Kabanata 49
Tumulo ulit ang luha ko, “Gusto rin kita.” Umamin ako. Siya lang 'yung taong inaminan ko ng nararamdaman ko at hindi pa nga maganda 'yung sitwasyon. Wakas 'to ng pagkakaibigan at relasyon, hindi simula.
“Pero?” naghintay siya.
“Pero mahal ko 'yung trabaho ko, Seth. Alam mo ba kung gaano kahirap para sa mga bente-anyos na maging partner sa isang law firm? Kaka-partner ko lang, hindi ko pwedeng mawala 'yung trabaho ko dahil nagkaroon ako ng nararamdaman sa isang prosecutor. Please, intindihin mo ako.”
“Hindi ko maintindihan, Kari. Hindi ko kaya.”
“Parehas na doktor 'yung mga magulang ko. Gusto nila mag-med school ako imbes na maging abogado, gaya ng tito Gideon ko. Nadismaya sila. Hindi ko pwedeng biguin 'yung tito ko. Ang dami niyang ine-expect sa akin.”
Tumingin siya sa mga mata kong kayumanggi, mas madilim ng konti 'yung mga mata niyang berde kesa kanina no'ng dumating siya. “Ano'ng ine-expect mo sa sarili mo? Bago mo paligayahin 'yung iba, dapat paligayahin mo muna 'yung sarili mo. Sabihin mo sa akin na hindi ka masaya kapag magkasama tayo?” Bakit niya ako tinatanong ng gan'ong tanong lalo na't alam naman niya 'yung sagot?
“Hindi ko kayang sagutin 'yan.” Kung gagawin ko 'yun, matatalo ako sa giyera na 'to. Hindi niya pwedeng malaman kung gaano niya ako pinapasaya dahil lalabanan niya ako. Ayoko lumaban, gusto ko lang manalo. Gusto ko, iwan niya ako sa trabaho ko.
“Kasi alam mong napapasaya natin 'yung isa't isa.” Hindi 'Ako ang nagpapasaya sa'yo,' sabi niya, TAYO ang nagpapasaya sa isa't isa. Dalawang daan 'yun.
Hindi ko na kaya, “Lumayas ka na.”
Bumuntong-hininga siya at umiling. “Kapag nagising ka na sa katotohanan, hihintayin kita. May number mo ako. Alam mo kung saan ako nakatira.”
Hinalikan niya ang noo ko tapos naglakad siya papunta sa pinto ko nang hindi lumilingon.
No'ng nakasara na 'yung pinto. Parang gusto kong umiyak, kaya nag-umpisa na ako. Naglakad ako papunta sa couch ko at humiga doon. Pagkatapos ng ilang minuto na pag-iyak, lumapit si Rojo sa paanan ng couch at tumahol. Sinisinghot ko 'yung sipon ko tapos kinuha ko siya at nilagay sa dibdib ko. Hinimas ko siya tapos umiyak pa ako lalo.
Isa 'to sa mga dahilan kung bakit mahal ko ang mga hayop.
Palagi silang nandiyan para aliwin ka kapag kailangan mo sila.
“Hindi ka talaga sasama sa amin mamayang gabi?” pangungulit ni Iris sa speaker.
“Wala ako sa mood, Iris.” Lalo na't kapag lumabas kasama si Iris at Brandon, ibig sabihin makikita ko rin 'yung isang tao.
“Hmm… Nagse-sense 'yung best friend detector ko ng isang bagay. Anong problema, honey?” Bumaba 'yung boses niya sa pag-aalala.
Umiling ako, “Wala. Okay lang ako.” Okay lang ako.
Paano ba ako magkakaroon ng feelings sa isang tao nang ganito kabilis? Bakit ba ang sakit-sakit?
“Hmm… May kinalaman ba 'tong estado mo sa isang partikular na blond na abogado?” May kinalaman 'yun sa kanya. Kung lalabas ako ngayong gabi, makikita ko siya at kung nakita ko siya, Diyos lang ang nakakaalam kung ano'ng mangyayari.
“Ang dami ko lang talagang trabaho, hindi naman lahat tungkol sa lalaki.” Hindi ko sinadyang maging bastos, pero hindi ko kailangan ipaliwanag kung bakit ayoko lumabas ngayong gabi. Best friend ko siya kaya sa huli, maiintindihan niya na 'yung problema, pero sa ngayon gusto kong mapag-isa.
“Okay, Missy. Magkikita tayo agad. Be a good girl.” Naririnig ko 'yung konting galit sa boses niya no'ng nagsasalita siya, pero dahil kilala ko si Iris, makakalimutan niya rin 'to bukas. No'ng ibinaba niya 'yung telepono, tumingin ulit ako sa Tv screen ko. Siguro ang panonood kina Klaus at Caroline na nag-aaway ay magpapagaan ng pakiramdam ko. At least alam nila kung paano pamahalaan ang emosyon nila. Alam ni Caroline na ayaw niya kay Klaus kaya madali na lang lumayo sa kanya. Hindi ko naman kinamumuhian si Seth. Gusto ko siya, sobra, pero mahal ko 'yung trabaho ko.
Bumuntong-hininga ako at pinatay 'yung Tv, siguro ang panonood ng love story ng isang hybrid at bampira ay hindi magpapagaan ng pakiramdam ko kaysa sa nararamdaman ko sa ngayon.
Tumayo ako mula sa couch. Tama si Iris, siguro hindi magandang ideya na manatili sa bahay tuwing Sabado ng gabi lalo na't hindi mo mapigilang isipin 'yung taong sinaktan mo.
Kinuha ko 'yung cellphone ko tapos dinial ko 'yung isang taong alam kong available tuwing Sabado ng gabi. “Nandiyan ka ba sa bahay?”
Tumawa siya, “Pa'no ako pupunta sa ibang lugar?”
Tumawa ako sa mga sinabi niya tapos nag-seryoso, “Puwede ba akong pumunta diyan?”
“Laging bukas ang pinto ko para sa magandang babaeng nagligtas sa buhay ko.” Napairap ako sa mga sinabi ni Nigel. Hindi ko niligtas 'yung buhay niya. Hindi naman siya inosenteng tao na hindi dapat nakakulong at kung ikukumpara sa mga bagay na tinulungan niya ako, parang ganti lang 'yung ginawa niya sa akin.
“Pupunta ako diyan in twenty.” Pinatay ko 'yung tawag. Pumunta ako sa closet ko tapos kumuha ng sweater tapos pumunta sa liquor cabinet ko at kinuha 'yung bote ng vodka na iniipon ko. Kinuha ko 'yung susi ko tapos sinarado ko 'yung pinto sa likod ko.
Kung hindi mo kayang iyakan 'yung sakit, iinumin mo na lang.
Pagkapasok ko sa studio apartment, itinaas ko 'yung mga kamay ko na pinapakita 'yung bote ng vodka at isang malaking jumbo bag ng chips.
Malaking ngiti ang nakikita sa mukha ni Nigel. “Binabasa mo ba 'yung isip ko?”
“Ikaw ang professional hacker, sabihin mo sa akin, na-hack ko ba 'yung utak mo?”
“Hindi, alam mo lang na nagkaroon tayo ng pangit na linggo.” Lumapit sa akin si Nigel at kinuha 'yung potato chips sa mga kamay ko. “Anong pelikula?”
“Hindi ko alam. Komedya o Thriller. Definitely walang Romance. No romance zone 'to.” Hindi ko kailangan ng anumang iniisip na papasok sa utak ko.
“The terminator.” Suggest niya.
“Hindi, may romance 'yun at luma na.”
“Bird Box?”
Hinimas ko 'yung baba ko. “Hindi ko pa napapanood 'yun. Hindi ko pa nga napapanood 'yung trailer, pero base sa mga memes na nag-si-circulate, hindi ko iniisip na may romance doon.”