Pulseras
“Ang gaganda ng mga palamuting ‘to!” sabi ni Pavel na parang bata habang hawak-hawak ang mga kabibi na iba-iba ang kulay. Sinundan ko lang siya habang naglilibot siya sa palengke.
Ewan ko ba sa lalaking ‘to kung bakit gusto niya ng mga makukulay na bagay, nakakasakit sa mata, sa totoo lang.
At hanggang ngayon, galit pa rin ako dahil hindi gumana ‘yung plano ko kanina.
Mali ako, mukhang matatagalan ako sa misyon na ‘to.
Hindi madaling gawing masama ang lalaking ‘to. Nakakainis.
“Yuniko, tingnan mo ‘to.” Humarap siya sa akin at biglang hinawakan ang kamay ko dahilan para makakita na naman ako ng mga imahe, nagulat ako nang lagyan niya ako ng pulseras.
Sumimangot ako habang nakatingin sa kanya na nakangiti at tumingin sa itim na pulseras na nilagay niya sa kaliwang kamay ko, may hugis puso na asul sa gitna, maliit at nag-iisa.
“Ang ganda, tingnan mo rin ‘to,” sabi niya at itinaas ang kanang kamay niya, parehas sa pulseras na isinuot niya sa akin.
Unti-unting nawala ang mga kulubot sa noo ko, at ngumiti siya at tumingin sa akin.
“‘Yun, simbolo ‘yon ng pagkakaibigan natin,” sabi niya tapos binitawan niya ang kamay ko.
Tiningnan ko ‘yung pulseras. Simbolo?
“Simula ngayon, hindi na lang kita ituturing na estranghero, magiging kaibigan na kita,” sabi niya nang nakangiti kaya napatingala ako sa nakangiti niyang mukha.
Natigilan ako sa sinabi niya, tiningnan ko lang siya, hindi ma-process ng utak ko ‘yung sinabi niya. Bumalik siya sa pamimili ng mga bagay sa harapan niya.
“Simula ngayon, hindi na lang kita ituturing na estranghero, magiging kaibigan na kita,” kaibigan
Hindi ko inalis ang tingin ko sa likod ni Pavel na masayang tumitingin sa mga dekorasyon. Ito ang unang beses na may nagbigay sa akin ng maliit at simpleng bagay.
Tiningnan ko ‘yung pulseras na binigay niya sa akin. At ito rin ang unang beses na may nagsabi sa akin na kaibigan ako.
Tumingin ulit ako sa taong ‘yon. Bakit ka ganyan? Bakit ka kumikilos nang ganyan? Hindi ako natutuwa dahil masyado kang mabait at masyadong mapagbigay. Hindi ako masaya dahil lalo mo lang pinapahirap ang misyon ko.
Ang taong ‘to…
Yumuko ako at huminga ng malalim.
..may kakaiba sa kanya na hindi ko maintindihan kung ano.
“Yuniko, tara na.” Nag-aalalang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin sa saleswoman.
Nilapitan ko siya.
“Pasensya na.” Narinig ko ang sinabi ni Pavel kaya napatingin ako sa babaeng kaharap namin na mukhang galit.
“Ikaw lalaki ka, hindi libre ang mga nandito. Lahat may bayad, naiintindihan mo ba? Binuksan mo agad ang mga paninda ko tapos hindi ka pa nagbabayad.” Sabi nung babae kaya napatingin ako kay Pavel na nakayuko.
Sumimangot ako.
Bakit niya hinahayaan na ganunin siya ng babaeng ‘to? Siya ang prinsipe kaya dapat galit siya dahil hindi siya nirerespeto ng taong kaharap niya.
Nalungkot ako, nakalimutan ko na natatakpan ang kalahati ng mukha niya para hindi siya makilala.
Tiningnan ko ang galit na babae.
“Yuniko, may ginto ka ba? Hindi ko alam na may bayad pala ang mga paninda dito,” sabi niya tapos tinuro niya ‘yung pulseras ko at ang pulseras niya.
“Dalawang maliliit na piraso ng ginto ay katumbas ng dalawang ‘to, at ‘yung isa pa,” sabi niya tapos pinakita niya ‘yung mga kinuha niya. Pagod na ako.
“Bakit mo kinuha ‘to kung wala ka namang ginto?” tanong ko, tumawa lang siya at nagkibit-balikat.
“Hindi ko kasi ine-expect na mai-inlove ako sa mga bagay dito,” sabi niya nang nakasimangot.
“Pahiram muna ako ng ginto, ibabalik ko na lang sa ‘yo mamaya,” sabi niya. Napangisi ako sa loob-loob ko.
May maganda akong plano.
Tiningnan ko ‘yung babae.
“Kakausapin ko lang siya,” sabi ko tapos inakbayan ko si Pavel at tinalikuran ko ‘yung babae.
“Makining ka,” sabi ko tapos dumikit ako sa kanya.
“Wala rin akong ginto,” bulong ko kaya nagulat siya at napatingin sa akin.
“Aba, paano ‘yun?” tanong niya. Ngumiti ako sa kanya.
“May naisip ako,” sabi ko tapos lumapit pa ako sa kanya.
“Kapag hindi na nakatingin ‘yung babae sa atin, aalis tayo kasama ‘yung mga bagay na kinuha mo,” sabi ko kaya natigilan siya at tumingin sa akin.
“Pangit ‘yun,” sabi niya kaya napapamaang ako.
“Oo, alam ko, pero wala ka namang ginto ‘di ba? Maraming tao dito na puwedeng kunin ang mga binili mo kung iiwan natin.” Sabi ko na mas lalong nagpakunot ng noo niya.
“Pero masama pa rin ‘yun, Yuniko,” sabi niya tapos lumayo siya sa akin.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga kamay niya.
“Magaganda sila, pero mali na kunin natin ‘to nang hindi nagbabayad.” Sabi niya na nagpakulo ng dugo ko.
“Minsan lang naman, minsan lang. Tapos prinsipe ka naman, lahat ng gusto mo masusunod.” Sabi ko at agad siyang umiling.
“Oo, prinsipe ako, pero hindi tama na lokohin ko ang mga tao ko.” Ipinikit ko ang mga mata ko sa inis.
“Pasensya na Yuniko, pero kailangan nating ibalik ‘yung pulseras ko, pati na rin ang pulseras na binigay ko sa ‘yo,” sabi niya at tumingin sa babae, yumuko ako sa palad ko dahil sa galit.
Pipiliin niyang humingi ng tawad sa babaeng ‘yon?! Prinsipe siya! Lahat ng gusto niya puwede niyang makuha!
Tinitigan ko si Pavel na nakikipag-usap sa babae at ibinabalik ang lahat ng kinuha niya. Gusto kong sakalin ang leeg niya sa sobrang inis.
Tumigil ako at tiningnan ko ‘yung pulseras na binigay niya sa akin.
Ibig sabihin ibabalik din namin ‘to? Hindi, ayoko. Binigay na ito sa akin ni Pavel at kapag naibigay na sa akin, hindi na pwedeng bawiin.
Nanlisik ang mata ko tapos ipinagkrus ko ang mga braso ko, hindi ko ‘to ibabalik.
Nakita kong tapos nang kausapin ni Pavel ang babae na inis na dahil ibinalik niya ‘yung mga paninda niya.
Tumingin sa akin si Pavel at malungkot na ngumiti.
“Tanggalin mo na Yuniko, ibalik mo na sa babae, hihintayin kita diyan.” Nalulungkot siya at nilagpasan ako. Nagulat ako sa ginawa niya kaya lumingon ako sa kanya at pinanood ko siyang lumayo sa akin.
Ano ba ‘yung nararamdaman ko? Bakit parang naaawa ako sa kanya?
Demonyo ako at ang mga prinsesa na katulad ko ay walang awa sa mga tao.
“Hoy ikaw, tanggalin mo ‘yan.” Biglang kumukulo ‘yung dugo ko nang marinig ko ang boses ng babae na nagpapatakbo ng tindahan sa likod ko.
Agad kong kinuyom ang kamao ko at ngumisi.
Dahan-dahan akong humarap sa babae sa likod ko, nakakunot ang noo niya at inis na inis.
“Tanggalin mo.” Sabi niya na nagpangiti sa akin.
“Wala kang karapatang utusan ako,” sabi ko nang nakangiti, lalo siyang nagalit.
“Aba, baliw ka, wala ka ngang pambayad kaya–” Ibinagsak ko ‘yung limang piraso ng ginto sa mesa niya, nagulat siya sa ginawa ko at dahan-dahang nawala ang simangot niya at ngumiti siya sa akin.
“Madali kayong kausap.” Sabi niya at inabot niya sa akin ‘yung mga bagay na ibinalik ni Pavel sa kanya kanina.
Tumingin ako sa mga mata niya at ngumiti.
“Magkikita tayo sa impyerno,” sabi ko tapos tinalikuran ko siya dala-dala ang mga bagay na gusto ni Pavel.
Nagpakawala ako ng ngiti na parang tanga. Tingnan natin kung hindi ka mamatay dahil sa ginto na ibinigay ko sa ‘yo.
Ang mga gintong ‘yon ay may sumpa. Sinumang humawak nito maliban sa akin ay mamamatay, lahat ng mga insekto ay dahan-dahang lalabas sa katawan niya. At ‘yun ang magiging dahilan ng pagkamatay niya.
Ako ang prinsesa ng impyerno at walang sinuman ang puwedeng mag-utos sa akin. Ako ang batas at ang kamatayan,