Umalis ako para sa wala
Tahimik akong nakaupo, naghihintay na magising si Cynrad. Isang oras na rin ang nakalipas simula nang bumalik tayo sa mundo ng mga tao. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kalangitan na kumikinang sa dami ng bituin.
Bigo ako. Hindi ako nagtagumpay na makausap si Arae, hindi ko rin natulungan si Pavel.
"Hindi ko dapat siya nilabanan." Bulong ko sa sarili ko. Umiling ako. Ginawa ko naman ang tama, masyado siyang mataas sa sarili niya, hindi dahil isa siyang makapangyarihang nilalang ay hindi ko na siya lalabanan. Ksara pa rin ako, isa sa mga prinsesa ng underworld at may hawak ng ikaapat na sirkulo.
Yumuko ako, mapamusong na Arae. Nawa'y magdusa siya sa kanyang yungib.
Pero ano? Anong sasabihin ko kay Pavel pagbalik natin sa kanila? Excited ako para sa kanya pero ayoko siyang biguin. Wala man lang akong nagawa para maalis ang sumpa kay Winsoul at maging hari siya.
"Naging pabigat ako." Bulong ko sa sarili ko at napalunok. Muli akong tumitig sa kalangitan. Kung pwede lang sana humingi ng tulong sa itaas. Pero bahagya, sigurado akong pagtatawanan lang nila ako at tulad ni Arae, malamang titingnan lang nila ako pababa.
Kabaliwan ang humingi ng tulong sa mga kaaway.
Isang Demonyo? Hihingi ng tulong sa isang anghel? Isang kahibangan.
"Kung pwede lang sana gumawa ng sumpa na pwedeng tanggalin ang sumpa na ginawa ni Alada." Bulong ko. Ayoko umabot sa puntong luluhod ako sa harap ng mapamusong kong kapatid para lang mawala ang sumpa na kanyang inilagay.
Gusto kong maging hari si Pavel at mamuno sa winsoul, ang misyon na nakaatang sa akin? Hindi ko alam kung gagawin ko 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit 'yon ang misyon ko, ang gawing masama si Pavel. Pagdating ng panahon na maging hari si Pavel, babalik ako sa kung saan ako nababagay at aalamin ko kung anong ginawa nila sa kaluluwa ko para gawin akong demonyo.
Pagkatapos no'n balak kong... Makipagkasundo kay ama para magawa niya akong tao at para makasama ko si Pavel.
Napangiti ako sa aking mga iniisip. Magpapatuloy kaming mahalin ang isa't isa sa aming mga nakaraang buhay.
"Isinusumpa ko Karma, hindi ka magiging masaya at hindi ka makakasama sa lalaking gusto mo!"
Natigilan ako nang maalala ko ang huling mga salita na sinabi ni Arae bago kami lumabas sa portal. Isang sumpa.
"Umiiyak ka." Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Cynrad sa aking tabi. Gising na siya at nakatingin sa akin. Agad kong pinunasan ang aking luha nang sabihin niyang umiiyak ako. Nginitian ko siya nang lumapit siya sa akin.
"Sorry, hindi ko kasi napigilan na hindi--" Natigil ako nang bigla niya akong niyakap. Nanlaki ang aking mata dahil sa ginawa niya, nanigas ang aking katawan dahil sa kanyang bilis.
"Sorry, kung nakaharang ako." Bulong niya. Ako ang lumayo sa yakap. Tiningnan ko siya at umiling.
"Hindi mo kasalanan." Sabi ko at nginitian siya. Nakatitig lang siya sa akin kaya naman tumayo ako sa aking kinauupuan.
"Tara na, bumalik na tayo kay Pavel." Sabi ko at tinalikuran siya. Ayoko maging awkward ang aming atmosphere.
"Hindi natin nakumbinsi ang nilalang na 'yon." Sabi niya habang naglalakad kami, huminto siya sa aking linya at tumingin sa harapan.
"Masyadong mayabang." Sabi ko at huminga ng malalim. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Pavel." Bulong ko. Naramdaman ko ang kanyang pagtingin sa akin.
"Hindi mo kailangan sabihin ang kahit ano Ksara, hindi ka niya inutusan na gumawa ng paraan para maging hari siya." Sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Pero gusto ko siyang maging hari, gusto kong bumawi sa kanya." Sabi ko, nakita ko siyang ngumiti. Isang ngiti na halatang pilit.
"Pinapahamak mo lang ang sarili mo, sa tingin mo ba matutuwa si Pavel kung may masamang mangyari sa'yo?" Tanong niya, napatingin ako sa daan at hindi sumagot. Tama siya.
"May ibang paraan pa siguro para matanggal ang sumpa." Dagdag niya, bigla kaming natahimik. Tanging hangin lang na humahampas at ingay ng mga insekto ang naririnig.
Nawa'y may ibang paraan, kung ano man ang paraang 'yon gagawin ko, basta maging hari si Pavel.
Naglakad kami ng tahimik, siya lang ang magsasalita kapag kinakailangan samantalang ako ay tahimik na nag-iisip kung may ibang paraan pa para matanggal ang sumpa.
Hanggang sa nasa tapat na kami ng kanilang bahay, bigla kong naramdaman ang isang pakiramdam at emosyon na hindi ko maintindihan, bigla akong hindi mapakali sa mga dahilan na hindi ko alam.
"Sigurado akong matutuwa siya." Sabi ni Cynrad kaya naman napatingin ako sa kanya, nakatingin siya sa pintuan ng bahay ng matandang lalaki pero halatang nag-aalangan pumasok. Nagsimula akong humakbang papasok at pinihit ang doorknob.
Pagkabukas ng pinto, agad kong nakita ang Lolo Gabriel na nakikipag-usap kay Bael at sa Ginang Banal.
"Anong wala sa kanya?" Naguguluhang tanong ni Gabriel.
"Hindi ko alam pero--" Natigil sa pagsasalita si Bael nang mahagip ng kanyang mata ang aming direksyon. Nagkatinginan kaming dalawa kaya naman nanlaki ang mata ng Ginang Banal at mabilis akong nilapitan.
"Ksara! Mabuti at narito ka na! Ilang araw ka na naming hinahanap at ilang araw ka na rin niyang hinihintay!" Sabi ng Ginang Banal habang niyayakap ako.
Walang nagbago sa aking reaksyon. Nanatili akong tahimik at naghanap ng tanging lalaki na gusto kong makita.
"Nasaan si Pavel?" Tanong ko na naging dahilan ng pagtigil ng Ginang Banal at ni Gabriel. Tiningnan ko silang tatlo na para bang naghihintay ako ng kanilang sagot.
"Lumabas lang siya kanina." Sabi ni Bael pero naamoy ko ang amoy ng kanyang pagsisinungaling. Kinunot ko ang aking noo.
"Nasaan si Pavel?" Matigas kong tanong kaya naman napatingin ang Ginang Banal kay Bael saka muling lumingon sa akin.
"Biglang nawala si Pavel, kanina lang nasa tapat siya ng bahay naghihintay sa'yo pero pagdating ng oras para papasukin siya ay wala na siya." Sabi ng Ginang Banal kaya naman natigilan ako. Agad kong pinatalas ang aking pang-amoy at sinubukang amuyin si Pavel.
Nang gumanda ang amoy sa labas.
Agad akong tumalikod at lumabas ng bahay ng matandang lalaki, narinig ko pang tinatawag ako ni Cynrad pero hindi ko siya pinansin. Sinundan ko lang ang amoy ni Pavel.
Habang sinusundan ko 'yon bigla akong nakaramdam ng takot, ngayon ko lang naramdaman 'yon pero palagi ko 'yon nakikita sa mga tao. Ngayon, nangyayari na sa akin. Natatakot ako na baka may masamang mangyari kay Pavel, na baka may kumuha sa kanya.
Pero nawala lahat ng aking takot, tumigil din ako sa paglalakad at nakahinga ng maluwag nang makita ko siyang nakaupo sa ilalim ng poste at naglalaro ng bato, parang may hinihintay siya at palaging nakatingin sa kabilang direksyon. Dito sa daan na 'to ko nahuli si Cynrad na nakasunod sa akin.
Anong ginagawa niya rito?
Nakita ko siyang huminga ng malalim saka muling naglaro sa bato. Pinanood ko lang siya mula sa aking kinatatayuan.
Gaano na siya katagal nando'n?
"Babalik din siya." Narinig ko siyang sabi at muli ko siyang nakitang sumulyap sa daan. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto, nanatili lang ako sa aking kinatatayuan at pinanood siya.
Nakita ko siyang tumayo at binitawan ang bato na kanyang nilalaro. Pumunta siya sa gitna ng daan at tumingin sa daan.
"Saan ka galing Ksara?" Narinig ko siyang tanong. Humarap siya sa aking direksyon habang nakayuko, nilagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa at nagsimulang maglakad habang nakayuko.
Grabe ka, sa tingin niya? Baka matalisod siya kung hindi siya mag-iingat sa kanyang paglalakad.
Hanggang sa nabangga niya ako, agad kong sinamantala ang pagkakataon para hilahin siya at yakapin. Naramdaman ko ang kanyang pagkabigla sa aking ginawa.
"A-ano-- Ksara?" Nagulat niyang tanong pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.
"Shh, huwag ka munang gagalaw." Sabi ko at ipinikit ang aking mata habang yakap siya. Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan at ang kanyang kakaibang emosyon.
"N-nandito ka na." Sabi niya at niyakap din ako pabalik. Do'n na nagsimulang tumulo ang aking luha, ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Araw-araw naghihintay si Pavel na dumating ako pero wala man lang akong ginawang maganda o masasabing maganda para sa kanya. Umasa ako sa wala.