Kabanata 55
Tumingin si Aaron sa likod ko at tumango. "Oo, naalala ko siya."
Ngumiti ako. "At bakit mo nga naalala?"
"Binigyan niya ako ng malaking tip."
Tumango ako. "Isang huling tanong, anong oras mo ini-deliver yung pizza?"
"Bandang alas nuwebe yata."
Tumango ako, naglakad ako papunta sa desk ko at kinuha yung papel na magiging pundasyon ng kasong ito. Lumapit ako sa mga hurado at itinaas yung papel. "Sino ang makakapagsabi sa akin kung ano ito?"
Isa sa mga hurado nagtaas ng kamay, "Resibo po."
Tumango ako at ngumiti. "Tama nga."
"Ms. Kari, dalhin mo sa akin iyan," sabi ni Hukom Brown.
Lumapit ako sa kanya at inilagay yung resibo sa harap niya.
Tumango siya, "Pwede ka nang magpatuloy."
"Mga Ginang at Ginuo ng hukuman, babasahin ko sa inyo kung ano ang nakalagay sa resibo," huminga ako ng malalim tapos nagpatuloy, "Isang malaking Pepperoni Pizza na may Pineapple topping at extra cheese. Petsa, Miyerkules, Hunyo 6, 2018, alas 9:53 ng gabi."
Lumapit ako kay Aaron na nakaupo pa rin nang matiyaga sa stand, "Isang huling tanong para sa'yo, Kailan na-print ang resibo?"
"Well, ginamit ni G. Benjamin yung debit card niya kaya na-print siya pagkatapos ko siyang bigyan ng pizza."
"At binigyan ka niya ng cash para sa tip, tama?"
"Oo, nilabas niya sa wallet niya kasabay ng paglabas niya ng debit card niya."
Tumango ako. Sinisigurado ko na sakop ko lahat ng aspeto. Hindi ko kayang hayaan na tanungin ni Seth ang saksi ko, lalo na pagkatapos nung nangyari kay Grace.
"Salamat, Aaron. Wala na akong tanong."
"Gusto ba ng prosekusyon na magtanong?"
"Hindi po, Kamahalan," sagot ni Seth.
Nagkaroon ako ng pagnanais na ngumiti pero hindi ko ginawa.
"May iba pa bang saksi ang depensa na tatawagin?"
"Opo, Kamahalan. Gusto ng depensa na tawagin si Grace Benjamin sa stand."
Nang nakaupo na si Grace nagsimula ako, "May isa lang akong tanong sa inyo. Bakit mag-isa lang si G. Benjamin nung gabi ng pagkamatay ni Harrison Samuels?"
"Lumabas ako ng bayan para sa isang kumperensya at dapat sana alas nuwebe ako babalik pero na-cancel ang flight ko kaya hindi na kailangang sunduin ako ni Benjamin ng alas nuwebe, mag-isa lang siya sa bahay."
"Salamat, wala na akong tanong."
"Gusto ba ng prosekusyon na magtanong?"
"Hindi po, Kamahalan."
Kontento ako na walang masasabi ang prosekusyon sa usaping ito. Parang narealize nila na matatalo sila.
"May iba pa bang saksi ang depensa na tatawagin?"
"Opo, Kamahalan. Gusto ng depensa na tawagin si Mariam Samuels sa stand." Sa normal na kaso, hindi na sana pupunta ulit ang isang saksi sa stand pero kung tinanong ko si Mariam ng mga tanong na gusto kong itanong sa kanya, malamang nasira na yung kaso na pinuyatan ko para lang gawin.
Pumasok si Mariam sa silid-hukuman sa ikalawang pagkakataon at binasa ulit sa kanya ang kanyang mga karapatan. Lumapit ako sa aking portpolyo at naglabas ng ilang mga files mula rito. "Ms. Samuels, saan ka noong gabi ng pagkamatay ng iyong asawa?"
"Nasa bahay lang ako. Tinanong na ako ng mga pulis tungkol diyan."
"At tinatanong ko ulit. May alibi ka ba?"
Tumango siya, "Oo, yung kaibigan kong si Carmen."
"At kasama mo ba si Carmen sa kotse noong nagmamadali kayo sa freeway?"
"Pardon?"
Binuksan ko yung folder na hawak ko at inilagay sa harap niya. "Ito ang mga larawan ng kotse mo na nagmamadali sa freeway ng 10:15. Sa tingin ko sa larawan, ikaw lang ang nasa loob ng kotse maliban na lang kung nasa likod si Carmen at duda ako diyan. Huwag nating kalimutan na ang freeway ay pareho ding papunta sa daungan. Alam mo ba kung ano ang kakaiba? Ang oras ng pagkamatay ng iyong asawa ay 10:09 ng gabi?"
"Pagkontra!" sa wakas ay sumigaw si Seth.
"Sustained."
Medyo natawa ako, "Alam mo kung ano ang mas kakaiba?" Kinuha ko yung mga litrato mula sa harap niya at lumapit sa hurado dala-dala ang mga ito. "Kung titingnan niyo sa likod ng larawan makikita niyo ang mga larawan ng parehong kotse ng 10:29. Ng 10:29, dumaan ang kotse mo sa bahay ni G. Beta? Sino si G. Beta? Well, siya yung kapitbahay ni G. Benjamin na nagkabit ng mga security camera sa kanyang ari-arian dahil may mga high school students na naninira ng kanyang mga sasakyan. At alam mo kung ano ang pinakakakaiba?" Lumingon ako para tumingin sa mga berdeng mata ni Mariam. "Dumaan ang kotse mo sa bahay ni G. Beta ng 10:33 na ibig sabihin tumagal ka ng mga tatlumpung minuto para hanapin ang perpektong taguan ng armas na ginamit mo para patayin ang iyong asawa. Ngayon ang tunay na tanong ay pinakawalan mo ba talaga? Kanina sinabi mong hindi mo kayang pakawalan, Harrison, dahil mahal na mahal mo siya. Iyon ba ang dahilan kung bakit mo sinaksak ng kutsilyo sa dibdib niya, hindi minsan, hindi dalawang beses kundi tatlong beses."
"Ms. Kari," nagbabala si Hukom Brown.
Tumingin ako kay Mariam na naghihintay na itanggi niya ang lahat ng aking mga paratang pero yumuko siya at tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi na niya ako mahal. Mahal niya yung puta na yun! Pinili niya siya pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa kanya, gusto niya siya."
"At iyon ba ang dahilan kung bakit mo siya pinatay dahil kung hindi mo siya pwedeng makuha, walang ibang makakakuha."
"Tama," natawa siya. "Ang magmahal ay malupit, lalo na kung hindi ka nila mahal pabalik."
Tumatak sa akin ang kanyang mga salita pero hindi sagot ang pagpatay.
Lalo na kung mahal mo sila.
Hayaan mo na lang silang umalis.
Tumingin ako sa sarili ko sa salamin at pinilit na ngumiti.
Kaya mo 'to, Kari.
Kailangan mo.
Ito ang sorpresa na engagement party ng best friend mo. Ayusin mo sarili mo. Maging masaya at kung hindi mo kaya, magpanggap ka.
Si Iris ay best friend ko na sa loob ng maraming taon, ngayong gabi ay sa kanya. Pagkatapos niyang iwasan ang kasal sa matagal na panahon, nararapat na magkaroon ang mag-asawa na ito ng magandang gabi nang hindi ako nakakaramdam ng awa sa sarili.
Hindi ko kayang hayaan na makita ng sinuman kung gaano ako kalungkot, ni yung dahilan ng aking kalungkutan.