Kabanata 50
“Perfecto!” Lumingon siya at nagsimulang maghanap ng kanyang remote. “Btw, magsstay ka ba dito ngayong gabi?”
“Oo naman, balak ko ngang maglasing ngayong gabi. Kung may pupuntang maghahanap sayo, sabihin mo busy ka.”
“Hindi mahal ko, ikaw lang.”
Ngumiti ako sa kanyang mga sinabi.
Siguro hindi naman pala masama ang maglasing at kumain ng potato chips.
Gising ako sa malakas na katok sa pintuan ng aking apartment. Lumingon ako para tignan ang alarm clock sa aking bedside table. 2:17 am ang nakalagay. Sino naman ang lakas ng loob na pumunta sa bahay ng isang tao nang ganitong oras?
Ipinikit ko ang aking mga mata na umaasang titigil ang katok, pero hindi.
Kahit sino man ‘yun, mapapahamak ako sa apartment supervisor bukas.
“Andito na!” sigaw ko nang malakas na kaya ko. Dahan-dahan kong itinulak ang aking sarili mula sa kama. Binalot ko ang isang lubid na nakalagay sa isang upuan sa aking katawan at nagsimulang maglakad patungo sa pinto.
Pagkabukas ng pinto at nakita ko kung sino, napairap ako, bakit ba hindi ako nagulat man lang?
Kasi ginawa na ‘to ni Iris ng mga isang daang beses na, siguro umaasa akong iba naman ang pupunta ngayon.
Tinulak niya ako, “Natutulog ka ba?”
Napairap ako at sinara ang pinto. Alam na alam niya na natutulog ako.
“Sayang.” Lumapit si Rojo sa kanya at kumapit sa kanyang paa. “Uy, Rojo. Pasensya na kung nagising kita at ang iyong little one pero ang nanay mo ay naging mean lil bitch sa future cousin in law ko.” Umupo si Iris sa sofa pagkatapos ay hinimas ang ulo ni Rojo.
Ngumitngit si Rojo pagkatapos ay bumalik sa kanyang kama.
Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa single sofa at umupo. “Sasabihin mo ba sa akin kung bakit ka nandito o iinsultuhin mo lang ako sa harap ng aking mga aso?”
“Mahal din kita best friend, Masaya akong makita ka, kamusta ka na?” Tumagos sa hangin ang kanyang sarkastikong tono.
Napairap na naman ako. Hindi ako at hindi kailanman magiging tipo ng taong gustong gumising sa kalagitnaan ng gabi. Hindi talaga ‘yun ang trip ko o ng kahit sino pa man.
“Masaya akong makita ka. Kamusta ka na? Ngayon pwede mo na ba sabihin sa akin kung bakit ka nandito alas dos ng madaling araw?”
“Oh, oo. Nandito ako dahil may ibong nagsabi sa akin na nakipaghiwalay ka kay Seth na ang gwapo-gwapong Parker.”
Napairap ako, talagang sinabi niya ‘yun? “Narinig ka na ba ni Brandon na tinawag mo ang pinsan niya na gwapo?”
Nagkibit-balikat siya, “Hindi naman ako nagsisinungaling. Ngayon sabihin mo kay Mama kung ano ang nangyari?”
Bumuntong hininga ako, “Simple lang. Hindi talaga kami pwede, abogado ako at siya ay DA.”
“Bullshit! Narinig ko na si Gideon ang nagsabi sayo na makipaghiwalay ka. Kapag nakita ko ulit ang matandang hukluban na ‘yun.” Sabi niya na nakasimangot.
“Huwag mo siyang tawaging ganoon. Mabuting tao siya.”
“Ang mabuting tao ay hindi nagsasabi sa isang babae na makipaghiwalay sa isang lalaki na nagpapasaya sa kanya.” Tumingin siya sa aking mga mata at binigyan ako ng malungkot na ngiti. “Pinapasaya ka ni Seth. Pinapasaya mo siya. Oo, nasa magkaibang panig kayo ng korte pero hindi ibig sabihin na kailangan mong hayaan na makialam ang negosyo sa kasiyahan at kaligayahan.”
Bumuntong hininga ako, “Komplikado.”
“Paano naging komplikado?” tanong niya.
“Maraming paraan.”
Umiling si Iris, “Naaalala mo noong huli kayong naghiwalay, pareho kayong miserable at galit, katulad ngayon. Hindi kita mapapapunta kahit saan dahil natatakot kang makita siya at hindi naman siya sasama sa amin dahil sa tingin niya kasama mo kami. Ngayon nakatali ako kay Brandon, hindi naman sa ayaw ko pero gusto ko ang best friend ko kasama ko kapag pumupunta ako sa mga club. Kakagaling ko lang sa isang club ngayon at alam mo kung ano ang ginawa ko buong oras doon? Uminom ako ng apple vodka habang nakikinig kina Brandon at isa sa kanyang mga kaibigan na nag-uusap tungkol sa negosyo. Hindi talaga nakakatuwa. Sa tingin ko nakainom ako ng medyo marami.”
Alam kong marami siyang ininom ngayong gabi. Pumupunta lang siya at kumakatok sa aking pintuan sa kalagitnaan ng gabi kapag lasing siya.
“Nasaan si Brandon?”
“Oh, umalis siya kasama ang Uber guy. Nakikita mo ba kung bakit sobrang lakas ng katok ko? Wala akong ibang mapupuntahan.” Naghikab siya at inunat ang kanyang mga kamay, “Pagod ako.”
Humikab ako kasunod niya, “Pagod din ako. Kailangan kong pumunta sa korte bukas. Kaya nakikita mo kung bakit kailangan ko ang aking tulog?”
Umiling siya. “Gaano na katagal ang nakalipas simula noong huli mo siyang nakita?”
“Siyam na araw.”
Tumawa si Iris, “Binibilang mo ang mga araw.”
“Hindi, hindi ko binibilang.” Pagsisinungaling ko. Binibilang ko ang mga araw. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ko siya namimiss ng sobra. Bumalik lang ang lalaki sa buhay ko dalawang minuto pa lang ang nakalipas at ngayon hindi ko na siya maalis sa aking isipan.
“Nagsisinungaling ka lil..” dumighay siya at pagkatapos ay tumawa. Napakunot ang aking noo, nagsisimula nang tumama ang alak.
“Bakit ka iniwan ni Brandon dito?”
“Oh..” tumigil siya para mag-isip, “Sinabi ko sa kanya na gusto kong igugol ang aking gabi kasama ang aking bestest friend sa buong mundo at sa tingin ko hindi niya kaya ang hang over sa akin.”
“Walang kayang hang over sa iyo, Iris.” Tumawa siya pagkatapos ay humikab. “Inaantok ako.” Inangat niya ang kanyang paa at inilagay sa rest ng sofa.
Tumayo ako mula sa aking sofa at pumunta sa kanya, “Tara, dalhin na kita sa kwarto.”
“Ang kwarto.” Tumawa ulit siya.
Umiling ako at ngumiti, “Alam mo? Ayoko talaga na magising na sinusuka mo ako, guestroom ka.” Hinila ko siya mula sa sofa at hinila siya papunta sa mga kuwarto.