Nakita ni Cynrad ang demonyo
“Pavel, pasok ka na diyan. Gabi na!” Lumingon si Pavel dun sa matandang lalaki na nakatayo sa may gate.
“Teka lang, baka dumating si Ksara, hihintayin ko muna siya.” Narinig kong sabi ni Pavel. Napahawak sa ulo niya si Lolo Gabriel.
“Kanina ka pa diyan, baka sipunin ka pa. Dito ka na sa loob!” Sabi ni Lolo Gabriel kaya napalipat yung tingin ko kay Pavel na nilipat din yung tingin niya pabalik sa daan.
“Mamaya na, hinihintay ko pa si Ksara.” Para bang nangati yung dibdib ko sa tono ng boses ni Pavel, kita ko mula sa kinatatayuan ko na pagod na siya at kinakagat na ng lamok.
Ganoon ba talaga ginagawa niya araw-araw? Hinintay niya ba talaga yung pagdating ko araw-araw simula nung umalis ako?
Huminga ako ng malalim at pumikit, hindi ito yung tamang oras para bumalik ako sa’yo Pavel.
Minulat ko yung mata ko at nakita ko ulit si Pavel na nakaupo sa harapan ng bahay ni Lolo Gabriel at naglalaro ng mga bato.
“Babawi ako, pag naayos ko na yung gulo.” Bulong ko sa sarili ko at ngumiti. Hawak ko yung bracelet na binigay sakin ni Pavel. “Ikaw ang magiging hari, ‘yan ang pangako.” Pagkasabi ko nun, tumalikod na ako.
Tumigil lang ako saglit dito sa lugar kung nasaan yung bahay ng matanda, gusto ko lang makita si Pavel bago ako pumunta sa lugar ni Arae.
Ang lamig ng hangin na umiikot, tahimik at walang gaanong taong naglalakad sa daan. Tanging liwanag lang ng buwan at mga ilaw mula sa mga poste ang nagsilbing liwanag sa mahabang daan na nilalakad ko.
Huminto ako sa paglalakad nang may naramdaman akong sumusunod sakin, nilingon ko yung likod ko at walang tao. Naglakad ulit ako pero ulit ko ulit naramdaman na may sumusunod sakin kaya binilisan ko yung lakad ko at saka lumiko at naging invisible.
Nagsikip yung mata ko nang makita ko yung taong sumusunod sakin na may hawak sa ulo niya, agad akong lumabas kung saan ako nagtatago at saka pumunta sa likod niya at hinasa ko yung kuko ko at saka tinutok sa leeg niya.
“Bakit mo ako sinusundan?” Malamig kong tanong. Nagulat siya at natigilan.
“K…Ksara.” Sumimangot ako at hinarap yung taong sumusunod sakin, nagsikip yung mata ko nang makita ko si Cynrad na sumusunod sakin. Agad niyang tinignan yung kuko ko at saka binalik yung tingin niya sa mukha ko.
“Bakit mo ako sinusundan?” Tanong ko ulit, binaba ko yung kamay ko, napalunok siya at tinignan ako.
“A…Akala kasi namin iniwan mo na kami.” Sabi niya kaya tinignan ko yung mukha niya. “Si Pavel… Malungkot na malungkot kasi akala niya iniwan mo na kami.” Sabi niya, napalunok ako sa sinabi niya. “S-Saan ka pumunta Ksara? Nag-aalala kami sa’yo.” Nung sinabi niya yun, bigla niya akong niyakap na dahilan para magulat ako.
Napalunok ako at ramdam ko yung pag-aalala ni Cynrad sakin, dahan-dahan kong tinanggal yung yakap niya at saka sinubukang ngumiti sa kanya.
“Bumalik ka na doon.” Sabi ko, agad siyang umiling.
“Sumama ka sakin Ksara kung gusto mong bumalik ako doon.” Sabi niya kaya nagsikip yung mata ko. “Babalik lang ako doon kapag kasama kita.” Sabi niya. Huminga ako ng malalim.
“May pupuntahan pa ako.” Sabi ko.
“Sasama ako sa’yo.” Sabi niya na dahilan para sumimangot ako. Anong iniisip ng lalaking ‘to?
“Wala kang kawala, umuwi ka na doon at alagaan mo si Pavel.” Sabi ko.
“Pero ikaw ang dapat na magbantay sa kanya kasi ikaw yung yuniko niya, tara na Ksara. Sigurado akong matutuwa si Pavel kapag nakita ka niya.” Sabi niya at saka hinawakan yung kamay ko at hinila ako pabalik sa bahay ni Lolo Gabriel, marahas kong hinila yung kamay ko at saka kumalma. Kailangan kong kumalma kasi baka mapahamak ko itong si Cynrad.
“May pupuntahan ako, isang bagay na makakatulong kay Pavel para maging hari.” Sabi ko na dahilan para huminto siya.
“Kaya bumalik ka na doon at bantayan mo si Pavel.” Dagdag ko, sinusubukang ngumiti sa kanya. “Babawi ako.” Sabi ko habang nakatalikod.
“Bakit…laging si Pavel yung iniisip mo?” Natigil ako sa sinabi niya. Ano?
“Lagi mo siyang inuuna. Dahil sa kanya kaya ayaw niyang maging hari.” Sabi niya kaya lumingon ako sa kanya, kita ko yung lungkot sa mga mata niya, sumimangot ako dahil hindi ko mabasa yung emosyon at pakiramdam niya.
“Anong pinagsasabi mo? Alam mo namang sinabi lang ni Pavel yung mga salitang ‘yon dahil sa sumpa pero kapag nawala na yung sumpa sigurado akong--”
“Paano mo matatanggal yung sumpa Ksara? Hindi ka naman kasamaan na katulad nung gumawa ng sumpang ‘yon.” Inis niyang sabi kaya tinignan ko lang siya. “Isa ka lang ordinaryong tao na nagsisilbing eunuch ng isang prinsipe.” Dagdag niya na sa pagkakataong ito ay agad kong hinawakan yung kanang kamay niya at hinila siya.
“K-Ksara..” Nagulat niyang sabi, nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang hawak yung kamay niya. “Ksara saan mo ako dadalhin?” Tanong niya na dahilan para huminto ako sa paglalakad at tinignan siya.
“Anong gagawin mo kapag sinabi kong hindi ako tao?” Tatanong ko, nagulat siya sa sinabi ko. “Mapapaniwalaan mo ba Cynrad?” Tanong ko. Agad siyang umiling. Tumawa ako.
“Kung ganoon, sumama ka sakin, ipapakita ko sa’yo kung sino talaga ako.” Sabi ko at nagsimula ng maglakad.
Ramdam ko yung kaba sa dibdib niya. Huminto ako at huminga ng malalim. Mali, hindi ko dapat siya sinama. Sisirain ko lang yung buhay niya at yung sikreto ko.
Lumingon ulit ako sa kanya na nakatingin sakin. Dahan-dahan akong ngumiti at saka dahan-dahang binitawan yung kamay niya.
“Bumalik ka na kay Pavel.” Sabi ko kaya tinignan niya ako. Alam ko kung anong nangyayari sa isip niya, sigurado akong nagtataka siya kung bakit nagbago yung isip ko.
Hindi ko dapat sirain yung buhay niya, hindi ko rin dapat ipaalam yung sikreto ko. Sigurado akong sa huli, matatakot siya sakin at kamumuhian niya ako.
“Ksara…” Mahina niyang tawag.
“Babalik ako, dahil gusto kong makita na koronahan si Pavel.” Nakangiti kong sabi, tinignan niya lang ako. Tinalikuran ko na at nagsimulang maglakad nang tawagin niya ulit ako.
“Sasama ako sa’yo.” Sabi niya kaya napakuyom ako. “Sasama ako dahil gusto kong tumulong. Katulad mo gusto ko rin makitang maging hari si Pavel.” Sabi niya. Huminga ako ng malalim.
Hindi niya naiintindihan, maaari siyang mapahamak kapag sumama siya sakin.
“Pangako, hindi ako magiging pabigat sa’yo. Sasama ako dahil gusto kitang bantayan at siguraduhing makakabalik ka.” Sabi niya kaya lumingon ako sa kanya. Hindi ko kailangan ng tagabantay.
“Hindi mo naiintindihan Cynrad, pinapahamak mo lang yung sarili mo.” Sabi ko. Umiling siya at hinawakan yung kamay ko.
“Please Ksara, gusto kong tumulong. Isama mo ako.” Sabi niya. Tinignan ko yung kamay niya na nakahawak sa akin.
“Kamumuhian mo ako, sa oras na sumama ka.” Mahina kong sabi, agad siyang umiling.
Tumingin ako sa mata niya, walang kahit anong senyales ng pamimilit doon. Siya yung kusang sumama sakin. Tumango ako at inalis yung kamay ko sa kanya.
“Kung gusto mo, sige.” Sabi ko at saka nagsimulang maglakad, pumwesto siya sa linya ko at naglakad rin.
Habang naglalakad kami papuntang gubat ay nanahimik kami, ramdam ko na gusto niya akong kausapin pero ramdam ko rin na nagdadalawang isip siya.
“Ilang araw tayo?” Tanong niya. Nanatili yung tingin ko sa daan.
“Depende kung anong kapalit yung hihilingin niya.” Sagot ko, tinignan niya ako pero agad din niyang ibinalik yung mata niya sa daan.
“Nandito na tayo.” Sabi ko at huminto sa paglalakad.
“Dito?” Tanong niya, tinignan ko siya.
“Akala ko magtatagal tayo?” Tanong niya.
“Simula pa lang ‘to, ngayon gusto kong gawin mo yung sinasabi ko.” Sabi ko at saka tinuro yung malamig na bato.
“Humiga ka diyan at matulog.” Sabi ko na dahilan para sumimangot siya.
“Pinagtatawanan mo ako--”
“Gawin mo na Cynrad, kailangan mong gawin ‘to para makasama mo ako.” Sabi ko, naguluhan siya pero sinunod niya yung sinabi ko.
Humiga siya sa malamig na bato at ipinikit yung mata niya, naghintay ako ng ilang oras para masigurong tulog na siya bago ko kunin yung katawan niya sa isang natagong lugar sa gubat. Nang sigurado na ako na ligtas yung katawan niya, agad kong iniwan yung katawan kong tao. At gaya ng inaasahan ko, sinalubong ako ng nagulat na kaluluwa ni Cynrad habang tinitignan ako.
“K-Ksara….” Nanlaki yung mata niya habang tinitignan ako. Ngumiti ako sa kanya pero lalo siyang natakot at nasindak, sino ba namang hindi sasindak kung ngingitian ka ng isang demonyo?
“Ito yung… Dahilan Cynrad, kaya ayoko kitang isama.” Sabi ko saka napalunok.
“Isa kang--”
“Demonyo.” Pagtutuloy ko sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanya.
Gaya ng inaasahan ko, matatakot siya sakin.