Ang Diyablo
Huminga ako nang malalim habang pinapanood ang mga kaluluwa ng mga nagkasala.
"Sige na, sindihan niyo na ang apoy," utos ko sa mga kasama ko, sumunod naman sila at agad na nilakihan ang apoy, kaya lalong lumakas ang ingay sa paligid dahil sa pagdaing ng mga tao roon.
"Prinsesa Ksara, tinatawag ka ng iyong ama." Naiinis na tinignan ko ang tumatawag sa akin, huminga ako nang malalim tapos ay kinuha ang buntot ng dragon na nasa tabi ko.
"Sige, papunta na ako." Mahinhing sabi ko tapos ibinaba ko ang buntot at mga paa ko, nagsimula na akong lumabas ng kwarto na ito habang ang buntot na hawak ko ay pinapalo sa mga taong malapit sa akin.
Huminga ako ng maluwag nang mawala na sa pandinig ko ang ingay nila, nakakabingi.
Umakyat ako sa kwarto ni Ama habang inaayos ko ang buntot ng dragon na hawak ko.
Dalawa sa mga tauhan ni Ama ang nagbukas ng pinto niya, at mula sa labas naamoy ko ang mabahong amoy ni Ina na may kasamang kapatid ko. Nagulat ako nang makita silang tatlo na nakatingin sa akin.
"Tinatawag mo ba ako?" tanong ko at umupo sa bakanteng upuan dito sa harap ni Ama.
Ngumiti si Ama tapos ay ipinakita sa akin ang isang kaluluwa na lumalabas sa katawan niya.
"Hindi ba maganda?" Tanong sa akin ng aking Ama, tinignan ko lang siya at hinintay kung ano pa ang sasabihin niya.
"Masyado kang seryoso Ksara." Sabi ni Ina na tumatawa habang nakaupo sa isang kaluluwang walang mata.
"Kailan ba hindi naging seryoso si Ksara?" Tanong ni Alada, kapatid ko. Tumingin siya sa kanyang salamin habang pinapatulis ang kanyang mahabang sungay. Huminga ako ng malalim tapos ay naglaro sa buntot na hawak ko.
"Magpaparusa ako ng mga tao, sinasayang mo ang oras ko," sabi ko at tumayo.
"Iwan mo kay Alada na parusahan ang mga tao." Sabi ni Ama kaya tinignan ko si Alada na walang sinasabi sa kanya.
"At bakit?" tanong ko, ngumiti si Ama at pumalakpak ang kanyang kamay para magkaroon siya ng papel sa kanyang kaliwang kamay.
"Bagong misyon para sa prinsesa," sabi ni Ama na nakangiti at binato sa harap ko ang papel na hawak niya, agad ko itong sinalo at tinignan.
Larawan ng lalaki. Tumingin ako kay Ama.
"Ilang beses na ba akong mamamatay?" Tanong ko, at tumawa silang dalawa sa sinabi ko.
"Matagal nang mamamatay 'yan Ksara, excited ka na," sabi ni Mama habang tumatawa. Napakurap ako.
"Misyon mo na gawing masama ang lalaking iyan," sabi ni Ama kaya tumingin ako ulit sa larawan tapos ay tumawa.
'Trabaho ko ang magbigay ng karma at parusahan ang mga kaluluwang pumatay ng tao," sabi ko at tinignan sila.
"Wala ka nang magagawa, misyon mo 'yan kailangan mong tapusin kung hindi ..." Tumigil sa pagpapatulis ng sungay niya si Alada. Tumingin siya sa akin tapos ay ngumiti.
"... Magiging katulad ka ni Avila." Dagdag niya, kaming mga nilalang na katulad namin ay kailangang gawin o tapusin ang isang misyon. Sa oras na hindi namin 'yan natapos, mawawala kami sa mundong ito.
Huminga ako nang malalim.
"Para bang kaya ko pa," sabi ko tapos ay itinago ko ang larawan ng lalaking naatas sa akin.
"Sabi mo, gawing masama ang lalaking 'yan, hindi mo sinabing hindi ako pwedeng makipaglaro sa kanya," sabi ko tumawa silang tatlo.
"Bahala ka na, basta gawin mo siyang masama at kapag nagawa mo na, pwede ka nang bumalik dito at gawin ang mga trabaho mo." Sabi ni Ama kaya tumalikod ako.
"By the way, palitan mo ang itsura mo." Huminto ako sa paglalakad at tinignan si Alada.
"Mga tao, masyado silang sensitibo sa kanilang nakikita. Palitan mo ang balat mo ng puti at bawasan mo ang mga sungay mo, subukan mo ring tanggalin ang iyong mga pangil at buntot, hindi katanggap-tanggap ang mga 'yan sa mundo nila." Sabi niya habang nakatingin sa salamin at pinapatulis ang sungay niya.
Tumalikod ulit ako at nagsimulang lumabas ng kwarto.
"Babalik ako, agad-agad," sabi ko, narinig ko pa ang tawa nila pero hindi ko na pinansin.
Mula sa itsura ng lalaki, madali lang siyang turuan ng masamang bagay. Basic lang ang misyon na 'to.
Siguro bukas babalik na ako agad dito.