Pagtakas
Napangisi ako habang inaayos 'yung unan na iiwan namin sa kwarto niya para walang makapansin na umalis siya, ngumiti ako at tumingin kay Pavel na kinakabahan at nakatingin sa kama niya.
"Sigurado ka bang gagana 'to?" Tanong niya at tumingin sa akin.
"Oo naman, ganito naman talaga ang ginagawa ng mga kabataan ngayon," Sabi ko, huminga siya ng malalim.
"Pwede bang magpaalam na lang tayo kay Ama? Baka naman pumayag siya, gabing-gabi na rin kasi." Sabi niya kaya napa-irap ako na ikinagulat niya.
"Kamahalan, hindi naman kailangang malaman ng mga magulang mo ang lahat ng ginagawa mo, 'yung salitang 'Privacy' nawawala 'pag pinapaalam mo sa kanila ang lahat," Sabi ko, mukhang mahihirapan pa 'ko sa lalaking 'to.
Sobrang bait niya, tapat, at walang sarili. Dapat matagal na akong umalis sa lugar na 'to kung may ginawa siyang mali. Nakakabwisit.
"Ganun ba? Nag-aalala lang ako na baka makita ako sa labas ng bayan," Sabi niya kaya nag-palakpak ako ng kamay sa likod ko tapos ipinakita ko sa kanya 'yung panyo na hawak ko.
"Gamitin mo 'to para matakpan 'yung mukha mo," Sabi ko at inabot sa kanya. Sumimangot siya.
"Panyo?" Tanong niya, ngumiti ako. Bakit wala siyang alam sa mga bagay-bagay, ganun ba siya ka-ignorante? Umuumpisa nang uminit ulo ko sa lalaking 'to, Kapag nakarating ako sa liwanag dito sisiguraduhin kong tatapusin ko ang walang kwentang buhay ng lalaking 'to.
"By the way, Ksara, huwag mong patayin 'yung lalaking 'yun. May oras pa naman siya, huwag masyadong madali kasi baka sumugod agad ang kamatayan sa lugar natin."
Napapikit ako habang naalala ko 'yung sinabi sa akin ni Ama bago ako umalis sa lugar namin. Putspa.
"Ilagay mo 'yan dito," Sabi ko at tinuro 'yung ilong niya papunta sa labi niya, napapikit ako dahil sa sobrang inis na nilagay niya 'yung panyo doon tapos binitawan niya lang, hindi man lang tinalian. Nasaan utak ng lalaking 'to?
"Ganto kasi 'yan, Kamahalan," Sabi ko at kinuha 'yung panyo sa kanya tapos pumunta sa likod niya tapos inayos ko 'yung panyo, at tinakpan 'yung ilong niya pababa sa labi niya, mahigpit kong tinali 'yung panyo sa kanya dahil sa sobrang inis.
"Aray!" Daing niya, tinignan ko siya ng nakangiti.
"Sorry," Sabi ko at tumalikod sa kanya.
"Tara na, may saya sa labas," Sabi ko at nauna na sa paglalakad papunta sa kanya. Kumukulo na ang dugo ko sa kanya, kung ma-drain ako sisiguraduhin kong mapapatay ko 'tong lalaking 'to agad-agad.
"Yuniko wait!" Sabi niya at tumakbo sa harap ko, napahinga ako ng malalim at tinignan siya ng nakangiti.
"Hindi ba dapat nasa likod mo ako? Ako 'yung mauuna sa paglakad." Sabi niya, nilabas ko 'yung dila ko at pinigilan ko ang sarili kong kunin ang puso niya, ngumiti ako ng mahinhin.
"Ang bagal mo naman," Sabi ko tapos nilagpasan ko siya.
"Hoy! Kapag nakita ka ni Ama na ganyan mo ako tratuhin, puputulan ka niya ng ulo." Sabi niya kaya tumigil ako sa paglalakad at huminga ng malalim, wala akong pakialam sa ama niya dahil sigurado akong nalaglag 'yung nilalang sa lugar ko.
Tumingin ako kay Pavel na nakatingin sa akin, may ngisi sa labi ko.
"Hindi mo naman hahayaan 'yun mangyari, 'di ba?" Tanong ko kaya tumigil siya, ngumiti ako.
"Joke lang, bilisan mo na Kamahalan, sabik na akong lumabas," Sabi ko na parang plastik kaya bumalik siya sa realidad at tahimik na lumakad papunta sa akin. Tinitigan niya ako sa mata na ikinapaglunok ko. Ayoko ng pinagtitinginan ako ng lahat. Agad akong umiwas ng tingin.
"Iba ka sa pinsan mo," Sabi niya ng nakangiti tapos hinawakan niya 'yung kamay ko na ikinagulat ko, agad kong binawi 'yung kamay ko na ikinatawa niya.
"Malamig 'yung kamay ko, 'no? Dahil 'to sa panahon ngayon," Sabi niya tapos nauna na siyang naglakad papunta sa akin, tinignan ko 'yung kamay na hinawakan niya, at napalunok ako at pinanood 'yung lalaking naglalakad.
Bakit ganun? anong nakita ko bakit 'nung hinawakan niya ako may lumabas na imahe sa isip ko?
"Yuniko tara na!" Sabi niya na nakangiti sa akin habang nakatingin sa akin, ngumiti ako ng pilit tapos sumunod sa kanya sa paglalakad, habang naglalakad ako tinignan ko ulit 'yung kamay ko.
'Yung mga imahe, nangyari ba 'yun, o guni-guni lang?
Bumalik ako sa aking pag-iisip para makita na nasa labas na kami ng palasyo at ang kailangan na lang namin ay ang pagtakas mula sa mga sundalo na nagbabantay sa gate ng palasyo, tinignan ko siya. Tiningnan niya 'yung mga sundalo na nakaharap sa amin at nakatingin sa labas ng gate.
"May plano ka ba?" Tanong ko, tumingin siya sa akin at umiling.
"Wala, hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos," Sabi niya tapos tumingin ulit sa mga sundalo.
"Masyadong matalino ang mga sundalong 'yun at sigurado akong kapag nakita nila ako irereport nila ako kay Ama," Sabi niya kaya tinignan ko 'yung mga sundalo na 'yun, 'yun? Madali lang para sa kanila na makatakas.
"May plano ako," Sabi ko, naramdaman ko 'yung paraan ng pagtingin niya sa akin tinignan ko siya at ngumiti.
"Pupunta tayo sa harap ng sundalo na 'yun at sasabihin mo 'yung totoo na aalis tayo ng palasyo," Sabi ko at nanlaki 'yung mata niya.
"Baliw ka na ba? Kakasabi ko lang na strikto sila at irereport nila ako kay Ama kapag nakita nila ako," Sabi niya, tinignan ko 'yung mga sundalo.
"Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" Tanong ko. "Prinsipe ka, sundalo lang sila. Mas mataas ang katayuan mo sa kanila," Sabi ko at tumingin sa kanya, nakakunot 'yung noo niya.
"Ganto na lang, para mas exciting," Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Kapag pinalabas tayo sa pamamagitan ng pagsabi sa kanila ng paalam, dapat mong sundin 'yung tatlong utos ko, pero kapag ini-report ka nila sa Ama mo. Ang buhay ko ay sa'yo," Sabi ko kaya tumigil siya at tumingin sa akin, ngumiti ako tapos tumingin sa mga nag-aantay.
"Ano? Laro?" Tanong ko.
"Bakit mo pa ibibigay sa akin ang buhay mo?" Tanong niya kaya tinignan ko siya, punong-puno ng pagtataka ang mga mata niya.
"Kasi 'yun ang trabaho ng isang yuniko, 'di ba? Ang paglingkuran ang prinsipe sa buong buhay niya," Sabi ko kaya nawala 'yung pagkakakunot ng noo niya at umiwas siya ng tingin.
"Sige, tara na," Sabi niya tapos nagsimula nang maglakad papunta sa tatlong sundalo na nagbabantay, ngumiti ako habang pinagmamasdan ko siyang lumakad. Talaga namang madali lang manlinlang ng tao.
"Kamahalan, anong ginagawa mo dito? Hindi ba oras na para matulog ka?" Tanong ng lalaking humarang sa akin noong susubukan akong pumasok dito, tumingin siya sa direksyon ko kaya ngumiti ako at agad ginamit ang kapangyarihan ko para makapasok sa isip niya.
"Gusto kong lumabas at pumunta sa bayan," Kinakabahang sabi ni Pavel, nagulat ang dalawang kasama ng lalaki na nasa ilalim ng kapangyarihan ko.
"Pero 'yung--" Hindi natapos ng lalaki ang sasabihin niya nang tiningnan ko ang mga mata niya at pumasok sa isip niya.
Ganoon din ang isa pa, napangisi ako.
"Ngayon, sabihin mo sa amin na mag-ingat kapag lumabas," Sabi ko sa kanila, tumawa ako nang makita kong pumunta sa gilid ang tatlo.
"Mag-ingat ka, Kamahalan, aalagaan ka namin kapag bumalik ka," Sabi ng isang lalaki naramdaman ko na nagulat si Pavel sa sinabi sa kanya ng mga sundalo.
Diretso akong tumingin nang lumingon sa akin si Pavel sa pagkabigla, nagkibit balikat lang ako.
"Tara na," Sabi ko kaya lumabas siya ng gate na naguguluhan, pinanood ko ulit 'yung tatlo.
"Ngayon, isang oras pagkatapos naming umalis, pumunta sa kwarto ng hari at sabihin sa kanya na umalis ng palasyo ang prinsipe," Utos ko sa kanilang tatlo, dahan-dahan silang tumango kaya ngumiti ako tapos sumunod kay Pavel.
Nasasabik ako kapag nalaman ng hari na wala na sa palasyo ang anak nila.