Kabanata 19
SA MGA KAMAY NA GINIGINAWAN
Umikot na naman 'yung hawakan, na parang walang kahirap-hirap buksan 'yung pinto. Naghintay sila na nakahinga nang mabagal, 'yung bilis ng tibok ng puso nila tumaas sa karaniwan dahil sa sobrang kaba. Ang tanging gusto na lang nila sa puntong 'yon ay sana may kapangyarihan sila na mawala o hindi makita sa paparating na panganib na sasabog sa harap ng kanilang mga mata.
Biglang, may narinig silang boses na tinawag 'yung pangalan ni Kler mula sa likod ng pinto, kaya biglang tumigil 'yung pag-ikot ng hawakan.
"Kler," sabi ng boses ulit habang lumalapit nang kaunti sa pinto. "Gusto ka makita ni Gng. Park sa staff room," dagdag pa ng boses.
"Talaga?" Nagduda 'yung boses ni Kler. "Sinabi ba niya kung bakit?" Narinig nila kung paano tinanong niya 'yung kung sino man 'yung nagbalita sa kanila habang lumalayo 'yung boses nila mula sa pinto, papunta sa common room ng mga staff. Nag-relief sila agad, "Buti na lang," komento ni Roksi. "Mabuti pang umalis na tayo bago tayo makita ng kahit sino. Bata pa ako para masayang 'yung dalawang taon ko sa kulungan."
"At sino 'yung may gusto nun," sagot ni Tina sa mahinang bulong habang mabilis niyang iniikot 'yung susi, nilalock 'yung pinto kung saan nila kinulong si Pidelia. Sa kanilang tatlo, si Bela ang pinakamasama ang itsura. Mukha siyang natakot at nag-iisip. Nakatayo doon na nagugulat at ligaw ang isip. "Pinatay natin siya. Pinatay natin siya. Pinatay natin siya." Ito lang 'yung mga salita na paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya. Pero 'di napansin ni Roksi at Tina kung ano 'yung nangyayari sa kanya.
"Tara na," sabi ni Tina at naglakad sila papunta sa pinto, akmang bubuksan na sana. Noon nila napansin na nakatayo pa rin si Bela. "Bela?" Mahinang bulong ni Roksi pero parang wala siya sa sarili. 'Yung pakiramdam ng pagkakasala na kinukuha 'yung isip niya.
Nagmumura si Tina, bumalik siya kung saan nakatayo si Bela. "Hoy Bel–" Hinawakan niya 'yung balikat niya, niyuyugyog siya para bumalik sa realidad. Si Bela na ngayon ay mulat na, nakatingin lang sa mukha ni Tina. "Anong ginagawa mo Bell? Kailangan na natin umalis ngayon," dagdag pa ni Tina.
"Pinatay natin siya Tina," bulong niya. "T–talagang pinatay natin siya." Paulit-ulit niyang sinasabi. 'Di maintindihan ni Tina kung ano'ng nangyayari sa kanya at 'yung biglang pagbabago. "Halika na Bell, kumalma ka," sagot niya nang may bahagyang mataas na boses, pinatahimik siya. "Alam ko naman 'di ito 'yung plano natin," sinubukan niyang pakalmahin siya. "Pero nagawa na 'yung masama at kailangan na talaga nating umalis dito kung gusto natin maghanap ng paraan para malagpasan 'yung gulo," paliwanag ni Tina.
Nagsisisi pa rin si Bela pero, isang bagay 'yung totoo. Kailangan na talaga nilang umalis dito. Tumango siya. "Okay." Buntong hininga ni Tina, "Tara na, umalis na tayo dito," Hinawakan niya 'yung kamay ni Bela, hinihila siya papunta sa pinto at lumabas na sila sa banyo.
AUSTRALIA
Medyo hectic na 'yung umaga dahil sa may mga hindi pa tapos na proyekto. Naglakad si Pidel kasama 'yung mga kaibigan niya, nag-uusap nang may kasiyahan habang papunta sila sa library. May isa pa silang group work na kailangan tapusin bago 'yung klase ni Gng. Oliver Ross, 'yung guro nila sa Literature.
Habang naglalakad sila papasa sa science laboratory, naramdaman ni Pidel 'yung matalim na sakit sa puso niya, "Ah–" mahinang huminga siya. "Anong nangyayari?" Nagsungit siya sa sarili niya dahil kakaiba 'yung naramdaman niya pero pagkatapos, nagkibit-balikat siya, iniisip niya na dahil sa pagod.
Si Rio, 'yung best friend niya, ay magtatanong sana sa kanya tungkol sa proyekto pero napansin niya 'yung biglang pamumutla ng mukha niya. "Hoy, okay ka lang ba?" Tanong niya.
"Oo, siguro?" Sagot niya pero bago pa siya makatapak, may naramdaman siya na kakaiba at hindi pamilyar na parang may puting ilaw na biglang umalis sa katawan niya. Bigla siyang nanghina at nagdilim 'yung paningin niya. Bago pa malaman ng mga kaibigan niya kung ano 'yung nangyayari, natumba si Pidel sa sahig. "Pidel?" Sabi nila na nagpa-panic habang nakaluhod sila sa kanya. "Anong nangyari sa'yo," niyugyog siya ni Rio para gisingin pero wala nangyari.
"Tama na Rio," pinigilan siya ni Kora. "Dalhin na lang natin siya sa infirmary. Pwede mo naman itanong 'yung mga tanong mo kapag nagkamalay na siya."
"Tama ka." Tumayo siya. Sa tulong ni Luna at Kora, dinala nila siya sa infirmary.
*******
Si Rowan na naghihintay kay Pidelia at Kler, paulit-ulit na tumitingin sa daanan na naghihintay. Malapit na niyang matapos 'yung pagkain niya pero parehong 'di pa bumabalik si Pidelia at Kler. Patuloy niyang iniisip kung ano 'yung pwedeng nangyari pero walang nakitang sagot. Wala na siyang ibang pwedeng gawin kundi maghintay.
Sa oras na 'yun, nakita niya si Kler na lumalapit. "Nasaan si Delia?" Nagdududang tanong niya, nakatingin sa likod ni Kler habang lumalapit siya.
"'Di pa rin siya bumabalik?" Tanong niya, nagulat. Sa oras na 'yun, tumunog 'yung bell. "Okay lang," sabi ni Rowan, tumayo siya. "Iiponin ko na lang 'to para sa kanya. Mauna ka na muna sa klase."
"Sige, mauna na ako," kinuha niya 'yung bag niya at nagmadali. "Tulungan mo ako pagsabihan siya kapag nakita mo na siya," sigaw niya habang lumalabas siya sa cafeteria, dumaan sa grupo ng mga estudyante na nag-aayos na para sa mga klase nila.
Tumawa si Rowan, bahagyang napailing at tumayo. Mabilis niyang inayos 'yung pagkain ni Pidelia, kasama 'yung brown na sobre na binigay niya kanina at nagmadali para makapunta sa klase bago 'yung guro nila.
Pagkatapos ng 10 minuto, naglakad siya papasok sa klase. Pumunta siya sa desk niya at nagulat siya, wala si Pidelia at wala rin 'yung bag niya. Luminga-linga siya sa klase pero wala siya kahit saan. Tumingin siya sa katabi niya na may desk sa tapat nila. "Penelope?" Tinawag niya at tiningnan siya mula sa binabasa niyang libro. "Nakita mo ba si Pidelia kahit saan?" Tanong niya.
"Hindi, wala. Nakita ko lang kayo na umalis magkasama at 'di ko na siya nakita simula noon," sagot niya at nagbalik ulit 'yung tingin niya sa ginagawa niya. Sa oras na 'yun, 'di na maintindihan ni Rowan kung ano 'yung nangyayari. "Nasaan na kaya siya?" Bulong niya sa sarili niya.
Sa oras na 'yun, pumasok 'yung guro nila. "Okay, lahat, maupo na tayo," anunsyo niya. 'Di pa natatagal na sinabi niya 'to, pumasok din si Tina at 'yung mga kaibigan niya sa klase. Nagtinginan agad ang mga mata ni Rowan sa kanila. Doon niya napansin na may kakaiba sa kanila. "Bakit parang problemado 'yung itsura ni Tina at 'yung mga kaibigan niya?" Bulong niya sa sarili niya. "O ako lang?" Nakatingin siya sa kanila nang nag-iisip habang naglalakad sila papunta sa mga desk nila at umupo na sila.
"Pwede kayang sila....." Patuloy niya pero 'yung boses ng guro nila ang pumutol sa iniisip niya.