Kabanata 10
Hindi ako umiyak dahil sa palpak kong relasyon kay Richard, ang nagpagalit sa akin ay niloko niya ako, kaya napaisip ako kung grabe ba ako sa kama. Tuwing nagtatalik kami ni Richard, lagi siyang naa-orgasm, kaya alam kong wala akong ginagawang mali, pero hindi pa rin nasagot ang tanong ko. Bakit naman siya nang-churva?
Pagpasok ko sa elevator ng airport, nag-beep ang phone ko. Tiningnan ko at binasa ang mensahe.
May ibong bumulong sa akin na bumalik ka na. Lalabas tayo mamayang gabi.
Umiling ako sa text ni Seth.
Nagta-trabaho ka ba sa FBI o ano? Kakababa ko lang ng eroplano wala pang bente minutos.
Sumagot siya na may emoji ng ngisi. O kaya naman. Nangako ka na kapag bumalik ka, lalabas tayo.
Hindi ako nangako sa 'yo ng kahit ano. Naalala kong sinabi kong Baka. Dali-dali akong nag-type pabalik. Habang wala ako, hindi kami nagte-text, pero nagpapadala siya sa akin ng mga nakakatawang memes na hindi ko naman sinasagot.
Huwag kang ganyan.
Ganyan saan?
Alam mo naman ang pinagsasabi ko. Isang inuman lang naman 'yan, hindi ka naman mamamatay.
Hindi, pero baka ikaw pa.
Pinapangako ko na hindi ko dadalhin ang baril ko. Ngumiti ako sa text niya at umiling.
Okay, deal. Anong oras? Nahanap ko ang sarili ko na tinatanggap ang alok niya.
Mga 8:30, isesend ko sa 'yo 'yung address mamaya.
Isang inuman lang naman, ano bang masama?
"Late ka," si Seth naghihintay sa akin sa may pintuan ng club, nakatayo siya sa tabi ng malaking security guy o sa tawag ng club, ang bouncer. Maganda ang pagka-manage niya sa mahabang pila sa harap ng lugar. Siksikan ang pila, parang matagal na naghihintay ang ibang tao para makapasok, sa itsura ng kanilang mga mukha.
Sa tingin ko kaya kailangan ng mga lugar na katulad nito ng malalaking lalaki para kontrolin ang mga bagay-bagay dahil ang mga taong nasa likod ng pila, hindi mukhang masaya.
Nagkibit-balikat ako, "Well, New York ito, grabe ang traffic sa oras na ito." Naghintay ako sa highway ng mahigit isang oras. Wala akong ideya na ang lugar ay nasa ibang bahagi ng New York. Dahil nakatira ako sa Manhattan at nag-i-stay sa Manhattan, wala akong oras para pumunta sa Queens maliban na lang para sa trabaho. Bakit naman ako nasa Queens ngayon?
Oh, oo nga.
Seth Freaking Parker.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na dinala mo ako ng ganito kalayo. Akala ko nakatira ka sa Manhattan!" Nang basahin ko ang mensahe niya at idagdag ang address sa GPS ng kotse ko, hindi naman ganun kalayo ang itsura ng lugar pero ang katotohanan na isang oras na akong nagmamaneho ay napatunayang mali ako.
"Nakatira naman talaga ako sa Manhattan."
"Kung ganun, bakit tayo nasa Queens?" sigaw ko hindi dahil galit ako kundi dahil sa inis. Iniisip ko ngayon, napakasama ng ideya na hindi ko muna chineck ang address bago ako umalis ng bahay. Paano kung isa siyang kakatwang nilalang at susundan ko siya hanggang sa Queens.
Ngumiti siya sa akin tapos yumuko siya para tingnan ang suot ko. Naka-navy blue ako, maiksi, off-the-shoulder na damit at ang aking asul na takong. Ang tanging alahas na suot ko ay isang pares ng hikaw na perlas. Ang buhok ko ay nasa balikat ko na may ilang maluwag na kulot.
"Maganda ka."
Hindi pinansin ang tanong niya, tiningnan ko ang mahabang pila na kailangan naming salihan. "Gusto kong ipakita sa 'yo ang lugar na ito."
"Well sa itsura ng pilang 'yan, hindi ako makakapasok sa loob agad."' sagot ko na naiinis. Nagmaneho ako ng napakatagal para lang mapunta sa isang pila.
Hinawakan niya ang siko ko, "Halika." Hinila niya ako sa kanya at nagsimulang maglakad at dahil hindi ko alam kung ano pa ang gagawin, sumunod ako.
Ang Bouncer na mga 200 at ilang libra ay tumango sa kanya at binuksan ang pintuan para papasukin kami. Nagulat ako. Sa bawat club na napuntahan ko, kailangan kong maghintay sa pila. Palagi nilang pinapasok ang mga babaeng halos walang damit agad kahit kararating lang nila. Paano niya nagawang makapasok kami ng ganun kabilis?
"Paano mo ginawa 'yun?"
"May koneksyon ako." Tumaas ang kilay ko pero hindi ako nagtanong kahit na curious akong malaman ang tungkol sa kanyang mga koneksyon.
Pagpasok namin sa club, ang amoy ng pabango na hinaluan ng pawis ng katawan at maraming iba pang hindi kilalang mga pabango ay tumama sa ilong ko. Ang unang bagay na napansin ko sa club ay mga poste at plataporma na nasa paligid ng lugar.
Bumaling kay Seth tinanong ko. "Dinala mo ako sa Queens para sa isang strip club."
"Hindi naman regular na strip club ito," depensa niya.
"Oh, talaga? Kung ganun hindi nag-stri-strip ang mga babae sa mga poste na ito? Napakaganda naman siguro."
Umiling siya at tumawa, "Oo, ginagawa nila. Pero ganun din ang mga lalaki. Pumunta kami sa club na ito dahil nagtatampok ito ng parehong kasarian, naging isa ito sa pinakakilalang club sa New York City at kaya kilala rin ito bilang lugar kung saan maraming mga single na tao ang pumupunta para makihalubilo."
Umiling ako, sabi ko. "Hindi ako makapaniwala nito, hindi talaga ako makapaniwala na pinapunta mo ako rito."
"Halika na," sabi niya na hinahatak ako palalim sa club. Huminto kami sa isang bakanteng isla at umupo. "Okay, napansin ko na medyo galit ka sa mundo at ang ibig kong sabihin sa mundo ay, mga lalaki..."
Hindi ko siya hinayaang magpatuloy. "Teka muna, hindi ako galit sa mga lalaki." Umiling ako para itanggi ang kanyang pag-angkin.
"Oo, galit ka." Sigaw niya sa lakas ng tugtog.
"Hindi ako galit."
"Galit ka."
"Hindi ako galit sa mga lalaki. Galit lang ako kapag pakiramdam nila kaya lang nilang lapitan ako ng ganun."
Ayoko kapag may lalaki na iniisip na kaya niyang paikutan ang utak ko.
Hindi, hell no.
"Kaya ka naman nila lapitan. Tinatawag itong free-will."