikipag-isa ako sa katawang-tao ko.
“Naiintindihan ko kung natatakot ka sa akin, pwede ka nang umalis ulit.” Sabi ko habang nakatingin sa kanya, nagulat siya sa biglaan kong pagtitig.
“Pero nagmamakaawa ako sa 'yo, huwag mong ipaalam kay Pavel ang tunay kong pagkatao. Hayaan mong manatili itong lihim sa ating dalawa.” Sabi ko, hindi siya umimik dahil parang hindi pa nag-sink in sa utak niya ang nangyari. Kahit sinong tao ay matatakot kung nakaharap sila sa demonyo.
“K-Ksara..” Tawag niya sa pangalan ko, yumuko ako at saka tumalikod para kahit papaano ay mawala ang takot niya.
“Hindi ko intensyon na manakit, gusto kong tulungan si Pavel.” Sabi ko. May katahimikan sa aming dalawa.
Naalala ko ulit ang sagot niya sa akin nang tinanong ko siya kung ano ang kinatatakutan niya, sabi niya natatakot siyang mapunta sa impyerno. Isang bagay na mangyayari kung sasama siya sa akin sa lugar ni Arae.
“P-Paano ako... makakasigurado... na hindi ka masasaktan kung ikaw ay isang --” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang lumuhod ako sa harapan niya habang nakatingin sa lupa. Parang nagulat siya sa ginawa ko. Pero ito lang ang tanging garantiya na maibibigay ko na hindi ko siya sasaktan.
Ang mga tao, madali silang magtiwala sa kapwa nila tao, pero hindi nila kami kayang pagkatiwalaan dahil iniisip nila na kalaban kami, na siya namang totoo.
“Ang mga demonyo, sa oras na lumuluhod sa harap ng isang tao, ibinababa ang tingin sa kanilang sarili, isang bagay na nangyayari sa akin.” Sabi ko habang nakaluhod. “Wala akong intensyon na manakit, ang intensyon ko lang ay tumulong.”
“Pero hindi trabaho ng isang katulad mo ang tumulong, nakipagkasundo ba sa 'yo si Pavel?” Agad akong umiling sa tanong niya.
“Kahit gawin niya 'yan, tatanggihan ko siya.” Sabi ko, natahimik ulit siya.
“Bakit ka... tumutulong kay Pavel?” Tanong niya, bigla akong ngumiti habang nakaluhod pa rin sa harapan niya.
“Bilang kabayaran sa ginawa niya sa akin, dalawang daang taon na ang nakalipas.” Sagot ko, nararamdaman ko ang pagkagulat sa katawan niya kaya tinignan ko siya.
“W-What?” Nag-aalinlangang tanong niya.
“Iisa kami ni Karma.” Sabi ko kaya nanlaki ang mata niya, dahan-dahan akong tumayo at saka tumalikod sa kanya dahil naaamoy ko na naman ang takot sa kaluluwa niya.
“Imposible, iisa lang si Karma at ikaw --”
“Posible 'yun Cynrad, kinausap ko ang kapatid ko at sinabi niya sa akin ang alam niya, posible na may ginawa ang mga magulang na nakikilala ko sa kaluluwa ko para maging ganito ako at para makalimutan ko ang mga naging bahagi ng nakaraan ko.” Sabi ko. Unti-unting nawala ang takot na naaamoy ko.
“Ngayon, kung natatakot ka sa akin. Naiintindihan ko. Pwede ka nang bumalik sa katawan mo at bumalik kay Pavel.” Sabi ko, nagulat ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko, tinignan ko siya at nakita kong nakangiti siya sa akin.
“Oo natakot ako sa 'yo, pero nang nalaman kong ikaw si Karma, alam kong hindi mo ako sasaktan.” Sabi niya kaya tinitigan ko ang mukha niya. “Dahil sa mga nakaraan natin, hindi ko kayang makita na sinasaktan mo ako.” Bulong niya kaya natigilan ako.
“Cynrad!” Mabilis akong tumakbo sa kinatatayuan niya at inalalayan ko siya. “Okay ka lang? Anong nangyari sa ulo mo? Bakit may dugo?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya habang inaalalayan siya. Tumawa lang siya sa akin at saka hinila ako palapit sa kanya na ikinagulat ko.
“Wala nang lalaban sa 'yo, Karma.” Bulong niya kaya nanigas ako, tinignan ko ang mukha niya at nakita ko ang itim niyang aura.
“A-anong ginawa mo?” Tanong ko, ngumiti lang siya sa akin at saka niyakap ulit ako at pumikit.
“H-huwag mong uulitin kung anuman ang ginawa mo Cynrad. Ayoko nang makitang muli kang masasaktan.”
Para itong kidlat nang may lumitaw na ilang larawan sa aking mata. Pumikit ako at kumalma, bumuntong hininga ako at tinignan si Cynrad na nakatingin sa akin.
“O-okay ka lang?” Tanong niya, tinitigan ko lang siya at saka tumingin sa kamay niyang hawak ang kamay ko, dahan-dahan kong binawi ang kamay ko at nagsimulang maglakad.
“Sabi mo, ang pinakakinatatakutan mo ay ang mapunta sa impyerno.” Sabi ko at tumigil sa paglalakad, saglit ko siyang tinignan. “Doon ako pupunta para makausap ang isang nilalang na makakatulong kay Pavel.” Sabi ko, walang duda na lumapit siya sa akin na nakangiti.
“Sige, tara na. Para makabalik na agad tayo kay Pavel.” Sabi niya kaya ngumiti ako, inabot ko ang kamay ko sa kanya at tinignan niya ito.
“Kumapit ka sa akin, lilipad tayo pababa sa impyerno.” Sabi ko kaya ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko nang walang takot, ngumiti ako at saka inihanda ang aking pakpak.
“Mabilis lang ang biyahe.” Sabi ko at nagsimulang lumipad patungo sa isang portal, nagulat siya sa mabilis kong paglipad kaya ngumiti ako, mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay at inalalayan ang kanyang katawan na nakayakap sa akin habang lumilipad ako, nang pumasok kami sa portal ay naging mainit ang paligid.
“Sumakay ka sa likuran ko para makita mo ang tanawin sa impyerno.” Sabi ko at tinulungan siyang umakyat sa aking likuran, nang nakasakay na siya ay dahan-dahan kong ikinampay ang aking mga pakpak.
“Wala kang makikita dito kundi apoy.” Sabi ko at ibinaling ang aking daan patungo sa pinakamababang bahagi.
“Bakit wala akong nakikitang kaluluwa?” tanong niya.
“Nasa kabilang side, pagdating natin doon, baka kunin ka sa akin ni Alada at parusahan.” Sabi ko, napapangisi dahil naramdaman ko ang pagtaas ng kanyang balahibo.
“Eh, nasaan ang ibang demonyo? Akala ko pagpasok natin sa impyerno ay sasalubungin ako ng mga nakakatakot na demonyo.” Sabi niya na nagpatawa sa akin.
“Walang demonyong gumagala sa labas ng palasyo, nasa loob silang lahat at naglilingkod sa kanilang ama at ina, lalabas lang sila kapag dumating ang kamatayan kasama ang mga kaluluwang parurusahan.” Sabi ko.
“Pinarurusahan mo rin ba ang mga kaluluwa Ksara?” Tanong niya, ibinaling ko ulit ang daan.
“Oo. Ako ang may hawak ng ika-apat na sirkulo, kung saan dinadala ang mga kaluluwang sakim.” Sabi ko, naramdaman ko ang pagkamangha niya.
“Talaga? Madali lang bang mamarusahan?” tanong niya. Tumawa ako.
“Oo para kay Alada pero para sa akin, nakakabagot ang parusa. Paulit-ulit lang hanggang sa humina ang kaluluwang tao at unti-unting nawawala na parang usok.” Sagot ko.
“Ibig sabihin ba nun ay namamatay rin ang kaluluwa natin?” Tanong niya, tumango ako.
“Kumapit ka, bababa na tayo.” Sabi ko, agad niyang sinunod ang sinabi ko kaya itinigil ko ang pagkakampay sa aking pakpak at sinipsip ang enerhiya na nanggagaling sa portal pababa sa pinakamababang bahagi ng mundo.
“Ksara!” Sigaw ni Cynrad dahil muntik na siyang mahulog, agad kong hinawakan ang kamay niya at hinila palapit sa aking katawan at saka niyakap at pinrotektahan siya gamit ang aking pakpak. Ilang minuto ang nakalipas bago kami nakarating pababa sa pinakamababang bahagi ng mundo.
Hindi katulad sa itaas, madilim ang bahaging ito kaya sinimulan kong lagyan ng liwanag ang aking buntot at pakpak. Dahan-dahan kong inilapag si Cynrad sa sahig.
“Andito na tayo.” Sabi ko kaya lumingon siya sa paligid pero kadiliman lang ang nakikita niya.
“Sobrang dilim.” pagkasabi niya nun, biglang nagliwanag ang paligid, dahilan para maalarma ako, agad ko siyang ikinulong sa loob ng aking pakpak at inihanda ang aking kutsilyo.
“K-Ksara..” Panik na sabi niya nang marinig ang mga nakakakilabot na ingay mula sa mga halimaw na nakapalibot sa amin.
“Kumalma ka Cynrad, ang takot mo ang nagpapalakas sa mga katulad natin.” Bulong ko. Sumimangot ako dahil hindi man lang kami inatake ng mga halimaw.
“Mukhang may bisita tayo.” Tumingin ako sa itaas kung saan kami nakatayo at mula rito ay nakita ko ang isang babae na natatakpan ng apoy na may katawan na gawa sa katawan ng ahas, pula ang kanyang buhok at ang dulo ay nagliliyab, may hawak siyang sandata na gawa sa apoy at ang kanyang mga mata ay parang mga mata ng agila.
Ngumiti siya sa akin pero ang ngiting 'yon alam kong may masamang kahulugan.
“Maligayang pagdating sa lugar ko.”
Hindi kami welcome sa lugar na 'to.