Kabanata 16
“Kailangan ko nang pumunta sa korte, wala pang dalawang oras.”
“Ay!” tinanggal niya ‘yung kumot sa katawan niya at tumayo mula sa kama na ang gwapo-gwapo. “Sige, ihahatid na kita.”
“Hindi, hindi ako pwedeng maghintay hanggang sa makapaghanda ka.” Hindi ako pwedeng ma-late sa kaso ni G. Benjamin. Sobrang importante nito.
“Ano na lang gagawin mo?” tanong niya habang nakataas ‘yung mga kamay niya.
“Lalakarin ko na lang, limang minuto lang naman mula rito. Sampu kung lalakad ka.”
Umiling siya. “Hindi kita hahayaang maglakad pauwi. Lalo na ‘yung suot mo na itim na damit.”
“Tatawag na lang ako ng taxi.” Wala naman talaga, ang kailangan ko gawin ngayon ay lumayas na kay Seth na kinakabaliwan ko.
“Hindi,” lumapit siya sa akin, nakatayo sa harap ko, nakahubad pa rin. Inabot niya ako at hinawakan niya ‘yung mukha ko sa kanyang mga kamay. “Hindi naman ako magtatagal. Kailangan ko rin pumunta sa trabaho, wala pang dalawang oras. Huwag ka nang mag-inarte pa sa akin.” Sumandal siya at hinalikan ako sa pisngi, tapos lumabas na siya ng kwarto.
Nagpasya akong hintayin siya, lumabas ako ng kwarto papunta sa sala kung saan ‘yung damit ko nakatambak lang. Sinoot ko ‘yung damit ko. Tumingin ako sa kusina at nagdesisyon ako na gumawa na lang ng agahan.
Binuksan ko ‘yung ref niya na kulay pilak at tiningnan ko ‘yung laman. Para sa isang binata, ang dami niyang pagkain. Mayroon siyang sapat na sangkap na pagpipilian kaya nagdesisyon akong gumawa ng omelette. Kumuha ako ng apat na itlog, keso, sausage, sibuyas at kalabaw. Hinanap ko ‘yung mga kabinet hanggang sa mahanap ko ‘yung kawali at ‘yung tinapay na trigo.
Nilalagay ko ‘yung mga sangkap sa isang mangkok nang may narinig akong meow. Tumingin ako at nakita ko ‘yung pusang dilaw na gumawa ng ingay.
Natuwa agad ako. Sigurado si Butter ito.
“Hello, Butter.” Lumapit sa akin si Butter at nagumpisa ng magpagiling-giling dito.
Dahil wala akong sapatos, nakakakiliti.
Kinuha ko ‘yung langis ng gulay at binuhos ko ito sa kaldero. Lumipat ako sa kabilang kaldero na may tsaa. Naamoy ko ‘yung amoy ng peppermint na nakabitin sa kusina.
Nawala na naman ‘yung pusa, iniwan akong malungkot kasi gusto ko ‘yung kasama niya.
Hinayag kong inilagay ‘yung pinagsama-sama ko sa kaldero para iprito.
“Ano ‘yung mabango?”
Lumingon ako para tingnan si Seth. Naka-suit siya, walang jacket, ‘yung buhok niya hindi na gulo kundi maayos na sinuklayan. Ang gwapo-gwapo niya talaga.
“Dahil nagpasya kang tumira sa shower, nagdesisyon akong magluto ng agahan. Pwede natin itong kainin habang papunta tayo sa apartment ko.” Bumalik ako sa kaldero ko. Lumipat siya kung saan ko binuksan ‘yung isa sa mga kabinet. Kinuha niya ‘yung supot ng pagkain ng pusa at umalis.
Napairap ako at kinuha ko ‘yung panghalo para iturn ‘yung omelette. Noong malapit nang matapos, sinabuyan ko ng keso ‘yung ibabaw. Wala nang mas hihigit pa sa omelette na may keso.
Pinatay ko ‘yung kalan. Lumingon ako at tinignan ko si Seth na nasa paligid ng isla habang may hawak na cellphone. “Mayroon ka bang termus na pwede kong lagyan ‘yung tsaa?”
Itinaas niya ‘yung ulo niya mula sa cellphone niya. “Oo tingnan mo ‘yung pinaka-ilalim na kabinet.” Itinuro niya.
“Salamat, at paano naman ‘yung mga lalagyan para sa omelette?”
“Parehong kabinet.”
Natapos ko nang ilagay ‘yung tsaa sa termus at ‘yung omelette sa isang plato, tapos sa isang maliit na lunch bag. Pwede naming pagsaluhan habang hinahatid niya ako pauwi dahil wala akong oras bago ‘yung pagdinig ko sa korte.
Pumunta ako sa lababo para magsimula ng maghugas pero pinigilan ako ng kamay ni Seth. Tumingin ako sa kanya, hindi ko man lang narinig kung kailan siya tumayo.
“Huwag na. Alas otso na. Ayokong ma-late ka sa trabaho. Pwede nating iwanan ‘yan. Hihilingin ko sa tagapaglinis na siya na lang ang maghugas para sa akin.”
“Sigurado ka?” Hindi ko naman talaga gusto ang magluto tapos hindi maghuhugas. Ayoko ‘yung iniiwan kong madumi ‘yung apartment ko.
Tumango siya, “Oo, darating na rin siya. Huwag kang mag-alala.”
Itinaas niya ‘yung lunch bag at hinila niya ako palabas ng kusina kasama niya.
“Hawakan mo muna ‘yung jacket ko, please.” Sabi niya habang tinuturo ‘yung jacket na nakalagay sa gilid ng sofa.
Kinuha ko agad dahil hinihila niya pa rin ako papunta sa pintuan.
“Huwag mong isuot ‘yung takong, isuot mo ‘yung Nike slippers ko at hawakan mo na lang ‘yung takong sa mga kamay mo.” Ginawa ko ‘yung sinabi niya, inilagay ko ‘yung maliliit kong paa sa malalaki niyang slippers. Ang weird tingnan, pero hindi ko na lang pinansin.
Kumuha ako ng sunod na piraso ng omelette at inilagay ko ito sa bibig ko. Ang sarap talaga. Tumingin ako kay Seth na ang atensyon ay nasa trapiko sa harapan. Hawak niya ‘yung termus sa kanyang mga kamay at dinadala ‘yung tsaa sa ulo niya.
Lumingon ako at iniabot niya sa akin ‘yung tsaa. Kinuha ko sa kanya at kinuha niya ‘yung plato at inilagay sa kanyang mga hita. Pinanood ko habang kumagat siya sa unang kagat niya. Ang galing niya talaga. Hindi ko alam kung anong mali sa akin pero mayroon lang talaga, sa panonood sa kanya habang kumakain.
Noong natapos siya ginamit niya ‘yung isa sa mga punas mula sa glove compartment para punasan ‘yung mukha niya. Binigyan niya ako ng isa at ginawa ko rin.
“Salamat sa agahan. Matagal-tagal na rin nang nakakakain ako ng lutong bahay.” Ang pasasalamat ang huling bagay na ine-expect ko sa kanya, pero ngumiti ako.
“Walang anuman.” Tumingin ako sa harapan sa trapiko na nagsimula nang gumalaw. “Marami ka ngang produkto sa pagluluto para sa isang binata.”
“Gusto kong magluto.”
“Talaga, ang galing.” Kung mayroon akong checklist, ang lalaking marunong magluto siguro nasa tuktok ng listahan.
“Pero minsan, wala akong oras. Sinusubukan ko pa rin sanayin ‘yung sarili ko sa bago kong trabaho.” Tumango ako at naintindihan ko ‘yung ibig niyang sabihin. Ang mundo ng negosyo sa New York ay hindi madali kaya maiisip ko kung ano ‘yung pinagdadaanan niya.