Katawang Tao
Dahil sa sigaw ni Cynrad, nagka-lakas ako para umalis at lumabas sa katawan ni Siir, dali-dali kong nilapitan ang katawan ko na ngayon ay buhat ni Pavel habang nagpapakita ng pag-aalala ang mukha niya.
Narinig ko ang sigaw ng reyna at nakita ko na nahawakan ng dating hari ang katawang tao ni Siir nang umalis ako roon, nakita ko na inaalalayan nila ito at inilagay sa isang mahabang upuan.
"Karma... Karma anong nangyari?" tanong ni Pavel habang buhat ang katawan ko, umupo ako sa tabi niya tapos ngumiti.
"Babalik ako sa katawan ko." sabi ko habang nakangiti kay Pavel na hindi ako makita ngayon, hinawakan ko ang katawan ko tapos nag-focus at sinubukang pumasok sa katawan ko, pero lumipas ang ilang minuto at hindi ako tinanggap ng katawan ko, kaya naman dumilat ako tapos tumingin sa katawan ko na buhat ni Pavel.
"Tawagin ang mga manggagamot!" sigaw ni Pavel, dahilan para mas lalong mag-panic ang mga nakapaligid.
"Anong nangyayari? b-bakit hindi ako makabalik sa katawan ko?" tanong ko tapos sinubukang bumalik ulit sa katawang tao ko pero tulad ng dati hindi pa rin ako tinanggap ng katawan ko, agad na dumaloy ang kaba sa dibdib ko dahil sa biglaang pagtanggi ng katawan ko sa kaluluwa ko.
"Anong nangyayari?" tanong ko habang umiiyak at saka sinubukang bumalik sa katawan ko pero wala pa ring nangyari.
"Ksara..." Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko, mula sa likuran ko nakita ko si Gabriel at Cynrad na nakatingin sa akin tapos tumingin sa katawang tao ko.
"Anong nangyayari?" tanong ko pero hindi sila sumagot, pagkaraan ng ilang sandali nag-si-alisan ang mga tao sa paligid namin dahil sa biglaang pagdating ng mga gagamot sa kanila.
Pinanood ko kung paano nila inilagay ang katawan ko sa malamig na sahig habang nararamdaman ni Pavel ang takot na kumakalat sa kanya.
"Anong nangyayari? Bakit hindi ako tinatanggap ng katawan ko?" tanong ko kay Cynrad at sa matandang lalaki.
"Subukan mo ulit Ksara." sabi ni Cynrad kaya tumango ako tapos lumapit sa katawang tao ko at sinubukang pumasok ulit pero wala pa ring nangyari.
"Ano? Bakit kayo tumigil?!" sigaw ni Pavel sa mga doktor nang tumigil sila sa ginagawa nila.
Halosa lahat ng mga bisita ay nanonood lang sa nangyayari, wala silang alam sa kung anong nangyayari, tahimik ang paligid at tanging ang mumunting hikbi lang ni Pavel ang naririnig.
"K-Kamahalan..." Tawag ng isang manggagamot kay Pavel kinakabahan bago tumingin kay Pavel.
"W-wala na siya." Dumoble ang katahimikan nang marinig namin ang sinabi ng manggagamot.
"Anong pinagsasabi mo? Nandito ako." sabi ko. Sinubukan kong pumasok ulit sa katawan ko pero walang nangyari.
"A-anong sinasabi mo?" tanong ni Pavel sa doktor na nagsabi sa kanya kanina na nakakunot ang noo.
"W-wala na siyang pulso." Sabi ng doktor na kinakabahan.
"Imposible.." mahinang sabi ni Pavel tapos nalaglag ang mga luha niya isa-isa.
"Ang sinasabi mo ay imposible.... GAMUTIN MO SIYA. HINDI BA KAYO MGA MANGGAGAMOT?!" sigaw ni Pavel sa kanila.
"P-Pasensya na." Sabi ng mga doktor sa parehong oras para mapaupo ako kung saan ako nakatayo.
"Imposible.." narinig ko si Pavel na sinabi tapos niyakap ang katawang tao ko.
"Karma... Karma gumising ka.. Karma.." Sabi ni Pavel na umiiyak habang yakap ang katawang tao ko, naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang pinanonood ko si Pavel na ginigising ang wala ng buhay na katawang tao ko.
"P-Pavel nandito ako.." sabi ko na umiiyak habang nakatingin sa kanya.
"Pavel.." tawag ko ulit kahit alam kong hindi niya ako maririnig.
"Ksara, bumalik ka muna sa katawan ni Siir." narinig kong bulong ni Cynrad na ngayon ay nasa tabi ko.
Wala akong lakas para pumunta sa katawan ni Siir, nalulungkot ako dahil wala na ang katawang tao ko, maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko kung anong mangyayari sa akin ngayon na wala na ang katawang tao ko?
"Ksara, bumalik ka muna sa katawan na iyon." Bulong ulit ni Cynrad, kaya tumayo ako ng buong lakas ko at naglakad papunta sa katawan ni Siir, na pinapaypayan ng reyna at inaalalayan ng ilang mga manggagamot.
"Anong nangyayari?" narinig ko ang tanong ng reyna habang patuloy na pinapaypayan ang katawan ni Siir, pumasok ulit ako sa katawan ni Siir at dumilat ulit, ang mga taong malapit sa akin ay tumingin sa akin nang umupo ako.
"Siir mahal ko, okay ka lang ba?" tanong ng reyna pero hindi ko siya pinansin, sa halip tumayo ako agad at pumunta sa tabi ni Pavel na umiiyak habang yakap ang katawang tao ko.
"Karma… mahal ko… idilat mo ang iyong mga mata please." sabi ni Pavel na umiiyak habang yakap ang katawang tao ko, nakita ko si Cynrad na tumingin sa akin at nag-senyas na huwag makialam kay Pavel sa pagkakataong ito pero hindi ko sila pinansin sa halip umupo ako sa tabi ni Pavel at niyakap siya.
Naramdaman ko ang lungkot sa katawan niya habang yakap ko siya, wala siyang pakialam kung niyakap ko siya, tumulo ang luha ko habang yakap si Pavel na hindi tumitigil sa pag-iyak habang hawak ang katawang tao ko.
Masaya ako dahil nakayakap ko ulit siya, dahil malapit na naman ako sa kanya, pero malungkot ako dahil nakikita ko siyang malungkot at nasisira kung ano sana ang magandang araw para sa kanya, nasisira ang pagdiriwang ng pagiging hari niya, at malungkot ako dahil wala siyang kaalam-alam na nandito ako.
"Karma.." Tinawag niya ako sa totoong pangalan ko ulit.
"Huwag kang umiyak.." bulong ko habang yakap siya. "Huwag kang umiyak... nandito ako... hindi kita iniwan." bulong ko dahilan para huminto siya at dahan-dahang tumingin sa akin, patuloy ang pag-agos ng luha ko habang nakatingin sa mga mata niya na nakatitig sa akin, hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya.
"Kamahalan..." nagising ang atensyon niya sa mga salita ng ilang sundalo na kararating lang.
"Pasensya pero kailangan naming dalhin ang katawan niya sa ligtas na lugar." Sabi ng sundalo habang nakaluhod sa harap ni Pavel, umupo ako at pinunasan ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.
Narinig ko ang anunsyo ni Bael na tapos na ang pagdiriwang at pwede ng umuwi ang mga bisita, tinulungan siya ni Abiah na ipauwi ang mga bisita habang kausap ni Cynrad ang dating hari at reyna na walang kaalaman sa kung ano ang nangyayari, nag-angat ang isip ko nang tumayo si Pavel.
Walang emosyon ang mga mata at mukha niya habang nakatingin sa mga sundalo.
"Mag-ingat kayo, sana." Sabi ni Pavel na walang emosyon tapos tumingin ulit sa akin, umiwas ako ng tingin tapos tumayo.
"Siir." Lumapit sa akin si Gabriel. Nagpapasalamat ako ng sobra na ginawa niya iyon dahil hindi ko alam ang gagawin dahil sa mga mata ni Pavel na nakatingin sa akin.
"Pumunta tayo sa kwarto mo, sasamahan kita." sabi ng matandang lalaki kaya tumango ako at lumingon ulit kay Pavel na nakatingin sa akin, nakita ko na nilapitan siya ng bago niyang Yuniko at kinakausap siya pero nanatili ang mga mata niya sa akin.
"Ksara... mag-usap tayo." bulong ni Gabriel kaya umiwas ako ng tingin kay Pavel tapos sumama sa matandang lalaki papunta sa kwarto ni Siir.