Bumalik sa Nakaraang Buhay
Nagmulat ako ng mata, isang di-pamilyar na kulay ng kisame ang una kong nakita, kasunod ang nag-aalalang mukha ni Cynrad.
"Karma, buti nagising ka na. Anong ginawa mo at nawalan ka ng malay?" nag-aalalang tanong niya, hindi ako sumagot kasi may mali sa sinabi niya.
"Pinapagalitan mo si Cynrad, bakit ka biglang umakyat sa sirang hagdanan?" Napatingin ako sa nagsalita, si Pavel. Kumunot ang noo ko, pinag-alala ko si Cynrad? teka ano--
"Karma, 'wag mo nang uulitin 'yung ginawa mo. Hindi ka dapat umaakyat sa sirang hagdanan, buti na lang nakita ka nina Pavel at Bael," sabi ni Cynrad tapos niyakap ako, nanatili ang tingin ko kay Pavel na umiwas ng tingin. Anong nangyayari? Bakit Karma ang tawag nila sa akin? Bakit nag-aalala si Cynrad? Bakit ako nahulog sa hagdan? Nasaan si Abiah? nasaan ang pamilya ni Abiah? ang alam ko lang nasa bahay nila ako at--
"Karma, naiintindihan mo ba ang sinabi ko?" nag-aalalang tanong ni Cynrad, tinignan ko lang siya tapos tinignan ko si Pavel na umiwas na naman ng tingin.
"Tigilan mo 'yang kaartehan mo Cynrad, hindi bagay sa'yo," sabi ko na ikinagulat nilang tatlo.
"A-anong sabi mo?" nagulat na tanong ni Cynrad, tinignan ko si Pavel tapos ngumiti.
"Pavel, anong nangyari sa kaibigan mo?" tanong ko pero pati siya nagulat sa ginawa ko.
"Karma, epekto ba 'yan ng pagkakabasag ng ulo mo?" kinakabahang tanong ni Pavel, natawa ako.
"Hindi basag ang ulo ko Pavel, nasaan si Abiah?" tanong ko, natahimik sila tapos naguguluhan akong tinignan.
"Karma ano ba ang --"
"Bakit Karma ang tawag niyo sa akin?" inis kong sabi tapos natigilan ako nang marealize ko kung ano ang nangyayari, lumingon ako sa paligid at napagtantong hindi ganito ang estilo ng mga kwarto sa palasyo, para itong lumang bersyon ng mga kwarto sa palasyo.
Bumalik ba ako sa dati kong buhay? Pero bakit?
"K-kasi Karma ang pangalan mo?" sagot sa akin ng tanong ni Bael kaya napatingin ako sa kanya, ngayon ko lang napagtanto na iba ang estilo ng mga damit nila, hindi ito 'yung modernong damit na madalas kong makita kay Pavel. Masyado silang pormal.
"Bakit ka nag-aalala sa akin?" bigla kong tanong kay Cynrad. "Si Pavel dapat ang nag-aalala sa akin, hindi ikaw," sabi ko na ikinagulat ni Bael, napatingin ako kay Pavel na umiwas ng tingin.
"Anong pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Cynrad.
"Normal lang na mag-alala sa'yo si Cynrad na ganyan Karma, nakalimutan mo na ba na boyfriend mo si Cynrad?" napatingin ako kay Pavel, bigla siyang umiwas ng tingin. Natigilan ako sa sinabi ni Pavel.
Boyfriend ko si Cynrad? Sinasabi sa akin ni Lolo Gabriel na may relasyon kami ni Pavel sa nakaraan namin? Bakit ngayon sinasabi na boyfriend ko si Cynrad?
"Ganun ba?" mahina kong tanong tapos tinignan ko si Cynrad na naguguluhan sa ginagawa ko.
"Pasensya na, baka epekto lang ng pagkakabasag ng ulo ko," pagsisinungaling ko tapos tinignan ko ulit si Pavel na hindi ako kayang tingnan, ramdam ko at naaamoy ko ang lungkot at selos na dumadaloy sa katawan niya, tinignan ko si Cynrad.
"Pwedeng iwanan mo muna kami ni Pavel? Kakausapin ko lang siya," sabi ko kaya napatingin sa akin si Pavel, ngumiti sa akin ng konti si Cynrad tapos tumango.
"Mauna na kami ng kapatid ko," sabi ni Cynrad tapos sinenyasan niya si Bael na sumunod sa kanya, iniwanan nila kami ni Pavel dito sa loob ng lumang kwarto. Ngumiti siya tapos umupo sa maliit na upuan sa harap ng kama ko tapos tinignan ako.
"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong niya. Tinignan ko siya, paano ko ba ieexplain 'yung nangyari?
"May sasabihin ka ba?" tanong niya, huminga ako ng malalim tapos umiling.
"Nakalimutan ko," sabi ko, nakita ko siyang ngumiti sa akin, ngiting may halong lungkot.
"Magpapakasal na kayo ni Cynrad, anong plano mo?" seryoso ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya.
"A-anong?" tanong ko, kumunot ang noo niya.
"Nakalimutan mo rin ba 'yun?" tanong niya, dahan-dahan akong tumango.
"Sumang-ayon ang ama mo at ama ni Cynrad na iaayos ang kasal mo kay Cynrad sa paglubog ng araw sa susunod na full moon," sabi niya, nanatili ang tingin ko sa kanya.
"Okay lang sa akin," mahina niyang sabi tapos yumuko. "Basta alam kong nasa mabuting kamay ka, masaya na ako," nag-init agad ang sulok ng mata ko dahil sa sinabi niya.
"A-anong nangyari sa aming dalawa?" kinakabahan kong tanong kaya napatingin siya sa akin, nakita ko ang mga luha niya, bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya tapos lumapit sa akin tapos marahas niya akong hinalikan. Agad kong ipinikit ang mata ko at tinugunan ang masuyong halik niya, sa bawat paglapat nito sa labi ko ay nararamdaman ko ang lungkot at sakit mula sa puso niya.
Anong nangyari Pavel? Bakit ka malungkot?
"Anong nangyari sa ating dalawa Karma?" tanong niya habang dinidikit ang noo niya sa akin, nanatiling nakapikit ang mata ko.
"Masaya tayo, pero bakit kailangang humantong sa punto na kailangan nating maghiwalay dahil sa gusto ng mga magulang natin?" tanong niya, ramdam ko ang sakit sa mga salita niya. Dinilat ko ang mata ko at pinunasan ang mga luhang tumulo sa mata niya. Naiintindihan ko ang nangyari.
Bumalik ako sa dati kong buhay, sa panahon na nagkasundo na sila Karma at Cynrad na magpakasal, sa panahon na nasasaktan si Pavel dahil nag-break na sila ni Karma, sa panahon na magkakasundo na si Karma sa demonyo.
Nakikita ko ang mga paningin na ito sa tuwing nagkakalapat ang balat namin ni Pavel, isa ito sa mga paningin na nakikita at naririnig ko.
bago maglubog ang araw ngayon, ipapatawag ng ikalabinlimang hari ang demonyo at kakausapin niya ito. Tumingin ako sa bintana at nakita kong mag-aalas-siete na, isa na namang paningin ang magaganap na nakikita ko sa tuwing nagkakalapat ang balat namin ni Pavel.
Binalikan ko ang tingin kay Pavel at hinalikan ko ulit siya.
"Tumakas tayo," sabay naming sabi sa isa't isa, napatingin siya sa bibig ko na nagpatawa sa akin. 'Yun 'yung isa sa mga sinabi ni Pavel nang makita ko sa paningin ko. Hinawakan ulit ako ng halik ni Pavel, pero sa pagkakataong ito, halik na malambot at romatiko, walang lungkot, puro pagmamahal.
tinulungan ako ni Pavel na tumayo, sabay kaming lumabas sa kwartong pinagmulatan ko. Dahan-dahan kaming bumaba sa mahabang hagdanan ng palasyo at naglakad papunta sa labas ng palasyo, pero bago pa man tumapak ang mga paa ko sa labas ng palasyo ay bigla akong natigil dahil sa sakit na naramdaman ko mula sa loob ng katawan ko.
"Karma, anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Pavel habang hawak-hawak ang kamay ko. Umupo ako sa sakit at sinubukang magsalita pero walang lumabas na boses mula sa bibig ko.
"Karma!" sigaw ni Pavel, hinawakan ko ang mukha niya at umubo ng dugo.
"Karma, please, anong nangyayari sa'yo," malungkot kong tinignan si Pavel, nangyari na. Nakausap na ng ikalabinlimang hari ang demonyo na kukuha sa akin.
Ipinikit ko ang mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, minulat ko ulit ang mata ko para makita si Pavel pero ibang nilalang ang nakita ko, wala na si Pavel sa harapan ko. Kundi si Zagreus, ang demonyo na nakausap ng ikalabinlimang hari at itinuturing ko bilang kapatid.
"Pwede natin siyang gawing pagkain ni Izaac." nagpakita si Alada sa likod niya habang nakatingin sa akin, ibang lugar na naman, nasa impyerno kami kung saan nasa kwarto kami ni Zagreus.
"Hindi, gagawin ko siyang asawa," malamig na sabi ni Zagreus.
"Tss, nagbibiro ka ba? 'Di ba ako ang gusto mong pakasalan?" mapait na tanong ni Alada kay Zagreus.
"Magkapatid tayo Alada," malamig na sabi ni Zagreus.
"Gawin na lang natin siyang isa sa mga kapatid natin, hindi mo siya pwedeng gawing asawa Zagreus, mahina siya at walang silbi sa atin," sabi ni Alada tapos hinawakan ang dibdib ni Zagreus.
"Sa akin ka lang Zagreus, sa akin ka lang," tinulak siya ni Zagreus palayo sa kanya tapos tinignan niya ako.
"Ksara." banggit ni Zagreus habang nakatingin sa akin. "Tatawagin natin siyang Ksara, painumin mo siya ng dugo ng aming ina at ama para maging isa siya sa aming mga kapatid," sabi ni Zagreus kay Alada. Napangisi si Alada.
"Rinig mo 'yun Zagreus? may tumatawag sa akin kaya gawin mo 'yung sinabi mo," sabi ni Alada.
"Pavel." bulong ko na ikinatigin sa akin ni Zagreus.
"Matulog ka na ulit." Pagkasabi niya 'nun ay nagdilim ang paligid, para akong nasa kadiliman, kadiliman lang ang nakikita ko maliban sa liwanag sa gitna.
Lumapit ako sa liwanag na 'yun tapos luminga-linga.
"Nagmamakaawa ako." natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Pavel, biglang nagbago ang lugar na kinatatayuan ko. Para akong nanonood ng palabas kasi sa nakikita ko, nasa harapan ni Pavel si Alada habang nakaluhod si Pavel sa harapan ni Alada.
"Alisin mo ang kasunduan, gagawin ko ang lahat para lang bumalik sa akin si Karma, please," umiyak si Pavel kay Alada, lalapitan ko na sana si Pavel nang biglang may pumigil sa akin kasi para bang may salamin na nakaharang sa mukha ko kaya hindi ako makapunta kay Pavel.
"Pavel 'wag!" sigaw ko pero parang hindi niya ako naririnig.
"Gusto mong alisin ko ang kasunduan sa pagitan ng kapatid ko at ng ama ng babaeng nagngangalang Karma?" tanong ni Alada kay Pavel.
"G-gagawin ko ang lahat, bumalik ka lang sa akin Karma," sabi ni Pavel, umiling ako.
"Kahit ano?" mapang-asar na tanong ni Alada kay Pavel. "Bakit mo pa gustong balikan 'yung Karma na 'yun eh ang dami namang ibang babae diyan?" natatawang tanong ni Alada.
"Kasi mahal ko 'yung babaeng 'yun," umiiyak na sabi ni Pavel. Napataas ang kilay ni Alada dahil sa sinabi ni Paavel.
"Siya ang gusto kong makasama habang buhay, siya ang gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko, siya ang gusto kong makasama sa ilalim ng iisang bubong at siya ang gusto kong hintayin sa harap ng altar, kaya please nagmamakaawa ako, isauli mo siya," sabi ni Pavel kay Alada, tinignan ko si Alada na tumawa.
"Kung ganun ay kailangan mong pumatay," sabi ni Alada kaya napatingin ako kay Pavel na nakatingin kay Alada.
"Pumatay ka ng dalawang tao Pavel, kapalit ng buhay ng babaeng gusto mo," sabi ni Alada, napailing ako.
"'Wag Pavel, 'wag kang makinig sa kanya," sabi ko, dahan-dahang tumayo si Pavel habang may kakaibang aura.
"Buhay ng iba kapalit ng buhay ng babaeng mahal ko?" tanong ni Pavel kay Alada.
"Hindi madali ang gusto mo, lalaki. Buhay para sa buhay," sabi ni Alada.
"Kung ganun, babalik ako rito kapag nakapatay na ako ng tao," mahinang sabi ni Pavel na ikinalaki ng mata ko.
Hindi, 'wag. TIGILAN MO PAVEL! Gusto ko siyang hilahin palayo sa harapan ni Alada pero may pumipigil sa akin. Hindi dapat pumatay si Pavel ng tao. Dahil madudungisan ang pangalan niya.
```